Chapter 37 (Part 1) “Pa, bakit nakabukas ang bodega?” Lumapit siya kay Stegh na nanonood ng paborito nitong sports sa TV. Kahit kapwa sila ng ate niya na may sinasabi na sa buhay, ayaw pa rin iwan ng mga magulang niya ang bahay na iyon. Ang sabi ng mga ito ay pinaghirapan daw ng mga ito na bilhin ang lupa at bahay na iyon kaya gusto ng mga itong tumira roon. Ayaw ng mga ito na mag-adjust na naman ng panibagong buhay, kaibigan at kapitbahay kapag lumipat ang mga ito sa exclusive subdivision. Nakita niya kasi kanina na bukas ang kwartong malapit sa laundry area na ginawa nilang tambakan ng mga lumang gamit. Malinis na iyon ngayon at napansin niya rin ang manipis na folding bed roon. “May nagrenta, ‘Nak.” “Bakit? Hindi naman tayo naghahanap ng kasama sa bahay, ah. Isa pa, aanhin mo naman ang bayad?” “Nagpumilit, eh. Nag-down na nga para sa dalawang buwan at may deposito na rin. Hayaan mo na.” “Si Ma
Last Updated : 2022-03-28 Read more