Lisa POV “Ang sarap, Hija!” puna ni Ate Merlyn matapos niya tikman ang niluto kong sinigang na hipon sa manggang hilaw. Gusto pa nitong sumandok muli sa pinaglutuan ko nang pigilan siya sa kanyang kamay ni Manang. “Magtigil ka nga d’yan Merlyn at umalis ka na, ako naman ang titikim,” Hinarang niya ang kamay ni Manang para hindi na makasandok si Ate Merlyn para tikman muli ito. Natawa ako sa ginawa niyang pag-irap sa matanda. Dinilaan niya pa ito sa kanyang likod na parang batang inaaway. Napasandal na lamang siya sa gilid ng lutuan habang hinihintay ang matanda na sumasandok. “Hmm, magaling ka pa lang magluto, Hija. Sigurado ako na magugustuhan nila Sir at Madam ang mga niluto mo. Ni level-up mo pa ang paborito ng asawa mo,” Tumatango-tango siyang saad. Ngumiti ako sa sinabi ni Manang, pinagmasdan ko siyang nagsandok sa isang mangkok na nandito sa tabihan namin. Inabot niya ito kay Ate Merlyn para hindi na ito magmaktol na parang isang bata. Nagbago ang nakabusangot niyang mukha
Lisa POV “Sure, Hija!” Tumayo si Mommy, tumawag ng kasambahay para bigyan ito ng plato na agad naman lumabas si Ate Merlyn kasunod ang isa pang kasamahan para naman sa dalang placemat. “Ahm!” tumikhim ito nang lumapit si Sabby sa kanya para makipagbeso at ganoon na din kay Daddy na kinamusta siya at nakipagpalitan ng beso. “Hello, Lisa!” Agad akong napatayo nang lumapit ito sa akin para makipagbeso na rin na ikinagulat ko. Anong meron? Never siya lumapit sa akin para makipagbeso kahit saan man kami magpunta o magkita. Pinagsawalang bahala ko na lang ito, ibinalik ko ang ngiti na iginawad niya sa akin. Baka dahil nandito siya kaharap ang mga magulang ni Fier kaya extended ang acting niya. “Pakihain na lang din ito para matikman nila,” utos na magiliw nito sa kasambahay na kasama ni Ate Merlyn. “Yes, Ma’am,” “Napadalaw ka, Hija?” tanong ni Mommy na nagmamasid lang sa bagong bisita. “Nag-abala ka pa pero salamat na rin,” nakangiting dagdag niya. “Wala po iyon, tita. Actually, k
Lisa POV Mabigat ang dibdib kong umakyat sa kwartong inuukupahan ko pag-alis na pag-alis ng bisita namin. Hindi ko na hinintay pang mapansin ako nila Mommy paakyat dito. Mabilis akong naglakad patungong hagdan para mapag-isa. Mula kaninang nagtatalo sila sa labas, ‘di ko na sila muli pang sinulyapan kahit noong paalis ito. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa mga gwardiya naming nagpupustahan sa isang larong pang-ibang bansa. Nagde-debate sila kung sino ang mas magaling sa kanya-kanya nilang player. Hindi inalintana ang dalawang nagpapalitan ng mga salitang— nakakasakit sa akin. Humugot ako nang malalim pa sa malalim na hininga. Inalis ang bagay na humihigpit sa puso ko. Tumatatak sa isip ko ang mga sinabi ni Sabby. Hindi ko naman maalis iyon sa kanya. May parte naman na totoo at wala na akong balak pang alisin sa kanila ang nangyaring tapos na. Sa nararamdaman naman niya, sorry. Iyon lang ang masasabi ko. Alam ko, bawat galaw at kilos niya . . . may pagtingin na siya sa lala
Lisa POV “I’m sorry, sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko kasi alam kung paano ang maging isang asawa bukod sa– ginagawa nila sa kama,” humugot muli ito nang malalim na hininga. Itinaas ang isang kamay na itinuro ang kama kung nasaan ako nakahiga. Bakas na bakas dito ang sobrang frustration sa sinabi niya na parang tumanda ito ng ilang taon sa sinabi niya. Problemadong-problemado humugot siyang muli nang malalim na hininga. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi niya? Bakit kung maka-react siya ngayon, parang ‘di ko siya matanto? “I tried, Lisa. but, everytime I . . . tang ina! Hindi ko alam bakit ako ganito?” marahas siyang tumayo at naglakad papunta sa nakasaradong veranda ng kanyang silid. Napaigtad ako sa pagmumura niya. Kinabahan sa biglaang pagtayo nito. Tumingala siya doon sa taas, na sinundan ko naman nang tingin . . . kumunot ang noo ko nang wala naman siyang makikita doon maliban sa ceiling na kulay puting plywood. Ni wala ngang agiw dito sa sobrang linis at maya’t mayang pag
Lisa POV “Hmm. . .” Isang hummed lang ang lumabas sa aking mga labi. Ang pagtutol sana na nais kong gawin ay naging isang pag-ungol. Hindi gumalaw ang mga labi niya na nasa labi ko. Kung siya naka-pikit ako naman dilat na dilat at nanlalaki ang mga mata sa ginawa niya. Sa bigla, wala akong mahagilap na kahit na anong salita o kahit na anong gawin sa pagkabigla ko. Should I push him? Malakas ba dapat? Nagtatalo ang isip ko sa dapat kong gawin. Ngunit ang katawan ko. . . ayaw nitong sumunod na para bang nasisiyahan sa pagkakataong ito. Sa init na pinadadama ng katawan niya. Mula sa pagkakatukod ng mga kamay niya sa balikat ko, ngayon ibinaba niya na ang mga ito. Mas ramdam ko ang mainit at matikas niyang katawan sa aking ibabaw. Alam kong malaki ang katawan niya at kitang-kita naman iyon sa angas niya ngunit ngayon . . . wala akong maramdaman dahil na rin siguro sa sinusuportahan niya ang bigat niya para hindi ako mapisa sa ilalim nito na sigurado ako na mangyayari kung nagkataon.
Lisa POV Wala akong maalapuhap na mga salita sa mga sinabi niya sa akin. Maging ako hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Sa mga pinagtapat niya sa akin. Prank lang ba ang lahat nang ito? Siguro? Madalas naman siya ganoon, lalo na kung kasama niya ang mga kaibigan niya. Biruan dito. Biruan doon. Madalas may asaran at gantilan. Isa rin iyon sa ikinasasakit ng ulo ni Manang D'yosa sa probinsya namin dahil ang gugulo nila. Para silang mga bata, na nasa katawan ng mga matatandang gaya nila. Napapailing na lang si Manang sa kanilang mga kalokohan dahil maging ito– minsan na nilang na prank. Na muntikan na nitong ika-highblood. Naka-tikim na rin ako noon. Naalala ko pa kung paano ako mangiyak-ngiyak sa harapan ni Manang nang magsumbong ako sa kanya. "Manang," tawang ko sa kanya sa pagitan ng mga paghikbi ko. Kahit anong pigil ko, 'di ako nagtagumpay. Para ba akong nakakita ng bagong kakampi sa katauhan niya. "Anong nangyari sa iyo? Diyos miyo! Hala, halika dito," iginaya niya ako sa
Lisa POV Napalunok ako sa tanong niya. Itinagilid ko ang ulo ko para makita kung nagbibiro lamang ba siya. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata kong nakatunghay sa kanyang mga mata. May lamyos sa mga itong nakatitig sa akin. Naghahanap ako ng kaunting pagbibiro sa mga mata niya ngunit wala akong maalapuhap. Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa kanya, tinataas ko ang isang kilay ko, hinihintay ang pagbulalas niya nang mga salitang, ‘it's a prank!' Ngunit wala. "Ahm, Fier," tawag ko sa kanya. Hinila ang kamay kong mahigpit niyang hawak. Napa-usog ako nang kaunti sa kinauupuan kong kama. Nakaka-ilang naman kasi ang pwesto namin. Nakaupo siya sa harapan ko. Sa harapan ng kandungan ko, baka lang may maamoy siyang 'di kanais-nais. "A-ano ba ito? Kung it's a prank lang pwede bang. . . tigilan mo na. Inaantok na kasi ako. Ma-madami pa akong ginawa kanina, 'di ba? Kaya pagod na pagod ako ngayon." Mahabang lintanya ko na nag-iwas nang tingin sa kanya. Muli niyang inabot ang kamay ko sa a
Lisa POV "Maganda ang mga results ng mga test na ginawa namin sa nanay mo. Kaya lang, kailangan niya muna bawiin ang lakas niya mula sa epekto ng chemotherapy. Para naman sa susunod na test makita na 'tin talaga kung may pagbabago ba. Especially sa bones niya." Mahabang paliwanag ng doctor ni nanay sa amin. Nandito kami ngayon ni Fier sa opisina ng matandang doctor. Hawak niya ang mga sinasabing test result na ginawa nila kay nanay nitong mga nakaraang araw. Bukod doon, may nakikita pa kaming mas maliwanag sa isang HD result ng X-ray at CT-scan na ginawa nila kay nanay. Dito mas maliwanag at parang talagang nasa loob kami ng katawan niya. Nakakamangha ang galing ng teknolohiya. Madami akong natutunan at ganoon pala ang itsura ng katawan na 'tin sa loob ng ating katawan. Ngayon ko lang nakita. Nakaupo ako ng tuwid sa upuan. Tutok na tutok sa sinasabi at tinuturo ng doctor sa may malaking screen na nasa harapan namin. Naramdaman ko ang isang kamay ni Fier na gumapang sa likod ko. P