Share

Chapter 1.

Author: Laykachannn
last update Last Updated: 2021-11-29 12:37:13

"I'm not going to marry that girl!" buong tapang na sabi ni Joshua, my ex at gusto nila kaming ipakasal sa isa't isa. Of course, pareho kaming tumututol kung kaya't, narito kami sa bahay nila para pag-usapan ang pagpigil sa kasalan.

Mula pa nung mg bata kami, laging gusto ng parents namin na maging malapit kami sa isa't isa. Ngayon alam ko na dahilan, and thanks to that, we hated each other. 

I rather marry a stranger than this man.

Tinignan ko lang si joahua ng tila nandidiri. Ang lakas ng loob maging choosey, ako nga 'tong lugi dito.

"As if namang gusto kitang pakasalan? Ang isang manloloko na katulad mo ay hindi ko tipo! Mas gugustuhin kong maging dalaga habang buhay kaysa sa ikasal sa 'yo," nandidiring sabi ko sa kaniya at umirap.

"Psh, nakakatawa ka naman! At sa'yo ko pa talaga maririnig ang mga salitang 'yan? Baka nakakalimutan mo kung paano ka nagmaka-awa noon na 'wag kang iwan!" nakangising sabi niya. Niyukom ko ang mga kamao ko nang maalala ko ang mga araw na 'yon.

Nakakasukang alalahanin pa kung gaano ko siya ka-gusto noon. Hindi ko alam ano nakita ng sarili ko d'yan, like, what the hell! He's totally good for nothing, idiot.

"Tama na 'yan josh!" Suway sa kaniya ng kaniyang Ama. "You guys can't do anything about it anymore, we already decided," matigas na sabi ni Tito Jake. Napairap na lang ako sa hangin, mga business nga naman. I hate them all.

"Dad, i love my girl, if you guys want, ipakasal na lang natin ang babaeng 'to kay Warren, total isa pa rin siyang Yiffer," suggest ni josh. Napataas naman ang kilay ko sa narinig.

"What the f*ck guys, I'm not a tool or anything na pwede niyo ipamigay sa kung sino sino lang! At sinong niloloko mong magiging loyal ka talaga, josh? Once a cheater, always a cheater!" sigaw ko sa kanila at napatayo sa sobrang inis.

"Rafa, enough! Do you even know where are you right now? Wala ka sa bahay para paganahin ng pagiging spoiled brat mo!" sigaw sa akin ni dad kaya napa-upo ako at umirap.

Hindi ko rin alam bakit ako nag react ng ganun. Gosh self, relax!

"Sino ba si Warren?" tanong ni dad kay tito.

"Siya lang naman po ang kapatid kong sinto-sinto." Sagot ni josh na nakangisi pa. Napakunot noo ko sa sinabi niya. Sinto-sinto ba kamo?

"Mas gugustuhin kong ikasal sa sinto-sinto, kaysa sa isang manloloko," sabat ko. Agad naman akong sinamaan ni dad ng tingin. Nagulat si tito sa sinabi ko, halata ang pagtutol sa mukha niya lalo na si josh na parang nainsulto. Well, nainsulto naman talaga.

"Warren is sick. Pang 7 years old lang ang isip niya," paliwanag ni tito. Bigla kong gustong bawiin ang sinabi ko. Omg, I can't become a babysitter or anything.

Pero, ayoko ring ikasal sa ex kong manloloko. Anong gagawin ko?

Bumuntong hininga ako saka nagsalita. "Ayus lang. Tatanggapin ko kung ano man ang kalagayan niya," mahinang sabi ko. I know, pagsisisihan ko 'to.

"Pagsisisihan mo ang disisyon mong ito," inis na sabi ni josh at nag walk out. Problema niya? Hindi ba't siya ang nag-suggest sa bagay na iyon? 

Tumayo rin ako at umalis. Hindi na nila ako pinigilan pa dahil alam naman nilang hindi ako makikinig. 

Habang naglalakad sa garden nila, may biglang bumagsak sa akin. Sa sobrang gulat, nawalan ako ng balanse, at bumagsak sa lupa.

What the? Sino 'to, isang bata? No, isang isip bata na gurang.

Wow, ang gwapo niya. Speechless ako sa kaperpektohan ng mukha niya pero napaka-inosente ng mga mata niya. Kasalukyan siyang nakaupo sa tiyan ko habang nasa pagitan ako ng mga hita niya, pero hindi niya binibigatan sarili niya.

"Ang bango niyo po ate," sabi niya at inamoy ang leeg ko dahilan para tumindig ang mga balahibo ko sa batok.

"Umalis ka nga riyan!" inis na sigaw ko at tinulak siya palayo. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa akin at ngumiti.

"Ang cute niyo po ate," Sabi niya pa nang makatayo ako. Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya, at tinignan siya.

Ang tangkad.

"May problema ka ba sa height ko?" inis na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling na parang bata.

"H-hindi naman po ate, kahit na medyo maliit ka, cute ka naman po, hehe," 

"Anong sabi mo?" inis na sigaw ko sa kaniya pero tumawa lang siya at nag tago sa likod ng puno.

Ang isip bata a****a, hahahaha. Eh? Ba't ako natatawa. Ew, antanda na niya pero kung kumilos parang 7 years old. Wait, pamilyar.

"I-ikaw, a-anong pangalan mo?" nag-aalangang tanong ko. He can't be, it's worst than i expected! 

"Warren Christ Yifder po, 24 years old!" proud niyang pakilala. I knew it, he's my soon to be fiance, oh no!

"I'm still 22, so you can't call me ate, bye," mabilis na sabi ko at agad siyang tinalikuran. 

Nararamdaman ko na nakatitig pa rin siya sa akin ngunit hindi ako lumingon.

"Sige po ate- este, tita! kita po tayo ulit," sigaw niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi nga niya ako tinawag na ate, tita pa ang itinawag niya sa akin, paano ako makakasal sa katulad niya? This will be a huge mess.

Natigil ako at napatitig sa isang lumang teddy bear. Bakit parang nakita ko na 'to noon?

"Mabuti naman at nahanap kita, ma'am Rafaelia." Biglang sumulpot ang isang maid sa harapan ko.

"Bakit mo ako kailangan?" tanong ko.

"Ipinapatawag po kayo ni sir," sabi niya. Sumunod na lang ako sa kaniya pabalik kina dad at tito. 

Malayo palang ay nakita ko na silang dalawa, at may kasama silang dalawang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila ay si Joshua at yung isip batang nakilala ko kanina lang.

I knew it,

"Buti at narito ka na, gusto kong ipakilala sa'yo si Warren, siya ang tinutukoy namin kanina," sabi ni tito. Hindi nga ako nagkamali, siya nga ang isip batang tinutukoy nila.

"Hi po, tita," masayang bati ni Warren sa akin. Pilit akong ngumiti sa kaniya, at magsasalita na sana pero naunahan ako ng malakas na tawa.

"Pfft, akalain mo iyon? Tita, tawag sa iyo ng future fiancé mo, bwahahahaha!" tumawa si Joshua ng napakalakas dahilan para taasan namin siya ng kilay.

"Sorry" rinig kong sabi ni warren kaya napalingon ako sa kaniya. Nakayuko siya at sobrang lungkot ng mukha niya.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya. "Tawagin mo ako sa kahit anong gusto mo," nakangiting sabi ko at sinamaan ng tingin si Joshua

"Talaga? Maraming salamat, ate!" 

"Hahahaha, ikaw bahala."

"Bwahahahaha! 'Yan ang sinasabing perfect match!" tawang tawa si Joshua pero 'di namin siya pinansin.

"Are you sure about this, Rafa?" nag-aalinlangang tanong ni tito. Ngumiti na lamang ako s kaniya at tumango.

"He's much better sa isa diyang hindi mo mapagkakatiwalaan sa sobrang kasinungalingan," nakangiting sagot ko kay tito.

"Tsk." Muli kong sinamaan ng tingin si josh.

"We will think about it, then." Ngumiti na lamang ako kay tito at nagpa-alam.

------

"Late ka rafaelia!" sita ng manager ko sa akin. Napuyat kasi ako dahil hindi ako tinantanan ni warren sa kakakulit, kung ano ano ang sinasabi sa phone. 

Pinagsisisihan kong binigay ko phone number ko sa kaniya.

"Tsk, simulan na lang natin ang photo shoot," walang ganang sabi ko at pumasok sa dress room.

"'Yan ang isusuot mo sa unang shoot, bilisan mo ang paghahanda dahil ikaw na ang susunod," sabi niya bago umalis. Kinuha ko ang damit at isinuot.

Pagkatapos ay minake-up-an na ako ng make-up artist ko. By the way, I'm a supermodel from Dark heaven international Modeling agency. 

Weird name, yeah, weird boss too. 

Nang magsimula na ang shoot, pagkaharap na pagkaharap ko palang sa kamera ay nagbago na ang expression ko. Ang walang buhay kong mga mata ay kumikinang, ang fierce kong mukha ay nagiging cute kung sabihin.

Kahit na anong expression kaya kong gawin. Sabi ng iba, pwede na ako maging actress, pero hanggang modeling lang ako. Dahil may iba rin akong trabaho, maliban dito.

"And, CUT!" agad na bumalik ang mukha ko sa dati. 

"Grabe rafaelia, kung titignan kita ngayon at dito sa mga kuha ko, parang magka-ibang tao talaga. Ano ang sekreto mo?" hindi ko na pinansin ang sinabi ng camera man dahil sanay na akong lagi niyang sinasabi iyan.

"Ms. Rafaelia, may naghahanap sa iyo," sabi naman ng isang staff. Bihira lang ako magkaroon ng bisita, sino kaya 'yon?

"Wifey!" Nagulat ako nang biglang tumakbo palapit sa akin si Warren at niyakap ako. Lahat ng mga staff sa kwartong ito ay nagulat at hindi makapaniwala sa nakikita.

"Anong ginagawa mo rito Warren?" Tanong ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan, nang makita ko ang inosente at maamo niyang mukha ay biglang gumaan ang pakiramdam ko at napapangiti. This man is too innocent and cute.

"Na-miss po kasi kita, wifey, hehe," nakangiting sabi nito. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

Do i deserve him? Malinis lang akong tignan sa labas, ngunit ilan lang ang nakaka-alam sa tunay kong kulay, at trabaho.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennifer Naral
mukhang maganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 2.

    "Please, come with me, wifey," sabi ni Warren habang nagpapa-cute. Napakagat na lang ako sa labi, ang hirap talagang tanggihan ang cute na gurang na ito. Nagpapasama siya sa akin sa amusement park, pero hindi naman pwede dahil baka may makakilala sa akin dun. Naku, ang hirap talaga maging sikat. "Sige na nga!" buntong hiningang sagot ko. Ano pa bang magagawa ko? Para makatakas sa ex ko, pumayag akong maging fiancé ng isip batang gurang. So, i should take responsibility for what i did. "Yeheyy!" sigaw niya at parang batang nagtatalon-talon sa harap ko. Pinagtinginan tuloy kami ng iba, gosh, ang laki niyang lalaki para umaktong ganiyan! I mean, hindi bagay sa itsura niya. Lumapit ako sa Manager ko kasama si Warren dahil, nang mapansin niyang aalis ako sa tabi niya, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na tila ayaw niya nang humiwalay sa akin. "Manager, pwede na ba akong umalis ng maaga?" tanong ko. Tumingin siya kay Warre

    Last Updated : 2021-11-29
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 3.

    "Pag nag-tagal na magkaka-anak tayo?" biglang tanong niya."Oo, siguro?" Nag-aalangang sagot ko. Wala naman kasing alam 'yan sa pag-aanak eh, 'wag nalang sirain mood niya."Yeheyyy, may makakalaro na ako!" masayang sigaw niya."Pfft," pagpipigil ko ng tawa. Makakalaro daw? I knew it, he's clueless about having a child."Anong nakakatawa?" takang tanong niya."W-wala lang hahahaha, natatawa lang ako," sagot ko."Napakaganda mo pag tumatawa ka," natigilan ako nang marinig ko nanaman ang boses niya.Bigla nalang nagbabago boses niya, at nawawala pagiging magalang niya."Sige na, ihahatid na lang kita sa bahay mo, tapos uuwi na ako," sabi ko nang marating na namin ang motor ko."Uuwi tayo," sabi niya. Napakunot ako ng noo at liningon siya."huh?""Sabi ni dad, sa iisang bahay na lang tayo titira. At naisip ko na sa bahay ko nalang tayo umuwi. Walang ibang tao doon," paliwanag niya pero naguguluhan p

    Last Updated : 2021-11-29
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 4

    Kakatapos ko lang magbihis matapos akong pasukin ni Warren sa shower kanina. Rinig ko ang paglalaro niya ng bula mula sa loob ng banyo, hanggang ngayon ay naliligo pa rin siya.Nag explore nalang ako sa buong bahay, masyadong malaki ang bahay na ito para sa nag iisang isip batang lalaki. Hindi ko akalain na mahal n mahal pala si Warren ni tito. Wala kasi sa itsura niya ang may pake sa mga anak niya.I gues I really shouldn't judge the book by its cover.Habang nag-eexplore, napunta ako sa library. Napaka-laki ng library na ito, na puno ng libro s kahit saan pati sa second floor ng kwartong ito.Habang tumitingin sa mga bagay, may napansin akong kakaiba. Nag-hanap ako ng libro o kung anong pwedeng galawin, baka sakaling magkaron ng secret room.Ginalaw ko ang isang libro, at biglang gumalaw ang isa sa bookcase, napangisi naman ako rito. Sinasabi ko na nga ba."Tsk, ano kaya ang meron dito?" tanong ko sa sarili ko at pumaso

    Last Updated : 2021-11-29
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 5.

    Rafaelia's pov. Makulay na paligid at puno ng mga nakakiritang tao, ew, i wish i could see Warren's handsome face. Napangisi ako nang makita ko ng target ko. Muli kong inayos ang damit ko at lalong ipinakita ang cleavage ko. Kahit sinong lalaki ay maaakit sa itsura ko ngayon. "Good evening, Mr. Rivera," nakangiting bati ko rito. Agad naman siyang napatitig sa akin mula ulo hanggang paa, saka ngumisi. "My, you might be Cassandra, right?" ngumiti ako rito at tumango. "Yes, sir. It's nice meeting you," nakangiting tugon ko. "What a beautiful lady. Come and sit here, besides me." Agad ko naman siyang sinunod at umupo sa tabi niya. Kadiri! Tiniis ko na lamang ang nakakasuka niyang presensya at ipinapatuloy ang plano. Inakit ko lamang siya hanggang sa magpasya siyang dalhin ako sa walang taong lugar. Hahalikan na sana niya ako nang mauna kong i****k sa tagiliran niya ang maliit na kutsilyong dala

    Last Updated : 2021-12-20
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 6.

    Rafaelia's POV.I am about to take my knife and attack the guards when a hand stopped me."D-don't, please." How can she be awake?"Kakausapin ko sila, you can take everything you want here, but just, don't," sabi nito."Oh please, I'm not a fool. I won't trust you," sabi ko at tinakpan ang bibig niya.She's just a wife, i heard napilitan lang ang babaeng ito sa gov kaya hindi ko siya pwedeng patayin. She might be innocent."Ako na ang magbabantay dito, bumalik na kayo sa mga posisyon niyo," sabi nang isang lalaki. Maya maya ay narinig kong umalis na ang mga lalaki maliban sa isa."P-please pakawalan mo siya." Nagulat ako sa sinabi niya. Shit, this girl made him see her."I, I'll do everything jutst let her go, I'm begging you." sabi nito."And why would i trust you?" tanong ko at lumabas mula sa pagkakatago."I.. I love her, I'll do anything you ask, just please."Agad akong napangisi s

    Last Updated : 2021-12-22
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 7.

    Nakangiti ako habang nagrereply sa mg chats ni Warren. Galing ako sa studio at pauwi na, naisipan ko lang na dumaan sa cementery para bisitahin ang puntod ng mom ko.Habang naglalakad ay napansin kong kanina pa nakasunod sa akin ang isang lalaking naka itim. He's being annoying, nakaka wala sa mood. Kaya naghanap ako nang madilim na lugar para turuan siya nang leksyon.Tumigil ako kung saan wala na talagang makakakitang bubugbugin ko ang taong ito."Ano ang kailangan mo?" dahan dahan akong lumingon at nagpanggap na mahina a5 kinakabahan."Alam mo palang sinusundan kita, bakit ka pumunta sa tagong lugar?" Unti-unting luminaw ang mukha niya na nasisilawan ng buwan. Isa siyang makisig, gwapo, at mukhang malakas.Siguro nandito siya hindi para sa atensyon ko."Anong kailangan mo?" inis na tanong ko sa kaniya."Ayown! Ipinakita mo na rin ang totoo mong kulay. May nag-utos sa aking patayin at gahasain ka. Hindi naman masama ang

    Last Updated : 2021-12-28
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chaptet 8

    "Kating-kati na akong malaman kung sino ang boss ng mafia na iyan at mapabagsak," bulong ko."Huwag ka masyadong maatat. Malaki ang mafia na ito, karamiham sa mga malalaking kompanya dito sa maynila at iba pang lugar ay pag-aari nila. Hindi basta-basta ang mafia na ito kaya kung gusto mo itong pagtagumpayan, dapat lang na maging mas malakas ka pa at hindi yung gumagawa ka ng kahinaan," sabi niya at tumingin sa bahay namin. Sinasabi niya bang kahinaan ko si Warren?"Ano ba ang gusto mong sabihin?" naiiritang sabi ko sa kaniya."I'm saying, I don't like him for you. May masama akong pakiramdam sa kaniya," sabi niya."You know what? No one cares about your opinion, and thanks for the visit, you can go now," seryosng sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko pero hindi nagtagal ay ngumisi siya."I see, so you fell in love with him," nagulat ako sa sinabi niya. In love nga ba talaga ako kay warren? I.

    Last Updated : 2022-01-04
  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 9.

    Rafaelia's POV."What was that all about, Wifey? Why did you bully the cute girl?" Warren asked me worriedly."I don't know why she hated me so much. But I'll protect her," I said."Balak ka niyang patayin, wifey, ayus lang ba sa iyo 'yun?" tanong nito, ngumiti lang ako sa kaniya at tumango."Hindi niya ako mapapatay. Mag-iingat ako," nakangiting sagot ko at ginulo buhok niya.----"What the... Heck?" gulat na tanong ni yuhan nang makita kami ni warren na may kasamang batang babae. Nandito nanaman siya sa bahay namin ni warren."I-inilihim mo sa akin na may anak ka na pala?" kunwari'y iiyak na sabi niya. Tinignan ko siya ng masama."Kanina ko lang siya nakita. Bukas ay aayusin ko ang mga bagay na kailangan para mapayagang mag stay sa amin habang 'di pa kami kasal ni Warren," sabi ko. Nakahinga ng maluwag si yuhan at tumango tango."Hey girl, masaya akong makilala ka," nakangiting sabi ni yuhan.Napansin naming nap

    Last Updated : 2022-01-05

Latest chapter

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 23

    Muling pumunta si Mrs. Gamilla sa bahay at pilit akong gustong kausapin. Naguguluhan na ako kung ano ba talaga ang nais ko. May parte sa akin na gusto ko ring makasama siya, pero nangunguna ang puot sa puso ko at galit sa pag iwan niya sa akin na naging dahilan ng pagkasira ng buong buhay ko."Ate?" Natauhan ako sa pagkatulala nang Hawakan ni Rechelle ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya ng matamlay at inayos ang buhok niya. Nandito kami sa harap ng school niya. Sinundo ko siya pero lutang ang utak ko."Ayos lang po ba kayo?" Tanong niya. Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Aalis na sana kami nang mapansin ko ang isa sa mga bodyguard ng kaibigan ni Rechelle. Napayukom ako nang makita ang tattoo nung isa. Simbulo ng saint mafia."Anak, pumasok ka na muna sa kotse. 'Wag na 'wag kang Lalabas kahit na anong mangyari, naiintindihan mo?" Seryosong gabi ko sa kaniya. Tumango naman ito kaya lumapit na ako."Hindi kayo ang bodyguard ko! Who are you?" Matinis na sigaw ng bata. Tinakpan nung

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 22

    "kung ikaw nga ang tunay kong mama, bakit ngayon kalang nagpakilala? Bakit ko kailangan magdusa sa bagay na hindi naman dapat? Alam mo ba kung ano ang dinanas ko dahil sa bagay na hindi ko alam?" Inis na sunod sunod kong tanong sa kaniya. Sobrang dami kong pinagdaanan dahil sa isang malaking kasinungalingan sa buhay ko.Tapos ngayon, magpapakilala siya na parang wala lang lahat ng mga iyon? Kalokohan! Hindi ko kailangan nang ina kung nabuhay din naman ako nang ilang taong wala ito."Please, unawain mo ako, hindi ko iyon magawa sa kadahilanang..." Hindi maituloy ni Mrs. Gamilla ang kaniyang sinasabi kaya tinalikuran ko na siya."You can't even explain yourself, how am i going to trust you? Just please go and leave. I don't need a mother, not anymore," I said before entering the house and locking the door.Bago tuluyang magsara ang pinto, muli kong tinignan ang mukha ni Mrs. Gamilla, somehow it hurts me na makitang umiiyak siya. Lalo na ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko pa rin maiw

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 21

    "Ano ang kailangan mo?" Walang ganang tanong ko. Lumapit siya sa akin ng lumapit hanggang sa maabot niya na ako. Napakunot ang noo ko nang biglaan niyang hinimas ang braso ko."Sabi ko na nga ba't hindi ka baliw. Ang cool mo talaga." Malanding sabi niya. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. Sana may spray ako dito na 'Anti-Bitch'"How cruel you are!" Naka-pout na sabi niya. "but, that's what I like about you, babe." Sabi niya sabay mas lalong lumapit sa akin. Tsk, pasalamat siya at kapatid siya ni Rafa kahit half lang, dahil kung hindi, baka kanina ko pa siya nabaril sa mukha."Lumayo ka nga sa akin baka makita tayo at isumbong pa ako sa asawa ko." Inis ko siyang tinulak pero di ko linakasan dahil baka masiraan siya ng buto."Wala naman siya dito ahh? Pwede tayong magkasama hangga't wala pa siya." Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko nang dahan-dahan at dahil sa inis ko, itinulak ko siya uli dahilan para maupo siya sa sahig."What do you think you're doing?" Nanlilisik

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 20

    Binuksan ni Yuhan ang pinto sa side ko at inilahad ang kamay niya para tulungan akong bumaba. Sa oras na tumapak ang paa ko sa lupa agad namang pagbabago ng expression ko."Kahit kailan talaga ang galing mong umarte." Bulong niya. Nginitian ko lang siya at naglakad papasok. I'm wearing a Red long dress."Ohh, I didn't expect to see you here, Ms. Moreal." Bungad sa akin ni Mr. Chu. Minsan na niya akong inalok na maging model niya pero hindi ako pumayag."Its nice to see you here, Mr.chu." sabi ko at ngumiti. Para lang akong si warren. Magaling magpanggap. Nagkamustahan lang kami at umalis na siya. Maya-maya ay may lumapit sa akin."Alam mo bang naghintay ako sa Tawag mo, Ms. Moreal?" Nagulat ako sa nakita ko. Si Mrs.kashieca. crap, nalimutan kong tawagan siya dahil sa dami ng nangyari."I'm sorry madam, maraming nangyari kaya nawala sa isip ko," paghingi ko ng tawad. Ngumiti siya ng tila malungkot."It's fine, I'm just disappointed." Malungkot na sabi niya."How about this, Sasama ako

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 19

    Maaga akong nagpunta sa bahay nila Warren at Yiesha. Una palang nang makita ko si Warren, kinutuban na ako agad na hindi siya normal na tao. Pero hindi ko malaman anong pagkatao niya talaga. Anong koneksyon niya sa Saint mafia at nagawa niya akong utusan na ilabas si Yiesha sa matagal na naming pinaghahandaan na digmaan.Naaalala ko pa noong una kong makilala si Yiesha.*Flashback*Muli nanaman akong tumakas mula sa mga bodyguards ko para gumala sa bago naming tinitirhan. Laging wala ang parents ko dahil masyado silang focus sa pagiging doctor nila. Hindi man lang nila maalala na may anak pa sila.Habang naglilibot sa buong lugar, kinabahan na ako nang mapansin kong hindi ko na maalala saan ako dumaan. Ikot ako nang ikot kakahanap sa bahay namin, pero hindi ko mahanap."Are you seriously about to cry?" Nagulat ako nang may boses babae ang nagtanong sa akin ng obvious namang bagay."I'm lost," naluluhang saad ko sa batang babae."Idiot," rinig kong bulong niya. Magrereklamo na sana ak

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 18

    Warren's POV.Hating gabi na at nasa office ako. Hindi man Halata, isa akong CEO ng isang malaking kompanya na ipinatayo ko mismo gamit ang naiwang kayamanan ng aking mga magulang."May ipapagawa ako sa iyo, Rafilla." Tawag pansin ko kay Rafilla. Siya ang namamahala sa kompanya kapag wala ako. "Ano po iyon master?" Tanong niya."Gusto kong ianunsyo sa kanila na magpapakita na ako sa buong mundo," saad ko na labis niyang ikinagulat."M-master. Masyado ka pang mahina upang labanan ang Saint mafia." Nag-aalalang sabi niya. "Gawin mo na lang ang gusto ko!" Sigaw ko sa kaniya. Agad naman itong yumuko at humingi ng tawad. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Gusto kong malaman ni rafa na seryoso talaga ako sa kaniya."At ang kasalan namin ni Rafa" dagdag ko. Labag sa loob siyang tumango. Kinagat niya ang labi niya sa kadahilanang ayaw niya nang magsalita ng kung ano ano pa."Ayokong isakripisyo mo ang buhay at pangarap mo para lang sa isang babae. Pero nangako akong hindi susuway sa mga utos

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 17

    "We didn't know who did it. She was poisoned." Bumagsak ako sa mga tuhod ko sa narinig. "You are bleeding," malamig na saad niya. Saka ko napansin ang sugat sa paa ko. Natawa nalang ako nang mapait."Kaya pala, bigla ka nalang naging distansya sa akin at ayaw mo akong lumapit sa puntod niya. Alam mo hindi ba?" nanghihinang sabi ko habang nakatitig sa paa kong dumudugo."You Don't want me to be happy, so you killed the person i loved." Dagdag ko pa pero nanatili pa rin siyang tahimik. Pinipigilan ko na lamang ang luha kong nagbabadya tumulo.I never imagined na isang araw, darating yung araw na muli akong magiging ganito kahina."What's going on, dad? Anong pinagsasabi ng babaeng ito?" Hindi ko liningon sino sa step sisters ko ang nagsalita, at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.Pagkasakay ko sa kotse ko, pinaharurot ko iyon papuntang bahay ni Yuhan. Bago ko pa man marating ang bahay nila, may biglang sumulpot na sasakyan sa harap ko kaya madali ko iyong iniwasan.Dahil sa biglaan

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 16

    *Flashback*Warren's POV."Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa kamay ng dalawang lalaki. Balak nila akong lunurin sa dagat, nakatali ang kamay at paa ko habang may mabigaat na bato sa dulo ng lubid."Huwag ka ngang maingay bata?" Inis na sabi nung lalaki. Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil, katapusan ko na. Hindi ko matutupad ang ipinangako ko kay daddy na babawiin ko ang binawi nila sa amin."Binubuhat ako nung isang lalaki nang bigla itong bumagsak. Nakita ko na lang na may dugong dumaloy sa bibig niya."Ayos ka lang ba, bata?" Tanong nung isang babae na may blangkong expression. May hawak siyang kutsilyo na may dugo, kung tignan niya ako ay akala mo, wala siyang inagaw na buhay."P-pinatay mo ba yung lalaki?" gulat na tanong ko. Tumango siya habang kinakalagan ako. Walang nagbabakas na guilt sa mukha niya."Tigilan mo ang pag-iyak mo dahil walang magagawa iyan," seryosong sabi niya

  • My Childish Husband is a Mafia Boss   Chapter 15

    Muli akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kawalan. Ito ang unang pagkakataon na sinira ko ang misyon, ngayong napag isip isip ko na ang mga ginawa at sinabi ko kay Yuhan kagabi, na-realize ko ang pagkakamali ko."Wifey, kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba?" malambing na tanong sa akin ni Warren."Wala namang problema, Warren. Nag-iisip lamang ako," sagot ko at ngumiti sa kaniya.Sa ngayon, inalis muna ako ni Yuhan sa Mission dahil sa mga sinabi ko kagabi. Pag-isipan ko raw muna ang mga sinabi ko.Anong gagawin ko? I clearly know how i feel about Warren. I want to protect him no matter what, pero, tama bang isuko ko ang lahat para sa lalaking ilang buwan ko lamang nakikilala?Ilang taon kong pinaghirapan ang kinatatayuan ko ngayon. Kahit anong mangyari ipaghihigante ko ang pagkamatay ng mom ko."Warren, kung papipiliin ka, ako o yung pangarap mo, ano pipiliin mo?" Wala sa sarili kong naitanong kay Warren

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status