Home / Romance / His Rebel Wife / Kabanata 1 - Kabanata 5

Lahat ng Kabanata ng His Rebel Wife : Kabanata 1 - Kabanata 5

5 Kabanata

Simula

Tagaktak ang pawis ko nang matapos ako sa paglalampaso ng sahig. Pagod kong binitawan ang mop at saglit na naupo sa dulo ng engrandeng hagdan. Sa harapan ko ay nagkalat ang mga basurang naipon ko mula sa paglilinis ng napakalaking bahay na ito. Ilang minuto din lang ang nailaan ko sa pagpapahinga dahil napatayo ako sa biglang pagpasok ng mag-anak.Nakikipagsapalaran ako sa buhay upang makaipon ng pampagamot ni Nanay. Nakikipagbuno sa bawat suntok ng kapalaran upang matustusan ang pag-aaral ng dalawa kong nakababatang kapatid na sina Ercie at Rio. Tatlong taon na rin buhat nang iwan kami ng tatay kong babaero at hanggang ngayon ay nagpupuyos ako sa galit sa tuwing nakikita ko ang mahirap na kalagayan namin. Napatigil ako sa pag-aaral dahil sa kawalan ng suportang pinansiyal kaya't ngayon ay ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko.Sinubukan kong mag-apply sa mga kompanyang nasasakupan ng lugar na ito ngunit wala ni isang tumanggap sa akin. Sa interviews naman, sa tuwing
Magbasa pa

Kabanata 1

Sa labas pa lamang ng The Bell Rings ay rinig ko na ang lakas ng sound system. Iginiya kami ni Madame Bea sa likurang bahagi na aniya'y diretso sa quarters. Sinalubong kami ng isang bouncer at agad dumapo ang tingin nito sa amin ni Yrma.“Mga bago sila,” pagbibigay impormasyon ni Madame.“Ilang taon na ang mga 'yan?” Tumagal ang tingin ng bouncer sa akin.“Ah, I'm twenty-one po...” agap ni Yrma.Tumango ang bouncer sabay baling sa akin. “Ikaw?”“T-twenty,” kabadong anas ko.“Sige, pasok.”Sa loob ay sumalubong sa akin ang iba't ibang amoy ng pabango. Nakuha namin ang atensyon ng mga babaeng naroon. Napansin ko kaagad ang kawalan ng privacy. May mga nagbibihis, nag-aayos, at ang ilan ay nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko alam na ganito ang buhay rito. Napalilibutan ng naglalakihang salamin ang quarter. Nagkalat ang makeups at mga damit sa kung saan-saan.Pa
Magbasa pa

Kabanata 2

“Chivalry!” Humahangos si Yrma papalapit sa akin.Gumilid si Gavin dahilan para mapansin siya ni Yrma. Bahagya siyang natigagal at tila hindi makapaniwala sa lalaking nakikita.Gayunpaman, ibinalik niya sa akin ang atensyon. “Tumawag si Dan! Nakiusap raw sa kanila ang kapatid mong si Rio na dalhin ang nanay niyo sa hospital!”Taranta akong napatuwid. “A-anong nangyari kay nanay?”“Inatake raw! Nawalan ng malay! Ang huling sinabi ay hindi siya makahinga!”Namilog ang mga mata ko. Maging ang presensiya ni Gavin ay nawaglit na isip ko dahil sa pagkagulantang. Sumunod sa akin si Yrma nang mapatakbo ako. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Madame Bea. Dire-diretso akong nagtungo sa exit.“Val! Anong gagawin mo?” habol ni Yrma.“Uuwi ako! Pakipaliwanag na lang kay Madame Bea!”Nangangatal ang katawan ko sa labis na kaba at takot. Naglalandas ang mga luha ko hab
Magbasa pa

Kabanata 3

“Alright. Keep me updated.”Doon naputol ang usapan nina Gavin at ng kausap niya sa cellphone. Pagkababa niya rito'y ipinatong niya iyon sa counter. Nakapamulsa na siya nang lingunin ako.Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. May kung anong paru-paro ang lumilipad sa aking tiyan dahil sa hiyang nararamdaman. Kalalabas ko lang mula sa banyo, sa loob nitong suite na hindi ko alam kung sa kaniya ba o nirentahan niya lang ngayong gabi.Sa tulong ng babaeng staff na inutusan niya, mabilis na nakarating ang mga bagong damit na pinagpilian ko. Mayroong shorts and blouses pero cotton pants and plain t-shirt ang pinili ko.“You look good,” komento niya matapos makuntento sa nakikita.Paulit-ulit kong tiningnan ang hitsura ko bago lumabas at sigurado akong maayos na akong tingnan ngayon hindi gaya kanina subalit pareho lang din ang kabang idinudulot sa akin ng bawat sulyap niya.Basa pa ang aking buhok at ang ilang hibla'y
Magbasa pa

Kabanata 4

Nagdulot ng pagdadalawang-isip ang sinabi sa akin ni Gavin patungkol sa mga lalaking nagtangkang gahasain ako. Ayaw kong kumalat pa ang isyung iyon sa nayon at mas lalong ayaw kong makarating pa kina Nanay ngunit inabisuhan ako ni Gavin na kung gusto kong makulong ang mga ito ay kailangan kong maglabas ng statement. Heto nga't pinagmumunihan ko ang gagawing pasya. Ang sabi pa niya'y maglalabas lang ako ng statement, hindi kailangang makita ang mukha ko at malaman ng lahat ang pangalan ko. It would be better. “Para rin 'yan sa kapakanan mo, Val. Dapat lang silang makulong para hindi na sila makapang-biktima ulit!” payo ni Yrma. “Anong malay natin, baka marami nang nabiktima ang mga tarantadong iyon na hindi pa nabibigyan ng hustisya!” Nagpapahangin kaming dalawa rito sa parkeng nasa harap ng hospital, Sabado nang umaga. Malaki ang kaibahan ng preskong hangin sa lamig ng hulab sa loob ng hospital kaya't dito ko siya naisipang yayain. Naglaan siya ng ilang minuto sa pagbisita kay Nanay
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status