Lisa POV “Ano sa tingin mo, Nanay?” tanong ko sa kanya na busy sa pagbuklat-buklat ng may kakapalang brochure na dinala ni Mommy. Hindi ko alam na may dala pala siyang brochure ng mga desenyo ng mga damit pang-kasal mula sa gown ng bride, groom, mga abay, mga secondary sponsors, at iba pang mga kakailanganin pagpipilian sa aming kasal. Ang alam ko lang, dadalaw lang kami kay Nanay ngayon. At s’yempre ang ipamalita sa kanya ang mga magagandang ganap nitong mga nakaraan pero. . . ‘di ko inaasahan na may pagpa-plano na palang magaganap dito. Ang balak namin na kakain sa labas ay ‘di na natupad. Maging ang lakad sana ni Mommy ay ipinagpaliban niya para lang sa mga maliliit na detalyeng kailangan nang ayusin ika nga niya, o, excited lang silang masyado mag-plano? “Magaganda lahat. Hindi ako makakabili nito. Sigurado ako na mahal ang mga ganitong klaseng desenyo. Sa tabas lang. . . magpapabili na lang ako kay Lisa sa. . . saan na nga ba iyong laging sinasabi ni Marie sa iyo na murang bili
Last Updated : 2022-04-16 Read more