Home / Romance / My Paper Wife / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of My Paper Wife: Chapter 21 - Chapter 30

68 Chapters

Chapter 21

Lisa POV Hindi ko malunok ang mga pagkain sa bibig ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dito sa kinauupuan ko. Sinubukan kong ngumiti palagi sa kanila, habang ngumunguya… Ang sakit sa lalamunan, ah! At sa panga. “So, Hijo kamusta naman ang buhay may asawa?” tanong ng isang kasosyo nila kay Fier. Dahil walang nakaalam na ikinasal na kami, maraming ang na gulat– at na saktan. Natawa ako doon. Maraming umaaligid sa kanyang mga babae, alam ko ‘yan. Some of them or most of them nandito nga. Ang daming irap ang inabot ko sa kanila. Kung isang balisong lang ang mga irap nilang iyon . . . t’yak wala na akong buhay ngayon dito at pinagpipiyestahan ng mga babaeng na-heartbroken niya. At sa malamang na malamang si Fier, ayaw nang lumabas ng lunga niya sa sobrang daming maghahanap sa kanya. Wanted ng mga kababaihan. Tsk! Kawawa naman sila, maraming nasawi ang puso dahil sa lalaking ito. Sila din naman kasi, alam nang chickboy— naglalapit pa sila! Ang dami naman d’yang barako na mababait at ‘di
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more

Chapter 22

Lisa POV Ang bango. Ang lambot. Napasinghap ako sa pumasok na mabangong amoy sa nostrils ko. Dumidiretso ito sa t’yan ko na parang binibigyan ito nang paanyaya sa isang masarap na hapunan. Umingit ako, nakapikit kong ininguso ang mga labi ko. “And what do you think other people might say? Her Mom?” Kumunot ang noo ko sa mga maliliit na boses na naririnig ko. Mahina lang ang mga ito at hindi malinaw sa akin. Nang dahil sa pagkunot ko nakaramdam ako ng pagkahilo kaya minabuti ko na lang na ipikit ng mariin ang mga mata ko at sinikap na makabalik muli sa pagtulog. “She’s okay now. No need to worry about it. She just needs to rest. And, from her initial test . . . she needs a lot of it and eats a lot of healthy foods. She’s also anemic due to so much fatigue and locked of periods of sleep. . .” Nagising ako sa isang banayad na hawak sa braso ko. Tinantiya ko muna ang pakiramdam ko bago dahan-dahang ibinuka ang aking mga mata. Tuloy lang sa kung anong bagay ang ginagawa niya sa braso k
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

Chapter 23

Lisa POV “Wow!” Unang salitang lumabas sa bibig ko. Sunod mga, “Ang sosyal!” Kung kaya lang umikot ng ulo ko sa three hundred sixty degrees– na gawa ko na. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin, lilingon at lalapit. Pagpasok pa lang sa engrandeng gate nila, gusto ko nang lumabas sa kotse n’yang sinasakyan ko. Tumatawa siya sa pagiging taong bundok ko daw. Akala ko maganda na ang bahay nila ni Michael sa lugar namin na pinag-bakasyunan nila . . . mas, mas, mas pa pala ito. Kulang na lang ilabas ko ang ulo ko sa salaming bintana ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung sa kanan ko ba o sa kaliwa ako titingin. Marami naman talagang magagandang bahay dito sa village nila pero ang bahay nila ang the best. Kumbaga tourist spot ang lugar na ito. Agaw pansin sa lahat. Karamihan daw na nakatira dito mga bigating tao, like– Oh, Em G! Dito daw nakatira ang dating presidenteng Aquino. Sama mo pa ang ilang mga senador at ilang mga artista. Security pa lang ang higpit na dito. Dapat kilala ka a
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

Chapter 24

Lisa POV Naupo ako sa malambot na kama na pinagdalan niya sa akin. Kinastigo ko ang sarili ko nang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi naman kami magtatabi, right? Nag-umpisa nang tumibok ang puso ko simula ng sabihin ni Mommy na ihatid na niya ako sa kwarto namin. Namin! Para makapag-pahinga na daw ako. Matapos masiguro na nakainom ako ng gamot ko, hinatid na ako ni Fier dito sa kwarto– niya. Kasama naman namin si Mommy na pumasok dito, hawak pa nga niya ang isang kamay ko habang paakyat kami ng hagdanan. Binibilin niya na h’wag daw ako mahiya sa kanya at sa mga kasambahay namin, kung may kailangan ako, sabihin ko agad iyon sa kanya o kaya sa kanila. Isa-isa niya sila pinakilala sa akin. Sandali din niya ako iginala sa loob at sa labas ng mansion nila. Pagkarating na pagkarating ni Philip kanina, konting usapang pangangamusta lang at ilang kwentuhan bago sila nag-usap pa tungkol sa business. Siya pala ang kanang kamay ni Daddy sa lahat ng mga negosyo at pati na rin sa ilan
last updateLast Updated : 2022-03-13
Read more

Chapter 25

Lisa POV "What do you think of these cups, Hija?” sigaw ni Mommy para maagaw ang atensyon ko mula sa binabasa kong brochure na nakita ko lamang sa may information desk pagpasok namin dito kanina. Tumingin ako sa kanya na nasa bandang kaliwa ko, nakataas ang dalawang magkaibang kulay na tasa sa kanyang magkabilang mga kamay. Pinagsalit-salitan niya ito na parang tinatanong ako kung alin doon ang maganda sa hawak niya. Ngumiti ako habang papalapit, tiningnan ko ang mga ito, sinipat ng maigi. Wala naman pinagkaiba maliban sa kulay nila. Pareho namang magaganda at ‘di ordinaryong tasa lang pero ang— mahal! Gawa daw kasi ang mga ito sa porcelain at lahat ng mga nandito sa mga estanteng ito ay limited edition lamang. Madalas daw isang klase lamang dahil gawa ito sa mano-mano ng mga tanyag na manggagawa sa mga ganitong uri ng bagay. Kaya asahan mo wala kang katulad sa ganoong design na iyon. Na isa sa mga dahilan sa pagmamahal ng mga nito. Mas espesyal daw ito at talaga naman nakakatuwa s
last updateLast Updated : 2022-03-15
Read more

Chapter 26

Lisa POV “Nothing to worry about, Mom. Everything is on hand. The deal with the Montes will be finalized within this week or so. . .” Todo pagmamalaking sagot ni Fier sa ina niya. Ibinaba nito ang hawak na kubyertos para abutin ang baso ng kanyang wine. “They are great to deal with, no wonder everyone wanted to have them as business partners.” dagdag pa nito na may pailing-iling bago muling ipinagpatuloy ang pagkain sa kanyang steak. “Pero mailap sila, hindi sila basta-basta nagbibigay ng appointment kung hindi nila muna na pag-aralan ang business proposal mo. Masyadong metikuloso si Mr. Montes! But his great in his ideas . .” aniya pa na tinanguan naman ng ina niya. “Hmm, ilang deal na rin ang na closed ng Dad mo with them,” sandaling nag-isip si Mommy, “alam ko siya ang kasama ng Dad mo sa isang China trip nila noon na naging successful sa mga ka-meeting nila doon. Bata ka pa lang noon, maybe your in high school.” Hindi siguradong dagdag ni Mommy pero kitang-kita mo sa mga mata
last updateLast Updated : 2022-03-17
Read more

Chapter 27

Lisa POV “Ang sarap, Hija!” puna ni Ate Merlyn matapos niya tikman ang niluto kong sinigang na hipon sa manggang hilaw. Gusto pa nitong sumandok muli sa pinaglutuan ko nang pigilan siya sa kanyang kamay ni Manang. “Magtigil ka nga d’yan Merlyn at umalis ka na, ako naman ang titikim,” Hinarang niya ang kamay ni Manang para hindi na makasandok si Ate Merlyn para tikman muli ito. Natawa ako sa ginawa niyang pag-irap sa matanda. Dinilaan niya pa ito sa kanyang likod na parang batang inaaway. Napasandal na lamang siya sa gilid ng lutuan habang hinihintay ang matanda na sumasandok. “Hmm, magaling ka pa lang magluto, Hija. Sigurado ako na magugustuhan nila Sir at Madam ang mga niluto mo. Ni level-up mo pa ang paborito ng asawa mo,” Tumatango-tango siyang saad. Ngumiti ako sa sinabi ni Manang, pinagmasdan ko siyang nagsandok sa isang mangkok na nandito sa tabihan namin. Inabot niya ito kay Ate Merlyn para hindi na ito magmaktol na parang isang bata. Nagbago ang nakabusangot niyang mukha
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 28

Lisa POV “Sure, Hija!” Tumayo si Mommy, tumawag ng kasambahay para bigyan ito ng plato na agad naman lumabas si Ate Merlyn kasunod ang isa pang kasamahan para naman sa dalang placemat. “Ahm!” tumikhim ito nang lumapit si Sabby sa kanya para makipagbeso at ganoon na din kay Daddy na kinamusta siya at nakipagpalitan ng beso. “Hello, Lisa!” Agad akong napatayo nang lumapit ito sa akin para makipagbeso na rin na ikinagulat ko. Anong meron? Never siya lumapit sa akin para makipagbeso kahit saan man kami magpunta o magkita. Pinagsawalang bahala ko na lang ito, ibinalik ko ang ngiti na iginawad niya sa akin. Baka dahil nandito siya kaharap ang mga magulang ni Fier kaya extended ang acting niya. “Pakihain na lang din ito para matikman nila,” utos na magiliw nito sa kasambahay na kasama ni Ate Merlyn. “Yes, Ma’am,” “Napadalaw ka, Hija?” tanong ni Mommy na nagmamasid lang sa bagong bisita. “Nag-abala ka pa pero salamat na rin,” nakangiting dagdag niya. “Wala po iyon, tita. Actually, k
last updateLast Updated : 2022-03-20
Read more

Chapter 29 Part-1

Lisa POV Mabigat ang dibdib kong umakyat sa kwartong inuukupahan ko pag-alis na pag-alis ng bisita namin. Hindi ko na hinintay pang mapansin ako nila Mommy paakyat dito. Mabilis akong naglakad patungong hagdan para mapag-isa. Mula kaninang nagtatalo sila sa labas, ‘di ko na sila muli pang sinulyapan kahit noong paalis ito. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa mga gwardiya naming nagpupustahan sa isang larong pang-ibang bansa. Nagde-debate sila kung sino ang mas magaling sa kanya-kanya nilang player. Hindi inalintana ang dalawang nagpapalitan ng mga salitang— nakakasakit sa akin. Humugot ako nang malalim pa sa malalim na hininga. Inalis ang bagay na humihigpit sa puso ko. Tumatatak sa isip ko ang mga sinabi ni Sabby. Hindi ko naman maalis iyon sa kanya. May parte naman na totoo at wala na akong balak pang alisin sa kanila ang nangyaring tapos na. Sa nararamdaman naman niya, sorry. Iyon lang ang masasabi ko. Alam ko, bawat galaw at kilos niya . . . may pagtingin na siya sa lala
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

Chapter 29 Part-2

Lisa POV “I’m sorry, sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko kasi alam kung paano ang maging isang asawa bukod sa– ginagawa nila sa kama,” humugot muli ito nang malalim na hininga. Itinaas ang isang kamay na itinuro ang kama kung nasaan ako nakahiga. Bakas na bakas dito ang sobrang frustration sa sinabi niya na parang tumanda ito ng ilang taon sa sinabi niya. Problemadong-problemado humugot siyang muli nang malalim na hininga. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi niya? Bakit kung maka-react siya ngayon, parang ‘di ko siya matanto? “I tried, Lisa. but, everytime I . . . tang ina! Hindi ko alam bakit ako ganito?” marahas siyang tumayo at naglakad papunta sa nakasaradong veranda ng kanyang silid. Napaigtad ako sa pagmumura niya. Kinabahan sa biglaang pagtayo nito. Tumingala siya doon sa taas, na sinundan ko naman nang tingin . . . kumunot ang noo ko nang wala naman siyang makikita doon maliban sa ceiling na kulay puting plywood. Ni wala ngang agiw dito sa sobrang linis at maya’t mayang pag
last updateLast Updated : 2022-03-22
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status