HINDI makapaniwalang nakatingin ang dalaga sa lalaki na mukang ikinatauhan din nito. Bigla nalamang namula ang tenga nito at nag-iwas sa kaniya ng tingin. “H’wag kang mag-alala dahil dito ako sa sala’s matutulog!” mabilis na sabi ng lalaki at naunang maglakad sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung di ang sumunod dito. Binuksan nito ang nag-iisang pinto sa may parte papunta kusina at binuhay ang ilaw. Mayroong isang papag na siguradong pang isang tao lamang, mayroon na ding isang unan at kumot ang nasa ibabaw. Mayroong isang bintana na gawa lamang sa kahoy at tinutungkuran ng kahoy kapag binubuksan, kasing laki ito ng isang malaking kahon. Mayroon ding lamesa na maliit sa tabi ng higaan at mayroong mga libro sa ibabaw. “Pasensya kana sa libro, mahilig kasi akong magbasa kapag walang ginagawa.” Napatingin siya sa lalaki at umiling dito. Naglakad ito papunta sa higaan at ibinaba ang bag niya doon. “Ito na ang iyong magiging higaan. Wag kang mag-alala saakin dahil sanay ako sa ganoon,
Read more