HALOS lumundag ang puso ni Yumi nang maramdaman ang paghigpit pa lalo ng yakap ng binata. Kinabig pa siya nito at ipinantay ang mukha sa mukha niya. Hindi yata nito akalaing maririnig iyon sa bibig niya, na kahit man siya ay nagulat din. Salbahe kasi ang bunganga niya, kung anu-ano ang lumalabas. "What did you say? Paki-ulit mo nga." Ipinagdikit pa nito ang kanilang mga noo."Ah--" Tumikhim siya upang maalis ang tila bagay na nakabikig sa lalamunan. "Mag--magba-banyo muna ako." Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng binata. Mabilis siyang umalis sa pagkakayakap nito kahit anong higpit pa at nagdudumaling pumasok ng banyo. Anumang oras ang sasabog na ang kanyang pinipigil. Hindi na niya nagawang isarado man lamang ang pinto ng banyo. Narinig na lang niya ang pagsigaw ng binata. "Yes... Yahooo! She loves me, too."Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi nga dapat pa niyang itanggi ang nararamdaman para sa asawa. Siya lang din naman ang mahihirapan kung ililihim la niya. Pagkatap
"MASTER Vincent, kanina ko pa po kayo hinihintay. Mag-almusal na po kayo para maka-inom ng gamot.""Nakapag-almusal na ako, kanina pa, siguro mga four am iyon. At iyon na yata ang pinaka-masarap na pagkain ang natikman ko." Makahulogan siyang tumingin sa asawa na ikinakunot ng noo nito.Umarko ang kilay ni Dalia, tanda na hindi naunawaan ang narinig. "Huwag mo lang pansinin itong si Vincent, Dalia. Ako na lang ang magpapainom sa kanya ng gamot. Ipagpatuloy mo na ang iyong ginagawa," hayag ni Yumi kasabay ang lihim na pagkurot sa tagiliran ng binata. Sa halip na magalit ay natuwa pa si Vincent. Magkaabay silang nagtungo sa dining room. At pagkatapos kumain ay pumunta sila sa paborito nilang tambayan. Kapwa sila naka-upo sa maberdeng damo at nagku-kuwentuhan. "Dito ka lang muna, may kukuhain lang sa ako sa loob." Tumayo siya. Bago siya tumalikod ay hinagkan muna niya ang labi ng asawa. Dumiretso siya sa kanilang silid. Nakalimutan niyang ibigay ang regalo sa asawa. Isang mamahaling
"TAKE care of my wife. If anything happens to her, may kalalagyan ka s--" Mabilis na tinakpan ni Yumi ang bibig ni Vincent. "Tumigil ka nga! Tinatakot mo naman itong si Drew e." Hindi niya binigyang pansin iyon, sa halip ay mas tumalim ang titig niya sa binatang nag-aayos sa kabayong sasakyan ng kanyang asawa. Kasalukuyan silang nasa kuwadra ng mga kabayo. Nagyaya si Yumi na pumunta roon upang magpaturo ng pagsakay sa kabayo. "Patatanggalan kita ng kaluluwa--aray!" Malakas siyang napadaing nang batukan siya ng asawa."Napakabrutal ng bunganga mo, Vincent!" Busangot ang mukha nito. "Halika na nga, Drew! Huwag mo na lang intindihan ang sira-ulo mong amo. May menstruation lang iyan ngayon." "Aba't hoy! Paano ako magkakaroon ng menstruation, e lalaki ako?!" "Ang sungit mo kasi!" "Pinaiingatan lang kita." Lumapit siya rito. Umingos ito nang yakapin niya. Hinagkan niya ang ulo nito na ikinabungisngis ni Drew. Napabaling tuloy ang kanilang paningin dito. "Ang sweet niyo po," anito na
TAHIMIK na sinimsim ni Vincent ang tsaa na nagmula pa sa Italy. Paborito rin iyon ng yumao niyang ina. Naglalaro sa isipan niya kung ano ba ang mas magandang gawin sa oras na malaman niya ang katotohanan? Katotohanang wala talaga siyang sakit. Sino ba naman kasi ang maniniwalang hindi siya puwedeng magpasikat sa araw?! Natawa siya't napailing. Magaling na aktress ang mag-ina lalo na si Victoria. Napaniwala siya nito. Subalit isang malaking pagkakamali ang kanilang ginawa. Ngayong may saysay na ang buhay niya, hindi na siya magpapauto rito. "Kung habol nila ay ang kayamanan, hindi nila makukuha iyon!" naghuhumiyaw na sabi ng kanyang isipan. Kasalukoyan siyang nasa terrace at mula sa kinatatayuan niya'y tanaw niya ang nag-uumpukan sa ibaba. "Mukhang pinagkakaisahan pa nila ang aking asawa."Gumuhit sa labi niya ang pinong ngiti. May pumasok na ideya sa isipan niya. Minadali na niya ang pag-ubos sa iniinom. Nagtungo muna siya sa silid nilang mag-asawa bago bumaba ng mansiyon. Hinanap ni
MAG-ISA si Yumi sa silid nilang mag-asawa, nagmumuni-muni sa mga nangyari. Katatapos lang na ilibing ang bangkay ni Vincent. Ayon kay Victoria ay ayaw nitong patagalin pa ang burol, bagay na sinang-ayunan din niya. Naluluha't nagagalit siya nangyari sa kanyang asawa, pero wala na siyang magagawa pa. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay patunayan na ang ginang nga ang may pakana ng aksidenteng nangyari. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa siyang magkasama pero ngayo'y...wala na. At dahil iyon sa isang taong ganid sa pera. Sino pa ba ang gagawa n'on sa asawa niya? Baka nga kung hindi siya nakaalis sa sasakya'y nadamay rin siya. Pero ang ipinagtataka niya at kung si Victoria ang nag-utos na patayin si Vincent, hindi ba't may kayamanan na rin itong natanggap mula sa yumaong ama ng asawa niya? Dahil ba sa gustong makuha ng mag-ina ang lahat ng ari-arian nito? Kunsabagay, alam nga pala ng mag-ina na peke ang kanilang kasal."Asa ka, Victoria! Hindi mo makukuha a
NAKITA ni Yumi na halos lumuwa ang mata ng dalawa sa nabasa. Kapwa yata hindi makapaniwala. Sabay na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanya na nakaawang pa ang bibig."Ate," nagtitili si Marrie. "Ang yaman-yaman mo na!""Shhh!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Marrie. "Ang bunganga mo. Huwag kang maingay! Walang dapat maka-alam. Hahayaan muna nating namnamin ni Victoria ang tagumpay na inaakala niya. At sa huli, pagbabayarin ko siya. Alam ko naman siya ang may pakana nang pagkamatay ni Vincent." Kahit may lungkot na nadama ang dalawa ay hindi napigilang magningning ang mga mata ng kaharap niya at kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanila-kanilang mga labi. Pagkatapos niyo'y lumabas na sila ng silid. Nagtungo ang dalawa sa tinutuloyang silid upang kuhain ang mga gamit. At habang naghihintay si Yumi sa dalawa ay lumapit si Yvonne."Iyan lang ba ang dadalahin mo?" Tiningnan nito ang nasa paanan niyang bag. "Oo. Bakit?""I thought na gusto mong dalahin ang damit mo? Sige na, kuhain
KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano. "Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.