TRIANA had seen the disappointment on Eshvi’s face when she saw her. Kung hindi lang ito nakaratay ngayon, she would probably say the feeling is mutual. Malamang inaasahan nitong si Devance lang ang pupunta ngayon. Well, sorry to burst your bubble. She thought. Tiningnan niya ang kalagayan ng babae. The bruises on her arms were visible. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag nang makitang maayos ang kalagayan nito at mukhang hindi naman pineke ang pagkakaaksidente para lang makuha ang atensyon ng asawa niya. Triana didn’t like how she was slowly drifting into paranoia. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. She was feeling restless, thinking Eshvi might steal her husband again. Pero hanggang kailan siya magiging ganito? Kung namanipula ni Eshvi ang buhay nila noon. Tiyak na may kakayahan pa rin itong gawin ngayon. But Triana would not allow it this time. Sisiguruhin niyang nakabantay siya sa anumang masamang pinaplano nito. Pasalamat si Eshvi dahil hindi siya eskandalosa. Hanggang n
TINOTOO ni Devance ang sinabi nito kay Eshvi na mag-hire ng dalawang private nurse para matutukan ang pagbubuntis nito. Hindi naman umalma si Triana dahil hindi naman nagpapakita si Devance babae. He was focused on her pregnancy and their kids. And it was enough to reassure her. Mabuti na lang at hindi naging maselan ang unang trimester ng pagbubuntis ni Triana. Iniwasan talaga niya ang ma-stress kaya hanggang maaari ay ayaw niyang makibalita ng anumang impormasyon tungkol kay Eshvi. And she was also thankful that Eshvi did not bother them for a few months. Naidalangin niya na sana magtuloy-tuloy na. Ravi and Rini’s fifth birthday came, and they celebrated it at their vacation house in Tagaytay. It was a two-story residential building of approximately eight hundred square meters. The house was constructed at a high elevation. Napapalibutan ang buong kabahayan ng mga makukulay na bulaklak at pine trees. They could see the overlooking view of the lake and the infamous Taal Volcano. Th
“SIR, nasa labas si Miss Javier, nagwawala. Hindi ko pinapasok kasi walang invitation,” bulong ni Luke kay Devance. Ito ang head ng security team na nagbabantay ngayon sa buong bahay para mapanatili ang kaligtasan nilang lahat. It was their protocol not to welcome anyone without proper invitation. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya nagulat siya at hindi na niya naitago ang panlalaki ng kanyang mata. What is she doing here? He thought. Paano kaya nalaman ni Eshvi ang tungkol sa celebration ng birthday ng kambal? Mukhang may mga mata at tainga ito sa AGC kaya narito ngayon. He would never dare to invite her in this private event. If he did, it would be a great insult to Triana and his family. Ni hindi niya pa nga alam kung paano sasabihin sa ama ang tungkol dito. Palihim na nag-alis ng bara sa lalamunan si Devance. Lahat ng mga mata ng mga nakaupo sa mesa kasama niya ay sa kanya nakatingin. Lalo na ang kanyang asawa na bakas ang pagtataka sa mukha. “What happened?” tanong ni T
AKALA ni Triana ay tuluyan nang mananahimik si Eshvi dahil pinagkaisahan nila ito. But they were all surprised when her one eyebrow raised and looked at everyone around her with malice. Matapos ay tumingin ito sa kamay nito. As if she was unbothered, looking at her nails painted in red. “I came here for a special announcement.” Ibinuka nito ang kamay at waring isa-isang tinitingnan ang flower nail art sa daliri nito, “I have all the rights to be here since I’m carrying Dev’s child.” Nanlaki ang mata ni Caleb sa narinig. Awtomatiko itong tumayo kasabay ni Austin. The men glared at Eshvi with warning. They knew she spells trouble. “Miss Javier, I won’t tolerate you any further. If you don’t shut up, I will use force to escort you out,” seryosong saad ni Austin. Lara was silently cheering beside him. “Please. Leave,” Caleb said in an icy voice. Akmang parehong hahawakan ng dalawang lalaki ang braso ni Eshvi para sapilitan itong itayo. Pero nagkusa na ang babae. She stood up with her
NANG sumunod na mga araw ay nakahinga nang maluwag si Triana dahil hindi na sila muling ginulo ni Eshvi. Batid niyang anumang sandali ay lilitaw itong muli para manggulo. Pero ayaw muna niyang isipin iyon. Lalo na at siniguro ni Devance na mahal siya nito at hinding-hindi siya ipagpapalit kay Eshvi. Triana learned that her mother told her husband to set her free if he couldn’t protect his family. Galit na galit ang kanyang ina nang gabi ng birthday party ng kambal. Mabuti na lang at hindi naman sila nito pinangunahan na sabihin sa pamilya ni Devance ang tungkol sa pagbubuntis ni Eshvi. But Devance had promised to do everything to keep his family intact. Nagkaroon ng gender reveal party pagkatapos ng isang linggo. Nakisali rin sa kasiyahan ang mag-asawang Austin at Lara. Tanging pamilya lang nila ang naroon at ginanap nila iyon sa parehong bahay na pinagdausan ng ikalimang kaarawan ng kambal. Naroon silang lahat sa malawak na lawn bandang hapon. Si Clariz at June ang nag-organize ng
DUMATING ang kabuwanan ni Triana. It was so sudden and unexpected since it happened to be two weeks early as scheduled. Biglang humilab ang tiyan niya at pumutok ang kanyang panubigan habang pinapakain niya ng agahan ang kambal. She was brought to the hospital quickly. At dahil maaga sa schedule niya ang nangyari ay wala si Devance sa tabi niya. Her husband attended a three-day business convention in Bern, Switzerland. Kaya nang malaman nito ang kanyang kalagayan ay agad itong kumuha ng flight pauwi kahit nasa ikalawang araw pa lang ng convention. Sising-sisi ito kung bakit siya iniwan nang mag-isa kahit kabuwanan na niya. Triana could not blame her husband since she knew his travel involved a billion-dollar contract from a well-known Swiss conglomerate. Pero nagdesisyon itong umuwi kaagad dahil sa kanyang panganganak. He swore to be beside her when it happened. Pero nailabas na niya ang bata nang makarating ito. She had a painful normal delivery. Tuwang-tuwa ang mag-asawa nang maha
KITANG-KITA ni Eshvi ang pamumutla ng mukha ni Devance at bahagyang panginginig ng kamay habang hawak nito ang DNA test result. Kapwa sila naroon sa silid niya nang ibigay ni Dr. Alfonso ang resulta. Kahit hindi silipin ni Eshvi ang laman niyon ay hindi maipagkakaila sa ekspresyon pa lang ni Devance. She pretended not to notice the disappointment in his face. “What does it say?” tanong niya habang pinadedede si Eashta. Hindi ito kumibo bagkus ay iniabot sa kanya ang papel. It was clearly stated in the result of the Probability of Paternity—99.9998% positive. Eshvi read the texts. “The alleged father is not excluded as the biological father of the tested child….” Devance walked back and forth. Then he paused after he gathered his thoughts. “The baby will be provided with everything she needs,” seryosong sabi ni Devance. Isang tagumpay na ngiti ang gumuhit sa labi ni Eshvi. Ipinatong niya ang papel sa bedside table at sinalubong ang mata ni Devance. “I told you so, Eashta is your c
TATLONG araw matapos makalabas ng hospital si Triana ay agad na nagkaroon ng family meeting sa townhouse nila. Naroon ang kanilang mga magulang dahil pinag-usapan na nila ito ni Devance. They planned everything regarding Dev’s illegitimate child. Mas mainam na kasing maagang sabihin para hindi na iyon pagmulan ng panibagong gulo. When they got the DNA result, the couple did not hesitate to call for their parents. Nagkataon lang na nasa Nepal sina Gracia at Akhil nang manganak si Triana at ngayon lang ang mga ito nakabalik. And they seemed fascinated with Devna. Tuwang-tuwa ang dalawang matanda sa bago nilang apo. Naroon silang lahat sa mini library ng bahay para masigurong pribado ang kanilang magiging pag-uusap. The twins were busy with their tutors in their room. At kasalukuyang tulog naman si Devna dahil katatapos pa lang na i-breastfeed ni Triana. Damang-dama nila ang lamig na nagmumula sa aircon habang nakikiramdaman sa isa’t isa. But Triana felt she was suffocating. Her husban