Ellie Syallis' POV"Mahal na mahal kita, Ms. Ellie!""Miss Ellie, apakan mo'ko!""Ms. Ellie, papayag akong maging alipin mo! Gagawin ko lahat ng gusto mo! Kahit pumatay pa ako ng tao!"Mangiyak-ngiyak na sigaw ng mga tao sa paligid ko. Iba't-ibang mga sigaw. May mga cute, may mga nakakatakot, at iba pa. Eto ang lagi kong naririnig kada labas ko sa entablado para tumanggap ng award o kahit saan man ako makita ng mga tao. Hindi ako naiinis o naalibadbaran, ako'y natutuwa dahil ibig sabihin lang noon ay magaling ako sa aking propesyon. Naantig ko sila at sila ay humahanga sakin.There is no better feeling than being validated by everybody and by yourself in the progress that you do.Bukas ay isa na namang nakakapagod na araw dahil bukas ay fan signing event ko. Limited ang slots, mabuti nalang din dahil nakakapagod din minsan humarap ng mga tao, nakaka-drain kumbaga. Pero sa totoo lang, kahit nakakapagod, sa huli satisfying parin kasi nagawa ko
Last Updated : 2022-02-12 Read more