Home / Romance / The Billionaire's Legal Wife / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of The Billionaire's Legal Wife: Chapter 61 - Chapter 70

101 Chapters

Kabanata 31.1

“Gusto kong alamin mo ang tunay na pagkatao ni Beatrice. Hindi ko hahayaang masira lang ang pamilyang matagal kong inaalagaan.” Maawtoridad na utos ni Camilla habang kinakausap ang isang lalaki. Palihim ang pag-uusap nilang dalawa.“Wala kang dapat problemahin. Basta ba ikaw ang kapalit.” Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Camilla at dahan dahang inamoy ang leeg nito. “Sinabi ko naman sayong ako ng bahala satin. Manahimik ka lang diyan sa gilid at mag-isip kung paano ako pasasayahin.” Mahina pang bulong nito.“Ano ba Martin. Baka may makakita sa ating dalawa. Mag-ingat ka dahil kung hindi dalawa tayong pupulutin sa basurahan.”“Wala namang makakakita sa atin dito. Gagawin ko ang gusto mo basta dating gawi, pupuntahan mo ako sa apartment ko at alam mo na kung anong gagawin.” Punong puno ng pagnanasa nitong saad. Tiningnan siya ni Camilla at napabuntong hininga.“Darating ako, siguraduhin mong may malalaman ka sa Beatrice na yan.”“No worries my love. Leave it to me.” aniya pa.Ha
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more

Kabanata 31.2

“Halata nga anak, ang laki ng tiyan mo eh hahahaha.” Nagkwentuhan pa silang mag-ina at ng maghapunan sila ay sabay sabay na silang tatlo. Napapatingin na lang si Aurora kay Beatrice dahil masyado na itong nagiging masekreto sa kaniya. Iginagalang naman niya ang desisyon ni Beatrice at ang dahilan nito para bumalik ng Pilipinas. Wala siyang masyadong alam sa kung anong mga pinaplano ni Beatrice at tila ba hindi ito maganda. Gusto niya itong tanungin pero mas pinili na lang niyang manahimik, as long as she’s safe hindi siya mangingialam sa mga plano nito. “Kwentuhan na lang kita uli anak para makatulog ka na, okay?” “Yes Mommy.” Masiglang sagot ng anak. Nagsimula ng magkwento si Beatrice ng mga pambatang kwento. Ito ang gawain nilang mag-ina sa araw-araw. Maglalaro saglit, magkwekwentuhan at magbabasa naman ng kwento bago matulog. Kinabukasan, naglalakad siya ng looby at papasok na sana ng elevator ng makita niyang bigla iyung isinarado ni Blaze kahit na nakita na siya nitong papasok
last updateLast Updated : 2022-07-08
Read more

Kabanata 32.1

BEATRICE POV Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng magising ako sa isang ingay. Ikinurap kurap ko pa ito ng ilang beses dahil nanlalabo pa ang paningin ko.“Paanong hindi nakabukas ang lahat ng cctv?!!” napalingon ako kung saan nanggaling ang sigaw. Inaninag kong mabuti kung sino ba ang lalaking nakatalikod sa akin.“Alamin mo ang lahat kung sino ang nasa likod nito. Huwag kang titigil hangga’t hindi mo nakikita.” May diin niyang aniya, nakusot ko ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang akong si Blaze ang nakikita ko na kasama ko dito ngayon.Halos mapabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng maalala ko kung anong nangyari.“Hey, be careful. Let me help you.” nang mapansin niya na akong gising ay inalalayan niya akong umupo at sumandal sa headboard. Anong nangyari? Sino ang may gawa nun? Alam kong sinadya ang paglalagay ng tear gas sa stock room habang nandun ako. Hindi ko rin naman isinarado ang pintuan para maglock yun. Kung hindi man sinasadyang mailock ko iyun ay si
last updateLast Updated : 2022-07-09
Read more

Kabanata 32.2

Ibig sabihin, planado talaga lahat. Hindi naman pinapatay ang cctv ng sabay sabay eh.“Nakausap mo na ba ang mga nakaduty ngayon sa cctv room?” tanong ni Blaze.“Oo, dalawa silang nakabantay dun at ang iba naman ay nag-aayos sa ibang floor pero lahat ng cctv sa floor kung nasaan ang stock room ay maayos iyung gumagana. Ang sabi pa ng dalawa, may lalaki raw na pumasok ng cctv room at pareho silang pinatulog. Ang nangyari sa stock room ay planado para patayin ka.” baling niya sa akin. I knew it, naikuyom ko na lang ang mga kamao ngayong nakompirma ko.Ibig sabihin, hindi ako ligtas sa kompanya pero kung ito ang gusto niya hindi ko siya aatrasan kung sino man siya.“Wala rin silang nahanap kahit anong finger print sa tear gas. Maingat siya sa ginagawa niya. Wala ka bang pwedeng panghinalaan?” inilingan ko naman siya. Kahit isa wala. Kung gusto niya akong patayin bilang Beatrice, ibig sabihin maaaring inggit? Hindi rin naman imposible dahil ilang buwan ko pa lang naman sa kompanya ay nagi
last updateLast Updated : 2022-07-09
Read more

Kabanata 33.1

Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mga papeles na ginagawa ko. Kanina pa ako hindi makapagfocus sa ginagawa ko dahil sa nangyari kahapon. Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil dun. Tao pa rin naman ako, nakakaramdam ng takot. Mahirap mangapa sa dilim, ni hindi ko alam kung sino ang kalaban ko rito, kung sino ang mga may galit sa akin.Bumalik ako rito para ipatikim kay Blaze ang lahat ng hirap na dinanas ko hindi para ganito ang mangyari sa akin habang nandito ako. Hindi kaya they mistook me as someone else? Pwedeng mangyari yun, baka hindi naman talaga ako ang puntirya pero sa akin nila nagawa.Pero parang malabo, kung sinusundan niya ang taong gusto niyang gawan ng masama dapat alam niya kung nasan ang taong yun at kung saan pupunta kaya paanong ako ang nasundan niya? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.Pinakilos ko na rin si Sabrina, ipapaimbestiga ko sa kaniya ang tungkol dito ng tahimik. Ayaw kong mangialam pa sa akin si Blaze pero sa tingin ko mangingiala
last updateLast Updated : 2022-07-10
Read more

Kabanata 33.2

“What’s wrong?” “What’s wrong?! Hindi ka nagsabi sa akin na nandito ka na. Wala akong kaalam-alam na umuwi ka na pala tapos tatanungin mo ako ng what’s wrong?! You jerk!” inis kong saad sa kaniya saka siya muling hinampas sa dibdib na ikinatawa niya lang. “Sorry, I’m sorry hahaha. Hindi na surprise kung sinabi ko sayo ang plano kong pag-uwi. Kamusta ka na? Bakit parang ang lungkot ng mga mata ng beb ko? Pinapahirapan ka ba rito?” “Kailan ka pa?” tanong ko ng hindi pinapansin ang tanong niya sa akin. “Ngayon lang, kararating ko lang din. Kalalabas ko lang din ng airport at dito na ako dumiretso. I really miss you.” muli niya akong niyakap and I feel safe. Parang panandalian akong nakatakas sa iniisip ko dahil sa nangyari sa akin. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko ng mula rito ay kita ko si Blaze na blangko ang mga matang nakatingin sa akin. Mas lalo akong nanigas nang maglakad siya papalapit sa amin. Alam kong sa amin siya pupunta dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin
last updateLast Updated : 2022-07-11
Read more

Kabanata 34.1

Pag-uwi ko ng bahay ay nasa labas pa lamang ako ng rinig ko na ang ingay nilang lahat mula sa salas. Nangingibabaw ang boses ng anak ko. “Daddy marami po ba akong pasalubong?” “Aba ay oo naman. Hindi pwedeng mawalan ang nag-iisa kong anak.” napangiti na lang ako habang pinapanuod silang nagbubuklat ng malaking maleta ni Jayson na puro pasalubong lang ang laman. “Yehey, thank you Daddy. Sana po nagsabi kang uuwi ka na para nasalubong ka namin ni Mommy sa airport.” “Gusto ko kasi kayong masurprise, hindi na yun surprise kapag sinabi ko diba?” “Beatrice.” Naagaw ko ang atensyon nila nang mapansin na ako ni Aurora. “Mommy, look oh andito na si Daddy.” Masayang saad ni Ethan, ngumiti na lang ako saka sila nilapitan. “Mukhang hindi niyo na ako hinintay sa pagbubuklat ng pasalubong ah.” Pagbibiro ko saka ako naupo sa tabi ng anak ko. “Nasa isang maleta raw ni Daddy ang mga pasalubong po niya sayo.” sabat ni Ethan. “Alam mo naman ang Daddy mo, masyadong special ang Mommy.” Natatawang
last updateLast Updated : 2022-07-11
Read more

Kabanata 34.2

Bakit siya naman ang hihingian ko ng tulong sa bagay na ito? Para ko na ring kinain lahat ng sinabi ko tungkol sa kaniya. Marami rin akong gustong gawin at plano sa kaniya tapos sasandal ako sa kaniya sa sitwasyon ko? No way. Pero paano nga kung may nangyari sa akin dahil sa taong nagtatangka ng buhay ko? Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair ko at ipinikit ang mga mata ko. Sino ba kasi ang nasa likod ng lahat ng ‘to? Anong kasalanan ang nagawa ko sa kaniya para pagtangkaan niya ang buhay ko? Napabuntong hininga na lang ako, walang araw na hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol dun. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pintuan. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa gulat ko. “Are you okay? Pasensya ka na hindi na ako kumatok.” “Uso naman siguro ang kumatok no? Ginugulat mo ako.” anas ko habang nakahawak pa rin ako sa bandang dibdib ko. “I’m sorry, iniisip mo pa rin ba ang nangyari sayo? Don’t worry h
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

Kabanata 35.1

Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse niya. Nang tumunog ang cellphone ko ay tiningnan ko kung sino ang nagtext. Nang pangalan ni Sab ang nakita ko sa screen ay tiningnan ko na muna si Blaze bago ko iyun binuksan. [Naibigay ko na lahat sa competitor ni Blaze. Expect na sasabog ang kompanya dahil sa problema next week. Good luck!] mabilis kong binura ang text ni Sabrina saka ko uli ibinalik sa bag ko ang cellphone ko. Wala akong dapat iiwan na ebidensya sa mga personal things ko. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga. Ito ang pinakamalaking problema ang ibibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dapat lang naman sa kaniya ang lahat ng ito kaya wala akong dapat ikaawa. He deserve it. “Okay ka lang ba?” “Ha?” halos gulat kong saad dahil sa biglaan niyang pagsasalita. “Kanina ka pa kasi buntong hininga ng buntong hininga. Are you okay?” malumanay niyang tanong, bakit ka ba ganyan sa akin ngayon? Ito ang gusto ko diba? Ang mahulog siya sa akin pero
last updateLast Updated : 2022-07-14
Read more

Kabanata 35.2

“Boyfriend mo?” hindi ko siya sinagot, napanguso na lang siya at nilaro ang mga pagkain sa pinggan niya. “Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko. Gustong gusto ko kasing pag-aralan ang mga disenyo mo noong nasa New York pa lang ako. Pwede ba akong makahiram ng iba mong disenyo? Promise, ibabalik ko rin.”“Yun lang ba? walang problema sa akin. Pwede mong kunin sa secretary ko.”“Talaga?” excited niyang saad. “I mean talaga?” pag-uulit niya ng marealize niyang masyado siyang excited.“Hmmm, wala naman sakin yun. Yun lang ba?”“Ano ka ba, ang laking bagay na yun para sakin. Yung iba kasi ayaw magpahiram.”“Hindi naman kasi ito basta basta na parang laruan para lang hiramin.”“Kaya nga thank you eh, wala ng bawian ah? Sinabi mo na sa akin na pwede kong hiramin. Kukuha na ako bukas.” Napatango tango na lang ako sa kaniya. Ganto pala ito kakulit. Muli kong tiningnan ang orasan ko at malapit ng mag-alas syete kaya inayos ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo.“Uuwi ka na? Hi
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status