Chapter 49 Kakatapos lang ni Esteban at Totoy na kumain. Paalis na sana niya nang makitang hindi mapakali ang bata. Marahil ay natatakot ito na baka bumalik ang grupo nina Lando. "Gusto mo bang sumama sa hospital?" "O-opo... gusto kong m-makita ang T-tatay ko." Nahihirapan ito sa pagsasalita. "Magiging maayos din ang tatay mo." Tumango si Esteban at isinama ang bata sa hospital. Kinuha niya rin ang isang VIP ward para mas mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ni Jose. Masayang-masaya ang mag-ama ng makita ang isa't-isa. Napangiti si Esteban. "Maiwan ko na po kayo mang Jose. Kung may kailangan kayo ay ipagbigay alam niyo lang sa nurse na mag-aalaga sa inyo. Wala po kayong dapat alalahanin, sagot ko ang lahat. Ang importante ay gumaling kayo dahil nalulungkot si Totoy sa inyong kalagayan." Umiiyak ang matanda. "Maraming salamat iho. Hulog ka ng langit. Hindi ko lubos maisipi kung paano ka mapapasalamatan..." They are happy and contended. Masaya silang
Nagtagis ang bagang niya at napailing-iling siya. What could he do? For three years he did nothing but obey them like a puppet."Wala akong ginastos na pera mula sa bulsa mo, Mama. You don't even give me one. Everytime na bibigyan mo ako para sa pamimili ng pagkain ay palaging kulang. Did I bother you?"Tumayo ang biyenan niya saka dinuro siya."Ang kapal ng mukha mong lecture-an ako! Nakabili ka lang ng second hand na bahay na mas maliit pa yata sa kulungan aso, nagyayabang ka na?" pagalit nitong tanong sa kaniya.Itinuro niya si Anna. "Hiwalayan mo ang lalaking iyan. Puro kamalasan ang dala niya sa buhay natin. Remember, Anna... he's the main reason kung bakit naghihirap ka ngayon."Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Anna. "Are you threatening me, Mama?"
Chapter 50Marahang binuksan ni Esteban ang pinto ng VIP ward kung nasaan si Mang Jose.“Pasok ka na.”"Sir Esteban," anang matanda saka naglandas ang tingin sa kasama niya, “Napabisita kayo.”Humakbang papalapit si Anna sa matanda.“Magandang araw po. Ako nga po pala si Anna ang asawa ni Esteban. Pasensya na po kayo sa nagawa ni Mama at Papa.” Hinawakan niya ang kamay ng matandang lalaki. “Sana ay mapatawad niyo po sila.”Umiling si Mang Jose. “H-huwag ka ng mag-alala maayos na ang pakiramdam ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Esteban dahil dinala niya ako sa hospital, inilipat sa VIP room, binayaran ang bills at ikinuha niya rin ako ng private nurse. At higit sa lahat ay tinulungan niya rin ang anak ko. Napakabuti ng asawa mo.”Inihanda niya ang ngiti bago nilingon ang nagsalita na nakilala niyang si Mayordoma Koring. "Busog pa ho ako, Nay Koring."Tipid siyang ngumiti. "Ganoon ho ba?" Malaumanay ang boses niyang sabi.“K-kuya E-esteban, ang bait-
Tumaas ang kilay na Anna. "What are doing here?"Nakakainsukto itong tumawa. "You're really asking me that?" Nagtatakang tanong nito. "Dapat kayo ang tanungin ko. Do you have the money to pay for your bills?""She must be kidding, honey." A beautiful woman with a good figure said. "You must be the most talk of the town before?" Taas kilay nitong tanong saka sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Cheap.""Anyway, thank you for not marrying my Martin, otherwise, I won't find such a nice and handsome boyfriend," dagdag nito na mas humigpit ang kapit sa braso ni Martin. "Hindi ka rin naman nababagay sa kaniya.""Well, what can you say? I'm earning million monthly." Martin smiled smugly. "Ikaw ba?"Umirap si Anna. Hindi niya itinago ang pagkairita sa kausap. Alam naman niyang magmamalaki nanaman ito. Isa sa ugaling hindi niya gusto sa lalaki, masyadong mayabang at mataas ang tingin sa sarili. Aanhin naman niya ang million kung wala namang manners? Duh!"
Matapos kumain nina Anna at Esteban sa Eliseo Restaurant ay napagdesisyonan nilang dalawa na manood muna ng movie. Alas diyes na ng gabi nang makauwi sila. Naabutan nilang nakaupo sa sofa sa sala ang mga magulang ni Anna may kanya-kanya Itong hawak na cellphone at busy sa kanilang buhay. Masama ang tingin ng ina ni Anna kay Esteban. Ramdam ni Anna ang inis nito sa asawa niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin nang magsalita ito."Pupunta tayo sa bahay ng lola mo sa katapusan. Hindi mo isasama ang walang kwenta mong asawa," pagpaparinig nito.Tuwing katapusan ng buwan ay nakagawian na ano ng pamilya ni Anna na magkaroon ng salo-salo sa mansion ng kanyang lola. Ipinatupad ito ng kanyang lolo noong ito ay nabubuhay pa. Ngunit simula nang mawala ito ay malaki na ang ipinagbago ng mansion at sa pamamahala sa kumpanya. Their family dinner became a fixed ceremony. "Bakit hindi siya kasama?" Kunotnoong tanong niya sa ina. "Ayokong pagpyis
Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ang araw na kanilang pagpunta sa mansion ng mga Lazaro kung saan sila magtitipo-tipon para sa family day kuno. Muli pang ipinaalala ng matandang Donya Agatha na marapat lahat ay dumalo. Kasalukuyang nagmamaneho si Esteban. Nasa kaniyang tabi si Anna samantalang nasa likuran naman ang mga magulang nito. Panaka-nakang sumusulyap si Esteban sa salamin dahil ramdam niya ang matalim na tingin ng biyenan na si Isabel. Nanlilisik lang ang mata nito marahil ay hindi gustong sumama siya sa mansion ngunit walang imik ito tila nagtitimpi sa sarili.Pinagbuksan niya ng pinto si Anna nang nakarating sila. Hindi lumabas si isabel dahil naghihintay itong pagbuksan rin ng pinto.Napabuntonghininga na lang si Anna nang makitang saka lang lumabas ang ina nang pagbuksan ni Esteban ito ng pinto. Napailing-iling si Esteban at tinapik ang kaniyang balikat saka lumagpas ang tingin sa kaniya. Lumingon siya sa pinto ng mansion at nakitang naroon si Frede
Chapter 53 Dumagundong ang baritonong boses ni Esteban sa buong dining area. Ang mga katulong at iba pang tauhan ng mansion ay hindi makapaniwa sa kanilang nakita. Kinain ng katahimikan ang lugar at walang nagtangkang magsalita o kumilos man lang. Ang tanging maririnig ay ang paghinga ng lahat. Bakas sa kanilang mga mata ang amusement. Hindi na napigilan ng mga ito ang humagalpak ng tawa. For them, what Esteban said was the biggest joke they ever heard. That was far from impossible! “Napakagaling mo talagang magbiro, Esteban. Bakit hindi ka mag-apply bilang komedyante sa mga bar? Total naman magaling kang magpataw,” ani Frederick na nakahawak sa kaniyang tiyan habang nagpipigil ng tawa. “He really think of himself as a clown, Frederick.” Pinunasan pa ni Marcella ang natitirang luha sa kaniyang mga mata. Halos sumakit ang kaniyang panga at tiyan sa kakatawa. “I think we underestimated your humor and stupidity, bastard,” wika ni Donya Agatha saka nang-uuyam na
Chapter 54 Magkahawak kamay si Esteban at Anna habang naglalakad papunta sa garden ngunit napahinto nang makitang halos naroon ang kaniyang pamilya. Napansin ni Anna ang namumutlang mukha ng ina. Pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa bahay na nabili ni Esteban. Puno ng sarkasmo ang mga tanong ng kaniyang tiya at tiyo sa kaniyang ama at ina. Balak ng kaniyang ina na rumenta na lang sana ng bahay dahil sa pakikipagsabayan nito. She rolled her eyes. “Wala ka bang balak imbitahan kami, Alberto? Kung hindi pa sinabi ni Frederick e ‘di namin malalaman. Pamilya tayo rito!” sumbat ni Francisco. Humugot ng isang malalim na hininga si Diana. “House blessing ‘yon, kuya. We should be there.” Naramdaman ni Anna ang paghigpit ng kapit ni Esteban sa kaniyang kamay tila ba pinapakalma siya nito. Malakas napabuntong hininga ang kaniyang ama kaya muli siyang napatingin rito. "Sige," sabi niya, "Ipapaalam ko sa inyo ang lugar kapag dumating na ang tamang oras. Lahat k
Tahimik lang si Danilo sa buong pag-uusap, pero iba ang tumatakbo sa isip niya. Hindi siya natatakot na magalit si Esteban kung hindi siya magpakita, dahil sa tingin niya, hindi malalampasan ni Esteban ang problemang ito.Isipin mo—daang-daang kilalang tao ang nagtipon-tipon. Paano makakalaban si Esteban sa ganitong lakas?Maliban na lang kung kaya niyang pagalingin silang lahat, baka may pag-asa pa siya. Pero imposible 'yon. Ayon sa kaalaman ni Danilo, karamihan sa kanila ay may mga malalang sakit na hindi na kayang gamutin. Nakarating na sila sa iba’t ibang sikat na doktor sa buong mundo, pero lahat ay sumuko na. Halos parang hinatulan na silang mamatay. Ang tanging pag-asa lang nila ay isang mala-Diyos na manggagamot.Tungkol naman sa paggaling ng ama ng pamilya Lazaro, sa tingin ni Danilo, tsamba lang 'yon ni Esteban.Isang beses lang na tsamba, hindi ibig sabihin ay palagi nang gano’n ang mangyayari.“Dad, sa palagay ko, panahon na para i-revise natin ang plano,” sabi ni Danilo k
Napatingin si Anna kay Esteban, gulat na gulat sa mga sinabi nito. Akala niya’y may plano si Esteban na pansamantalang paalisin ang mga tao sa mahinahong paraan, pero hindi niya inasahan na ganun na lang basta tatanggihan ni Esteban ang lahat.Ilang beses nang sinabi ng lolo niya na hindi puwedeng bastusin o tanggihan ang mga taong iyon. Pero ngayon, parang sinampal ni Esteban lahat ng iyon sa isang iglap.Lumapit si Anna sa kanya at marahang hinawakan ang laylayan ng damit ni Esteban, sabay bulong, “Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa’yo?”Ngumiti si Esteban at tiningnan si Anna nang may kumpiyansa. “Ako ang bahala. Panoorin mo lang ako.”Dahil alam ni Anna kung gaano kalakas at kalaki ang koneksyon ng mga taong iyon, hindi pa rin mawala ang kaba niya. Pero nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Esteban, para bang napawi kahit papaano ang takot niya.“Esteban, ako si—”“Ako si—”“Esteban, pakikinggan mo muna ako—”Isa-isang nagsalita ang mga tao sa labas, pilit ipinapakilala
Kung nasaan si Anna sa White City, nandoon din si Esteban.Tama ang sinabi ni Galeno—naramdaman ni Esteban sa pamamagitan ng kanyang divine sense na nasa hillside villa si Anna, kaya agad siyang bumalik.Kahit ilang ulit nang pinilit ni Jane sa sarili na manatiling kalmado kapag nakita si Esteban, hindi niya naitago ang tuwa at pagkasabik nang sa wakas ay makita niya ito.Ngunit nang dumiretso si Esteban patungo kay Anna at tila hindi man lang siya napansin, napalitan ng lungkot ang kanyang kasabikan, at muling naging kalmado ang kanyang damdamin.“Nagbago ka na… nagbago ka na,” sabi ni Esteban habang nakatingin sa pamilyar na mukha ni Anna.Ngayon, si Anna sa White City ay halos kamukhang-kamukha ng Anna bago pa muling ipanganak si Esteban.Maliban kina Galeno at Ace, hindi naiintindihan nina Anna at Jane ang ibig niyang sabihin, kaya nagtaka si Anna at nagtanong.“Anong ibig mong sabihin na pareho pa rin ako dati?” tanong ni Anna, naguguluhan.Umiling lang si Esteban at hindi na ipi
Makaraan ang ilang araw, sa wakas ay nakabalik na sina Esteban sa Laguna—isang lugar na pamilyar sa kanya. Pakiramdam niya, maging ang hangin dito ay tila masarap sa pakiramdam.Siyempre, ang totoong dahilan ay nandoon si Anna. Kung wala si Anna, wala na rin siyang dahilan para panghinayangan pa ang kahit ano sa mundo.“Labindalawa, ikaw na ang bahala sa kanya. Ibalik mo siya sa villa sa burol,” utos ni Esteban kay Galeno.Ang plano kasi ay itayo ang spirit array sa villa sa burol—mas maaga, mas mabuti. Pero gusto muna niyang makita si Anna, kaya’t ipinasa niya kay Galeno ang responsibilidad.“Naiintindihan ko,” sagot ni Galeno.Pagkaalis nila sa paliparan, sumakay si Esteban ng taxi papunta sa eskwelahan.Bagamat may mas mabilis sana siyang paraan, ayaw niyang lumipad sa liwanag ng araw at pagmulan ng kaguluhan. Kapag nakita siya ng tao, baka mapuno ng balita ang buong mundo. Ayaw ni Esteban na maging sentro ng media.“Si Anna lang talaga ang nagpapakilos sa kanya ng ganito,” natataw
Ang pagpunta ni Esteban sa isla kung saan matatagpuan ang punong himpilan ng Black Sheep Organization ay naging isang malaking tagumpay. Doon siya tuluyang naging isang tunay na nilalang sa divine realm at labis na lumakas—isang bagay na hindi niya inaasahan.Ngayon, patay na rin ang lahat ng gold medal killers ng Black Sheep, pinaslang ni Ace. Sa ganitong paraan, naisakatuparan na rin ang layunin ni Esteban na buwagin ang buong grupo.Nang mapansin niyang nakatayo si John sa di kalayuan, kinawayan niya ito.Maingat na lumapit si John at yumuko ng halos 90 degrees.Noong una, inakala niyang patay na si Esteban. Umabot pa sa puntong pinilit niya si Galeno na isiwalat ang nangyari sa bunganga ng bulkan. Pero ngayong buhay si Esteban at nasa harap niya, ni hindi niya
Sa tanong ni Ace, napailing lang si Esteban at mariing itinanggi ito.Hindi makapaniwala si Ace. Sa paningin niya, si Esteban ay napakalakas na—hindi na maipaliwanag ng mga salita ang taglay niyang kapangyarihan. Isa na siyang tunay na diyos, at siya mismo ang nagsabi na kaya niyang buksan ang Gate of Heaven. Pero kahit ganoon kalakas si Esteban… hindi pa rin niya kayang talunin si Zarvock?“Paano mangyayari ‘yon? Gano’n ba talaga kalakas si Zarvock?” tanong ni Ace, hindi pa rin makapaniwala. Sa totoo lang, iniisip niyang baka nagpapakumbaba lang si Esteban, o baka tinatago pa niya ang totoong lakas niya.“Alam mo ba kung saan talaga galing si Zarvock?” sagot na tanong ni Esteban.
Nang malinaw nang makita nina Ace at Galeno si Esteban, pareho silang nalito.Sa puso ni Galeno, patay na si Esteban.Sa isip naman ni Ace, sigurado siyang ang napakalakas na enerhiyang iyon ay galing sa nilalang sa loob ng bato. Pero ngayon, lumalabas na si Esteban pala ang may-ari ng lakas na iyon.Pero... paano nangyari 'yon?Paano naging ganoon kalakas si Esteban bigla? Ibig bang sabihin nito, nalampasan na niya ang Divine Realm?Huminga nang malalim si Ace, pero hindi pa rin siya matahimik sa nararamdaman niyang pagkabigla."Ikaw... nalampasan mo na ang Divine Realm?" tanong niya, hindi makapaniwala.Hindi pa man nakakasagot si Esteban, biglang sumugod si Galeno sa kanya na tila nababaliw sa tuwa."Esteban! Buhay ka! Buhay ka nga!" sigaw ni Galeno, puno ng emosyon.Napangiti si Esteban, sabay sabi, "Gusto mo ba talaga akong mamatay?"Pero tila hindi naririnig ni Galeno ang sinabi niya—lubos siyang nalulunod sa sariling tuwa. Paulit-ulit siyang nagsalita, "Ang mahalaga, buhay ka.
Simula nang matuklasan ni Ace ang bunganga ng bulkan, halos hindi na sila kumurap ni Galeno sa kakabantay dito—takot silang may makaligtaan.Hindi nagtagal, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw mula sa bunganga ng bulkan. Kasabay nito, isang napakalakas na puwersa ang pumailanlang sa langit.Agad na napatayo si Galeno at mariing pinisil ang kanyang kamao. Bumuhos ang pawis sa kanyang noo."Tapos na... Pumutok na naman ang bulkan!" sabi niya, puno ng kaba. Kahit hindi niya alam ang tunay na kalagayan ni Esteban, tiyak niyang hindi ito magandang pangyayari para dito.Pagkalipas ng pagsabog, napuno ng alikabok ang kalangitan—ngunit kapansin-pansin na walang lava na lumabas mula sa bunganga."Hindi ito mukhang normal na pagputok ng bulkan," sabi ni Ace.Napansin din ito ni Galeno. Sa normal na bulkan, palaging may kasunod na pag-agos ng lava, pero ngayon ay puro alikabok lang ang lumitaw."Hindi bulkan ang dahilan... pero saan galing 'yung pagsabog?" tanong ni Galeno, nagtataka.Na
Hindi inasahan ni Ace ang sagot ni Galeno, pero ayos lang iyon sa kanya. Para kay Ace, hindi mahalaga kung sino ang malakas at kung sino ang mahina. Ang mas mahalaga ay kung madadala siya ni Esteban pabalik sa Miracle Place—at baka nga pati sa Divine Realm.Sa Miracle Place, ang Divine Realm ay tila isang alamat lamang. Wala pang sinuman ang nakarating sa antas na iyon, kaya noon, hindi ito gaanong pinapansin ni Ace. Pero ngayong may mga nilalang na lumilitaw na abot na ang Divine Realm, nagsimula na ring magnasa si Ace.Pagkatapos ng lahat, ilang daang taon lang ang itatagal ng kanyang buhay ngayon. Pero kung makakarating siya sa Divine Realm, maaari siyang mabuhay ng isang libong taon o higit pa. Bukod pa rito, may posibilidad na makapunta siya sa mas masalimuot na mga dimensyon at magkaroon ng mas makapangyarihang kapangyarihan.