Home / Romance / Ang asawa kong Bilyonaryo / Chapter Fourteen: Ang pagbabanta

Share

Chapter Fourteen: Ang pagbabanta

last update Last Updated: 2022-06-06 22:49:55
“HALIKA, tignan mo itong mga larawan na ito.” Nakangiting sumunod si Stella kay nanang Lili at kinuha ang isang lalagyan ng sapatos kung saan andoon sa loob ang mga litrato na ubod ng dami. “Kung hindi ako nagakakamali ay mayroon ditong dalawang litrato, litrato namin at litrato niya.” Muling dagdag ng matanda at hinanap niya iyon.

Napakaraming litrato ng matanda na siya uso pa noong nakaraang panahon, ang mga developed na litrato. “Ito ho ba?” Mayroon siyang kinuhang isang litrato ngunit umiling ang matanda sa kaniya kaya naghanap pa ito doon. Maya maya ay napahinto siya ng mayroon siyang makitang dalawang dalaga sa isang litrato at kamukang-kmuka niya ang isa.

“M-Mommy...” nag-init bigla ang kaniyang mga mata dahil doon na ikinatingin sa kaniya ng matanda. “Ayan! Iyan ang iyong ina Stella, sabi ko sayo kamuka mo siya.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lamang nakita ang itsura ng kaniyang ina.

Kung tutuusin ay hindi
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Fifteen: Elise

    NAPABUNTONG hininga nalang si Stella ng makapunta siya sa kwarto nila at nagpasyang matulog nalamang kaysa isipin ang nangyari buong araw. Ayos na sa kaniya ang katotohanan na tinanggap siya ng pamilya ng mga ito kung kaya’t makakahinga na siya ng maluwag. Kinabukasan ay ginising siya ni Rea dahil mayroon daw mahalagang panauhin ang mga ito kung kaya’t nag-luluto na sila para sa tanghalian. Kapag ganoon na may okasyon ay hindi na nakakapag umagahan ang pamilya nila Faith dahil sa sobrang busy. Lumipas din ang halos limang oras at hindi pa niya nakikita si Faith maging ang ibang amo nila. “Ang balita ko ay fiancé daw ni si Diego ang pupunta!” biglang dating ni Rea sa loob ng kusina na ikinatigil niya sa pagluluto. Siya narin kasi ang nagluluto dahil hindi n akaya ni nanang, taga payo nalamang ito at utos sa kanila. “Fiancé? Eh hindi ba ikaw ang nadisgrasya Stella?” biglang sabi ni Mario na nanonood sa kaniyang niluluto. Ang sabi pa nga niya ay daig pa niya ang anak nitong babae an

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Sixteen: Abby

    “STELLA ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Rea ng pumasok ito sa kanilang silid. Tumango lamang siya dito kahit na alam nitong hindi dahil umiiyak siya. Hinayaan nalang siya ng babae at sila na ang nagasikaso sa mga Del Rosario. Inabot ng isang oras si Stella kakiyak at ng siya ay mapagod nahiga sa higaan at napatulala sa itaas ng double deck na higaan. Bumabalik sa kaniyang isipan ang sinabi ni Don Enrique, ang akala niya au mabait na tao ito ngunit hindi pala nagkakalayo ang ugali nila ng kaniyang anak. ‘’Ang Del Rosario ang siyang pumatay sa magilang mo!” Naalala niya ang sinabi ng tiyo at tiya niya ngunit agad niyang ipinilig ang ulo dahil wala silang matibay na ebidensya. Ayaw niyang mambintang kung kaya’t ipinikit nalang niya ang mga mata at hinayaan na makatulog ang sarili. *** Nagising siya gabi na at tulog na si Rea sa kabilang double deck na katapat ng higaan nila. Sa baba kasi siya natutulog at sa itaas ang dalawang kasama pa nilang may sakit. Nakar

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Seventeen: Buntis

    MAAGANG nagising si Stella at natuwa siya ng hindi nagmaga ang kaniyang mata ng makita ang sarili sa salamin. Sinermunan siya ni Oliver kagabi at pinatulog kaagad. Habang naglilinis siya sa sala hagdan ay sinadyang apakan ni Elise na dito na nanunuluyan dahil Fiancé naman daw ito ni Diego, kaya napadaing siya dahil doon. “Opss! Sorry, diko nakita ang kamay mo.” Hindi nalang niya pinansin ang babae at hinilot nalamang ng kaunti ang kamay. Nakatakong si ito kaya masakit ang pagkakatama nito ngunit hinayaan nalang niya. Dumating ang alas dyes ng umaga ng bigla siyang makarinig ng sigawan sa may gilid ng mansion papunta sa malawak na lupain sa may kwadra kung kaya’t naglakad siya papunta doon. “Tumawag kayo ng doctor! Bilisan niyo! Faith! Faith!” sigaw na sabi ni Daniel Alcantara sa kaniyang anak na nakahiga sa sahig at pawisan na tila pawala na ang ulirat. “OMG tito! Anong nangyari?!” sugaw na sabi ni Elise na nasa tabi ng mga ito. “Nakagat siya ng ahas! Magpatawag kayo ng doctor bi

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Eighteen: Alas anak mo ito!

    PABALIK balik si Stella sa kanilang kwarto habang ang mga ito ay pinagsisilbihan ang mga Del Rosario na kumakain. Akam niya at sigurado siya na hindi si Diego ang ama ng bata, alam niya dahil katawan niya ito. Nagbunga ang isang gabi nila ni Alas! Hindi maipaliwanag na tuwa ang kaniyang nararamdaman dahil doon at gustong-gusto na niya itong sabihin sa lalaki ngunit wala naman ito doon. Lalabas na sana siya ng silid ng biglang pumasok si Faith doon at nagulat din ng makita siyang nakatayo. “Stella!” Agad siya nitong niyakap na ikinagilat niya ngunit niyakap nalang din niya ito. Maya-maya ay nagulat siya ng umiyak ito sa balikat niya.”S-Salamat! Salamat Stella! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sala ka! Sobrang laki ng naitulong mo saakin! Iniligtas mo ang buhay ko!” napangiti siya dahil sa sinabi nito at umiling. “Ano kaba Faith, tutulungan kita hanggang sa makakaya ko dahil iyon lamang ang paraan na alam ko upang masuklian ang lahat ng pagtulong mo saakin.” Nakangiti niyang sabi

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Nineteen : Kasal

    NGAYON ang araw ng kasal ni Diego at Elise kung kaya’t maging siya ay busy sa olanong gagawin. Hindi siya pinagtatrabaho dahil nga sa siya ay buntis ngunit siya naman iyo’y hinahanap si Daniel na kaniyang huling pag-asa. Gusto niya itong makausap dahil alam niya na ito ang huling paraan para makaalis siya sa Del Rosario lalo na at anak nito ang ama ng dinadala niya. Sakto na nakita niya ito papunta sa kwadra na mukang titignan ang mga kabayo nito, namana dito ni Alas ang pagiging mahilig sa mga hayop lalo na sa kabayo. Agad siyang tumakbo papunta dito at tinignan kung may makakakita ba sa kanila at ng wala ay agad siyang pumasok sa loob. “S-Sir Daniel!” napalingon ito sa kaniya at nagawa pa niyang yumuko dito kahit kabadong-kabado siya. “Stella, ano ang ginagawa mo dito?” napaangat siya ng tinigin dito dahil doon. “S-Sir please sabihin mo po kay Alas na wag niya akong iwan. Tulungan niyo po ako na umalis dito!” biglang nawala ang emosyon nito sa muka dahil sa kaniyang sinabi. “Pw

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Twenty: Ang pagtugis

    APAT na araw ng walang kain si Stella, kung hindi lang umuulan ay malamang na patay na siya nang dahil sa uhaw. Hinang-hina na ang kaniyang katawan at tingin niya ay hindi na niya kakayanin pang tumayo manlang. Naalala niya si Alas, muntik na siyang mahulog sa puppy love dahil sap ag-aakalang si Diego ang gusto niya. Iniisip niya kung nasaan na ab ito ngayon at kung anon a nag ginagawa, gusto niya itong makita at makasama ngunit ang huli niyang balita dito ay hindi na makontak ng ama nito. Naramdaman niya na mayroong nagbubukas ng pinto matapos ang napakaraming araw. “S-Stella! Stella!” Napadilat siya dahil doon at naaninag niya ang isang babae na tumatawag sa kaniyang pangalan. Nang luminaw iyon ay namukaan niya si Faith. “F-Faith,” umiiyak na ito sa kaniyang harapan at tinulungan siya nitong makaupo. “Uminom ka Stella, heto.” Kusang bumuka ang kaniyang labi dahil doon at sa unang pagkakataon ay nakainom na din siya ng totoong tubig. “S-Salamat,” mahina niyang sabi na lalong i

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Twenty-One: Athena

    NAGISING siya sa isang hindi kilalang kwarto na mayroong kakaibang desensyo. Hindi niya mawari kug kulambo o design ang nakikita niya sa itaas. Inilibot niya nag kaniyang paningin at doon ay nakita niya ang kabuuan ng kwarto at kulay gray and white ito. Ang kumot na nakatabing sa kaniya ay kulay brown. Mayroong malaking salamit sa may gilid at lames ana mayroong libro sa ibabaw. Mayroon pang isang cabinet na puro libro ang nakalagay na parang kay ganda sa kaniyang mata ngunit kailangan niya muna alamin kung nasaan siya. Sakto na pagupo niya ay ang pagpasok ng isang babae na nakasoot ng dress kahit na nasa bahay. “Mabuti naman at gising kana,” natatandaan niya ang bose nito at iyon ang boses ng babaeng mataray na may-ari ng kotse. Tama nga siya na may pagkamataray ang muka nito ngunit maganda. “Ako si Athena Devillian.” tanong nito sa kaniya habang ito ay naupo sa tabi niya at sinubuan siya ng dala nitong sopas. “Kumain ka, hindi magandang hindi makakain ang bata sa tiyan mo.” Nat

    Last Updated : 2022-06-06
  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter Twenty-Two: White Angel

    4 YEARS LATER “Alam mo ba kung ano ang status ni White Angel?” Bulong na sabi ng isang agent na nanonood kay Stella na nag sasanay sa gitna ng kanilang Gym. Halos lahat ng mga kasabayan nito na magsanay kanina ay umalis na dahil sa pagod ngunit ito ay tuloy tuloy parin. “Hindi mo ba alam? May anak na si White Angel pero hindi pa niya ipinapakita sa team.” Gulat na napatingin ang lalaki sa kausap nito “S-Seryoso?!” tumango ito sa kaniya ngunit napahinto sila ng marinig nila ang malakas na pagsuntok ng babae sa punching bag at napatingin dito. “N-Narinig niya ba tayo?” gulat na sabi ng nagtatanong na lalaki na ikinaatras din ng kasama niya dahil bigla nalamang lumingon ang babae sa kanila. “Hindi ko alam, umalis nalang tayo dito! Balita ko may kapangyarihan ‘yan!” agad na tumakbo palabas ang dalawa dahil sa takot sa dalaga. Si Stella naman na nakatingin sa mga ito ay napailing dahil doon. Gusto niyang matawa tungkol sa mga balitang kumakalat na mayroon siyang kapangyarihan gayo

    Last Updated : 2022-06-07

Latest chapter

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Thirty: Ang masayang pagtatapos

    “D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Nine: Ang pagkatalo ni Eduardo/agent Tiger/Gerard

    “TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Eight: Masakit na katotohanan

    BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Seven: Nanang Lili

    TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Six: SPG!

    “SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Five: Si Scarlet at Stella ay iisa!

    “ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Four: Paghihinala

    “MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Three: Diego

    HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay

  • Ang asawa kong Bilyonaryo    Chapter One Hundred Twenty-Two: Ang dating mayor

    “BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status