“Madel. Sinisimulan na niya akong pabantayan sa tauhan niya kaya di ako makatulog ng maayos sa gabi.” Natigil ang tatlo sa pagpipigil ng tawa sa sinabi ni Xavier. “It’s good though,” sabi ni Zayne na ikinatango ni Xavier. “Alam ko, kaso masyadong malikot at kung saan saan nagpupunta kaya napupuyat ako! Baka saksakin pa ako nu’n habang natutulog e.” “Well, hayaan mo na twin. Dito na muna kayo at magbibihis na ako “ biglang tayong sabi ni Zayne at umalis doon. “Ako ‘din pala! Hoy Cedric halika ililibot kita sa kusina!” biglang sabi ni Tiana ng ma gets ang pag-alis ni Zayne at hinila si Cedric. “Ha? Hindi dito nalang ako.” “No! Halika na may hahanapin ‘din tayo! Yung commonsense mo!” “T-teka! Wag niyo akong iwan dito!” Ngunit walang nagawa si Zoey hanggang silang dalawa nalang ni Xavier ang naroroon. Napabuntong hininga nalang siya at tinignan ang nakapikit na Xavier na nasa tabi niya. “Huy Xavier, kung matutulog ka uwi ka na sa dorm mo.” “Later. Dito muna ako dahil ma
Terakhir Diperbarui : 2023-05-27 Baca selengkapnya