Semua Bab Ang asawa kong Bilyonaryo : Bab 51 - Bab 60

130 Bab

Chapter Fifty-One: Sagot sa katotohanan

ANG pamilya Chan ay kilala bilang mga tsinong negosyante na siyang pinakang nakilala sa buong pilipinas lalo na sa maynila. Marami ang usap-usapan na noong sinaunang panahon palang ay andito na sila at naghahanap buhay, mayroon ‘din naman nan akapangasawa ang isang Chan ng mayamang Filipina kaya ito ang ginamit na pera upang magsimula ng negosyo. Naraming usap-usapan ngunit walang nakakapagpatunay, mailap ang mga Chan tungkol sa kanilang nakaraan o background ng pamilya. Kung baga wala silang kahit na anong impormasyon bukod sa mayroon silang kaisa-isang anak na lalaki na sa katunayan ay wala pang nakakakita dito. Kaakibat ng pagiging misteryoso nila ay marami ‘ding usap-usapan na kumakalat sa pagiging marahas ng mga Chan. Nariyan na sinasabi ng lahat na ang ka-negosyante nito ay pinapatay ng walang habas dahil ayaw nito na mayroong kahati sa Negosyo ngunit malaki itong kasinungalingan dahil magpahanggang ngayon ay marami pa ‘rin itong negosyo sa buong pilipinas at mayroong mga par
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Two: Pagsisinungaling

“TINATANONG kita Stella,” Napalunok si Stella nang muling magsalita si Ace. Nakatitig siya sa mga mata nito na punong puno ng pagtataka. Tumatambol na ‘rin ang kaniyang puso sa sobrang kaba at ‘di alam ang gagawin. Bigla nalamang siya nitong hinawakan sa magkabilang braso nang sobrang higpit. “Sumagot ka saakin, Stella.” Sa puntong iyon ay may diin na ang salita ni Ace kung kaya natauhan na siya at agad na lumayo na naging dahilan ng pagkakabitaw ni Ace sa braso niya. “Bakit tila naging interesado ka saakin ngayon, Ace?” ngising sabi niya dito. Kahit pa na kinakabahan siya sa maaaring susunod na mangyayari ay hindi niya ito pinahalata sa lalaki at nagpanggap na maayos ang lahat. “Bakit?” natatawa nitong sagot. “Dahil asawa mo ako! Dahil anak ko ‘yun!” muli siyang natigilan sa sagot nito ngunit matapos ang ilang segundo ay bigla siyang napatawa. Napakunot naman ang noo ni Ace at hindi makapaniwalang nakatingin kay Stella. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nagtitimpi nitong tanong.
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Three: Lasing

KONSENSYA. Iyan ang nangigibabaw ngayon kay Stella dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Ace sa kaniyang harapan. Alam niyang hindi tama na burahin niya sa lalaki ang kanilang anak ngunit nadala lang din siya ng emosyon. Marami siyang napagdaanan at sa lahat ng iyon ay wala ito, ipinagtatabuyan siya. Sa puntong iyon ay natutulad na siya kay Ace na pinapairal ang galit. “I-I’m sorry.” Tanging nasabi niya habang yakap-yakap ang lalaki. Bigla nalamang gumati ng yakap si Ace at sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Stella ang purong emosyon sa yakap na iyon. Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. “Ako dapat ang mag sorry. Ang laki ng kasalanan ko sa’yo Stella. Sobrang laki, na maging ang anak natin ay nadamay sa pagkamatigas ko.” Napadilat siya dahil doon at agad na napahiwalay mula sa pagkakayakap niya dito. Tinignan siya ni Ace ng nagtataka. “M-May problema ba?” tanong nito na hindi niya ikinasagot at basta-basta nalamang na tumayo. “N-Nakaraan na iyon Ace. An
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Four: Pagsundo

NAPATAWA nang pilit si Ace dahil sa narinig niya na tanong ng mga kaibigan. “Kahit ako ay hindi makapaniwala,” sabi niya habang muli nanamang tinungga ang bote na hawak. “Nag ka-anak kami na siyang itinanggi ko!” mas lalong naguguluhan ang dalawa dahil sa kwento ni Ace. Gustong-gusto na nilang malaman ang katotohanan. “A-Ace, ano ang nangyari, ikwento mo saamin.” Napatingin si Ace kay Lucas dahil doon at tinignan ito ng seryoso. “Gusto niyong marinig?” pagkatapos niya iyong sabihin ay napa-sinok pa ito ngunit sabay lang na tumango ang dalawa sa kaniya. “Sige iku-kwento ko,” at ikunuwento na ng ani Ace ang lahat sa dalawa. Wala siyang iniwan na detalye, lahat ay kinuwento nito sa dalawang kaibigan dahil alam niya na sila lang ang makakatulong sa kaniya ngayon. Naging malihim ‘man siyang kaibigan ngunit sinadya niya dahil hindi siya handa na ilabas ang katotohanan. Ngayon na nailabas na niya ito ay hindi lang siya handa, nagsisisi pa. Matapos marinig lahat ng dalawa ang sinabi ni A
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Five: Gusto kong sumali sa agency

MABILIS na inikot ni Stella ang kinalalagyan niya papunta sa shutgun seat upang pagbuksan ng pintuan ang lalaki. Alam kasi niya na wala pa ito sa sarili, andodoon pa ‘rin ang konsensya sa kaniyang isipan dahil sa ginawang kasinungalingan sa lalaki ngunit mas nangingibabaw pa ‘rin ang kagustuhan niya na itago ang anak dito. Pinagbuksan niya ito ng pinto at ngumiti sa kaniya ng pilit si Ace. “S-Salamat,” sabi nito at lumabas ng sasakyan. “Ako dapat ang gumagawa nito sa’yo.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki at tumingin lamang sa bahay na nasa kanilang harapan. Mayroon itong dalawang palapag, simple lang ito ngunit ang desensyo nito ay katulad ng mga bahay sa ibang bansa. Makinis na makinis ang pader at mayroong kulay na gray at cream. “Nagustuhan mo ba?” napatingin siya kay Ace dahil doon at nakita niya ito na nakatingin din sa kaniya na tila nag-aalala. Napakunot ang kaniyang noo dahil doon. “Pwede na,” tanging naisagot niya na ikinabuntong hininga ni Ace. “Sabagay mas okay n
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Six: Agency

NAKAHIGA at malalim ang iniisip ni Stella. Hindi na niya muna inisip ang mga nangyari sa kanila ni Ace sa araw na iyon. Ang tanging pumapasok sa isip niya ay kung sino ang nagtatangka sa kaniyang buhay, kailangan niyang makuha lahat ng gamit na mayroon siya sa bahay nila lalo na at mayroon siyang pinakang iniingatan doon. Isa pa ang sinabi sa kaniya ni Athena, hinabilin nito sa kaniya na tulungan si Philip tungkol sa pumaslang sa pamilya nito. Kailangan niyang maka-usap si Philip upang mas mamanmanan nila ng maayos ang mga Chan, at isa pa alam niya na mayroon na itong plano at kailangan niya iyong malaman bago siya tuluyang gumawa ng aksyon. Sa gitna ng kaniyang pag-iisip ay biglang tumunog ang kaniyang telepono at pagtingin niya dito ay nakita niyang si Ava ang caller. Nanlaki ang mata niya dahil doon lalo na ng makitang alasingko na pala ng umaga, malamang na anak niya ang tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang sarili at boses pagkatapos ay sinagot ito. “Mommy! I miss you po!” napa
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Seven: Muntik na pagtatagpo

NAPATINGIN sa relo niya si Stella habang nakasakay sa grab na kaniyang bi-nook kanina. Ilang minuto nalang at mag a-alas otso na ng umaga. Hindi naman siya nagmamadali ngunit kailangan maabutan niya si Philip sa opisina, baka kasi mayroon itong ibang meetings at hindi niya pa ito makausap ng personal. Ilang minuto lang ang lumipas at nagpababa na si Stella sa isang kanto kung saan malapit na doon ang kanilang agency. Hindi kasi siya pwedeng derektang sa daan papunta sa agency ang baba niya, baka mayroon pang manghinala. “Ito po bayad,” pagkababa niya sa kotse ay inantay niya muna na makaalis ang sinakyan niya bago tuluyang naglakad papunta sa passage sa pinakang agency nila. Hindi pwede na mai-sapubliko ang kanilang agency ngunit mayroong mga permit ang kanilang agency, ibig sabihil legal ang kanilang ginagawang pagpatay. Although hindi lantaran na inilahad na ganoon ang kanilang trabaho ngunit lisensyado silang tumanggap ng trabaho mula sa kanilang mga kleyante at mayroong kontrat
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Eight: Agent X

NAKATAYO si Stella sa labas ng opisina ni Philip dahil kusa na siyang lumabas matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Philip. Naiitindihan niya ang nararamdaman ng lalaki ngunit bumalik sa kaniyang ala-ala ang pagpapahirap na naransan niya sa mga Del Rosario. Wala namang nawala sa kaniya ngunit ang sitwasyon ni Philip ay lahat nawala. “Hindi ko hahayaan na mawalan ng silbi ang pagpapatayo niyo ng agency, alam ko na may tiwala saakin si mama kaya niya saakin sinabi ito.” Pagkasabi niya niyon ay agad na siyang naglakad paalis sa lugar na iyon at sumakay sa elevator. “Babalik ako dito sa gabi para hanapin ang impormasyon na kailangan ko.” seryoso niyang sabi at dumaan sa pinakang likod ng agency. *** “ANONG nangyari?” Bungad na sabi ni Harris at Lucas kay Ace ng makalabas ito ng bar. “Lumapit kayo saakin at bubugbugin ko kayo,” agad na napatakbo ang dalawa sa sasakyan ng mga ito. “Dapat lang sa’yo ‘yan pre! Pinahirapan mo kami kagabi!” nakita niya na sabay na sumakay ang mga ito
Baca selengkapnya

Chapter Fifty-Nine: Atake

TAHIMIK na nakaupo si Stella sa harapan ng kaniyang dalang laptop habang seryoso sa pagtipa sa keyboard. Pasado alas dos na ng madaling araw at iyon ang oras para sa kaniya na pumuslit sa opisina ni Philip. Unang-una niyang kailangan gawin ay makakuha ng access sa CCTV ng kanilang agency at matapos iyon ay i-hacked ito. “Got you.” Ngising sabi ni Stella at napalitan na niya ng isang clip ang CCTV ng tahimik na hallway. Sa ganitong paraan ay hindi siya makikita ng kahit na sinong titingin sa CCTV. Matapos niya itong magawa ay inilagay na niya ang laptop sa bag at iniwan ito sa isang tabi. Nasa kanlurang bahagi su Stella ng agency. Kanina pa siya nakapasok sa loob at kung paano ay iyon ang kaniyang ginawan ng paraan. Sa paraan na pumasok siya sa isang malaking trolley na may lamang mga pang gym kung kaya’t hindi nahalata ang kaniyang bigat. Tumingin siya sa paligid at ng masiguro na walang ibang tao ay agad na siyang tumakbo sa malamig na hallway. Nakasoot siya ng isang whole body fi
Baca selengkapnya

Chapter Sixty: Mas pinaiksing taning ng buhay

NAIINIS na napahigpit ang kapit ni Ace sa kaniyang cellphone ng makita ang ka-sesend palang na number ni Philip na sinasabing kay Stella daw. “Paano siya nagkaroon ng number ng asawa ko? At anong nagpalit ng numero?” gusto na niyang itapon ang kaniyang cellphone ngunit kailangan niya pang tawagan si Stella kaya hindi niya iyon ginawa. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito sa kaniya. Nang malaman na mayroon daw itong pinuntahang importante sa ganoong oras ay mas lalo siyang nainis. Ayaw ‘man niyang isipin ngunit si Philip agad ang pumasok sa kaniyang isip na kinita ng babae. “Pupunta na ako sa ospital.” Iyon ang huling sinabi ni Stella at nawala na ito sa kabilang linya. Napatingin nalang siya sa cellphone niya ng ilang sandali at agad na umalis ng kanilang bahay. Nakatulog na kasi siya sa pagbabasa ng mga libro na ibinigay ni Philip at tanging tawag sa ospital ang nagpagising sa kaniya. Mabilis siyang nakasakay sa sasakyan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Ilang minuto lang a
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
45678
...
13
DMCA.com Protection Status