APAT na araw ng walang kain si Stella, kung hindi lang umuulan ay malamang na patay na siya nang dahil sa uhaw. Hinang-hina na ang kaniyang katawan at tingin niya ay hindi na niya kakayanin pang tumayo manlang. Naalala niya si Alas, muntik na siyang mahulog sa puppy love dahil sap ag-aakalang si Diego ang gusto niya. Iniisip niya kung nasaan na ab ito ngayon at kung anon a nag ginagawa, gusto niya itong makita at makasama ngunit ang huli niyang balita dito ay hindi na makontak ng ama nito. Naramdaman niya na mayroong nagbubukas ng pinto matapos ang napakaraming araw. “S-Stella! Stella!” Napadilat siya dahil doon at naaninag niya ang isang babae na tumatawag sa kaniyang pangalan. Nang luminaw iyon ay namukaan niya si Faith. “F-Faith,” umiiyak na ito sa kaniyang harapan at tinulungan siya nitong makaupo. “Uminom ka Stella, heto.” Kusang bumuka ang kaniyang labi dahil doon at sa unang pagkakataon ay nakainom na din siya ng totoong tubig. “S-Salamat,” mahina niyang sabi na lalong i
NAGISING siya sa isang hindi kilalang kwarto na mayroong kakaibang desensyo. Hindi niya mawari kug kulambo o design ang nakikita niya sa itaas. Inilibot niya nag kaniyang paningin at doon ay nakita niya ang kabuuan ng kwarto at kulay gray and white ito. Ang kumot na nakatabing sa kaniya ay kulay brown. Mayroong malaking salamit sa may gilid at lames ana mayroong libro sa ibabaw. Mayroon pang isang cabinet na puro libro ang nakalagay na parang kay ganda sa kaniyang mata ngunit kailangan niya muna alamin kung nasaan siya. Sakto na pagupo niya ay ang pagpasok ng isang babae na nakasoot ng dress kahit na nasa bahay. “Mabuti naman at gising kana,” natatandaan niya ang bose nito at iyon ang boses ng babaeng mataray na may-ari ng kotse. Tama nga siya na may pagkamataray ang muka nito ngunit maganda. “Ako si Athena Devillian.” tanong nito sa kaniya habang ito ay naupo sa tabi niya at sinubuan siya ng dala nitong sopas. “Kumain ka, hindi magandang hindi makakain ang bata sa tiyan mo.” Nat
4 YEARS LATER “Alam mo ba kung ano ang status ni White Angel?” Bulong na sabi ng isang agent na nanonood kay Stella na nag sasanay sa gitna ng kanilang Gym. Halos lahat ng mga kasabayan nito na magsanay kanina ay umalis na dahil sa pagod ngunit ito ay tuloy tuloy parin. “Hindi mo ba alam? May anak na si White Angel pero hindi pa niya ipinapakita sa team.” Gulat na napatingin ang lalaki sa kausap nito “S-Seryoso?!” tumango ito sa kaniya ngunit napahinto sila ng marinig nila ang malakas na pagsuntok ng babae sa punching bag at napatingin dito. “N-Narinig niya ba tayo?” gulat na sabi ng nagtatanong na lalaki na ikinaatras din ng kasama niya dahil bigla nalamang lumingon ang babae sa kanila. “Hindi ko alam, umalis nalang tayo dito! Balita ko may kapangyarihan ‘yan!” agad na tumakbo palabas ang dalawa dahil sa takot sa dalaga. Si Stella naman na nakatingin sa mga ito ay napailing dahil doon. Gusto niyang matawa tungkol sa mga balitang kumakalat na mayroon siyang kapangyarihan gayo
PAGKARATING niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Princess na ikinangiti niya ng malaki. “Mommy!” kapag kaharap niya si Princess ay nag-iibang tao siya ngunit kapag ibang tao ay para itong walang emosyon na halos hindi mo manlang mapapatawa kahit nakakatawa na. Minsan ay tinanong siya ng anak kung bakit siya ganoon makitungo sa ibang tao ngunit ang sinasagot niya lang upang hindi siya maloko ng mga ito. “Hello there my Princess,” niyakap siya ng bata hindi pa siya nakakapasok sa kanilang bahay. Si Princess ang nagsisilbing gamot niya sa tuwing nagkaroon siya ng mahirap na mission. Naalala niya noon na napuruhan siya kung kaya’t si Princess mismo ang nagbantay sa kaniya. Sa edad na apat na taon ay marunong na ang bata sa gawaing bahay at matatas na ang dila sa pakikipag-usap. Kapag ganoon naman na napuruhan siya o may sugat ay siya mismo ang nagpapagaling sa sarili, uuwi lang siya at itutulog ang sakit. Hindi siya nag te-take ng pain killer upang maramdaman niya ang sakit ng na
“O-OO, Stella. Maaari mo bang pagbigyan ang aking hiling?” sandali na natigilan si Stella dahil sa sinabing iyon ni Athena kung kaya’t maging ang kaniyang luha ay tumigil sa pagtulo. Naisip niya ang hinihingi nito, hindi biro ang pagpapakasal lalo na kung buhay na niya ang nakasalalay doon. Nagkaroon na siya ng napakahirap na mission ngunit kahit maaari siyang mapahamak ay agad siyang umo-o dahil alam niya na kaya niya. Ngunit ang pagpapakasal? “M-Ma’am Athena m-mahirap po—” hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil agad siya nitong pinutol. “Stella please?” tuluyan ng hindi tumulo ang kaniyang luha kung kaya’t napahiwalay siya mula sa pagkakayakap dito at sumeryso. “Sige po, nasaan po ba ang anak niyo para makausap ko siya?” napangiti ng malaki si Athena dahil sa sinabing iyon ni Stella at sinubukan na maupo mula sa kaniyang pagkakahiga kaya naging maagap siya’t tinulungan ito. “A-Ang pangalan niya ay Ace, nag tatrabaho siya sa A.A Company.” Sabi nito ng makaupo na siyang
“A-ALAS,” Hindi makapaniwala niyang tawag dito at napatayo sa kaniyang kinauupuan. “I prefer Ace now Ms. Montecarlos.” Napakurap siya dahil sa sinabi nito ngunit hindi siya madadaan sa mga ganoong bagay kung kaya’t agad siyang lumakad papunta dito at niyakap ito ng mahigpit. Natigilan si Ace dahil sa ginawang iyon ni Stella at hindi maintindihan ang sarili kung bakit bumibilis nag tibok ng kaniyang puso gayong ilang taon na siyang naka move-on sa nangyari sa kanila ni Stella. Sa loob ng apat na taon na iyon ay ginawa niyang ang lahat upang magpalakas at magpayaman upang kapag dumating ang tamang panahon ay babalik siya sa mga Del Rosario para ito ang pahirapan. “A-Alas a-ang tagal kitang hinanap,” mahinang sabi ni Stella at nararamdaman na niya ang mainit na luha sa kaniyang mga mata ngunit nagulat siya ng bigla siyang ilayo ng lalaki mula sa kanilang pagkakayakap at tinignan siya ng masama. “Stella, we’re done. Wala na dapat tayong pag-usapan, kung ano ‘man ang nakalipas apat na
NAKAUPO at tila walang pakialam sa ibang tao si Stella habang kumakain ng kaniyang inorder na stake sa isang class A restaurant na pinaggaganapan ng meeting ni Ace sa isang mayamang kanegosyo nito. Kada susubo siya ng kaniyang pagkain ay tumitingin siya sa gitna kung saan andoon si Ace at ang kasama nito. Wala na ang secretary anito na mas okay sa kaniya dahil naiinis lang siya dito. Nakasoot siya ng isang formal dress na hanggang tuhod niya at naglagay din siya ng light make-up sa kaniyang muka upang hindi siya mahalata ng mga staff na mayroon siyang sinusundan na ibang tao. At isa pa ay papalubog na ang araw at gusto na niyang makausap ito at maipaliwanag ang lahat lalo na at nag-iisa ang kaniyang anak sa kanilang bahay. Kinuha niya ang isang baso ng wine na nasa tabi niya at ininom iyon habang nakatitig kay Ace na nagsasalita. Nagulat siya ng bigla nitong inilibot ang mata na tila nararamdaman nito na nakatingin siya kaya agad siyang nagkalikot sa bag na tila mayroong hinahanap
PAGKAUWI ni Stella sa kanilang bahay ay katulad ng nangyayari sa pang araw-araw ay agad siyang sinalubong ng kaniyang anak. “Mommy!” sinuklian niya ng mahigpit na yakap ang yakap ng kaniyang anak. “Mommy, I miss you po! Akala ko po ba saglit lang kayo? Pinag-alala niyo po ako.” Napangiti siya dahil sa sinabi ng anak at humiwalay sa pagkakayakap nilang dalawa. “I’m sorry Princess, masyadong naging busy si mommy sa nakausap ko. Kumain kana ba?” umiling ito sa kaniya. “Okay, order nalang ako ng food tapos punta tayo kay lola mo gusto mo ba ‘yun?” sunod-sunod na tumango ang anak niya sa kaniya kaya napangiti siya at tumayo. Kailangan niya talagang makausap si Athena dahil marami itong bagay na kailangang ipaliwanag sa kaniya. Nagpahinga lang siya sandali at pasado eight na ng gabi ng lumabas sila at dumaan sa drive thru upang bumimili ng pagkain ng anak. Pagkatapos ay sabi nito na sa kwarto nalang ng kaniyang lola siya kakain kung kaya’t pumayag na siya at pagkarating nila sa ospital a
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan
“ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya