Hindi pa rin makapaniwala si Isabel sa sinabi ni Esteban, iniisip nito na ang sobrang kapal ng mukha ni Esteban para sabihin ‘yon sa kanya na wala pa naman nitong kakayahan. Pinagmamalaki niya ang second-house na bahay, sa palagay niya ay hindi naman umabot ng isang milyon ang biniling bahay ni Esteban. "Ewan ko sa bahay mo, panigurado akong maliit lang iyon at sige di kita pipilitin na makasama ako pero ito ang tandaan mo Esteban. Hindi sasama ang anak ko sa’yo dahil kami ang pipiliin niya, naiintindihan mo ba?"Natahimik Si Esteban saglit, marahil ay tama si Isabel hindi pa niya tinanong si Anna kung sasama ba sa kanya ito. Hindi niya na lamang pinansin si Isabel at bumaling muli sa lalaki."Sigurado po ba kayo na wala kayong galos?" tanong niya nito.Tumango naman ang lalaki at humingi ng pasensya dahil ang oras ni Esteban ang naistorbo. Lumapit ang pulis nina Isabel at Roberto, " Madam, sa oras po na aalis ang iyong asawa ay mal
Last Updated : 2022-02-26 Read more