Personally, I like the friendship between Cast and Steph. Anyway, again gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng Babysitting My Billionaire Ex-Husband at A Night with Gideon. I never though na maraming magbabasa kay Gideon. Anyway, you can comment your thoughts about sa story. Binabasa ko siya at sumasagot naman ako sa mga comment kapag nagbubukas ako sa app. Sa mga nagbabayad para mabasa to, thank you. Sa mga nagko-kolekta ng bonus coins ni GN , salamat pa rin.
Chapter 31 *********************** Galit na galit ang mukha ni Castiel habang maangas na nakatutok ang baril sa mga lalaki. “P uta, palag! Ilabas niyo ang kayabangan niyo nang pumasok kayo sa teritoryo ko!” Natalo ng lakas ng boses nito ang ingay sa paligid. Napasigaw siya at awtomatikong naitakip ang mga kamay sa magkabilang tainga nang bumulabog ang malakas na putok ng baril. “T-ngina, may gana ka pang pumorma. Sige, palag. Babaon sa bao ng ulo mo ang bala ng baril ko.” Namimilipit sa sakit ang isa sa mga lalaki nang barilin ito ni Castiel sa binti. “Senyorito!” May walo pang kalalakihan ang dumating sa kinaroroonan nila. Panay may dalang flashlight at armas. Mga tauhan ng pamilyang Revamonte. “Dalhin niyo sa headquarters. Make sure that they will be in jail for the next 48 hours. Trespasser ang mga ‘yan.” Agad naman sumunod ang mga lalaki at walang awang pinagbibitbit ang mga nag
Chapter 32 *********************************** Ang puting kisame at amoy ng hospital ang unang rumehistro sa isipan ni Amara Stephanie nang iminulat niya ang kanyang mga mata. Masakit ang buo niyang katawan at pakiramdam niya ay may kung anong kulang sa kanya. “Steph!” Napabalikwas si Neshara na nakatalungko sa tabi niya nang makitang nakamulat na ang kanyang mga mata. “A-Ate…” Tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan at halos hindi niya maibukas ang kanyang bibig. “May masakit ba sa ‘yo? Teka tatawag ako ng doktor.” Mangiyak-ngiyak ang kanyang kapatid na tatlong beses pa siyang hinalikan sa pisngi at noo bago kumaripas ng takbo palabas ng kwartong kinaroroonan niya. Pagbalik nito ay may kasama na itong doktor at nurse. Ni-check nito ang mga vital signs niya. Na-dislocate ang kanyang paa at lamog na lamog ang katawan dahil sa impact. Inabot niya ang kamay ni Neshara nang mapansing may kulang sa loob ng
Chapter 33 (Part 1) “Nix—f*ck!” malutong na mura ni Alejdandro nang maabutan siya nitong nakaupo sa sahig habang may hawak na kutsilyo. Literal na nilundag nito ang counter top at inisang kisap-matang tinabig ang kanyang kamay. Gumawa ng tunog ang metal nang tumama sa tiles na sahig ng kusina. Malutong itong napamura at malakas siyang tinulak. Tumama ang kanyang likod sa pader ngunit balewala iyon sa kanya. Tamad na tiningnan niya lang ang kapatid at kinuha ang alak na iniinom niya bago niya makita ang kutsilyo. Namumungay ang mga matang sumandig siya sa pader at pinadausdos ang katawan pababa sa sahig. “What the f-ck are you doing to yourself? Malala ka pa kay Gideon!” Hindi niya pinansin ang kapatid at patuloy lang na inubos ang laman ng bote. Nang masaid niya iyon, ay wala sa sariling napatitig siya roon at ngumisi. “Steph…” he murmured mindlessly and smiled more when he saw his wife’s face.
Chapter 33 (Part 2) Napuno ng halakhakan ang bulwagan ng mansion ni Gideon nang walang sabi-sabing sumampa ang panganay na anak sa likuran ni Alejandro. “Tito Handsome, carry me and gallop like a horsie.” Summer’s voice was bossy as she pulls Alejandro’s hair. “Hiya!” “Aw, Baby. I’m not horse,” protesta ng isa at hinawakan ang bata sa likuran para huwag itong mahulog. “I know po. Pretend lang. You are so slow, Tito.” The men in the living room laughed as Alejandro grunted silently and glared at Gideon who was annoyingly laughing at Alejandro’s misery. “D amn you, Bud.” “D amn, d-mn!” gagad ni Summer na ikinalaki ng mga mata ni Gideon “Princess, don’t say that.Your mom will kill me.”” Lumingon ito sa kinaroroonan ng asawa na kausap ang ilan pang natitirang bisita. “F uck, a sshole, sh-t!” Humalakhak si Alejandro at mas sinulsulan pa si Summer na lakasan pa an
Chapter 33 (Part 3) “Yup!” Itinaas ni Alejandro ang bote ng beer bago tumungga roon. “The gang that his step-brother is in.” Malutong niya namura sa isip si Hordan nang maalala ang katarantaduhan nito. Ever since he met that step-brother of his, he always the one who clean Hordan’s mess. Binigyan niya iyon ng tirahan at pera na una pa lang ay hindi naman na niya responsibilidad. Ilang beses niyang inilabas sa kulungan sa tuwing nasasangkot sa gulo o kaya ay sa d roga. Ngunit sadya yatang makapal ang apog ng lalaki dahil hindi man lang tumanaw ng utang na loob ang t-ngina. Pinuntirya pa ang asawa niya! Hordan was a member of a certain gang. Bago pa man siya maaksidente, pina-imbestigahan na niya ito. Pinaghihinalaan niya na si Hordan ang master mind sa nangyaring pagtangkang p anggagahasa kay Amara Stephanie. May mga tattoo na simbolo na kasali sa gang ang mga iyon katulad ng sa kapatid niya. “Underground work?” patag an
Chapter 34 (Part 1) “M-Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa lobby.”” atubili pa si Anjeanette nang kumatok ito at sumilip sa kanyang opisina. Ilang araw na kasing mainit ang ulo niya at kapag ganon ay ilag sa ang mga empleyado niya. “Is there an appointment?” walang emosyon ang kanyang boses at habang panay ang buklat sa mga papeles na pinipirmahan. “W-Wala po—” “You know my rules, Anjeanette.” “P-Pero po kasi, Ma’am nagpupumilit. Pinipigilan nga po ng mga gwardiya na maka-akyat dito. Tinatawag ang pangalan mo at pinagmumura. B-tch ka raw po.” Nanghahaba ang nguso ng babae na alam niyang kahit takot sa kasungitan niya ay ipagtatangol siya. “Tell him that he will suffer my b-tchiness kapag hindi siya lumayas sa teritoryo ko sa loob ng dalawang minute.” “Her, Ma’am.” “Ano?” “Her po,” ulit nito “Babae po. Kasing-tanda ng mama niyo. Leticia ang pangalan.” Naibags
Chapter 34 (Part 2) Gulat na nagsilabasan ang kapatid at magulang niya dahil sa malakas na pagtunog ng kotse ni Nexus nang banggain niya ang likuran niyon. Muli niyang inatras ang kotse at pinasibad na naman. Sa pagkakataong iyon, papunta na sa mismong kinatatayuan ni Nexus ang takbo. Sabay na napasigaw sina Ara at Neshara nang muntik na niyang masagasaan si Nexus kung hindi lang ito agad naka-iwas at nagpagulong-gulong sa daan. “Amara Stepahanie!” pasigaw na saway sa kanya ng ina. Magkasalubong ang mga kilay na ibinaba niya ang bintana ng kotse. “Alisin mo ang sasakyan mo, Alemeradez o dudurugin ko ‘yan.” “Dyosko po. Bibig mo, Estepanya!” Hindi niya pinansin ang ina niya na tuluyan ng lumabas ng bahay at nilapitan si Nexus na nakahandusay pa rin sa daan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Ano? Gulat ito na kaya niya itong sagasaan? Tinulungan ni Ara ang lalaking ma
Chapter 35 (Part 1) Parang tuod na nakatayo si Nexus sa tabi ng kotse nito na nasa labas ng compound ng Casa Amara. Naka-ban din ito sa lugar kaya nagta-tyaga na lamukin sa tabi ng daan. Ibinaba niya ang salamin ng kanyang kotse at katulad ng inaasahan niya, parang trumpo sa bilis na lumapit ito sa kanya. Paano ba naman kasi ay titig na titig ito at kulang na lang ay bilangin nito kung ilan ba ang guhit na nasa kanyang kotse. Nang marinig nito ang pag-unlock niya sa pinto ng passenger seat, walang sabi-sabing pumasok ito na para bang alam na alam at inaasahan na nito ang mangyayari. “Kung ginagawa mo ito para pumasok ulit sa buhay ko, tumigil ka na,” matalas ang bibig na salubong niya. Hindi pa man ay matalim na agad ang tingin niya sa dating asawa. Mabilis na nagtaas ng dalawang kamay si Nexus at pa-inosenteng umiling-iling “I don’t know anything. Alejandro called me to accompany you.” Ang malamig niyang ti
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo