Kinabukasan, habang nasa palengke kami ni Nanay ay dumaan si Joaquin. Nakaporma siya at may dala nanamang bulaklak. "Ah, Glydel. Para sayo," sabi niya sa akin at inabot ang hawak niyang bungkos ng bulaklak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon pero kinuha ko na rin ito at ayokong mapahiya si Joaquin. "Totoo nga ang tsismis," narinig kong bulong ng katabi namin at naramdaman kong kinurot ako ni Nanay sa baywang kaya napangiwi ako sandali. "Para saan ito?" tanong ko kay Joaquin at ngumiti siya sa akin. May inabot na rin siyang tsokolate sa akin at kinuha ko rin iyon. "Joaquin, sinabi ko na sayo kagabi, ayoko pang magkaroon ng mangliligaw ang anak ko at gusto ko makapagtapos na muna siya sa pag-aaral," sabi ni Nanay sa kanya at nakaramdam ako ng hiya dahil sa pinagsabihan ni Nanay si Joaquin. "Naiintindihanko po, Aling Nena. Gusto ko lang po magpakita ng paghanga kay Glydel," sabi ni Joaquin kay Nanay at umal
Last Updated : 2022-03-06 Read more