"Jeff!" pagtawag ng dalaga sa binatang abala sa hardin ng mansyon. Panandalian syang tumigil para harapin ang dalagang tumawag sa kanyang pangalan. "Ms. Venice, ikaw pala," nakangiting sabi nya. Nagpupunas pa ng kamay dahil nalagyan ito ng putik nang ayusin nya ang mga halaman. "Anong Miss? Sabi ko sayo diba? Venice nalang," sambit naman ng dalaga. Napahimas sa batok si Jeff at napaiwas ng tingin. Hindi nya kasi lubos maisip na tatawagin nya sa pangalan ang amo nya. "V-venice..." "Ayan! Mas okay ako sa ganyan." Sambit naman ni Venice at pumapalakpak pa. "Anyways, kaya pala kita tinawag kasi gusto ko magpaturo," sabi ni Venice. "Paturo? Saan ba?" "Sa schoolworks ko. Well, may ilang terms and formulas lang naman akong di ganung ma-gets and since, top 1 ka sa klase nyo, I'm sure, you can help me." "Sure, may free tim
Huling Na-update : 2021-12-11 Magbasa pa