DUMATING ang kabuwanan ni Triana. It was so sudden and unexpected since it happened to be two weeks early as scheduled. Biglang humilab ang tiyan niya at pumutok ang kanyang panubigan habang pinapakain niya ng agahan ang kambal. She was brought to the hospital quickly. At dahil maaga sa schedule niya ang nangyari ay wala si Devance sa tabi niya. Her husband attended a three-day business convention in Bern, Switzerland. Kaya nang malaman nito ang kanyang kalagayan ay agad itong kumuha ng flight pauwi kahit nasa ikalawang araw pa lang ng convention. Sising-sisi ito kung bakit siya iniwan nang mag-isa kahit kabuwanan na niya. Triana could not blame her husband since she knew his travel involved a billion-dollar contract from a well-known Swiss conglomerate. Pero nagdesisyon itong umuwi kaagad dahil sa kanyang panganganak. He swore to be beside her when it happened. Pero nailabas na niya ang bata nang makarating ito. She had a painful normal delivery. Tuwang-tuwa ang mag-asawa nang maha
KITANG-KITA ni Eshvi ang pamumutla ng mukha ni Devance at bahagyang panginginig ng kamay habang hawak nito ang DNA test result. Kapwa sila naroon sa silid niya nang ibigay ni Dr. Alfonso ang resulta. Kahit hindi silipin ni Eshvi ang laman niyon ay hindi maipagkakaila sa ekspresyon pa lang ni Devance. She pretended not to notice the disappointment in his face. “What does it say?” tanong niya habang pinadedede si Eashta. Hindi ito kumibo bagkus ay iniabot sa kanya ang papel. It was clearly stated in the result of the Probability of Paternity—99.9998% positive. Eshvi read the texts. “The alleged father is not excluded as the biological father of the tested child….” Devance walked back and forth. Then he paused after he gathered his thoughts. “The baby will be provided with everything she needs,” seryosong sabi ni Devance. Isang tagumpay na ngiti ang gumuhit sa labi ni Eshvi. Ipinatong niya ang papel sa bedside table at sinalubong ang mata ni Devance. “I told you so, Eashta is your c
TATLONG araw matapos makalabas ng hospital si Triana ay agad na nagkaroon ng family meeting sa townhouse nila. Naroon ang kanilang mga magulang dahil pinag-usapan na nila ito ni Devance. They planned everything regarding Dev’s illegitimate child. Mas mainam na kasing maagang sabihin para hindi na iyon pagmulan ng panibagong gulo. When they got the DNA result, the couple did not hesitate to call for their parents. Nagkataon lang na nasa Nepal sina Gracia at Akhil nang manganak si Triana at ngayon lang ang mga ito nakabalik. And they seemed fascinated with Devna. Tuwang-tuwa ang dalawang matanda sa bago nilang apo. Naroon silang lahat sa mini library ng bahay para masigurong pribado ang kanilang magiging pag-uusap. The twins were busy with their tutors in their room. At kasalukuyang tulog naman si Devna dahil katatapos pa lang na i-breastfeed ni Triana. Damang-dama nila ang lamig na nagmumula sa aircon habang nakikiramdaman sa isa’t isa. But Triana felt she was suffocating. Her husban
TAHIMIK na hinahaplos ni Triana ang likod ni Devance habang nakatayo sila sa labas ng emergency room. Tatlo silang naroon. Kasama nila si Gracia na panay ang dasal para sa kaligtasan ni Akhil. Nagpaiwan si Lucia sa bahay para mabantayan ang mga bata kasama ng mga nanny nito. Kaya hindi masyadong nag-aalala si Triana sa mga anak. Mas inaalala niya ang kahihinatnan ng kalagayan ng ama ng asawa. “Damn it!” Napahilamos si Devance sa mukha. Bakas sa ekspresyon nito ang matinding pagsisisi. “Loosen up, Dev. It’s not your fault.” Niyakap niya ito nang mahigpit at patuloy na hinagod ang likod. “I will not forgive myself if something happens to Dad.” Naramdaman ni Triana ang pagganti nito ng yakap. Hanggang sa narinig niya ang mahinang pagsinok nito. Alam niyang nagpipigil lang ito ng emosyon. But she knew her husband, he had a soft spot when it comes to his family. Hindi rin ito nahihiyang magpakita ng totoong saloobin sa harap niya. And she appreciated him more. “Do not blame yourself.
“STOP the car!” utos ni Triana kay Leo nang agad na makita ang nangyayari sa tarangkahan ng kanilang gate. Pauwi sila ni Devance para magpahinga saglit at tingnan ang mga bata. Samantalang nagpaiwan si Gracia sa hospital nang ilipat sa private ward si Akhil. Gusto kasi nitong siya ang unang mukhang masilayan ng asawa kapag nagkamalay na ito. “I said pull over!” ulit ni Triana. Maging si Devance ay biglang nanlaki ang mata nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Kapwa sila nakaupo sa passenger seat ng SUV na sinasakyan nila. It was late in the afternoon. The tire screeched when Leo hit the brake. Nakatinginan ang mag-asawa nang mapagsino ang pamilyar na pigura ng babaeng may kalong na sanggol. “Is that Eshvi?” Naguguluhang tanong ni Triana sa katabi. She could not recognize her face because of the sunglasses and facemask. Marahang tumango si Devance. Kapwa sila bumaba ng sasakyan dahil kanina pa nakikipagtalo ang babae sa dalawang guwardya habang nagpapalahaw ng iyak ang bata.
NAKAHINGA nang maluwag si Triana dahil mula nang naging usapan nila ni Eshvi ay hindi na sila nito ginulo pa. However, they had to make sure that Devance would stay one day per week on Eshvi’s place. Triana had adjusted to this arrangement as the day went on.Silang mag-asawa lang ang nakakaalam ng ganitong arrangement. At mabuti na lang kahit paano ay naging payapa silang lahat sa paglipas ng mga araw. It had been seven months. Hindi naman siya nagkakaroon ng pagdududa sa asawa dahil sinisiguro naman nitong hindi ito gagawa ng anumang bagay na ikasisira ng pamilya. And thank the heavens that Eshvi had remained civil to them, and she seemed content with the schedule. Binalaan na din kasi ito ni Devance na kapag nag-demand pa ito nang mas higit doon, he would disown the child.Their life was somehow back to normal just like before. Sometimes the family would travel out of the country for a week vacation. Minsan naman silang dalawa lang ni Devance ang lumalabas ng bansa para sa mga impo
EVERYONE celebrated the 40th founding Anniversary of the AGC after a few days. Halos lahat ng mga kilalang mukha sa larangan ng negosyo ay naroon sa pagtitipon. It was held at one luxury hotel in Manila. Triana felt proud as she stood beside her husband welcoming the guests. Naroon ang buong pamilya nila pati na ang mga bata. Every employee of AGC was present and wore their best for the party. Nasa hindi kalayuan sina Rini at Ravi na binabantayan ni Dexa dahil panay kain ng dessert. Samantalang kalong naman ni Lucia si Devna at kasama nito sa mesa sina Austin at Lara. The couple had their healthy triplets a few months ago—they came out as two boys and a girl. Pumapailanlang sa paligid ang musika ng isang orchestra na nakapuwesto malapit na stage. There was an enormous signage in blue neon light that spelled—40th Anniversary Celebration. Abala ang mag-asawa sa pag-estima ng mga kilalang taong imbitado. And Triana was surprised to see Caleb walking from the main entrance, but he wasn
HABANG nasa dance floor nagsasayaw sa malamyos na tugtugin sina Liam at Dexa. Hindi pinalampas ng lalaki ang pagpapahangin sa kilalang socialite. “I’m your follower on all your social media accounts. I can say I’m quite informed about your life.” Liam winked at her. “Are you?” Lumawak ang ngiti sa labi ni Dexa. She admired this young man for his talents. Maganda ang boses nito at napakagaling sumayaw. Kilala rin itong palikero dahil sa dami ng babaeng naghahabol dito. She could not blame them, he was quite gorgeous. Nag-uumapaw ang karisma nito na siyang sinasamantala para mang-akit. “Shall I obey Mrs. Wright’s suggestion?” Pinaikot siya nito at nang muli siyang makaharap ay hinapit nito ang bawang niya dahilan para magdikit ang kanilang mga katawan. “Suggestion?” Dexa’s forehead creased. She was at ease dancing with him. It was like their bodies were made for each other to dance. Proud si Dexa sa sarili dahil isa sa hilig niya ang pagsasayaw kaya ilang dance lessons din ang pinagd