Bakit siya naman ang hihingian ko ng tulong sa bagay na ito? Para ko na ring kinain lahat ng sinabi ko tungkol sa kaniya. Marami rin akong gustong gawin at plano sa kaniya tapos sasandal ako sa kaniya sa sitwasyon ko? No way. Pero paano nga kung may nangyari sa akin dahil sa taong nagtatangka ng buhay ko? Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair ko at ipinikit ang mga mata ko. Sino ba kasi ang nasa likod ng lahat ng ‘to? Anong kasalanan ang nagawa ko sa kaniya para pagtangkaan niya ang buhay ko? Napabuntong hininga na lang ako, walang araw na hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol dun. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pintuan. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa gulat ko. “Are you okay? Pasensya ka na hindi na ako kumatok.” “Uso naman siguro ang kumatok no? Ginugulat mo ako.” anas ko habang nakahawak pa rin ako sa bandang dibdib ko. “I’m sorry, iniisip mo pa rin ba ang nangyari sayo? Don’t worry h
Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse niya. Nang tumunog ang cellphone ko ay tiningnan ko kung sino ang nagtext. Nang pangalan ni Sab ang nakita ko sa screen ay tiningnan ko na muna si Blaze bago ko iyun binuksan. [Naibigay ko na lahat sa competitor ni Blaze. Expect na sasabog ang kompanya dahil sa problema next week. Good luck!] mabilis kong binura ang text ni Sabrina saka ko uli ibinalik sa bag ko ang cellphone ko. Wala akong dapat iiwan na ebidensya sa mga personal things ko. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga. Ito ang pinakamalaking problema ang ibibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dapat lang naman sa kaniya ang lahat ng ito kaya wala akong dapat ikaawa. He deserve it. “Okay ka lang ba?” “Ha?” halos gulat kong saad dahil sa biglaan niyang pagsasalita. “Kanina ka pa kasi buntong hininga ng buntong hininga. Are you okay?” malumanay niyang tanong, bakit ka ba ganyan sa akin ngayon? Ito ang gusto ko diba? Ang mahulog siya sa akin pero
“Boyfriend mo?” hindi ko siya sinagot, napanguso na lang siya at nilaro ang mga pagkain sa pinggan niya. “Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko. Gustong gusto ko kasing pag-aralan ang mga disenyo mo noong nasa New York pa lang ako. Pwede ba akong makahiram ng iba mong disenyo? Promise, ibabalik ko rin.”“Yun lang ba? walang problema sa akin. Pwede mong kunin sa secretary ko.”“Talaga?” excited niyang saad. “I mean talaga?” pag-uulit niya ng marealize niyang masyado siyang excited.“Hmmm, wala naman sakin yun. Yun lang ba?”“Ano ka ba, ang laking bagay na yun para sakin. Yung iba kasi ayaw magpahiram.”“Hindi naman kasi ito basta basta na parang laruan para lang hiramin.”“Kaya nga thank you eh, wala ng bawian ah? Sinabi mo na sa akin na pwede kong hiramin. Kukuha na ako bukas.” Napatango tango na lang ako sa kaniya. Ganto pala ito kakulit. Muli kong tiningnan ang orasan ko at malapit ng mag-alas syete kaya inayos ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo.“Uuwi ka na? Hi
Hindi ko maintindihan yung sarili ko, noong napapalapit siya sa akin, sa tuwing ngumingiti siya sa akin naiilang ako tapos ngayong dumidistansya hindi ko rin gusto. Hindi ko na alam kung ano na rin ang paniniwalaan ko sa sarili ko. Hindi dahil sa may natitira pa akong pagmamahal sa kaniya, kundi dahil nakakailang talaga ang pakikitungo niya. Noong mabait siya sa akin nakakailang din pero ngayon, hindi mo alam kung may nagawa ka bang kasalanan sa kaniya, para kang hangin para sa kaniya.“Yun lang, you may all leave now.” Malamig niyang saad matapos ang meeting namin. Tumayo naman na ako at akmang lalabas na sana ng conference nang tawagin niya ako.“Pumunta ka sa site, kay Mr. Bautista. Tingnan mo kung ano ng nangyayari dun.” Blangko niyang saad, nilingon ko siya pero nakatalikod na siya sa akin ngayon habang nakapamaywang ang dalawa niyang kamay. Hindi ko na lang siya pinansin at sinunod ang utos niya.Ayaw ko ng patulan pa ang topakin niyang ugali.Pagdating ko sa site ay naabutan ko
“No more buts! Hangga’t hindi mo naaayos ang problemang ito huwag na huwag kang magpapakita sa akin! Wala kang kwenta.” Huli niyang saad saka lumabas na ng opisina. Nabalot kami ng katahimikan sa apat na sulok ng kwartong ito at wala ni isa sa amin ang nagsalita.Tiningnan ko si Blaze at napasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok. Ibababa kaagad sa pwesto? Napangisi na lang ako, madali nga lang sa akin ang lahat.“Iwan niyo na muna ako, Aaron wala kang kahit sinong papapasukin sa office ko kahit sino.” May diin niyang saad, sinenyasan ako ni Aaron na lumabas na, muli ko pa siyang nilingon bago ako lumabas ng office niya. Bakit pa ba ako makikialam sa problemang ibinigay ko sa kaniya? Ano naman ngayon kung anong mangyayari sa buhay niya, he deserve it anyway.Kinuha ko na ang mga gamit ko sa office ko saka ako umuwi. Wala naman na akong gagawin, ayaw ko na munang salubungin ang galit niya. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Ethan pero kahit saan ko siya tingnan ay wala si
Kanina pa hindi mapakali sa inuupuan niya si Beatrice, simula kasi nang tumawag sa kaniya si Aaron nung nakaraang gabi na hindi niya makita si Blaze hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita ang dalawa. Noong tumawag kasi siya wala siyang ginawa at nanatili lang sa bahay niya. Bakit pa ba niya iniisip kung nasaan man silang dalawa ngayon?Naipilig na lang niya ang ulo niya at pinagpatuloy sa ginagawa. Hindi na siya kasama kung ano man ang kinakaharap na problema ngayon ni Blaze. Kapag lumipas ang panahon madali niya na lang makakalimutan ang lahat pero ang naramdaman ni Beatrice, maraming taon na ang lumipas pero ramdam pa rin niya ang sakit ng panloloko.Lumabas siya ng office niya para ibigay ang mga papeles na ibinigay ni Blaze nung nakaraang araw pa, kahit wala pa ito ay iiwan niya na lang sa ibabaw ng lamesa ni Blaze para makita niya sakaling makabalik na ito.Nang makarating siya sa harapan ng pintuan ng office ni Blaze ay napakunot na lang ang noo niya dahil sa mga taong laba
“Hello?” sagot niya rito, napalingon naman sa kaniya si Blaze. Iniwas ni Beatrice ang paningin niya dahil tila naiilang siya sa mga tingin ni Blaze.[Where are you?] sagot sa kabilang linya.“Nasa office lang, why?” pagsisinungaling niya. Tipid din ang pananalita niya dahil nakatitig at nakikinig sa kaniya si Blaze.[We’re going there, let’s have a lunch.” Tiningnan ni Beatrice ang relo niya at magtatanghalian nanaman. Nilingon niya si Blaze at nananatili itong nakatingin sa kaniya.“Yeah sure, see you later.” Sagot niya saka pinatay ang cellphone at binalingan si Blaze.“Bumalik ka na, subukan mong kausapin si Chairman. Apo ka pa rin naman niya kahit papaano, natural lang na magkamali.” Akma sanang tatayo uli si Beatrice ng pigilan nanaman siya ni Blaze.“Please stay, I really need someone now. Please.” Nakikiusap niyang saad. Tinitigan nila ang isa’t isa pero umiling si Beatrice.“Please Beatrice, stay just this once. Kahit ngayon lang, stay.” Alam ni Blaze na si Jayson ang nakausap
Lumipas ang dalawang araw at hindi na mapakali si Beatrice. Mag-iisang linggo na ring hindi pumapasok sa kompanya at naging usap-usapan na ito sa buong kompanya. Naghintay siya ng dalawang araw dahil baka sakaling pumasok si Blaze pero mukhang wala na talaga itong balak bumalik pa. “Magpapakamatay ba siya?” inis niya ng saad, mabilis siyang napatayo sa kinauupuan niya ng maalala niya ang sinabi noon ni Blaze. He wants to follow Eilish. “Damn it! You idiot.” Anas niya saka kinuha ang bag at lumabas na ng kompanya. Nalaglag pa ang hawak niyang susi dahil sa nararamdaman niyang panginginig. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip na maaari nga niyang isiping magpakamatay dahil sa mga problema niya. “Kapag nagpakamatay ka talaga, ako mismo papatay sayo. Bwisit.” Wika pa niya saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan ng makuha niya na ang nalaglag niyang susi. Wala na siyang pakialam kung over speeding na siya dahil mas ramdam niya ang takot sa didbib niya kapag naabutan niyang wala ng buhay