PAGKABALIK niya galing sa pagpapalit ng damit ay agad niya itong pinainom ng gamot at paulit-ulit na pinahidan ng bimpo na basa upang kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. “M-Mommy… wag niyo po akong iwan…” napatigil siya sa pagpupunas ng bigla itong magsalita habang natutulog. “M-Mommy… Daddy…” hindi niya mapigilan na maawa sa babae.
Alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Alam niya ang feeling ng mawalan ng pamilya kung kaya’t alam niyang masakit ito para sa babae. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas niya sa babae ngunit lumipas ang ilang minuto ng magulat siya dahil bigla itong nanginig dahil sa sobrang lamig na nararamdaman.
“S-Stella, Stella anong nangyayari sayo?!” tawag niya dito ngunit hindi nito magawang idilat ang kaniyang mga mata o di kaya ang sagutin manlang siya. “W-Wala po akong kasalanan!” napatigil siya ng magsalita nanaman ito. Alam na niya, binabangungot ang babae kung kaya’t nilamig siya ng ganoon lalo na at mataas ang lagnat nito.
Gusto na niya itong dalhin sa ospital ngunit alam niya na ayaw nito doon kaya wala siyang ibang alam na gawin kung di ang hubarin ang kaniyang damit at akapin ang babae. Nang akapin niya ito ay naramdaman niyang basa ang damit ng dalaga kaya wala siyang ibang magagawa kung di ang palitan ito ng damit.
Iyon ang unang beses na magpapalit siya ng damit ng babae kung kaya’t nanginginig ang kaniyang kamay. Buong tapang niyang hinubad ang damit nito, napatingin siya sandali sa katawan ng dalaga na napakaputi kung kaya’t agad niya ‘ring iniwas ang tingin. “Alas bilisan mo,” sabi niya sa sarili at ipinasoot dito ang damit niya na malaki upang hindi na niya ito sootan ng short.
Nang matapos ang dalaga ay nilagyan niya ito ng kumot ngunit hindi sasapat ang kumot lamang upang mawala ang panlalamig ng dalaga kung kaya’t iyon ang tanging paraan na alam niya. “T-Tiyo m-maniwala kapo saakin,” nakita niya ang tumulong luha sa mata nito kung kaya’t pinunasan niya ito at tinabihan na ang dalaga. Hindi na niya pinansin ang ayos nila at ginusto na gumaling nalang ito.
“Shh… Andito lang ako Stella,”
***
NAGISING siya dahil sa nakaramdam na siya ng lamig sa katawan, naabutan niyang tulog ang dalaga sa kaniyang tabi at agad niyang hinipo ang noo nito at sa wakas ay bumaba na ang lagnat niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon at itinabi na ang mga ginamit niya. Paglabas niya ng silid ay nakita niyang alastres na ng madaling araw kung kaya’t nagluto naman siya ng noodles upang iyon ang ipakain sa dalaga.
“Stella, Stella gumising ka,” idinilat ng babae ang kaniyang mata at doon ay napangiti ito sa kaniya. “A-Alas ikaw pala.” Ibinaba niya saglit ang hawak na mangkok at umupo sa tabi nito upang alalayan maupo. “Mabuti at bumaba na ang lagnat mo, eto kainin mo para gumaling ka na lalo.” Tumango sa kaniya ito at muli ay sinubuan niya ito. Matapos kumain ay pinainom niya ito ng gamot at handa ng lumabas ng hawakan ni Stella ang kamay niya.
“W-Wag mo akong iwan,” hindi makatingin na sabi ni Stella sa kaniya na ikinangiti niya kung kaya’t ibinaba niya muli ang lalagyan at tumabi sa kaniya pahiga. Inakap niya ang dalaga at pinaunan ito sa kaniyang braso. “S-Salamat Alas, siguro kung wala ka mawawala na ako dahil sa lagnat ko.” Umiling siya sa babae dahil doon. “Ano kaba, ako ang may kasalanan kaya tama lang na bantayan kita. At wag kang magsasabi na mawawala ka, dahil hindi ka pwedeng mawala okay?”
Niyakap siya ng babae sa bewang na ikinahinto niya at ikinabilis ng tibok ng kaniyang puso. “Salamat parin Alas, ikaw talaga ang tagapagligtas ko.” Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto niyang binabanggit ng babae ang kaniyang pangalan. Kapag si Stella ang tumatawag sa kaniyang palayaw ay parang kay ganda niyon. Ginantihan nalamang niya ng yakap ang babae at nagpatangay sa kaniyang antok at natulog.
NAGISING si Stella ng magtila-ok ang manok at unang sumalubong sa kaniya ay ang muka ni Alas na tulog na tulog. Alam niyang napuyat ito sa pagbabantay sa kaniya kung kaya’t maingat siyang bumaba sa papag at nagpunta sa kusina upang magluto ng umagahan.
Nagluto siya ng kanin at sinangang iyon pagkatapos ay mayroon siyang nakitang itlog sa isang tabi kung kaya’t iyon nalang ang iniluto niya. May binati at nilagang itlog at omelet. Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto ng binata kung kaya’t nagluto na siya. Mayroon pa siyang nakitang tuyo sa isang tabi kung kaya’t naisipan niya itong iluto tutal ay matagal na ng huli siyang nakakain.
Pasayaw-sayaw pa siya habang nag piprito ng kanilang kakainin at tuwang tuwa siya sa amoy ng tuyo nang mapatigil siya dahil sa nagsalita. “Mukang maganda ang gising mo ah,” agad siyang napapitlag at dahil doon ay nahihiyang humarap dito. “G-Gising kana pala, nagluto ako ng umagahan natin.” Hindi makatingin na sabi niya sa lalaki.
“Nakita ko nga,” napatingin siya dito dahil doon at muli siyang napaiwas ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Bagay pala sayo ang damit ko,” nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at napatingin sa kaniyang damit na ngayon niya lang napansin. Isa iyong black na malaking damit na panlalaki at ngayon niya lang din nahalata na wala siyang soot na short.
“Kyahhh!” agad siyang napaupo sa sahig dahil doon at nabitawan ang kaniyang hawak na pamprito. “Stella! Ayos ka lang ba?!” muli siyang nagulat dahil doon at pinigilan ang lalaki na lumapit sa kaniya. “Wag kang lalapit! Sino ang nagbihis saakin?!” sigaw niya dito na ikinatigil ng lalaki at nagtaka sa sinabi niyang iyon.
“Sino pa ba ang ibang kasama natin?” mas lalo siyang namula dahil sa sinabi nito at agad na tumakbo papasok sa kwarto. “Kyahhhh!” tili siya sa loob at napatingin sa kaniyang soot at wala nga itong soot na short. Narinig niya ang tawa ni Alas sa labas ng kwarto na ikinainis niya.
“Bakit mo ako binihisan?!” sigaw niya dito na ikinasagot ng lalaki. “Syempre sumuka ka kagabi hindi mo na namalayan!” napatakip siya sa kaniyang muka dahil doon at muling nagtitili. Hindi niya lubos na maisip na nakita ng lalaki na nakapanloob lamang siya. Sobrang kahihiyan ang inaabot niya ngayon.
***
“Stella lumabas kana jan! Sorry na okay? Kumain na tayo nagugutom na ako,”
Binuksan niya ang pinto at hindi ito makatingin sa lalaki na nag-aabang sa kaniya sa labas. “K-Kalimutan mo nalang ang nakita mo,” nahihiya niyang sabi. Nakasoot na siya ngayon ng damit niya at isang short. “H’wag kang mag-alala hindi ako tumingin sayo pangako.” Napatingin siya dito dahil doon at parang naninigurado. Ngumiti ito sa kaniya at tumango kaya maging siya ay napangiti na din.
Naglakad na sila papunta sa lamesa at nagsimula nang kumain. Tinignan niya ang lalaki ng palihim at mukang bale-wala naman ito dito kung kaya’t hinayaan na niya iyon at masaya nalang na kumain tutal ay gutom na siya. “Ang sarap ng luto mo ah,” nakangiting sabi ni Alas na ikinatawa niya ng mahina. “Prito lang ‘yan at laga. Paano sasarap ‘yan?” natawa din ang lalaki dahil sa sinabi niya kung kaya’t inasar na niya ito ng inasar.
Nang matapos silang kumain ay si Alas na ang nagprisenta na mag-huhugas dahil siya daw ang nag-luto kung ka’t hinayaan na niya ito at hinintay nalang niya ito na matapos. “Stella, oo nga pala, maiwan ka dito mamaya ah? Mamimili lang ako sa bayan,” nabuhayan ang dalaga dahil sa sinabi nito at agad na napatingin sa lalaki.
“Sasama ako!” napalingon sa kaniya si Alas habang nakakunot ang noo. “Hindi pwede, kagagaling lang ng sakit mo.” Umiling siya dito at hinipo ang sariling leeg. “Wala na akong sakit! Malakas na ako! Kaya ko na ang sarili ko!” napasimangot si Alas dahil doon at muling bumalik sa paghuhugas. Hindi niya tinantanan ang lalaki at kinulit ng kinulit hanggang sa napapayag niya ito.
“Sa isang kundisyon!” napatayo siya ng maayos dahil doon at inintay ang sasabihin niya. “Wag kang lalayo saakin, maliwanag?” napangiti siya ngg malaki dahil doon at sunod-sunod na tumango. “Masusunod po!” napatawa ito sa naging akto niya at ginulo ang kaniyang buhok.
ITO ang unang pagkakataon na pupunta si Stella sa bayan para mag grocery. Kapag kasi si Abby ang kasama niya ay ibang lugar naman ang pinupuntahan nila, bar. Si Abby ang nag pakilala sa kaniya ng bar kung kaya’t natuto siyang uminom ngunit hindi siya ganoon kalakas sa alak kung kaya’t lasing na lasing siya ng may mangyaring gulo sa pagitan niya at ng mga Del Rosario. “Are you okay?” napalingon siya kay Alas dahil nagsalita ito at kinunutan niya ng noo. “Sorry—I mean, patawad. Ang sabi ko, kung ayos ka lang?” napangiti siya dahil sa sinabi nito at tumango sa lalaki. “Ito kasi ang unang beses na mamimili ako ng sariling pagkain.” Binigyan siya nito nang natutuwang reaksyon ng sabihin niya iyon. “Seryoso?” tumango siya dito. “Well, that’s good!” muli ay tinignan niya ng kakaiba ang lalaki na tila isa itong kakaibang nilalang sa mata niya. “Ang sabi ko maganda ‘yan. Alam mo dapat siguro mag-simula tayo sa mga basic English words.” Panaka-nakang tingin ang ibinigay ni Alas sa kaniya dah
“GUSTO mo bang tulungan kita magbuhat ng ref Alas?” napangiti siya sa tanong ng babae at umiling. “Hindi pwede, mabigat ito. Ipasok mo nalang sa loob ang mga pag-kain natin.” Tumango sa kaniya ang babae kaya napangiti habang umiiling siya dito. Nang maipasok niya sa loob ang ref ay nakita niya si Stella na nag-aayos ng mga delata. “Stella,” napalingon ito sa kaniya at ngumiti na ikinatigil niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ngumingiti ang babae sa kaniya ay napapangiti din siya at parang mayroong mga paro-paro sa kaniyang tiyan. “Ayos ka lang ba Alas?” napakurap siya dahil sa sinabi ng babae at hindi niya napansin na andito na pala sa harapan niya. “A-Ah oo, sasabihin ko lang sana na tuturuan na kitang mag basa mamaya ng ingles at magsulat.” Biglang nagkaroon ng ngiti sa muka ni Stella dahil doon na lalo niyang ikinahinto dahil lalong gumanda ang babae. “Talaga?! Sige, bibilisan ko na dito!” malaki ang ngiti sa muka ng babae pagkasabi niya niyon kung kaya’t nag presinta na
“STELLA!” Nagulat siya ng marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Alas kung kaya’t dali-dali niyang iniwan ang libro na hawak dahil baka kung anong ang nangyari sa lalaki. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay nakita niya ang masamang muka nito at nang magtagpo ang kanilang mata ay sobrang sama nito kung makatingin kung kaya’t napaatras siya dahil doon. “A-Alas, nakauwi kana pala.” Pinipilit niyang ngumiti sa harapan ng lalaki dahil sa takot dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na paglapit nito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang magkabilang braso. “Sino kaba talaga Stella?!” bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaki dahil doon lalo na sa higpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang braso. “N-Nasasaktan ako A-Alas,” pagpupumiglas niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. “Talagang masasaktan ka saakin!” natigilan siya sa isinigaw nito sa kaniyang muka. Kitang-kita niya na iba na ang itsura nito doon sa Alas na nakilala niya isang linggo na ang nakakaraan. “Sa
PALAKAD lakad si Stella sa malawak na daanan sa bayan nila habang nakatulala at walang pakialam sa kaniyang paligid. Para siyang isang garapon na walang laman dahil pakiramdam niya ay wala ng natitirang lakas sa kaniyang katawan. Kusang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya nag-abalang pahidan iyon. “Akalain mo nga naman ang pagkakataon,” nakarinig siya ng nagsalita sa kaniyang gilid at nakita niya na mayroong isang lalaking pababa ng kaniyang kotse at nanlaki ang mata niya ng makilala iyon. Ito ‘yung lalaking kinagat niya at muntik na siyang kunin kasama ang mga kaibigan nito. Tatakbo na sana siya palayo ngunit agad nitong nahawakan ang kaniyang kamay. “Saan ka pupunta?” nakangisi nitong sabi sa kaniya. “B-Bitawan mo ako!” mahina ngunit takot na sabi niya sa lalaki. Dahil nga nanghihina siya ay hindi niya magawang magpumiglas sa lalaki. “Not ever again. Sumakay ka, may utang ka pa saakin.” Wala siyang nagawa ng ipasok siya nito sa loob ng sasakyan nito at bumalik it
MABILIS ang kaniyang takbo papalayo sa bahay na pinagmulan nila kanina. Alam niya na hindi siya titigilan ni Alas at hahabulin ito ng hahabulin kung kaya’t ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang hindi siya nito maabutan. Takot na ang nadarama ng dalaga para sa binata hindi tulad noon na tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya ito. Ang lahat ng iyon ay biglang naglaho sa isang kisap mata. “A-Aray!” napadapa siya dahil doon at ang polo na ibinigay sa kaniya ng lalaking kumuha sa kaniya kanina ay isinuot niya dahil punit na ang kaniyang damit. Hindi niya alam kung saan ang tungo ng kaniyang tinatakbuhan basta ang gutso niya ay makalayo kay Alas. Maya-maya ay nakakita siya ng kalsada sa dulo ng kaniyang tinatakbuhan kung kaya’t mas binilisan niya ang takbo. Nang makalabas sa kalsada ay laking gulat niya ng sumalubong sa kaniya ang tunog ng busina ng isang kotse. Kusa siyang napaupo sa sahig at inintay ang pagtama nito sa kaniyang katawan. Ngunit ilang sandali ang kaniyang inintay ay
“BAKIT galit sayo si madam Talia?” biglang usisa sa kaniya ng mayordoma ng makapasok siya sa loob ng kusina. Napayuko naman siya dahil doon at hindi makasagot. “H’wag mong sabihin na ikaw yung babaeng kasama ni sir Diego sa news?!” mas lalo siyang nanliit dahil sa sinabi ng matanda at hindi alam kung saan lulugar. “Wag kang mag-alala hija, hindi ka naming huhusgahan. Magtiwala ka lang saamin at mag kwento.” Napaangat siya ng tingin dito at nakita niya ang kasamahan niya na tumango maliban sa isang lalaki, habang nakangiti kaya biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sa dirty kitchen sila kumakain kung saan mayroong hapagkainan para sa kanilang mga katulong, body guards at mga bantay sa bahay. Mula sa dirty kitchen papasok sa pinakang loob ay kanilang perte lalo na at walang ibang amo na pumapasok doon maliban kay Faith na alam nilang mabait na bata. Ang katulong doon ay nasa tatlo, pang apat siya at ang dalawa ay may sakit kung kaya’t dalawa lang sila na andodoon. Ang body guards
“HALIKA, tignan mo itong mga larawan na ito.” Nakangiting sumunod si Stella kay nanang Lili at kinuha ang isang lalagyan ng sapatos kung saan andoon sa loob ang mga litrato na ubod ng dami. “Kung hindi ako nagakakamali ay mayroon ditong dalawang litrato, litrato namin at litrato niya.” Muling dagdag ng matanda at hinanap niya iyon. Napakaraming litrato ng matanda na siya uso pa noong nakaraang panahon, ang mga developed na litrato. “Ito ho ba?” Mayroon siyang kinuhang isang litrato ngunit umiling ang matanda sa kaniya kaya naghanap pa ito doon. Maya maya ay napahinto siya ng mayroon siyang makitang dalawang dalaga sa isang litrato at kamukang-kmuka niya ang isa. “M-Mommy...” nag-init bigla ang kaniyang mga mata dahil doon na ikinatingin sa kaniya ng matanda. “Ayan! Iyan ang iyong ina Stella, sabi ko sayo kamuka mo siya.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lamang nakita ang itsura ng kaniyang ina. Kung tutuusin ay hindi
NAPABUNTONG hininga nalang si Stella ng makapunta siya sa kwarto nila at nagpasyang matulog nalamang kaysa isipin ang nangyari buong araw. Ayos na sa kaniya ang katotohanan na tinanggap siya ng pamilya ng mga ito kung kaya’t makakahinga na siya ng maluwag. Kinabukasan ay ginising siya ni Rea dahil mayroon daw mahalagang panauhin ang mga ito kung kaya’t nag-luluto na sila para sa tanghalian. Kapag ganoon na may okasyon ay hindi na nakakapag umagahan ang pamilya nila Faith dahil sa sobrang busy. Lumipas din ang halos limang oras at hindi pa niya nakikita si Faith maging ang ibang amo nila. “Ang balita ko ay fiancé daw ni si Diego ang pupunta!” biglang dating ni Rea sa loob ng kusina na ikinatigil niya sa pagluluto. Siya narin kasi ang nagluluto dahil hindi n akaya ni nanang, taga payo nalamang ito at utos sa kanila. “Fiancé? Eh hindi ba ikaw ang nadisgrasya Stella?” biglang sabi ni Mario na nanonood sa kaniyang niluluto. Ang sabi pa nga niya ay daig pa niya ang anak nitong babae an
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan
“ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya