"Pag nag-tagal na magkaka-anak tayo?" biglang tanong niya. "Oo, siguro?" Nag-aalangang sagot ko. Wala naman kasing alam 'yan sa pag-aanak eh, 'wag nalang sirain mood niya."Yeheyyy, may makakalaro na ako!" masayang sigaw niya."Pfft," pagpipigil ko ng tawa. Makakalaro daw? I knew it, he's clueless about having a child."Anong nakakatawa?" takang tanong niya."W-wala lang hahahaha, natatawa lang ako," sagot ko."Napakaganda mo pag tumatawa ka," natigilan ako nang marinig ko nanaman ang boses niya.Bigla nalang nagbabago boses niya, at nawawala pagiging magalang niya."Sige na, ihahatid na lang kita sa bahay mo, tapos uuwi na ako," sabi ko nang marating na namin ang motor ko."Uuwi tayo," sabi niya. Napakunot ako ng noo at liningon siya."huh?" "Sabi ni dad, sa iisang bahay na lang tayo titira. At naisip ko na sa bahay ko nalang tayo umuwi. Walang ibang tao doon," paliwanag niya pero naguguluhan p
Last Updated : 2024-10-29 Read more