Chapter 24 “Steph, open the door.” Kanina pa katok ng katok si Nexus sa labas ng master’s bedroom. Mga apat na oras na yata ito pabalik-balik at kung anu-ano ang pinagsasabi sa kanya para lang pagbuksan niya ng pinto. “Baby, please. Let me explain. Hear me out.” Katulad nang nagdaang mga oras, hindi niya pinansin ang pangungulit nito bagkus, ay nakatitig lamang siya sa kisame ng kwarto. Nagsawa na yata ang mga mata niya sa kakaiyak dahil wala ng luhang lumalabas doon kahit ang bigat-bigat pa rin ng dibd ib niya. “Hindi ko ginustong itago ‘yon. I was scared.” Takot saan? Takot na sabihin sa kanya na naaalala na nito kung paano ito nagloko noon? Isa siyang malaking tanga at isa namang malaking tangina si Nexus. Peke lahat ng mga paglalambing nito, ang panunuyo sa kanya, ang pagmamahal nitong sinasabi… Kailan ba siya madadala? Bakit ba hindi niya man lang nahalata na kung kumilos si Nexus ay parang
Huling Na-update : 2022-03-11 Magbasa pa