“Boyfriend mo?” hindi ko siya sinagot, napanguso na lang siya at nilaro ang mga pagkain sa pinggan niya. “Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko. Gustong gusto ko kasing pag-aralan ang mga disenyo mo noong nasa New York pa lang ako. Pwede ba akong makahiram ng iba mong disenyo? Promise, ibabalik ko rin.”“Yun lang ba? walang problema sa akin. Pwede mong kunin sa secretary ko.”“Talaga?” excited niyang saad. “I mean talaga?” pag-uulit niya ng marealize niyang masyado siyang excited.“Hmmm, wala naman sakin yun. Yun lang ba?”“Ano ka ba, ang laking bagay na yun para sakin. Yung iba kasi ayaw magpahiram.”“Hindi naman kasi ito basta basta na parang laruan para lang hiramin.”“Kaya nga thank you eh, wala ng bawian ah? Sinabi mo na sa akin na pwede kong hiramin. Kukuha na ako bukas.” Napatango tango na lang ako sa kaniya. Ganto pala ito kakulit. Muli kong tiningnan ang orasan ko at malapit ng mag-alas syete kaya inayos ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo.“Uuwi ka na? Hi
Hindi ko maintindihan yung sarili ko, noong napapalapit siya sa akin, sa tuwing ngumingiti siya sa akin naiilang ako tapos ngayong dumidistansya hindi ko rin gusto. Hindi ko na alam kung ano na rin ang paniniwalaan ko sa sarili ko. Hindi dahil sa may natitira pa akong pagmamahal sa kaniya, kundi dahil nakakailang talaga ang pakikitungo niya. Noong mabait siya sa akin nakakailang din pero ngayon, hindi mo alam kung may nagawa ka bang kasalanan sa kaniya, para kang hangin para sa kaniya.“Yun lang, you may all leave now.” Malamig niyang saad matapos ang meeting namin. Tumayo naman na ako at akmang lalabas na sana ng conference nang tawagin niya ako.“Pumunta ka sa site, kay Mr. Bautista. Tingnan mo kung ano ng nangyayari dun.” Blangko niyang saad, nilingon ko siya pero nakatalikod na siya sa akin ngayon habang nakapamaywang ang dalawa niyang kamay. Hindi ko na lang siya pinansin at sinunod ang utos niya.Ayaw ko ng patulan pa ang topakin niyang ugali.Pagdating ko sa site ay naabutan ko
“No more buts! Hangga’t hindi mo naaayos ang problemang ito huwag na huwag kang magpapakita sa akin! Wala kang kwenta.” Huli niyang saad saka lumabas na ng opisina. Nabalot kami ng katahimikan sa apat na sulok ng kwartong ito at wala ni isa sa amin ang nagsalita.Tiningnan ko si Blaze at napasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok. Ibababa kaagad sa pwesto? Napangisi na lang ako, madali nga lang sa akin ang lahat.“Iwan niyo na muna ako, Aaron wala kang kahit sinong papapasukin sa office ko kahit sino.” May diin niyang saad, sinenyasan ako ni Aaron na lumabas na, muli ko pa siyang nilingon bago ako lumabas ng office niya. Bakit pa ba ako makikialam sa problemang ibinigay ko sa kaniya? Ano naman ngayon kung anong mangyayari sa buhay niya, he deserve it anyway.Kinuha ko na ang mga gamit ko sa office ko saka ako umuwi. Wala naman na akong gagawin, ayaw ko na munang salubungin ang galit niya. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Ethan pero kahit saan ko siya tingnan ay wala si
Kanina pa hindi mapakali sa inuupuan niya si Beatrice, simula kasi nang tumawag sa kaniya si Aaron nung nakaraang gabi na hindi niya makita si Blaze hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita ang dalawa. Noong tumawag kasi siya wala siyang ginawa at nanatili lang sa bahay niya. Bakit pa ba niya iniisip kung nasaan man silang dalawa ngayon?Naipilig na lang niya ang ulo niya at pinagpatuloy sa ginagawa. Hindi na siya kasama kung ano man ang kinakaharap na problema ngayon ni Blaze. Kapag lumipas ang panahon madali niya na lang makakalimutan ang lahat pero ang naramdaman ni Beatrice, maraming taon na ang lumipas pero ramdam pa rin niya ang sakit ng panloloko.Lumabas siya ng office niya para ibigay ang mga papeles na ibinigay ni Blaze nung nakaraang araw pa, kahit wala pa ito ay iiwan niya na lang sa ibabaw ng lamesa ni Blaze para makita niya sakaling makabalik na ito.Nang makarating siya sa harapan ng pintuan ng office ni Blaze ay napakunot na lang ang noo niya dahil sa mga taong laba
“Hello?” sagot niya rito, napalingon naman sa kaniya si Blaze. Iniwas ni Beatrice ang paningin niya dahil tila naiilang siya sa mga tingin ni Blaze.[Where are you?] sagot sa kabilang linya.“Nasa office lang, why?” pagsisinungaling niya. Tipid din ang pananalita niya dahil nakatitig at nakikinig sa kaniya si Blaze.[We’re going there, let’s have a lunch.” Tiningnan ni Beatrice ang relo niya at magtatanghalian nanaman. Nilingon niya si Blaze at nananatili itong nakatingin sa kaniya.“Yeah sure, see you later.” Sagot niya saka pinatay ang cellphone at binalingan si Blaze.“Bumalik ka na, subukan mong kausapin si Chairman. Apo ka pa rin naman niya kahit papaano, natural lang na magkamali.” Akma sanang tatayo uli si Beatrice ng pigilan nanaman siya ni Blaze.“Please stay, I really need someone now. Please.” Nakikiusap niyang saad. Tinitigan nila ang isa’t isa pero umiling si Beatrice.“Please Beatrice, stay just this once. Kahit ngayon lang, stay.” Alam ni Blaze na si Jayson ang nakausap
Lumipas ang dalawang araw at hindi na mapakali si Beatrice. Mag-iisang linggo na ring hindi pumapasok sa kompanya at naging usap-usapan na ito sa buong kompanya. Naghintay siya ng dalawang araw dahil baka sakaling pumasok si Blaze pero mukhang wala na talaga itong balak bumalik pa. “Magpapakamatay ba siya?” inis niya ng saad, mabilis siyang napatayo sa kinauupuan niya ng maalala niya ang sinabi noon ni Blaze. He wants to follow Eilish. “Damn it! You idiot.” Anas niya saka kinuha ang bag at lumabas na ng kompanya. Nalaglag pa ang hawak niyang susi dahil sa nararamdaman niyang panginginig. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip na maaari nga niyang isiping magpakamatay dahil sa mga problema niya. “Kapag nagpakamatay ka talaga, ako mismo papatay sayo. Bwisit.” Wika pa niya saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan ng makuha niya na ang nalaglag niyang susi. Wala na siyang pakialam kung over speeding na siya dahil mas ramdam niya ang takot sa didbib niya kapag naabutan niyang wala ng buhay
“Pinatay na kita dati kaya papatayin uli kita......Eilish.” anas niya sa sarili at umalis na sa pinagtataguan niya. Tiningnan niya kung nasa labas pa ba ang kotse ni Beatrice pero wala na. Nanlilisik ang mga mata niya dahil sa galit. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan ng kotse niya saka ito pinaandar.Mahigpit ang hawak ni Beatrice sa manubela niya at nanlalabo rin ang paningin niya dahil sa mga luha niya. Paulit-ulit sa isipan niya ang lahat ng sinabi ni Blaze pero ayaw iyung paniwalaan ng puso niya. Ayaw niya ng masaktan sa pangawalang beses.Aminado siyang nag-aalala talaga siya ng sobra. Masaya siyang nahulog sa bitag niya si Blaze pero para bang hindi lang si Blaze ang nahihirapan ngayon dahil maging siya ay nahihirapan na rin.“Maling mali na bumalik pa ako rito. Maling-mali.” Anas niya, tinungo niya na ang daan patungong bahay niya. Hindi siya pwedeng dumiretso sa kompanya dahil basa siya. Sa tingin niya rin ay hindi na siya makakapagtrabaho pa ng maayos.Nang makauwi siya
“Anong ginagawa natin dito?” tanong niya kahit saan niya tingnan ay puro nitso ang nakikita niya. Hindi naman sumasagot sa kaniya si Blaze, nagpatuloy lang ang pagdadrive niya hanggang sa makarating sila sa isang malinis na lugar. Naunang bumaba si Blaze pero nanatiling nasa loob ng sasakyan si Beatrice dahil nagtataka siya kung bakit sila nasa sementeryo. Ang akala ba niya ay may ipapakilala sa kaniya si Blaze pero bakit sa sementeryo? Nagulat na lang siya nang buksan ni Blaze ang pintuan niya. “Ano bang ginagawa natin dito? Bakit dito mo ako dinala?” “Just follow me, wala akong gagawin sayo.” wika niya, bumaba naman siya. Nang hawakan siya ni Blaze sa kamay ay hinayaan niya na iyun. Inilibot niya ang paningin niya at silang dalawa lang ngayon ang nasa sementeryo dahil hindi naman araw ng mga patay para dumalaw dito. Nagpatangay na lang si Beatrice hanggang sa makarating sila sa isang puntod na may bago pang lagay na mga bulaklak. Tila ba araw-araw itong may bisita. “Sinabi ko s
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong