Kabanata 20 "RENCE, this is letter A. Ang basa sa english ay ‘ey’ tapos sa Tagalog naman, ‘ah’. Naiintindihan mo ba si Mama?" Namimilog ang mga mata ni Rence habang nakatitig kay Ann. Pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa librong hawak ni Ann bago ito kumamot sa ulo. "Ah po tsaka ey, Mama? Tama ba si Rence?" tanong nito. Tumango si Ann at pinalakpak ang mga kamay. Malawak na ngumiti rin si Rence at gumaya kay Ann para pumalakpak. Hindi nakatiis, hinalikan ni Ann ang bata at niyakap-yakap. "Ang galing-galing naman ng Rence namin!" Rence giggled and kissed Ann, too. "Talaga, galing ako, Mama?" "Oo. Magaling si Rence. Tingnan mo, nabasa mo kaagad itong tinuturo ni Mama. Yey! Aral pa tayo uli, ha? Para kapag papasok ka sa school, hindi na mahihirapan si Teacher mo na turuan ka. After natin magbasa, sleep ka muna then later, susulat ka naman n
Last Updated : 2022-02-15 Read more