Oh, Em--- sino kaya sila?
Lisa POV Sa isang hotel na kami tumuloy ng huling gabi bago ang kasal namin. Lahat ng mga inimbitahan dito na rin tumuloy. Ayaw ni Mommy na magkakalayo-layo pa kami. Naging bridal shower ko na rin ang gabing iyon. Hindi iyon bridal shower talaga, kasi parang naging isang reunion ang gabing iyon para sa amin. Nandito sila Marie at ang pamilya niya. Sumabay na din papunta dito si Lira. Nalungkot ako nang hindi sumama ang kuya nito. Masama pa rin daw kasi ang loob nito sa biglaang pagpapakasal ko. Kahit ganoon man, naging masaya pa rin ang gabing iyon. Kainan, tawanan, kwentuhan. Nandoon din kasi si Manang Dyosa na ipinagpapasalamat ko na nandiyan siya. Siya ang nagbantay kay Nanay kahit na meron naman na itong makakasama. Naging magka-kwentuhan din sila buong gabi. Ang saya nga ni Nanay, nakiki-join sa mga kakulitan ni Marie. Parang dati lang. . . . noong wala pa itong ini-indang sakit. Walang naging bachelor’s party si Fier, ‘di gaya ko. Ayaw naman niya noon, kahit na pwede niyang ga
Lisa POV Huminga ako nang malalim. Pinakawalan ang kaba at takot na nanunuot sa sistema ko. Gosh— ikakasal na talaga ako mamaya! Ito na! Hindi kaya nakakahiya sa mga tao mamaya doon sa simbahan at sa reception? Hindi ba masyadong makapal ang make-up ko ngayon? Okay na kaya ang lahat? Baka naman hindi pa? Kilala kaya ako ng mga bisita namin? Malamang, isang beses na din ako nasama sa mga magazine columns na balita tungkol sa pamilya Madrigal. Mapa-business man ‘yan o fashion magazine. Maging sa ilang post sa social media mayroon din. Kahit na may mga ‘di nagustuhan ang mga naka-saad doon, pinagsawalang bahala ko na lang. Dapat lang na masanay ako sa ganitong estado ng buhay ko dahil ‘di naman basta-basta ang bagong pamilya ko. Marami na ding beses na nagpunta ako sa office nila at sa ilang party na imbitado ang pamilya Madrigal. Bagay kaya sa akin ang gown ko? Ahhh! Kasi naman. . . bakit masyado nilang minahalan? Sa desenyo at sukat tama na bumase sa gusto ko. Pero ‘di ko naman a
Lisa POV Naiiyak na ako sa mga nangyayari. Gusto kong isipin na joke lang ang lahat ng ito. Gusto kong isipin ang mga binuo naming pangako at pangarap ni Fier bago pa man maganap ang pinakahihintay naming araw na ito. Pinakalma ako ng mga kasama ko sa sasakyan. Maging sila nag-aalala sa aking pag-iyak ng sobra. Nadagdagan ang mga nagbabantay sa amin sa labas ng sasakyan. Kanina ko pa gustong lumabas dito ngunit ayaw nila ako pababain. Pinipigilan nila ako pumasok sa loob ng simbahan kung saan nandoon pa ang mga bisita at mga magulang namin. Gusto ko silang makausap. Kanina pa kami dito naghahantay ng balita. Sawang-sawa na ako sa mga salita nilang kumalma lang ako at sila na ang bahala. Pero lintik na ‘yan! Tang ina! Hindi ko alam kung nasaan ang groom ko. Dapat sa mga oras na ito nasa reception na kami at nagsasaya bilang bagong kasal pero ito— wala akong magawa. Walang makasagot sa akin kung bakit nawawala ang asawa ko. O, baka naman ‘di talaga siya nawawala. Baka tinakbuhan na n
Lisa POV “A-ako muna maliligo?” Lihim akong napamura nang masabi iyon. Kinakabahan talaga ako! Agad bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa chopper. Napalunok ako. Umiwas nang tingin sa kanya. Ngayon ko naramdaman ang hiya sa piloto at ko-piloto nito. Sa chopper palang— shit! Nakakahiya talaga. Para kaming mga bampira na uhaw na uhaw sa dugo ng bawat isa. Pagkasakay namin doon, hinawakan niya ang kamay ko. Dahil gabi na mistulang mga bituin ang mga ilaw sa ibaba namin. Ang ganda sa mata. Sama mo pa ang malamig na simoy ng hangin. Pinasandig niya ako sa kanyang balikat, habang hinahaplos ng kanyang kamay ang daliri kong may suot na bagong simbolo ng kasal namin. Paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Parang sasabog ang puso ko nang halikan niya ako sa aking labi. Ang unang halik banayad at may pag-iingat. Nang mga sumunod, tumutugon na kami sa sinasabi ng aming nararamdaman para sa isa’t isa. “Okay, babe. May kakausapin lang ako sa phone.” Tumango lang ako s
Lisa POV Hindi ko alam na kaya ko pa lang magmahal ng labis katulad nito. Gusto kong maiyak. Gusto kong isigaw kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong ibigay lahat ng kaya kong ibigay sa gabing ito. Siya lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang ganitong sensasyon. Ang bawat halik at haplos niya’y nagbibigay ng walang katumbas na salita. “Lisa,” pa-ungol niyang tawag sa aking pangalan. Hawak niya ang buong pagkatao ko ngayon. He made me feel like I’m the only one. Na ako lang para sa kanya. Na para bang ako lang ang pinakamahalaga sa kanya. Kung noon, nakukuntento na ako sa sinasabi niyang pag-ibig niya sa akin. Ang bawat salita lamang nitong sinasambit noon ay labis nang saya ang dulot sa aking puso. Malaman lang na mahal niya rin pala ako ay sapat na sa akin. Ngunit ang ginagawa niya sa aking katawan ngayon ay. . . heaven. Napapaliyad ako sa bawat paghalik niya sa dalawang umbok ko. Ang bawat pagsipsip nito’y nakakapagpabaliw sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko sa nararamdama
Lisa POV Like what Fier said, sinulit niya ang mga araw na kami lamang. Hindi pa kami lumalabas ng aming kwarto nitong mga sumunod na araw. Napagkasunduan namin na no phone, no news and no drama habang nasa honeymoon kami. Wala kaming balita sa labas bukod sa kinakamusta namin ang kalagayan ni Nanay na nasa mansiyon na ngayon para doon ipagpatuloy ang kanyang gamutan. Nasa last stage na siya ng chemo niya and we’re hoping lumakas pa siya para sa hinihintay niyang mga apo. Sana may milagrong dumating sa kanya. Mommy promised na babantayan niya si Nanay habang wala kami. Nakakatuwa, alam kong masaya si Nanay na kasama si Mommy. They bond like sisters. Kung kaya lang ni Nanay maggagala— naku, baka kung saan-saan na sila nakakarating ngayon. Buong araw kaming nagpapahinga at buong araw din muling magpapakapagod. Hindi niya ‘ko tinigilan. Magkatitigan lang kami, alam mo na ang susunod na mangyayari. Mayakap niya lang ako sandali, alam mo na ang susunod niyang gagawin. Mapalapit lang kami
Lisa POV “Paano kung hindi siya magising?” galit niya. “Paano kung ‘di kami nakalabas sa nag-aapoy na . . . Fuck!?” rinig kong himutok niya. Sa tingin ko napapasuklay siya sa kanyang buhok gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing naiinis. “Lisa, anak?” tawag sa akin ng isang boses ng lalaki. Hinanap ko iyon. Bakit parang pamilyar ang tinig na iyon? Luminga-linga ako sa paligid ko. Nagtataka, wala naman akong makita, tanging mga magandang kapaligiran, maaliwalas na paligid. Mga matatayog na mga puno at magagandang sari-saring mga bulaklak. Naglakad ako sa gitna ng hawi ng mga bulaklak. Ang ganda sa mata. Nakakasiya. Kanino kayang garden ito? Ang sipag naman magtanim at malinis pa. Parang nasa paradise ka na. Napahinto ako sa mga dilaw na klase ng bulaklak. Umupo ako doon, hinaplos sa palad ko ang mga ito. Kumuha ako ng isa para amuyin. “Hmm, ang bango.” Sa kalagitnaan ng araw, hindi mainit, malamig pa nga ang simoy ng hangin at mabango pa ang sariwang ihip ng hangin sa paligid. Namita
3rd Person POV Mula sa saksakyan nanggagalaiti na siyang makarating sa hotel para manumbat. Hindi niya sinasagot ang kanyang tawag at maging ang allowance na dapat nitong ibigay ay nawala na din. Ilan beses siyang nagtangkang kausapin ito sa telepono ngunit umiiwas siya. Wala din ito sa opisina niya. Kalat na ang nangyaring trahedya tungkol kila Fier at Lisa. Marami na ding espekulasyon na lumalabas sa media. Kaliwa’t kanan ang mga nadadawit. Ang problema sa kumpanya ng mga ito ay lumalala pa. Ang ibang mga kakilala niyang tumiwalag, ngayon ay bumalik sa kumpanyang pamamahala ni Fier. Niloko sila ng mga shareholders at ito— malapit nang mabunyag ang mga ginawa nilang kasamaan sa mga ito. “Why are you avoiding me? I’ve been calling you for a fucking forever and you’re just here, drinking and wasting?” padabog niyang binagsak ang pintuan ng kwarto. Nag-vibrate ito sa buong kwarto sa lakas ng impact. Binalibag niya ang kanyang hawak na Hermes bag sa sofa-ng nandoon. Naghihintay sa itu