Share

Still The One
Still The One
Author: sheensofroses

Prologue

Author: sheensofroses
last update Last Updated: 2021-12-11 18:11:46

"Jeff!" pagtawag ng dalaga sa binatang abala sa hardin ng mansyon. Panandalian syang tumigil para harapin ang dalagang tumawag sa kanyang pangalan.

"Ms. Venice, ikaw pala," nakangiting sabi nya. Nagpupunas pa ng kamay dahil nalagyan ito ng putik nang ayusin nya ang mga halaman.

"Anong Miss? Sabi ko sayo diba? Venice nalang," sambit naman ng dalaga.

Napahimas sa batok si Jeff at napaiwas ng tingin. Hindi nya kasi lubos maisip na tatawagin nya sa pangalan ang amo nya.

"V-venice..."

"Ayan! Mas okay ako sa ganyan." Sambit naman ni Venice at pumapalakpak pa.

"Anyways, kaya pala kita tinawag kasi gusto ko magpaturo," sabi ni Venice.

"Paturo? Saan ba?"

"Sa schoolworks ko. Well, may ilang terms and formulas lang naman akong di ganung ma-gets and since, top 1 ka sa klase nyo, I'm sure, you can help me."

"Sure, may free time naman ako mamaya." Sagot ni Jeff na nagpangiti kay Venice.

"Yey! Salamat. You can go back now on what you're doing." Ngumiti muna siya Venice bago tumalikod para bumalik sa loob.

Agad namang bumalik sa gawain si Jeff. Kelangan nyang tapusin muna ang trabaho nya para matulungan na nya si Venice.

Si Jeff o Jefferson Madrid ay nagtatrabaho sa mga Ocampo. Tanging nanay nalang nya ang kasama nya sa buhay dahil maagang namayapa ang kanyang tatay.  Naiwan sa probinsya ang kanyang ina dahil kelangan nyang magtrabaho sa Maynila at dito sa mga Ocampo sya nagkaron ng trabaho.

2nd year college palang sya sa kursong Business Ad. Nakakapag aral sya sa tulong din ng pamilya ni Venice. Ang perang sinsahod ay pinapadala nalang nya sa kanyang ina at ang mga Ocampo na ang sumasagot sa gastusin nya sa paaralan.

Magli limang buwan nadin mula ng mamasukan sya dito bilang hardinero o minsan nama'y bodyguard ni Venice. Ayaw kasi ni Venice ng bodyguard talaga dahil di sya komportble. Tanging kay Jeff, na sing edad nya din halos , sya komportable at alam nyang magkakasundo sila sa iilang bagay.

Magtatanghalian ng matapos nya ang gawain. Agad syang nagligpit at naghugas ng kamay at paa sa may likod bahay. Meron dong gripo at hose kaya nakakapaghugas sya don bago pumasok sa mansyon.

Alangan naman kasing pumasok sya don na putik putik ang paa nya.

"Jefferson, iho. Tapos kana ba sa gawain mo sa hardin?" Salubong sakanya ng mayordoma ng mansyon at nag aalaga din kay Venice, si Manang Helen o Nay Helen.

"Opo, Nay Helen. Si Ms. Venice po ba, nasa kwarto?" Tanong nya habang pinupunasan ang pawis sa noo.

"Andun yata sya. Tingnan mo nalang iho at ako'y may bibilhin pa sa labas na mga kailangan dito sa bahay," sambit ni Nay Helen.

"Gusto nyo pong samahan ko kayo?" tanong ni Jeff dahil paniguradong magbubuhat ng mabibigat ang matanda at isa pa, naalala nya ang kanyang ina kay Nay Helen.

"Wag na, iho. Kasama ko naman si James at isa pa, nasabi ni Venice sakin na kelangan nya ang tulong mo sa gawain sa eskwela kaya puntahan mo na at pababain para kumain. Mas mabuting kumain muna sya dahil paniguradong mapapagod utak nya sa mga gawain sa eskwelahan," mahabang sambit ni Nay Helen na nagpangiti kay Jefferson.

Mahal na mahal talaga ng mga kasambahay ng mansyon si Venice.

"Sige po, ingat po kayo." Tumango lang ang matanda at dumiretso na sa pintuan kung saan naghihintay si James, ang driver ng mga Ocampo.

Pumunta muna si Jeff sa silid na para sakanya para magbihis.

Bawat maid, driver o hardinero sa mansyon ay may mga silid. Ang ilan ay magkakasama sa kwarto pero wala naman silang reklamo dito dahil maayos at malawak naman ang kwarto para sa kanila.

Naligo ng mabilisan si Jeff saka nagpalit ng white V-neck shirt at black shorts. Kinuha nya din ang glasses nya bago lumabas at umakyat papunta sa kwarto ni Venice.

Nang makarating sa tapat, kumatok sya ng tatlong beses bago nagbukas ang pintuan at bumungad si Venice na naka glasses at naka messy bun ang buhok.

"Uy Jeff!" Ngiting sambit ni Venice. "Halika, pasok ka" sabi nya saka nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Mamaya na. Bumaba ka muna at kumain para tuloy tuloy ang paggawa mo nyan" tumango si Venice at bumalik sa may kama para ipatong ang notebook na hawak nya saka tinanggal ang glasses bago lumabas ng kwarto kasunod si Jeff.

Ang bango nya! Sambit sa isip ni Venice habang pababa sila sa hagdanan. Nasa likuran nya si Jeff kaya amoy na amoy nya ang bango nito. Di man branded ang shampoo o pabangong gamit ng binata, kaaya aya ang halimuyak nito para kay Venice.

"Asan si Nanay Helen?" Tanong ni Venice ng makarating sila sa dining area.

"Lumabas, bumili ng mga kelangan dito sa mansyon. Kasama nya si Kuya James" sabi ni Jeff habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Hala Jeff, ako na dyan" dumating ang isang maid na nagngangalang Hazel at pilit na kinukuha kay Jeff ang pitsel.

"Ayos lang, Zel. Ako na dito " sabi ni Jeff.

"Sige, salamat ah. Kailangan ko talagang tapusin 'tong utos ni Nay Helen eh" sabi nya saka tumingin kay Venice at ngumiti.  "Kain po kayo ng madami, Ms." Nakangiting sambit na sinuklian din ni Venice ng ngiti.

"Salamat Hazel, kumain na ba kayo?" Tanong ni Venice saka kinuha ang kutsara't tinidor at tiningala si Jeff. "Salamat"

"Ah, maya maya na po, Ms. Tatapusin pa po namin itong mga gawain"

"Sumabay na kayo" sambit ni Venice kaya't lihim na napangiti si Jeff.

Iba talaga sya sa ibang amo.

Syempre, dahil mayaman ang pamilyang Ocampo, inaasahan ng iba na spoiled brat ang nag iisang anak nito pero kabaligtaran yon. Mapagkumbaba si Venice at kahit kailan ay di itinuring na iba ang mga kasambahay at mga empleyado sa mansyon nila.

Mas gugustuhin kasi ni Venice na may komportable sakanya ang mga kasama sa bahay dahil iilan din dito ay mas matanda sa kanya.

"Naku Ms. Venice, ayos lang po. Baka pagalitan kami ni Nanay Helen" nahihiyang sabi ni Hazel.

"Hazel naman, Venice nalang ang itawag mo sakin at saka, wag kayong mag alala kay Nay Helen, ako bahala. Maupo na kayo at saluhan nyo ko" sabi nya at tumingala kay Jeff na tahimik na nakatayo sa tabi nya.

"Ikaw den, maupo ka na" sabi nya.

"Ha? Hindi, ayos lan--"

"Dali na" tumayo si Venice at isa isang hinila paupo ang mga kasambahay pati si Jeff.

"Walang hiyaan. Kain na kayo. Makakapag antay naman yang gawain nyo eh" sabi nya pagkaupo.

Tahimik na kumain si Venice at ang mga kasama sa bahay pati si Jeff. Ilang minuto pa'y isa isa na silang natapos kasabay ng pagdating nina Nanay Helen at Kuya James.

"Nay! Kain na po kayo pati ikaw kuya James" salubong ni Venice.

"Sige lang iha, umakyat kana. Ako na ang magliligpit dito"

"Sige po"

Umakyat na si Venice kasabay ni Jeff at ilang sandali pa'y sinimulan nadin ni Jeff na turuan si Venice.

Naging maayos ang pagtuturo nya. Matalino naman si Venice kaya madaling matuto. Sadyang may ilang terms at formulas lang na kinalilituhan nya.

"JEFF! OMG! tingnan mo!" Tinaas nya ang papel na hawak habang nakangiti ng malawak.

Kagagaling lang nya sa school. Mas nauunang umuwi si Jeff dahil half day lang ang klase nito. Samantalang si Venice ay whole day.

Kay Jeff sya nagpapaturo ng mga hindi maintindihang lessons. Di naman kasi katanggi tanggi na napakatalino ni Jeff. Top honor ito sa klase nila kaya dito sya nagpapaturo. Kanino paba?

"Whoah! Nice, na perfect mo!" masayang sambit ni Jeff ng makita ang test paper na hawak ni Venice.

May exam kasi ito ngayong araw at nang malamang pasado sya, excited syang umuwi ng bahay para syempre, ipaalam kay Jeff ang magandang balita.

"Yes! And dahil yun sa tulong mo. Kaya salamat ah, ang daling maintindihan pag ikaw nagtuturo eh" nakangiting sambit ni Venice at nanlaki ang mata nya ng dumapo ang kamay ni Jeff sa buhok nya at ginulo ito.

"Wala yon. Basta kung kailangan mo ng tulong, hanapin moko" ngiting sabi ni Jeff at saka tumalikod para bumalik sa ginagawa.

Anlakas ng tibok.

Pumikit sya at huminga ng malalim. Kalma lang, Venice. Kalma.

"Venice?"

Napatalon sya sa gulat dahil sa tawag ni Jeff.

"Y-yeah?"

Kumunot ang noo ng binata. "May sakit kaba? Pulang pula ka oh" takang sabi ni Jeff.

Jusko Venice! Ano bayang nangyayari sayo?

"H-ha? Wala ito. M-mainit kasi.."

"Magbihis kana kaya tapos baba ka para makapag meryenda o kaya naman, dadalhin ko nalang sa kwarto mo"

"Wag na! Ako na lang yung bababa" pagkasabi'y tumalikod sya at pumasok sa mansyon.

Samantalang si Jeff, kunot noong nakatingin sa kanya, nagtataka.

"Weird"

Agad napahawak sa d****b si Venice pagkapasok ng kwarto.

Lumipas ang araw at hindi na maitanggi ni Venice ang nararamdaman. Naamin na nyang mahal nya si Jeff. Wala namang masama dun diba?

"I like you" pikit ang mata nya ng masabi yon sa harapan ni Jeff isang araw habang tinuturuan sya nito sa school works.

Inantay nyang sumagot si Jeff pero isang malambot na bagay ang dumampi sa labi nya.

Jeff is kissing her!

Bumitaw na din sila para makahinga ng ayos at nang mapatingin sya sa mukha ni Jeff, nakangiti ito ng malawak.

"Gusto din kita, matagal na" cliché man pakinggan, lumakas padin ang tibok ng puso ni Venice.

Lumipas ang araw, at buwan, palagi silang magkasama.

"Mahal, kamusta pag aaral mo?" Tanong ni Jeff habang nakaupo sila sa ilalim ng puno sa bakuran ng mansyon. Nakayakap si Jeff kay Venice mula sa likod at magkasalikop ang kanilang kamay.

"Hmm, okay na okay. Ikaw nagturo e" di mapigilang mapangiti ni Jeff at hinalikan nya ang ulo ni Venice pero...

"Anong ibig sabihin nito?!"

Sabay silang napatayo at napaharap sa sumigaw.

"M-ma?" Utal na tanong ni Venice.

"Venice Lauren! Anong kahihiyan ito?!" Nanggagalaiting tanong ng mama nya.

Nakaramdam ng kirot sa d****b si Jeff pero di sya nagsalita. Mahirap na baka kung anong masabi nya. Nirerespeto nya ito dahil ito ang tumulong sa pag aaral nya.

"M-mama" agad napalayo si Venice kay Jeff ng hilahin sya ng mama nya saka nito hinarap ang binata.

"Ikaw! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw nya kaya napalabas ang ilang kasambahay.

"M-madam, g-gusto kong malaman nyo na.... m-may relasyo--" hindi nya natapos ang gustong sabihin ng lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi nya.

"Mama!" sigaw ni Venice na lumuluha na.

"Sino ka para makipagrelasyon sa anak ko?! Bakit?! May karapatan kaba?! Anong maibibigay mo sa anak ko?! Pagmamahal mo?! Mabubusog ba sya dyan sa pagmamahal mo?! Ha?!" napayuko si Jeff ngunit hindi padin nagsasalita. Patuloy na tinatanggap ang bawat masasakit na salita mula sa ina ng pinakamamahal nya.

"Ma, tama na..."

"Sabihin mo sakin, Jefferson! Paano mo maibibigay ang mga gisto ni Venice, ha? Kaya mo bang ibigay yon? Ni singkong duling, wala ka--" naputol ang pag sigaw nya nang lumuhod si Jeff at agad napatakip ng bibig si Venice.

"Madam, a-alam ko na wala akong kakayahan na mabigay ang gusto ni Venice dahil wala akong pera... H-hindi ko mabibili lahat ng luho nya pero, s-sana po hayaan nyo ko na maiparamdam sakanya kung gano ko sya kamahal"

"Wala akong pakealam sa pagmamahal mo! Lumayas ka dito! Kahihiyan sa pamilya namin ito! Ayokong maibalita na ang anak ko ay may karelasyong isang hamak na hardinero lang!" Saka ito tumalikod kaya agad syang nilapitan ni Venice at lumuhod din ito sa harap nya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

"Ayos lang ako, mahal" ngumiti sya kahit milyon milyong karayon ang tumutusok sa d****b nya.

"S-sorry.." lumuluhang sabi ni Venice saka yumakap sakanya. Agad nyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan sa noo para patahanin.

"Shh, ayos lang ako" mahinang sabi nya na parang sa sarili nya ito sinasabi.

"Hiwalayan mo ang lalaking yon" madiing sambit ng mama nya nang makapasok sya sa mansyon nila. Nagpaalam si Jeff sa kanya na babalik na sa trabaho kahit alam nyang, durog na durog ito ngayon.

"Pero, m-ma.."

"Ano, Venice? Sinusuway mo na kame?" malamig na tanong ng tatay nya. Dumating ito at agad nalaman ang nangyari.

"Pa, please! Mahal ko si Jef--"

"Wag mong ituloy! Ayokong makarinig tungkol dyan sa pagmamahalan nyong walang kabuluhan!" sambit ng kanyang ina.

"Hihiwalayan mo o sisirain ko ang buhay nya?"

Nanlamig sya dahil don at agad nagsalita kahit masakit. Kilala nya ang tatay nya. Alam nya ang kaya nitong gawin.

"Hihiwalayan ko"

"Mahal, ano yung sasabihin mo?" tanong ni Jeff sa kanya nang kausapin nya ito isang araw.

Eto na, kahit masakit.

"Maghiwalay na tayo" walang patumpik tumpik na saad nya.

"H-ha? N-nagbibiro ka diba?" pilit na tumawa si Jeff.

"Hindi. Sa totoo lang.." napalunok si Venice at pilit na tinatatagan ang loob bago magpatuloy. "Tama si mama. Wala kang maibibigay sakin. Hindi mo kayang ibigay ang mga gusto ko. Hindi ko nga din alam kung bakit nagkagusto ako sayo, eh isa kalang hamak na hardinero"

Napangiti ng mapait si Jeff kasabay ng pagtulo ng luha.

"So, ganyan pala ang tingin mo sakin? W-wow. H-hindi mo pala ako mahal?" basag na ang boses nya. Agad nag iwas ng tingin si Venice dahil ayaw nyang makita ang luha sa mata ni Jeff dahil baka bawiin nya ang mga sinabi nya.

Ngayon palang, humihingi na sya nang kapatawaran kay Jeff. Ngayon palang, nagsisisi na sya pero wala syang magagawa.

"S-sige, Ms. Venice" ngumiti pa sya ng pilit kahit natulo na ang luha. "S-salamat sa konting panahon. Siguro nga, tama kayo. Isa lang akong hamak na hardinero kaya wala akong karapatang m-magmahal ng tulad mo. Wag ka pong mag alala, Ms. Aalis na ko dito gaya ng hiling ng mama mo at siguro, hiling mo na din. Paalam" saka ito tumalikod.

I'm sorry Jeff. I hope you'll forgive me. Hope to meet you again.

Related chapters

  • Still The One   Chapter 1

    Kusang namulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong napabuntong hininga. Bagong araw nanaman. Bumangon ako at agad inayos ang higaan. Nag inat ako bago pumunta sa banyo para mag ayos. Naghilamos ako at nagsipilyo saka tinali ang buhok ko. Lumabas din ako pagkatapos at lumabas sa banyo para diretso labas sa kwarto. "Anak, andyan kana pala. Come, eat with us" salubong ni Mommy saken. Nilalapag nya ang baso at sinasalinan ang baso ni Daddy na syang tahimik at nagbabasa ng dyaryo. Nangunot ang noo ko pero agad ding nawala ng mapagtanto ko. Oo nga pala. Binalewala ko yon saka ako dumiretso sa upuan ko at kumain. May pupuntahan pa pala ako ngayon. "Venice, ano? Kamusta yung pinagkakaabalahan mo?" Tanong ni Daddy na nakatuon na ang paningin sa akin. Uminom ako ng tubig bago sumagot. "Wala parin, pa. Pero, n

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 2

    Pagkabukas palang ng elevator, bumungad na saken ang iilang tao na nakahilera. "So, dito ka?" Tanong ni Yohan na nasa tabi ko pa pala dahilan para tumingin ang iilang taong nasa malapit. "Uhm, yeah. Salamat" Sagot ko. "Sure, no problem. Goodluck" sambit nya. Agad naman akong lumapit at naupo sa upuan. Tumingin ako sa wrist watch ko. Almost lunch na din pala. Di bale, mamaya ako kakain. Importante ito kaya uunahin ko muna. Isa pa, andito na ko eh, alangang umalis pako. As time passed, paunti ng paunti ang tao dito. Ang iba ay nakaalis na. Mga nasa 15 nalang siguro kaming natira. Nang biglang lumabas si Yohan mula sa isang pintuan. "Okay everyone! Sorry to tell you but the CEO calls it a day. Ipagpapatuloy nalang daw the other time, so for now, you may go home" Natulala naman ako dahil don. Tapos na?

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 3

    "Venice, anak. Kamusta?" Salubong sakin ni Mommy pagkauwi. Naupo ako sa couch namin at bununtong hininga. By that, alam na ni Mommy agad. "You didn't make it?" Sumandal ako at pumikit. Actually, di ko alam. Knowing na di ako nakaabot sa amount ng in-interview ngayon. Sayang yung paghihintay ko. Siraulo naman kasi e! Tinapos yung interview, dahil nabored? "Anak?" "Mom, di naman po totally na di ako tanggap. Uhm, pinapabalik mo kami kase limited yung ini-interview ngayon" sabi ko nalang. "Kung ganon, may chance ka pa. Galingan mo! Alam ko namang kaya mo yan!" Nagmulat ako at ngumiti saka nagpaalam na aakyat muna para makapag bihis at makapagpahinga na. Binagsak ko ang sarili ko sa kama pagkatapos maglinis ng katawan. Alas syete palang pero gusto ko ng matulog. Na

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 4

    10:00 AM ako nagsimulang mag ayos ng sarili ko. I wore a blue long sleeve polo and a red pencil cut skirt saka ko tinali into ponytail ang buhok ko. Mainit din kase at isa pa, para kaaya ayang tingnan. Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy at sinabi ko na sa labas nalang uli ako kakain for lunch dahil sure ako na aabutin ng lunch time yan. Ewan ko ha. Kinuha ko na ang bag at folder ko saka h*****k kay Mommy at Daddy. Pagkalabas ng bahay, muli akong huminga ng malalim. "You can do it, Venice" Nadatnan ko na andito na den yung mga applicants na natira kasama ko kahapon. Kumpleto na nga yata kami. Tahimik akong naupo at pilit kinakalma ang sarili ko. Don't be nervous, Venice. Isipin mo nalang na makakatulong ito sa Mommy at Daddy mo. Hindi ko maiwasang di mapangiti ng mapait ng maalala ko ang nangyari non. Hindi inaasahan ang biglang pagbag

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 5

    Nakatulala lang ako habang naglalakad palabas ng building. What the heck did just happened? Nagkatrabaho na ko agad, wala pa kong sampung minuto sa loob ng opisina nya at hindi pa nga nya ko naiinterview. Weird. But, anyway, masayang masaya naman ako ngayon. Finally, I have a job! Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang mapagtantong may trabaho na ko. Kahit ang weird ng pangyayari, atleast may trabaho na ko. Dumaan muna ako sa isang karinderya bago umuwi. Funny how we spend our money back then eating on a luxury restaurant but now, hanggang karinderya nalang ako. Ito ang tinatawag na, gulong ng buhay. "Venice, iha!" Bati sakin ni Aling Martha nang makita ako. Si Aling Martha ang may ari ng karinderyang ito at kilala na nya ko dahil madalas na akong kumain dito. Maging sina Mommy at Daddy ay nakakain na din dito. "Hello

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 6

    Ilang beses akong huminga ng malalim habang nakaharap sa salamin. Kaya mo yan, Venice. Don't be nervous. Nakaharap mo naman na ang boss mo, so, kaya nayan. Pinasadahan ko muli ng tingin ang itsura ko at nang masigurong ayos na, kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto. "Anak, papasok kana?" Salubong ni Mommy saken habang naghahain ng makakain at si Daddy ay di ko alam kung nasaan. "Yes po, Mommy. Wish me luck" sabi ko saka h*****k sa kanyang pisngi. "Where's Daddy?" Tanong ko saka naupo sa may upuan. "Maagang umalis. May imi-meet daw na dating business partner" nagkibit balikat lang si Mommy habang patuloy sa ginagawa. I can't help but to reminisce how successful our business back then. Plenty of investors are investing on our chains of hotels and marami ding gustong makipag merge but sadly, it's all in the past now. At, imposible na rin sigur

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 7

    "For today, just make yourself used to your place and when someone came, just tell me through this intercom" sambit ni Mr. Rivera. He's briefing me about my job here as his secretary. He's nice enough na sya pa mismo ang magtuturo sakin nito ah. Kadalasan kasi empleyado ang nagtuturo sa mga bagong empleyado but, see? The boss was the one briefing me about my work. "You understand?" He asked. "Yes po" sabi ko then I smiled. He turned his back at me pero bago sya pumasok ng opisina nya, humarap sya at nagsalita. "Tell me if it's your lunch time" I just nodded then he proceeds to his office. Nilibot ko naman ang tingin ko sa pwesto ko. An overlooking view behind a swivel chair and a brown desk. Naupo ako sa swivel chair at tiningnan ang mga papeles na nandon. Profiles of some business man. Maybe, business partner ni Mr. Rivera. I keep

    Last Updated : 2021-12-11
  • Still The One   Chapter 8

    "Let's go" Oh right, sinabi nga pala ng boss ko na sumama ako sa kanya, but I'm wondering kung saan ba kami pupunta? Nasa first floor na kami ng building at tingin ko, lalabas kami. Katahimikan lang ang bumabalot samin habang papalabas kami ng building. I noticed some people looking at our direction, looking at Mr. Rivera, to be specific. Nginitian lang ako ng guwardya na kanina'y binigyan ko nang kape kaya nginitian ko din sya saka sumunod sa boss ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pamilyar na daan na tinatahak namin ngayon. Tahimik lang din na naglalakad si Mr. Rivera habang ako, naguguluhan kung bakit kami naglalakad sa pamilyar na daan. Daan kasi ito pauwi samin. Plano na ba nya kong pauwiin? Agad agad? Eh kung ganon, paano nya nalaman yung daan? O di kaya, may pupuntahan sya na dito din ang daan? Hanggang sa huminto kami sa isang pamilyar na lug

    Last Updated : 2021-12-11

Latest chapter

  • Still The One   Epilogue

    Warning: Violence Nakakunot ang noo ko nang makaharap ko si Aling Tere. Yung kapitbahay naming napakiusapan ko na bantayan si Nanay. Walang kabuhay buhay ang mukha nya ngayon na syang pinagaalala ko. Asan si Nanay? Gusto ko syang makita ngayon. Gusto kong humingi nang comfort sakanya at yakapin sya. "Aling Tere?" Inangat nya ang tingin sakin at nagulat ako sa luhang tumulo sa mata nya. "Jeff iho. W-wala na ang nanay mo" Posible pala yung sinasabi nilang pagtigil at pagkasira nang mundo mo. Dahil yun mismo ang nararamdaman ko ngayon. Isama pa yung pagkabasag nang puso ko. Napuno nang sakit ang buong sistema ko at napaluhod nalang ako. "Iho, p-pasensya na. H-hindi ko alam n-na may sakit pala syang d-dinadamdam. Jefferson, pasensya na!" Sambit ni Aling Tere pero hindi ako nakasagot. Hindi ako makasagot dahil napalitan nang hikbi ang bawat salitang lalabas sa bibig ko.

  • Still The One   Chapter 50

    After my mom's burial. I stopped working. I also payed my Dad's debts but as my mom says, hindi ko sya pinyansahan. Ginamit ko ang natitirang pera para magsimula ulit. It's been 5 months since my mom's burial and still, the pain is with me. The pain is still buried through my system. I stopped working and just focus on fixing myself. I also went away like how I wish. About Jefferson, he's seems hesitant at first pero pinayagan nya ko. This is a good way to heal myself, he said. He always texts me. Pati sila Reishell. Her wedding happened one month after my mom's burial but I'm not able to attend. I just facetimed her after the ceremony. I apologized and congratulate her. Yohan and Tanya, I heard they are now a thing. They started dating months ago. Hera and Emman, they fixed their relationship. They clarified what they really are. I'm happy for all of them. Me and Jefferson didn't clarified yet what ou

  • Still The One   Chapter 49

    I woke up and my eyes immediately shuts dahil sa hapdi. My head also hurts. I got up and glance around. I stared at the figure beside me. There's Jefferson, sleeping beside me. Hindi ko man lang napansin but I found myself staring at him. This man is always there for me. Mula noon hanggang ngayon. Kahit nung panahong hindi ko pa alam na sya pala si Jefferson. He's always there. He always cares. I slowly leaned forward and kissed his forehead before I stood up. I wanna see my mom. Naghilamos ako at nag ayos. I didn't change my clothes. I'm still wearing a black blouse and black jeans at saka ako lumabas. I'm surprised to see Yohan, Tanya, Hera and Emman on the living room, sleeping. Where's Reishell and Yuan, tho? I glanced one last time at them and a small smile etched on my lips and I go outside. There are some people who's already there and I saw

  • Still The One   Chapter 48

    Warning: Violence I quietly sit infront of my father. Andito kami sa sala kwarto ko nag usap. Jefferson is also with me and some police officer for my father. "Start speaking now" I said. My father cleared his throat. "I was upset when I knew about your relationship with Madrid. Alam mo kung gaano ko inaalagaan ang imahe nang pamilya natin at sa nalaman ko, nagalit ako dahil alam kong kahihiyan yon sa pamilya" I gritted my teeth and continue listening to him. "I did blackmail you to ruin his mothers life if you didn't break up with him pero hindi ko pinakialaman ang nanay nya because you broke up with him" "I was happy when that happens. Walang dahilan nang issue na magiging dahilan nang kahihiyan. Pero, ilang araw lang, muling nagpakita si Jefferson sa tapat nang mansion naten at sobra akong nagalit don. Nalaman ko na ilang araw syang andun sa labas" I already heard this pero hindi a

  • Still The One   Chapter 47

    He quietly went beside me and lied down. He faced me but he didn't say something. He just stared. "My mom... I know, h-how she h-hurt us by how she insulted you back then" I started speaking. Umayos nang higa si Jefferson. Lumapit sya nang mas malapit sakin but still, he didn't speak. "But, I can't stay mad at her. I c-can see how she regret that and on those y-years, I manage to forgive her and also, my Dad. She always tells me how sorry she was and ramdam ko naman na bumabawi sya don. When I told her that I wanted to work, she seems hesitant but I insisted since I know how much she missed our life before. I started working to your company. She seems hesitant to let me at first when she heard about me working at Rivera's. Yun pala, alam nya yung nangyari noon. She knew what my father.. did to you.." My tears started to fall. Jefferson immediately wrapped his arms around my waist and pulled me closer. I leaned my head on his chest

  • Still The One   Chapter 46

    Warning: Suicide Mabilis ang flight namin pauwi sa Pilipinas. Jerwin's parents immediately allowed us after knowing what happened. Nung makita nila ang pagkabalisa ko, they immeduately said yes at sila na daw muna ang bahala sa upcoming deals. Jefferson is now driving. Papunta sa mansion namin. I'm nervous at ilang ulit akong huminga nang malalim. I'm nervous in what I would see when I got there. Sana nalowbat lang si Mommy o kaya naman nahulog lang yung phone but... her words. Her words hunts me. Her words sounds farewells. Para syang naghahabilin. "Venice.." Jefferson's voice invaded my thought. I felt him held my hand and gently squeezed. I held back his hand. "Don't overthink. Okay?" He softly said. I just nodded and wait till we got home. Mabilis akong lumabas nang maiparada ang kotse sa tapat nang mansion namin. The whole mansion is so silent. Mukhang walang tao. I hesitantly st

  • Still The One   Chapter 45

    I immediately go to get my things and pull out clothes to change when we got to his condo. I sighed as I started to comb my hair. Nahiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. I remembered my Mom. I should call her. Jefferson opened the door and smiled. He's now wearing a white cotton shirt and black shorts. He sits in my bed and taps the space beside me, asking if he could lay down. I nodded and started dialing my mother's number. Jefferson wrapped his arms around my waist and burried his face on my hair. I closed my eyes and leaned on his chest as I wait for my mother to answer. "Who are you calling, hm?" He whispered. "My mom. I want to know how she's doing" sagot ko kasabay nang pagsagot nang tawag mula sa kabilang linya. "Mom?" I called. A silence greeted me. Until I heard sobs. My eyes instantly opened and I immediately sit up causing Jefferson to sit up too.

  • Still The One   Chapter 44

    The meeting started and Jerwin immediately became serious and focused. Nawala yung kaninang nagtatampo nyang mukha. His father and mother seems calm too. And here I am, focusing on the meeting too. Mr. Gutierrez, the man who's making a deal with the Rivera's is speaking right now and I've been noticing how his secretary looks at the man beside me. She's quite young but older than me, I think and eversince she stepped inside with her boss, she can't take her eyes off Jerwin. And it irritates me but I calmed myself. It's immature kung papatulan ko at isa pa, I don't think I have the rights to act possessive. "Is that okay with you, Mr. Rivera?" Mr. Gutierrez asked. He smiled at his friend and waits for his answer. "Of course, your works and ideas always amaze me. And I already know that you're ideas would impress me" Mr. Rivera said. They shook hands and Jerwin did also.

  • Still The One   Chapter 43

    "Ready?" He asked while fixing his tie. Humarap naman ako sakanya and I immediately smile when I saw him looking at me with a smile. Last look at my appearance, I nodded and walked near him. Last night when he confessed that he's Jefferson. We talked and talked until we both fell asleep. I asked him why his face changed but he diverted the topic kaya hindi ko na pinilit. He seems uncomfortable talking about that. Did he change his face so that my Dad wouldn't continue his plan on killing him? But, my Dad seems to know that it's him since narinig ko yung usapan nila ni Mommy non. After talking, we both fell asleep. Next to each other. I remembered hugging him. Feeling the same feeling back then and it all come back. My heart feels satisfied after a long time knowing that Jefferson is back now. "Hey? Come inside now. Mainit dyan baka mapawisan ka" My thoughts vanished

DMCA.com Protection Status