Home / Romance / Yumi and the Golden Mansion / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Yumi and the Golden Mansion: Chapter 21 - Chapter 30

40 Chapters

Chapter 21

"TIYANG, ingatan mo pong muli ang patahian ha! Babalik po ako," paalam ni Yumi sa tiyahin.Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag na sumama pabalik sa mansyon kay Vincent. Ewan ba niya kung bakit. Kung bakit ngayo'y hinihila siya pabalik sa mansiyon. Sinabi niyang hindi na muli pang tutuntong doon lalo na kung nandoon ang mag-inang Victoria at Yvonne."Oo, anak, mag-iingat ka roon, ha! Huwag mo kaming isipin dito, kayang-kaya namin ito at hindi namin pababayaan itong bahay."Bago siya tuloyang sumakay sa kotse ng binata, niyakap muna niya si Althea. "Salamat," nangingiti pang bulong niya rito. Ngumiti rin ito sa kanya. Naghintay ang mag-ina na makaalis ang sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay. "Mukha namang mabait 'yong sinasabing asawa ni Yumi, hindi ba 'nak?""Yes, Ma at guwapo rin siya. Iyon nga lang may kapayatan ito."Samantala, walang imikan ang dalawa habang nasa biyahe. Nagpapakiramdaman lamang ang dalawa. Ngunit hindi nakatiis si Vincent."Thanks sa pagpayag mong sumama
last updateLast Updated : 2022-05-17
Read more

Chapter 22

"PAANO ba 'yan? Matutuloy ang honeymoon natin sa England 'pag natapos na ang problema ko."Matiim na tinitigan ni Yumi ang binata. "Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Bahagyang itinaas pa niya ang hawak na papel. "Biro lamang ang nakasulat dito, hindi ba?""Tsk naman! Nagpakahirap akong kuhain ang marriage of certificate natin, kaya dapat ay may premyo ako sa iyo." Itinulis nito ang nguso habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napahinto rin ito kaagad nang ihampas niya ang hawak na papel dito."Magtigil ka nga!" Pinandilatan din niya ito. "Totoo ang nakasulat dito? Ibig sabihi'y totoo ang ating kasal!"Malalim itong napahinga. "Oo nga at may utang ka sa akin! Siguro mga sampong gabi rin iyon." Binilang pa nito ang mga daliri. Nangonot ang noo niya, hudyat na hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Utang? Anong utang?""Utang na gabi! Hindi ako nakatabi sa 'yo. Hindi nakayakap, hindi nakahalik at alam mo na kung ano 'yong huli." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya na sinasamahan din ng pagt
last updateLast Updated : 2022-05-20
Read more

Chapter 23

WALANG pagsidlan ang tuwa ni Yumi nang gabing iyon dahil sa naganap na date nila ni Vincent. Pakiramdam niya'y idinuduyan siya sa ulap ng mga anghel. Kinapa niya ang kuwintas na ibinigay ng binata. Alam niyang mamahalin iyon ngunit alam niya, sa puso niya mas mahal pa roon ang kanyang nararamdaman para sa binata. Wala mang nangyaring ligawan sa pagitan nila, hindi man siya hinarana o binigyan ng pagkatatamis ng tsokolate, ramdam naman sa puso niya na ang binata na ang pinaka-romantikong lalaki na nakilala niya. "Oy si Ate, kumikislap ang mga mata.""Ayan ka na naman, Marrie, um-eksena ka na naman agad. Kita mo nang nag-iimagine pa itong si Ate Yumi."Napatingin siya sa dalawang maid na lumalapit, nasa sala siya nang oras na iyon. Si Vincent nama'y umakyat na sa silid nila upang magpahinga. Sinalubong na rin niya ang mga ito ng yakap. "Salamat at muli ko kayong makakasama rito. Happy ako na makita kayong muli.""Kami rin naman, Ate Yumi. At siyempre, masaya kami dahil muli kayong nagk
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

Chapter 24

PAROO'T PARITO si Victoria. Pinag-iisipan kung bakit hindi inatake ang anak-anakan niya ng sakit nito. Vincent has anaphylaxis. Anaphylaxis, also called allergic or anaphylactic shock, is a sudden, severe and life-threatening allergic reaction that involves the whole body. The reaction is marked by constriction of the airways, leading to difficulty breathing. Swelling of the throat may block the airway in severe cases. And if you have an anaphylactic reaction, you need to see a doctor immediately. Nakuha iyon ng binata mula sa maanghang na pagkain like black pepper, nalaman niya iyon nang minsa'y magpaluto siya ng paborito nilang pagkain. Namula nang husto ang buong balat ng binata. Ilang beses pa itong sumuka at ang pinakamalalang nangyari ay nawalan ito ng malay. Simula noon ay ipinagbawal na ng doktor na sumuri rito ang pagkain ng maanghang, kahit pa nga ang maglagay ng kaunting black pepper sa pagkain. Iyon ang naging dahilan nang unti-unting paglason niya sa isipan ng binata. Ngun
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

Chapter 25

"MOM, bakit nga ba sobra yata ang galit mo kay Vincent? May problema ba na hindi ko alam?" Kasalukoyang nasa mall ang mag-ina, inutosan sila ni Vincent na bumili ng mga kakailangan para sa pagpunta nila sa bahay ni Yumi at iyon ay lingid sa kaalaman ng huli. "Nothing, anak. Sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa lalaking iyon," kibit-balikat niyang tugon. "I don't believe you, Mom. Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang malalim na pinaghuhugotan."Huminga ng malalim si Victoria, "Marahil ay ito na nga ang tamang oras, Yvonne. Kung bakit galit na galit ako kay Vincent at maging sa ama't-ina nito. Oras na para malaman mo kung ano ang dahilan."Bahagyang nangonot ang noo ni Yvonne. Nang akmang sasabihin na ni Victoria ay siya namang nag-ring ang cellphone na hawak nito. Sumimangot ang ginang nang makita ang pangalan ng kinaiinisang tao ang tumatawag ngunit sinagot din naman nito iyon. Sandali lamang ang kanilang pag-uusap"Pinababalik na tayo ni Vincent. Halika na, mamaya ko na sas
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 26

"SINONG bastos, mahal? Hindi ba't ikaw ang kusang nagpakita ng katawan mo sa akin?" Hindi nalaman ni Yumi kung paano nakalapit nang bigla si Vincent. Naramdaman na lamang niya ang masuyong paghaplos ng palad nito sa balikat hanggang braso niya. Nakasubsob kasi sa dalawa niyang tuhod ang kanyang mukha. Bigla siyang pinanindigan ng balahibo sa paraan ng paghaplos nito. Mabilis siyang nag-angat ng mukha kahit pa nga sinisilaban siya ng hiya at ang nangingislap nitong mata ang sumalubong sa kanya."You're my wife naman, hindi ba? Kaya wala ka nang dapat pang ikahiya sa akin. Nakahanda na ako para paligayahin ka, aking mahal." Humaplos sa mukha niya ang mainit nitong palad.Pakiramdam ni Yumi ay hinihigop siya ng titig ng binata lalo na't nanunuot sa bawat himaymay ang ginagawang paghaplos nito sa kanya. Idagdag pa ang mabangong hininga nito na nakakapagtuliro sa isipan niya. Hindi tuloy niya maintindihan kung bakit nagawang umunat ng kanyang katawan. Sinamantala iyon ni Vincent. Sinakop
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more

Chapter 27

KAGAT-LABI si Yumi at agad ding nagbaba ng mukha upang itago ang pamumula ng mukha. Nasa silid na sila upang makapagpahinga at kasalukoyang nag-aayos ng sarili si Vincent. Maya't maya pa ay tumabi na ito."D-dito ka matutulog?"Napatitig sa kanya si Vincent, "Why? May masama ba?" masungit na balik tanong nito sa kanya.Napilitang umiling siya kahit pa nga naghuhumiyaw sa pagtanggi ang isipan niya. Hindi pa naman siya sanay matulog nang may katabi. Hindi muna natulog ang binata, sa halip ay umupo ito, naka-unat ang dalawang binti at nakasandal ang likod sa headbord ng kama. Napasinghap siya nang may abutin ito sa drawer ng mesa na nasa gilid niya. Lumapat sa mukha niya ang dibdib nito. Para bang nanunudyo. Naamoy niya ang nakaha-halinanang pabango ng binata. Sandali siyang napapikit upang namnamin iyon ngunit halos magkulay-suka ang mukha niya nang sa kanyang pagmulat ay ang cover ng babasahing libro ni Vincent ang nakita niya. "Ahhh! Vincent..." Naghihiyaw siya sa labis na takot. Si
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Chapter 28

HALOS lumundag ang puso ni Yumi nang maramdaman ang paghigpit pa lalo ng yakap ng binata. Kinabig pa siya nito at ipinantay ang mukha sa mukha niya. Hindi yata nito akalaing maririnig iyon sa bibig niya, na kahit man siya ay nagulat din. Salbahe kasi ang bunganga niya, kung anu-ano ang lumalabas. "What did you say? Paki-ulit mo nga." Ipinagdikit pa nito ang kanilang mga noo."Ah--" Tumikhim siya upang maalis ang tila bagay na nakabikig sa lalamunan. "Mag--magba-banyo muna ako." Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng binata. Mabilis siyang umalis sa pagkakayakap nito kahit anong higpit pa at nagdudumaling pumasok ng banyo. Anumang oras ang sasabog na ang kanyang pinipigil. Hindi na niya nagawang isarado man lamang ang pinto ng banyo. Narinig na lang niya ang pagsigaw ng binata. "Yes... Yahooo! She loves me, too."Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi nga dapat pa niyang itanggi ang nararamdaman para sa asawa. Siya lang din naman ang mahihirapan kung ililihim la niya. Pagkatap
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Chapter 29

"MASTER Vincent, kanina ko pa po kayo hinihintay. Mag-almusal na po kayo para maka-inom ng gamot.""Nakapag-almusal na ako, kanina pa, siguro mga four am iyon. At iyon na yata ang pinaka-masarap na pagkain ang natikman ko." Makahulogan siyang tumingin sa asawa na ikinakunot ng noo nito.Umarko ang kilay ni Dalia, tanda na hindi naunawaan ang narinig. "Huwag mo lang pansinin itong si Vincent, Dalia. Ako na lang ang magpapainom sa kanya ng gamot. Ipagpatuloy mo na ang iyong ginagawa," hayag ni Yumi kasabay ang lihim na pagkurot sa tagiliran ng binata. Sa halip na magalit ay natuwa pa si Vincent. Magkaabay silang nagtungo sa dining room. At pagkatapos kumain ay pumunta sila sa paborito nilang tambayan. Kapwa sila naka-upo sa maberdeng damo at nagku-kuwentuhan. "Dito ka lang muna, may kukuhain lang sa ako sa loob." Tumayo siya. Bago siya tumalikod ay hinagkan muna niya ang labi ng asawa. Dumiretso siya sa kanilang silid. Nakalimutan niyang ibigay ang regalo sa asawa. Isang mamahaling
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more

Chapter 30

"TAKE care of my wife. If anything happens to her, may kalalagyan ka s--" Mabilis na tinakpan ni Yumi ang bibig ni Vincent. "Tumigil ka nga! Tinatakot mo naman itong si Drew e." Hindi niya binigyang pansin iyon, sa halip ay mas tumalim ang titig niya sa binatang nag-aayos sa kabayong sasakyan ng kanyang asawa. Kasalukuyan silang nasa kuwadra ng mga kabayo. Nagyaya si Yumi na pumunta roon upang magpaturo ng pagsakay sa kabayo. "Patatanggalan kita ng kaluluwa--aray!" Malakas siyang napadaing nang batukan siya ng asawa."Napakabrutal ng bunganga mo, Vincent!" Busangot ang mukha nito. "Halika na nga, Drew! Huwag mo na lang intindihan ang sira-ulo mong amo. May menstruation lang iyan ngayon." "Aba't hoy! Paano ako magkakaroon ng menstruation, e lalaki ako?!" "Ang sungit mo kasi!" "Pinaiingatan lang kita." Lumapit siya rito. Umingos ito nang yakapin niya. Hinagkan niya ang ulo nito na ikinabungisngis ni Drew. Napabaling tuloy ang kanilang paningin dito. "Ang sweet niyo po," anito na
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status