Ibig sabihin, planado talaga lahat. Hindi naman pinapatay ang cctv ng sabay sabay eh.“Nakausap mo na ba ang mga nakaduty ngayon sa cctv room?” tanong ni Blaze.“Oo, dalawa silang nakabantay dun at ang iba naman ay nag-aayos sa ibang floor pero lahat ng cctv sa floor kung nasaan ang stock room ay maayos iyung gumagana. Ang sabi pa ng dalawa, may lalaki raw na pumasok ng cctv room at pareho silang pinatulog. Ang nangyari sa stock room ay planado para patayin ka.” baling niya sa akin. I knew it, naikuyom ko na lang ang mga kamao ngayong nakompirma ko.Ibig sabihin, hindi ako ligtas sa kompanya pero kung ito ang gusto niya hindi ko siya aatrasan kung sino man siya.“Wala rin silang nahanap kahit anong finger print sa tear gas. Maingat siya sa ginagawa niya. Wala ka bang pwedeng panghinalaan?” inilingan ko naman siya. Kahit isa wala. Kung gusto niya akong patayin bilang Beatrice, ibig sabihin maaaring inggit? Hindi rin naman imposible dahil ilang buwan ko pa lang naman sa kompanya ay nagi
Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mga papeles na ginagawa ko. Kanina pa ako hindi makapagfocus sa ginagawa ko dahil sa nangyari kahapon. Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil dun. Tao pa rin naman ako, nakakaramdam ng takot. Mahirap mangapa sa dilim, ni hindi ko alam kung sino ang kalaban ko rito, kung sino ang mga may galit sa akin.Bumalik ako rito para ipatikim kay Blaze ang lahat ng hirap na dinanas ko hindi para ganito ang mangyari sa akin habang nandito ako. Hindi kaya they mistook me as someone else? Pwedeng mangyari yun, baka hindi naman talaga ako ang puntirya pero sa akin nila nagawa.Pero parang malabo, kung sinusundan niya ang taong gusto niyang gawan ng masama dapat alam niya kung nasan ang taong yun at kung saan pupunta kaya paanong ako ang nasundan niya? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.Pinakilos ko na rin si Sabrina, ipapaimbestiga ko sa kaniya ang tungkol dito ng tahimik. Ayaw kong mangialam pa sa akin si Blaze pero sa tingin ko mangingiala
“What’s wrong?” “What’s wrong?! Hindi ka nagsabi sa akin na nandito ka na. Wala akong kaalam-alam na umuwi ka na pala tapos tatanungin mo ako ng what’s wrong?! You jerk!” inis kong saad sa kaniya saka siya muling hinampas sa dibdib na ikinatawa niya lang. “Sorry, I’m sorry hahaha. Hindi na surprise kung sinabi ko sayo ang plano kong pag-uwi. Kamusta ka na? Bakit parang ang lungkot ng mga mata ng beb ko? Pinapahirapan ka ba rito?” “Kailan ka pa?” tanong ko ng hindi pinapansin ang tanong niya sa akin. “Ngayon lang, kararating ko lang din. Kalalabas ko lang din ng airport at dito na ako dumiretso. I really miss you.” muli niya akong niyakap and I feel safe. Parang panandalian akong nakatakas sa iniisip ko dahil sa nangyari sa akin. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko ng mula rito ay kita ko si Blaze na blangko ang mga matang nakatingin sa akin. Mas lalo akong nanigas nang maglakad siya papalapit sa amin. Alam kong sa amin siya pupunta dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin
Pag-uwi ko ng bahay ay nasa labas pa lamang ako ng rinig ko na ang ingay nilang lahat mula sa salas. Nangingibabaw ang boses ng anak ko. “Daddy marami po ba akong pasalubong?” “Aba ay oo naman. Hindi pwedeng mawalan ang nag-iisa kong anak.” napangiti na lang ako habang pinapanuod silang nagbubuklat ng malaking maleta ni Jayson na puro pasalubong lang ang laman. “Yehey, thank you Daddy. Sana po nagsabi kang uuwi ka na para nasalubong ka namin ni Mommy sa airport.” “Gusto ko kasi kayong masurprise, hindi na yun surprise kapag sinabi ko diba?” “Beatrice.” Naagaw ko ang atensyon nila nang mapansin na ako ni Aurora. “Mommy, look oh andito na si Daddy.” Masayang saad ni Ethan, ngumiti na lang ako saka sila nilapitan. “Mukhang hindi niyo na ako hinintay sa pagbubuklat ng pasalubong ah.” Pagbibiro ko saka ako naupo sa tabi ng anak ko. “Nasa isang maleta raw ni Daddy ang mga pasalubong po niya sayo.” sabat ni Ethan. “Alam mo naman ang Daddy mo, masyadong special ang Mommy.” Natatawang
Bakit siya naman ang hihingian ko ng tulong sa bagay na ito? Para ko na ring kinain lahat ng sinabi ko tungkol sa kaniya. Marami rin akong gustong gawin at plano sa kaniya tapos sasandal ako sa kaniya sa sitwasyon ko? No way. Pero paano nga kung may nangyari sa akin dahil sa taong nagtatangka ng buhay ko? Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair ko at ipinikit ang mga mata ko. Sino ba kasi ang nasa likod ng lahat ng ‘to? Anong kasalanan ang nagawa ko sa kaniya para pagtangkaan niya ang buhay ko? Napabuntong hininga na lang ako, walang araw na hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol dun. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pintuan. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa gulat ko. “Are you okay? Pasensya ka na hindi na ako kumatok.” “Uso naman siguro ang kumatok no? Ginugulat mo ako.” anas ko habang nakahawak pa rin ako sa bandang dibdib ko. “I’m sorry, iniisip mo pa rin ba ang nangyari sayo? Don’t worry h
Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse niya. Nang tumunog ang cellphone ko ay tiningnan ko kung sino ang nagtext. Nang pangalan ni Sab ang nakita ko sa screen ay tiningnan ko na muna si Blaze bago ko iyun binuksan. [Naibigay ko na lahat sa competitor ni Blaze. Expect na sasabog ang kompanya dahil sa problema next week. Good luck!] mabilis kong binura ang text ni Sabrina saka ko uli ibinalik sa bag ko ang cellphone ko. Wala akong dapat iiwan na ebidensya sa mga personal things ko. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga. Ito ang pinakamalaking problema ang ibibigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dapat lang naman sa kaniya ang lahat ng ito kaya wala akong dapat ikaawa. He deserve it. “Okay ka lang ba?” “Ha?” halos gulat kong saad dahil sa biglaan niyang pagsasalita. “Kanina ka pa kasi buntong hininga ng buntong hininga. Are you okay?” malumanay niyang tanong, bakit ka ba ganyan sa akin ngayon? Ito ang gusto ko diba? Ang mahulog siya sa akin pero
“Boyfriend mo?” hindi ko siya sinagot, napanguso na lang siya at nilaro ang mga pagkain sa pinggan niya. “Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko. Gustong gusto ko kasing pag-aralan ang mga disenyo mo noong nasa New York pa lang ako. Pwede ba akong makahiram ng iba mong disenyo? Promise, ibabalik ko rin.”“Yun lang ba? walang problema sa akin. Pwede mong kunin sa secretary ko.”“Talaga?” excited niyang saad. “I mean talaga?” pag-uulit niya ng marealize niyang masyado siyang excited.“Hmmm, wala naman sakin yun. Yun lang ba?”“Ano ka ba, ang laking bagay na yun para sakin. Yung iba kasi ayaw magpahiram.”“Hindi naman kasi ito basta basta na parang laruan para lang hiramin.”“Kaya nga thank you eh, wala ng bawian ah? Sinabi mo na sa akin na pwede kong hiramin. Kukuha na ako bukas.” Napatango tango na lang ako sa kaniya. Ganto pala ito kakulit. Muli kong tiningnan ang orasan ko at malapit ng mag-alas syete kaya inayos ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo.“Uuwi ka na? Hi
Hindi ko maintindihan yung sarili ko, noong napapalapit siya sa akin, sa tuwing ngumingiti siya sa akin naiilang ako tapos ngayong dumidistansya hindi ko rin gusto. Hindi ko na alam kung ano na rin ang paniniwalaan ko sa sarili ko. Hindi dahil sa may natitira pa akong pagmamahal sa kaniya, kundi dahil nakakailang talaga ang pakikitungo niya. Noong mabait siya sa akin nakakailang din pero ngayon, hindi mo alam kung may nagawa ka bang kasalanan sa kaniya, para kang hangin para sa kaniya.“Yun lang, you may all leave now.” Malamig niyang saad matapos ang meeting namin. Tumayo naman na ako at akmang lalabas na sana ng conference nang tawagin niya ako.“Pumunta ka sa site, kay Mr. Bautista. Tingnan mo kung ano ng nangyayari dun.” Blangko niyang saad, nilingon ko siya pero nakatalikod na siya sa akin ngayon habang nakapamaywang ang dalawa niyang kamay. Hindi ko na lang siya pinansin at sinunod ang utos niya.Ayaw ko ng patulan pa ang topakin niyang ugali.Pagdating ko sa site ay naabutan ko
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong