Home / Romance / Desired by the Billionaire Heir / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Desired by the Billionaire Heir: Chapter 61 - Chapter 70

83 Chapters

Chapter 39 Determined

“Natatakot ako, Lance. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa iyo,” napilitan na akong umamin at muling naiyak. Agad naman niya akong dinaluhan at niyakap ng mahigpit.“Walang masamang mangyayari sa akin, okay? Nag-iingat ako. At isa pa, nagdagdag na rin ako ng mga tauhan na nakapaligid sa akin. Plus, nakita mo naman kung gaano ako kagaling sa pakikipaglaban, ‘di ba? Partida pa nga kagabi kasi–”Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil bigla akong naeskandalo sa gusto niyang sabihin.“Tumigil ka na! Dadaanin mo na naman ako sa mga biro mo. Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo!” asik ko. Mahina naman siyang natawa at muli akong niyakap.“I’m just saying that you have nothing be worried about. I can take care of myself,” paniniguro pa niya. Bumuntong-hininga ako at yumakap na rin sa kaniya. Nagkatawanan pa kami nang biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Gutom na nga kasi ako kanina pa, kaya lang nawalan nga ako ng gana dahil sa narinig ko.“Narinig ko rin na magkikita kayo b
Read more

Chapter 40 Her Happiness

“Do you really have to work?” malambing na tanong niya habang nasa biyahe na kami pauwi,” tiningnan ko siya at saka ibinaba ang kamay kong may hawak na cellphone. Nag-reply kasi ako sa message ni Leah kanina.“Bakit mo natanong?” pero sa halip na sagutin ako ay bigla na lang siyang nanghahalik sa leeg. Kaya napalingon ako sa driver niya, na nasa daan lang naman ang atensiyon.“Lance!” mahinang saway ko sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya para bahagyang ilayo sa akin.“Stop working please. Wala ka ng time sa akin. Ako na lang magbibigay ng pera sa iyo pagkatapos ako na lang atupagin mo!” mapanghibong sabi niya saka akmang muling hahalikan ako pero pinigilan ko siya.“At anong palagay mo sa akin, pokpok? Bibigyan mo ako ng pera kapalit ng aliw?” pabiro lang iyong pagkakasabi ko pero dumilim ang mukha niya at saka dumiretso ng upo. Napagdikit ko tuloy ang mga labi ko dahil bigla akong kinabahan. Sumungit kasi iyong awra niya at nahaluan ng lambong ang mga mata niya.“Kailan ka pa nat
Read more

Chapter 41 Gifts

“Good! So, wala naman palang magiging problema,” sabi niya. Napahinto ako sa pagbubuklat at napatingin sa kaniya. “Bakit ano’ng problema?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Pero umiling siya at ngumiti sa akin. “Nothing. I want you to drive one of those three. I will be driving one and I will ask the other bodyguards to drive the third one. Alin doon ang gusto mong i-drive?” sagot niya. Pagkatapos ay nagtanong sa huli. Saglit akong napaisip. Alin ba roon? “Hmm, iyong Porsche na lang. At least mas feminine ng konti tingnan,” nakangiting sagot ko at itinuloy ang pagba-browse sa magazine na hawak ko. Halos mahigit isang oras ang itinagal namin doon bago umalis. Gaya nang napag-usapan, ako ang magda-drive ng Porsche. Hindi ko alam kung bakit matinding excitement ang nararamdaman ko. Ilang taon din kasi akong hindi nakapag-drive kaya siguro gano’n na lang ang saya ko. May konting kaba pero mas matimbang talaga iyong tuwa. Nasa pinaka-una iyong bodyguard niyang nagda-drive ng Sedan, tap
Read more

Chapter 42 Unexpected News

Naging sobrang saya ng mga sumunod na araw at linggo. Kahit may sarili na ulit akong mga sasakyan, mas madalas pa rin na sinusundo at inihahatid ako ni Lance. Saka lang niya iyon hindi nagagawa kapag talagang busy siya o kaya ay nasa business trips. Simula rin noon ay hindi ko na nakita pang muli si Hailey. Para sa akin naman ay tama lang iyon. Sabi ni Lance ay nagkausap na sila at nagkalinawan na at talagang hindi na sila babalik sa dati bagkus ay mananatili na lang bilang matalik na magkaibigan. “Oh, wala ka yatang sundo ngayon?” tanong ni Leah nang maabutan akong mag-isa sa parking lot at nakasimangot nakatitig sa kawalan. “Bigla raw kasing may emergency sa opisina si Lance. Hindi pa naman ako nakapagdala ng sasakyan. Halika, sabay na tayong umuwi,” anyaya ko sa kaniya pagkatapos sagutin ang tanong niya. “Ahh… o sige, halika na!” pero nakakailang hakbang pa lang kami ay may tumawag sa pangalan ko. Kahit hindi ko tingnan ay kilala ko kung sino iyon, pero pinili ko pa ring linguni
Read more

Chapter 43 Endless Hardships

Humarap ako sa salamin at nanlumo sa nakita. Mapulang-mapula at namamaga ang mga mata ko. Pati ilong ko ay parang hinog na kamatis. Hindi ako puwedeng lumabas ng ganito dahil siguradong magtataka sina mommy. Magpanggap na lang kaya akong natutulog na? “Sweetheart, I know you’re awake. Please open the door and talk to me,” napasinghap ako sa sumunod na narinig. Nasa labas na ng pintuan si Lance. May pag-aatubili man ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Matagal ko pang tinitigan ang doorknob bago bumuntong-hininga. Sa huli ay pinihit ko iyon pabukas pagkatapos ma-unlock. “Tuloy ka,” nakayuko kong sabi. Bahagya ko lang binuksan ang pintuan at iyong sakto lang na makapapasok siya. Alam kong nagtataka siya pero gayunpaman ay pumasok na rin siya. Sinabihan pa niya ang kapatid ko na siya na raw ang bahala. “Baby, what’s wrong? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? May problema ba? Nagtatampo ka ba dahil biglaan kitang hindi nasundo? There was really an emergency in the office, ear
Read more

Chapter 43 PART 2

“That’s right, baby. Panganay na kapatid ni Papa si Tito Norberto at maliban kay Kiara ay may dalawa pa kaming lalaking pinsan sa kanila,” dagdag pa ni Lance. Pagkatapos ay bumaling muli sa kapatid. “Para saan naman daw niya gagamitin ang pera at sa iyo pa tumawag?” tanong niya rito.“Well, she just said that she’s in an emergency situation, right now that’s why she needed the money,” kibit-balikat na sagot naman ni Darwin.“Eh, ano’ng ginagawa ng asawa niya? Sander is filthy rich and fifty million is nothing to him,” simpleng sagot ni Lance.“Balita ko, hindi naman daw yata totoong nagsasama ang dalawang iyon. I’m not really sure but maybe their relationship is on the rock,” sabi pa ni Darwin. Nakikinig lang ako dahil hindi naman ako nakaka-relate sa pinag-uusapan nila. Pero siyempre, kilala ko si Vice-president Sander. Maliban sa matalino ay napakguwapo pa no’n. Kaya nga, maraming babae ang nababaliw sa kaniya.“Eh, sina Tito at Tita, bakit hindi niya lapitan?” kunot-noong tanong ni
Read more

Chapter 44 Pregnancy

“Puwede ka na bang makausap? Kumusta na ang pakiramdam mo?” banayad na tanong niya sa akin. Ibinaba ko sa lamesang nasa gilid ang baso saka tumingin sa kaniya. “Mas mabuti na po kaysa kanina,” sagot ko. “Sabi mo nasusuka ka. Ngayon ba’y naususuka ka pa rin?” marahang tanong pa niya. Tumango lang ako. “Opo. Pero hindi naman iyong talagang susuka na. Iyong pakiramdam lang po na nasusuka, gano’n,” paliwanag ko. Tumango-tango siya saka tumitig sa akin ng ilang sandali. “Gusto ko lang malaman mo, na kahit anupaman ang ma-discover nating kalagayan mo, mananatili iyong confidential kaya huwag kang matakot magsabi,” mahinahong sabi niya. Ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Bakit po? May sakit po ba ako?” naguguluhang tanong ko. “Wala naman akong nakikitang sakit mo kasi pati BP mo ay normal naman. Tapos sabi mo ngayon mo lang ito naramdaman. Hindi ka rin naman puyat o sobrang pagod para makaramdam ng matinding pagkahilo at nasusuka ngayon
Read more

Chapter 45 Farah’s Agony

“Anak, gising ka na pala? Kumusta na ang pakiramdam mo?” si Mommy agad ang nakita ko, pero hilam na ng luha ang mga mata ko. “Mommy si Lance? Mom, hindi… hindi po totoo iyong napanood ko, ‘di ba? Panaginip lang po ang lahat ng iyon, ‘di ba, Mommy?!” hindi ko na napigilan ang mapaiyak habang sunod-sunod na nagtatanong sa mommy ko. Parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko maisip ko pa lang na hindi ko na ulit makikita at makakasama si Lance. Hindi puwede, hindi pa niya nalalaman na magkakaanak na kami. “Huminahon ka muna, anak, please,” naiiyak na ring sabi niya sa akin. Pero agad akong umiling. “No, Mommy! Tawagan mo po si Lance, Mommy. Kailangan niyang pumunta rito ngayon. May ibabalita po ako sa kaniya, mom. Please tawagan mo po siya!” pagsusumamo ko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ko maipaliwanag ang matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang takot na halos magpawala ng ulirat ko at direktang sumusugat sa puso ko. Awang-
Read more

Chapter 45 PART 2

“Farah, hija, magpahinga ka muna,” malumanay na sabi sa akin ni Tita Angela. Nagsalubong ang mga mata namin na parehong namumula at namumugto dahil sa pag-iyak. “Darwin, ihatid mo muna siya sa kuwarto ni Lance. Maputlang-maputla na ang hitsura niya. Baka bigla siyang himatayin,” baling naman niya sa anak. Tumango ito sa kaniya at inalalayan akong tumayo. “Tita, salamat po,” lumuluhang sabi ko. Malungkot lang itong ngumiti saka tumango. Nakayakap sa baywang ko si Darwin habang lumalakad kami patungo sa sinasabi nilang kuwarto. Kung ibang pagkakataon lang ay iisipin kong masiyadong siyang nakadikit sa akin. Pero dahil wala akong lakas na makipagtalo pa, hinayaan ko na lang siya. Lalong nilukob ng matinding hinagpis ang puso ko nang marating namin ang loob ng kuwarto ni Lance. Inalalayan niya akong umupo sa gilid ng kama saka binuksan ang aircon. “Magpahinga ka na lang muna. Sasabihan na lang kita kapag may bago ng balita kay Kuya,” halos pabulong n
Read more

Chapter 46 Hope

Paglabas ko ng kuwarto ay bihis na bihis na rin ang mag-ina. Nahihiya akong tumingin sa kanila. Alas-nuwebe na kasi ng umaga. Napag-usapan namin kagabi na pupunta sa ospital ngayon para makibalita sa isinasagawang pag-e-examine sa mga natagpuang katawan. “Good morning, beautiful! Breakfast is ready, tara?” masayang tawag sa akin ni Darwin. Ngumiti at tumango lang din ang Mommy niya. “Good morning po, Tita. Pasensya na po kung tinanghali ako ng gising. Magandang umaga rin, Darwin,” bati ko sa kanilang dalawa. Mahinang tumawa si Darwin habang tipid lang na ngumiti ang Mommy niya. “Pare-pareho lang tayo, hija. Halika na at nang makakain na tayo. Tumawag sila sa akin at patapos na rin sila sa pagsusuri nila. Na-identify na rin daw ang lahat ng mga katawan,” malungkot na pagbabalita ni Tita Angela. Nagkatinginan kami ni Darwin bago sumunod na sa kaniya sa dining room. Iisang sasakyan lang ang ginamit naming tatlo. Nasa tabi ng driver si D
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status