May pag-amin na?
Lisa POV Wala akong maalapuhap na mga salita sa mga sinabi niya sa akin. Maging ako hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Sa mga pinagtapat niya sa akin. Prank lang ba ang lahat nang ito? Siguro? Madalas naman siya ganoon, lalo na kung kasama niya ang mga kaibigan niya. Biruan dito. Biruan doon. Madalas may asaran at gantilan. Isa rin iyon sa ikinasasakit ng ulo ni Manang D'yosa sa probinsya namin dahil ang gugulo nila. Para silang mga bata, na nasa katawan ng mga matatandang gaya nila. Napapailing na lang si Manang sa kanilang mga kalokohan dahil maging ito– minsan na nilang na prank. Na muntikan na nitong ika-highblood. Naka-tikim na rin ako noon. Naalala ko pa kung paano ako mangiyak-ngiyak sa harapan ni Manang nang magsumbong ako sa kanya. "Manang," tawang ko sa kanya sa pagitan ng mga paghikbi ko. Kahit anong pigil ko, 'di ako nagtagumpay. Para ba akong nakakita ng bagong kakampi sa katauhan niya. "Anong nangyari sa iyo? Diyos miyo! Hala, halika dito," iginaya niya ako sa
Lisa POV Napalunok ako sa tanong niya. Itinagilid ko ang ulo ko para makita kung nagbibiro lamang ba siya. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata kong nakatunghay sa kanyang mga mata. May lamyos sa mga itong nakatitig sa akin. Naghahanap ako ng kaunting pagbibiro sa mga mata niya ngunit wala akong maalapuhap. Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa kanya, tinataas ko ang isang kilay ko, hinihintay ang pagbulalas niya nang mga salitang, ‘it's a prank!' Ngunit wala. "Ahm, Fier," tawag ko sa kanya. Hinila ang kamay kong mahigpit niyang hawak. Napa-usog ako nang kaunti sa kinauupuan kong kama. Nakaka-ilang naman kasi ang pwesto namin. Nakaupo siya sa harapan ko. Sa harapan ng kandungan ko, baka lang may maamoy siyang 'di kanais-nais. "A-ano ba ito? Kung it's a prank lang pwede bang. . . tigilan mo na. Inaantok na kasi ako. Ma-madami pa akong ginawa kanina, 'di ba? Kaya pagod na pagod ako ngayon." Mahabang lintanya ko na nag-iwas nang tingin sa kanya. Muli niyang inabot ang kamay ko sa a
Lisa POV "Maganda ang mga results ng mga test na ginawa namin sa nanay mo. Kaya lang, kailangan niya muna bawiin ang lakas niya mula sa epekto ng chemotherapy. Para naman sa susunod na test makita na 'tin talaga kung may pagbabago ba. Especially sa bones niya." Mahabang paliwanag ng doctor ni nanay sa amin. Nandito kami ngayon ni Fier sa opisina ng matandang doctor. Hawak niya ang mga sinasabing test result na ginawa nila kay nanay nitong mga nakaraang araw. Bukod doon, may nakikita pa kaming mas maliwanag sa isang HD result ng X-ray at CT-scan na ginawa nila kay nanay. Dito mas maliwanag at parang talagang nasa loob kami ng katawan niya. Nakakamangha ang galing ng teknolohiya. Madami akong natutunan at ganoon pala ang itsura ng katawan na 'tin sa loob ng ating katawan. Ngayon ko lang nakita. Nakaupo ako ng tuwid sa upuan. Tutok na tutok sa sinasabi at tinuturo ng doctor sa may malaking screen na nasa harapan namin. Naramdaman ko ang isang kamay ni Fier na gumapang sa likod ko. P
Lisa POV “Ba-bakit?” kinakabahang tanong ko sa lalaking ‘di naiilang na nakatitig sa akin. Humaplos ang thumb niya na naka-dantay sa ibabaw ng kamay ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko, pakiramdam ko kasi. . . sinusunog ako ng mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Something na . . . naiihi ako? Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Huminga lang ito sandali nang malalim at agad ding ibinalik sa manibela ang kanyang mga kamay. Tumingin sa harapan nang marinig namin ang mga katabing ugong ng mga sasakyan. Huminto lamang kami dahil sa nag-stoplight. Bumalik kaming pareho sa kanya-kanyang mga mundo namin. Sa mga kanya-kanyang iniisip. Sa mga kanya-kanyang tingin. . . ako sa gilid ng bintana ko. Siya naman nag-focus sa tinatahak naming daan. Ilang buntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya. Napakagat na lang ako ng aking ibabang labi. Bakit ba kasi ganito? Kaasar! Bahala na nga! “Sa-saan ba tayo pupunta?” Basag ko sa katahimikan naming dalawa. Ay,
Lisa POV “Alam mo ang kulit mo din eh, ‘no?” Akusa ko sa kaniya na hawak ang isang kamay ko. Inihila niya ako sa kung saan na ‘di ko alam. “Yeah,” pag-aamin niya. Nilingon niya ako na may mga ngisi sa kanyang mga labi. Nawawala ang LED kite na binili niya kanina. Pinapalipad lang namin ito kanina nang tangayin ng hangin at mapunta sa kung saan. Siya ang nagko-control sa controller at ako naman ang nagpapagana ng energy nito na nagmumula sa solar. Ang ganda ng kite na ito, parang drone lang pero hugis ibon na may iba’t ibang kulay. Nakaka-missed ang paglalaro ng totoong sarangola pero iba ang saya kapag-napapalipad mo ang LED kite na ito. Feeling— bata muli. Iba ang saya at excitement na nararamdaman ko. Namin. Mabuti na lang dinala niya ako dito. “Nasaan ba kasi? Tingnan mo ngang mabuti.” Utos ko sa kanya. Pareho kami na lumilinga-linga sa bawat sulok ng parke. Inilihis niya ang halaman na nadadaanan naming dalawa. Siya ang nauuna sa amin. Taga-hawi sa mga nadadaanan. Taga-alalay
Lisa POV “Ahh!” sigaw ko nang mawalan ako ng balance mula sa pagkakaupo ko sa mga balikat ni Fier. Kumapit naman ako sa sanga ngunit talagang ‘di ko matiis ang kati at kilabot na hatid ng kung ano mang bagay ang naramdaman kong gumapang sa akin. Takot na takot ako. At mas lalong takot na takot na baka mahulog ako sa damuhang lupa na ito. Hindi naman ganoong kahahaba ang mga damo dito. Lupa pa rin naman ang kababagsakan namin. Lupa na nakalabas ang mga malalaking ugat ng mga punong nakatanim dito. Pumikit ako nang mariin. Hinintay ang masakit. Malakas. At ang paggutay-gutay ng mga buto-buto ko. Ngunit ilang sandali na ang nakalipas wala akong naramdaman. Bagkus, para akong hinihele. Isang malambot na bagay ang dumampi sa aking mga labi. Ano ito? A touch of lupa sa labi ko? Ang lambot, ah!? Parang gusto ko na lang bumagsak muli sa lupa kung ganito rin lang ang lasa ng lupang. . . “How’s the fall?” Narinig ko ang boses ni Fier. Parang ang lapit-lapit lang niya sa akin. Dahan -dahan a
Lisa POV Kinabahan ako nang tumingin siya sa akin. Kumunot at ‘di makapaniwala ang mga mata niyang tinitigan ako. Ayaw kong isipin na. . .basta! Ayaw ko isipin. “A-ano?” nauutal niyang tanong sa akin. Hindi ako kumilos, kinagat ko ang labi ko, sinubukan ilayo ang katawan ko sa kanya at ang mukha ko. Dahil nahihiya akong ulitin, nahihiya din ako sa sinabi ko. . . tsk! Bakit kasi ang bingi niya? O, ‘di siya makapaniwala sa sinabi ko? "P-paki ulit nga. Gusto kong marinig.” Hinawakan niya ang baba ko, bumaba sa mga tingin niya sa mga labi ko. Pinakawalan ito sa pagitan ng mga ipin ko. Wala naman sa sariling, dinilaan ko ang labing bagong kawala sa sarili kong mga labi. Pinadaan ko ang ibabang labi ko ng aking dila. Binasa ito dahil sa pakiramdam ko--- natuyot na ito sa sinabi ko. Lumunok siya, “D-don’t,” bulong niya na hindi man lang bumubuka ang kanyang bibig. Nakita kong umalon ang kanyang adams apple sa kanyang leeg. Ilang beses. ‘Di ko mabilang. Sa huli, bahagya na lang ak
Lisa POV Lahat kami napalingon sa kanya. Ako naman, nag-aalala sa nakikitang susunod na pagtatalo. May pagbabantang tingin si Daddy kay Fier. Si Mommy naman agad na kinastigo ang anak. “Son, we have a lot of rooms here. And isa pa, gabi na rin. Matulog na lang kayo ni Lisa sa kwarto niyo. Sige na, panira ka nang saya.” Inirapan niya ang anak na hindi na lang kumibo sa sinabi ng ina sa tabi ko. Iniikot niya ang isang braso sa likuran ng upuan ko. “Ipapaakyat ko na lang sa maid ang mga luggage mo, Philip. Sure ako na pagod na pagod ka sa biyahe.” Isang ngiti ang ibinigay niya dito sa bisita namin bago tinawag ang isa sa mga kasambahay na mula sa kusina. Nagtawag siya ng mga kasamahan para ma-iakyat ang mga gamit. Nginitian ko siya. Ngiting humihingi ng tawad sa ginawa ng katabi kong paiba-iba ang mood. Narinig ko naman ang palatak ni Fier, umiling ito, nagpapahalata na ‘di gusto ang balak na mangyari nila Mommy. “Sorry po sa abala and thank you na rin,” hinging paumanhin ni Philip
Special Chapter 2 Lisa POV Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya umayos ako ng pagkakaupo, tiningnan ang mukha niyang proud sa kanyang mga ginawang kalokohan. “Ang sama-sama mo nga noon! Takot na takot ako sa drone na pinapalipad niyo. . .” Maktol ko. “Ang cute mo kasi inisin. Akalain mo, hindi mo alam ang drone.” Umiiling-iling siya, sinuklay ang buhok niya patalikod. “Akala ko talaga kung ano na iyon. Eroplano na maliit na may mga paa. Nakakatakot kaya tunog niya! Tapos may matang patay-sindi. Red pa nga. . .” “That’s a recording light.” Aniya. “May green pa sa gilid. Wala sa amin ng ganoon.” “Pini-picture-an ka namin ni John. He was taking a shot of you. Nasa akin pa ‘yata mga pictures and videos mo.” Pinalo ko nang malakas ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa sa tabi ko. Hinuhuli ang kamay kong pinapalo siya sa kanyang kalokohan. Naglalako ako nang time na iyon, oras na rin iyon para pumasok ako sa kanila bilang isang katulong. Part time job ko iyon sa hapon
Special Chapter 1 Fier POV I had just ended my Zoom meeting when my sexy secretary entered the room with my 6th cup of ordered coffee for the morning. I opened my email and found the hundred unread emails waiting to be read. I looked up at her and smiled. She put the steaming hot coffee before me and sat on my lap. “You know I can’t finish what I needed to do when you’re tempting me like this.” She snuggled in me, and I was willing to encircle my hands in her waist. Pinching her a little makes her giggle. “What? Hinatid ko lang naman pinatimpla mo.” She said in an innocent tone. God! I know myself, I can’t control my inner clinginess na nakuha ko sa kanya. My hands are itching to feel her and to touch every inch of her whole being. I never complained though, I like the ways every time she does that. Since she got pregnant, naging mas malambing siya at mahilig sa lambingan. Sa tingin ko that her hormones getting on her nerves. Natawa ako, habang tumatagal, mas nagiging moody siya
Fier POV “Dude, she’s stunning!” Niyugyog ni John ang balikat ko, pilit pinapalingon sa babaeng nagpadala ng drinks sa table namin. Nginisihan ko siya, dahan-dahan nilingon ang babae. I drink up her gift, bottoms up. She smiled, and even with the loud music from the background, I could hear their giggles with her friends. “Not bad,” sagot ko kay John. She’s the type of woman I would love to bed. From her snowy-white skin, curvy body . . . oh men, I picture her moaning under me. Her little skirt caught my attention. “Kung ayaw mo sa akin na lang,” Hindi pa man ako nakakasagot, inabot na niya ang isang basong whisky, dinala iyon kung nasaan ang mga babae. Ngumingisi ako. Okay! I let my man do his thing. But I doubt he can. I always win, you know. Pinanood ko siyang naglakad hanggang sa kausapin ang mga babae. Tinuro nila ako, isa-isa silang tumayo para lumapit sa table namin. Napataas ang kilay ko nang akbayan ni John ang babaeng nagpadala ng madaming drinks. Try hard, bro. “Hi!
Fier POV “Your insane, Sabrina!” I shouted, greeting my teeth. “I’ve warned you enough and asked you to leave everything behind. But— you, you killed my wife!” Hinampas ko sa galit ang mahabang lamesa. Sinipa ko ang plastic na upusan sa harap niya causing her to cry loud. Even louder, that makes me more furious. “Fier. . .” Tangka niyang hahawakan ang kamay ko. Iniwas ko iyon at tinalikuran siya. Nagpipigil ilabas sa kanya ang galit ko. “I-I. . . I swear to God, hindi ko sinasadya.” Para akong lion na humarap sa kanya. Taas baba ang dibdib ko sa galit. God knows how I am hurt right now at the highest level I ever been mad. “Hindi sinasadya? The bullshit, Sabrina. Pumunta ka sa bahay para maghigante sa asawa kong wala namang ginawa sa ‘yo!” “Inagaw ka niya sa akin. Kinuha niya lahat ng dapat para sa akin!” Hysterical niyang saad. Humawak siya sa kanyang ulo. Murmuring words, I didn’t want to pay attention. “Wala siyang inaagaw, Sabrina. Ginawa mo—” “Sa akin ka una pa lang. Ta-ta
Sabrina POV Nakangiting nakaharap ako sa salamin ng aming kwarto. Ang ganda talaga dito! Umikot ako, I slide the curtains para pumasok ang natural na liwanag, binuksan ko din ang salaming sliding door. The fresh air smell like freshly newly leaves. Ang daming stars! “What is this furniture?” I cringed, asking myself. So like promdi ng design. Out of trend na. Papatanggal ko kay Manang ‘to mamaya. I tossed my hair, and I remembered— Shss! Tulog pa pala siya! Well! Ano ba aasahan mo, tumatanda na. . . . Bumalik ako sa banyo para maligo, mamaya lang darating na si Fier ko. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang sinigang na hipon. Oh, Em! May hipon kaya? Sitaw? Or tomatoes? Natatarantang nagpabalik-balik ako ng lakad. “What the hell! Bakit ang kalat? My Gad! Itong is Fier talaga, ang kalat, tsk!” Pinulot ko ang mga nahulog sa sahig, bottled of shampoos, bath salt and his razor. Even the towel. Tsk! Naligo ako sa aming bathtub na puno ng memories namin together. Kapag lasing kami at
Fier POV Mula sa likod ng puno, tinanaw ko ang itim na kotse-ng kanina pa namin minamanmanan. Inayos ko ang suot na cap. Kanina pa kami dito, mainit at talaga namang nakakainit ng ulo. I need water but I didn’t have any. Nilingon ko ang nagtitinda sa kabilang side ng kalsada at nakita is Anton na umiinom. “The jerk!” I hiss. Naka-disguise siya as Grab driver. Ako, isang street sweeper, nakasuot ng green long sleeves mula sa municipality ng Manila and black jogging pants. That asshole, provide everything we needed. And I almost, almost give him a punch for these yellow boots na suot ko. Masikip pa ito at hindi kumportable isulot sa ganitong sitwasyon. What most annoying is, the May Mickey Mouse sa magkabilang gilid. Palihim niya akong nilitratuhan at sinend sa e-mail ko with a caption, “Nice one, dude! What a great fashion trend! Need an advertisement; I knew someone named Fiero Madrigal. Just shoot me a mail.” With an emoji wink at the end. So, I sent him my grudgeful reply, “I’ll d
Lisa POV “Gising na mahal na prinsesa,” “Haah!” Mabilis akong napadilat ng mabuhusan ng tubig. Napapasinghap ako. Hinilamos ko ang mukha at nagulat sa ibinato niyang bidet. Tumama ito sa pader. Sa uluhan ko. “Sarap ng buhay! Hindi ka pwedeng matulog, mag-uusap pa tayo.” Hinila niyang muli ang hose ng bidet at pinusitsitan ako ng tubig sa mukha, sa katawan. Iniharang ko ang dalawang kamay ko. “A-anong ginagawa mo d-dito? Paa-no ka nakapasok?” Nalulunod sa tubig na tumatama sa akin. “I am welcome here, dear. Remember?” Sarkastiko niyang sagot. “I missed this place. Ang panget na nga lang dahil nandito ka. Nangangamoy tuloy isda kahit na naliligo ka na nang mga mamahaling shower gels. But still from the fishpond ka pa rin.” Maarteng turo niya sa mga toiletries na nakita niya. Hinawakan niya ang bagong bukas na Chanel6 na regalo sa akin ni Mommy. Tamad niya itong binitawan sa lababo, agad itong nangamoy sa loob ng banyo. “Walang fishpond sa amin, dagat lang.” Umusog ako sa kabilang s
Lisa POV “Pang-ilang bago na ba tayo ng plano?” Irap ni Dad. Ibinaba ang eyeglasses niya sa lamesa. “Easy, tito. I just found this dog Philip, a clever one. Sa dami nang nahawakan kong case, sa kanya ako nagka-interesado kung hanggang saan ang kaya niya.” Ngumuso siyang inikot-ikot ang ballpen sa gitna nang kanyang mga daliri. “Gusto ko na siyang ibaon sa lupa.” Naiinis na saad ni Fier sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. “Sinaktan niya ang asawa ko. Ang nanay— naaksidente siya na plinano nila. For Goddamn sake, I want him to rot in jail! Habang nasa labas siya, hindi ako mapapanatag.” “Man, he will. I will sure you that.” Assurance ni Anton, sabay tingin sa akin. Alanganin siyang ngumiti. “Lisa, ilan beses na ako humingi ng sorry sa nangyari. Sa lahat sa atin, ako ang may kasalanan. I let my guard down and that’s the fruit of it. Minaliit ko ang kakayahan ng dog-tagged na iyon.” Hinging paumanhin niya. “I’m sorry.” Lumunok ako, tama siya, ilan beses na siyang
Lisa POV “Mom, aalis po kayo?” “Ah, yes, hija. May kailangan ka ba?” “Wala naman po. A-akala ko po kasi hindi kayo aalis. Nagluto po ako ng meryenda. Aayain ko po sana kayo.” “Aww, sweetheart. Miss ko na luto mo, pero may lakad kasi kami. Mago-over all damage control kami ng Daddy mo at ni Fier sa Company. Aayusin ang dapat ayusin at i-let go ang dapat i-let go. Kung gusto mo sumama ka na lang sa akin sa office, dalhin na ‘tin ‘yang niluto mo.” “Ah, hindi na po. Makakaabala pa po ako doon. Uuwi naman po si Fier ng maaga ngayon.” “Kung ‘yon ang gusto mo, okay. Paano, I’ll go ahead na. Male-late na kasi ako. Manang, patawag naman ang driver. Bye, hija.” Tumango ako nang halikan niya ako sa pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang sumakay ng kanyang magarang sasakyan. Naiwan ako sa bukana ng pintuan na nakatulala. Simula nang mawala ang Nanay, ito ang unang beses na iniwan ako ni Fier dito sa bahay. I sounded like a selfish, pero nakakalungkot. Nakakapanibago. Ang lungkot lang. “Manang, t