Semua Bab Billionaire's Marriage Bid: Bab 81 - Bab 90
135 Bab
CHAPTER 80
HINDI matawaran ang saya ni Triana dahil sa mga nangyari. Parang natanggal ang malaking bara sa kanyang puso nang magkaliwanagan sila ng asawa. They would have a fresh start. Nag-usal siya ng pasasalamat sa langit dahil sa wakas ay buo nang muli ang pamilya nila at wala nang anumang balakid. Sinulit nila ang bakasyon sa private resort ni Caleb. Masayang-masaya naman ang mga anak nila dahil nagsawa ang mga ito sa paglangoy sa dagat. “Thanks for letting us stay here. We had fun.” Tinapik ni Devance ang braso ni Caleb nang magpaalam na silang uuwi na pagkatapos ng tatlong araw. “Don’t mention it. You guys are welcome here anytime.” Ngumiti si Caleb. Katabi nito si Anya na nakapulupot ang kamay sa braso ng lalaki. “We’re going.” Nakipag-beso si Triana kay Anya. Samantalang humalik naman ang kambal sa pisngi ng magkasintahan. “Bye, Papa Caleb and Auntie Anya!” Halos sabay na saad nina Ravi at Rini. “We’ll see you again.” Magiliw na saad ni Anya. Agad na umalis ang pamilya ni Triana
Baca selengkapnya
CHAPTER 81
AGAD na nag-dial sa cellphone si Eshvi nang tuluyang mawala ang sasakyan ni Triana sa paningin niya. Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya. “Yes, Eshvi?” “We’ll immediately proceed to Plan A, Liam.” Nagbuga siya ng hangin. Marami siyang nakaplano sa muling pagbabalik ni Triana sa buhay nila ni Devance. Halos hindi siya makapaniwala dahil akala niya tuluyan na nitong kinalimutan ang babae sa nakalipas na taon. Kung bakit naman kasi umeksena pa ang kambal na anak ng dalawa. Kung hindi sana ay tuluyan nang nakipag-divorce si Devance sa asawa nito. “Sure. I will do everything you want. At the right price,” sabi ng baritonong tinig. Pinaikot ni Eshvi ang mata. “No problem. I’ll give you a bonus once you succeed.” Natawa si Liam sa kabilang linya. “You doubt my charm? But… you know I’m not after money, sweetie.” “Then tell me what you want. Another sports car? A house?” “Hmm. I already have those. I’m freakin’ rich!” Liam chuckled, “how about a two-week vacation in the Baham
Baca selengkapnya
CHAPTER 82
BUMALIK na si Triana sa AGC pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. Wala namang naging problema sa kanyang Uncle Danny dahil malugod naman nitong tinanggap ang kanyang pagbabalik. Inayos na rin ng isang kilalang interior designer ang kanyang dating opisina kaya nang pumasok siya ay kita na ulit ang feminine touch sa loob niyon. Kapansin-pansin ang mga mamahaling indoor plants na naroon na nagbibigay ng calming vibe sa silid. Agad siyang nagpatawag ng meeting para na rin siguruhin na maayos ang magiging transition sa kanyang pagbabalik. Wala siyang napansin na kahit anong anomalya. She commended her husband for doing a great job in preserving the company. Mabuti na lang at hindi na masyadong pinag-uusapan ang nangyaring iskandalo. Lalo na nang nag-post si Triana sa kanyang social media account ng larawan nilang buong pamilya kasama sina Caleb at Anya. Kaya wala nang malisyosong chismis. Maliban na lang kay Eshvi na kahit hindi niya nakikita ay alam niyang susulpot ito dala ang probl
Baca selengkapnya
CHAPTER 83
NAGULAT si Liam nang may biglang humila sa kanya nang makapasok siya sa loob ng clubhouse. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito patungo sa gilid ng comfort room malapit sa isang malaking indoor plant na malalaki ang dahon. “What the hell, Eshvi?” inis na sita ni Liam sa dalaga. “Have you seen what happened? I look stupid! I would never do this thing if it weren’t for you!” Tumingin muna si Eshvi sa paligid para siguruhing walang makakita sa kanila. “You are not doing your job! I have agreed to go with you in the Bahamas.” Liam groaned. “I am trying!” “Malakas ang bilib mo sa sarili ‘di ba? Alam kong tipo mo ang gusto ni Triana. You are not making enough effort to seduce her!” Nangangalaiti si Eshvi. Nasa hindi kalayuan lang siya lihim na nanood kanina mula nang nilapitan ni Liam ang babae. Lalo lang umusok ang ilong niya dahil biglang dumating si Devance. Kahit sobrang nagseselos na si Eshvi habang pinagmamasdan ang mag-asawa. Nangingilid na lang ang luha niya sa mata habang tini
Baca selengkapnya
CHAPTER 84
SINALUBONG ni Triana ang asawa nang bumalik ito pagkatapos ng limang araw. Halos hindi siya makatulog sa mga nakaraang gabi dahil sa labis na pag-aalala. Mabuti na lang at nakabalik ito nang walang naging anumang problema. Dumeretso ito sa Naga dahil doon sila naghihintay para na rin sa kanilang seguridad. Ang dalawang bodyguard ang kasama nito at wala si June. “How’s everything in Nepal?” Agad na tanong niya sa asawa nang mabungaran ito sa main entrance ng bahay. He wore a plain black shirt and tattered jeans paired with his favorite white sneakers. Hawak nito ang itim na leather jacket. Devance kissed her lips before he answered. “I missed you. Everything went well as planned.” Dumeretso sila sa silid ng mga bata para tingnan ang dalawa. Himbing na himbing na ang mga ito at hinalikan ni Devance sa noo ang kambal. Matapos ay tinungo nila ang roof deck para makapag-usap. He seemed burn out. Hindi ito nakatiis na mag hithit-buga ng e-cigarette nito. He was trying to quit smoking kay
Baca selengkapnya
CHAPTER 85
“HOLY FUCK!” Umalingawngaw ang sigaw ni Eshvi sa loob ng kanyang banyo habang hawak ang isang pregnancy test kit na may dalawang pulang guhit. “Oh my God!” hindi siya makapaniwala sa nakikita. Hindi kasi siya dinatnan ngayong buwan kaya sinubukan niyang kumpirmahin ang hinala. Her period always came regularly and missing it this month made her apprehensive. Lalo na at active ang sex life niya. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Pero maya-maya ay sumilay ang tagumpay na ngiti sa kanyang labi. “This is Dev’s child.” Lalo siyang nagalak sa naisip. Ngayon ay mayroon nang isang bagay na tuluyang magtatali sa kanya sa lalaki. Mukhang kakampi pa rin niya ang tadhana. Dahil hindi naging matagumpay ang utos niya kay Liam na akitin si Triana. Ngayon ito ang malaking surpresang tumambad sa kanya. Bigla siyang natigilan nang maisip ang lalaki. Pilit niyang iwinawaglit sa utak ang isa ring posibilidad na maaaring si Liam ang ama ng dinadala niya. Considering the interval during the time s
Baca selengkapnya
CHAPTER 86
NAPANGITI si Triana nang mabungaran ang asawa na papasok sa silid ng mga bata. Kasalukuyan siyang nakikipagkulitan sa kambal habang hawak ang isang story book na may illustration ng dinosaur sa cover. It was sundown, akala niya maaga itong makakauwi dahil sinabi nitong sasaglit lang sa opisina. Pero baka may ilang importanteng inasikaso kaya ngayon lang nakauwi.Naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon na ibalita sa mga bata na magkakaroon na sila ng kapatid. Plano kasi nilang magkaroon ng munting celebration kapag binalita na nila sa mga anak ang pagbubuntis niya. Most probably when they organized a gender reveal party. Pero napakaaga pa para roon. Sadyang excited lang silang mag-asawa.“Baba!” Magkasabay na sinalubong nina Ravi at Rini ang ama.“I’m home!” Niyakap ni Devance ang mga anak habang humalik ang mga ito sa pisngi nito. Matapos ay nilapitan nito si Triana at hinalikan sa labi.“I finished a lot of paperwork. I couldn’t go home early as planned.”“You seem exhausted. What
Baca selengkapnya
CHAPTER 87
NAGISING si Triana kinabukasan na nabungaran ang nakangiting mukha ng asawa. Kapapasok lang nito sa loob ng kuwarto nila at may dala itong tray na may lamang pagkain—a glass of milk and toasted bread with cheese. “Morning, sweetheart. Breakfast in bed.” Nakangiting wika nito. Ngunit bago pa siya makasagot ay nakaramdam na siya ng pagkahilo at paghalukay ng kanyang sikmura. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo patungo sa loob ng banyo at doon nagsuka. Nataranta naman si Devance na ipinatong ang dalang tray sa higaan at sinundan si Triana. Hinagod nito ang likod niya. “I’ll get you warm water.” Nagmadali itong lumabas at agad din na bumalik dala ang isang baso ng maligamgam na tubig. Uminom ng tubig si Triana nang mahimasmasan. “Thanks.” “Shall I bring you to the hospital?” Nag-aalalang tanong ni Devance. Ngumiti siya. “No need. Morning sickness is normal. I’ve been through this, and it was even worse when I carried the twins.” “Are you sure?” paniniguro nito. Tumango siya. “Of
Baca selengkapnya
CHAPTER 88
TRIANA had seen the disappointment on Eshvi’s face when she saw her. Kung hindi lang ito nakaratay ngayon, she would probably say the feeling is mutual. Malamang inaasahan nitong si Devance lang ang pupunta ngayon. Well, sorry to burst your bubble. She thought. Tiningnan niya ang kalagayan ng babae. The bruises on her arms were visible. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag nang makitang maayos ang kalagayan nito at mukhang hindi naman pineke ang pagkakaaksidente para lang makuha ang atensyon ng asawa niya. Triana didn’t like how she was slowly drifting into paranoia. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. She was feeling restless, thinking Eshvi might steal her husband again. Pero hanggang kailan siya magiging ganito? Kung namanipula ni Eshvi ang buhay nila noon. Tiyak na may kakayahan pa rin itong gawin ngayon. But Triana would not allow it this time. Sisiguruhin niyang nakabantay siya sa anumang masamang pinaplano nito. Pasalamat si Eshvi dahil hindi siya eskandalosa. Hanggang n
Baca selengkapnya
CHAPTER 89
TINOTOO ni Devance ang sinabi nito kay Eshvi na mag-hire ng dalawang private nurse para matutukan ang pagbubuntis nito. Hindi naman umalma si Triana dahil hindi naman nagpapakita si Devance babae. He was focused on her pregnancy and their kids. And it was enough to reassure her. Mabuti na lang at hindi naging maselan ang unang trimester ng pagbubuntis ni Triana. Iniwasan talaga niya ang ma-stress kaya hanggang maaari ay ayaw niyang makibalita ng anumang impormasyon tungkol kay Eshvi. And she was also thankful that Eshvi did not bother them for a few months. Naidalangin niya na sana magtuloy-tuloy na. Ravi and Rini’s fifth birthday came, and they celebrated it at their vacation house in Tagaytay. It was a two-story residential building of approximately eight hundred square meters. The house was constructed at a high elevation. Napapalibutan ang buong kabahayan ng mga makukulay na bulaklak at pine trees. They could see the overlooking view of the lake and the infamous Taal Volcano. Th
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
14
DMCA.com Protection Status