Hi my dear readers Kimmie's! Alam kong ang tagal niyo akong hinanap sorry kung nawala ako ng walang abisyo lalo na sabi ko sa last note ko June 1 2023 ako mag u-update kaso tinamaan ako ng sakit. Gustuhin ko man mag update pero mas pinili ko magpagaling muna. Sumabay pa yung kati ko sa hangin, yung po bang maraming pantal sa katawan. Ayoko naman bigyan kayo ng update ng hindi maayos at baka mawala tayo sa daloy ng kwento kaya sorry po dahil inilayo ko muna sarili ko sa aking cellphone/laptop. Siguro dahil na 'rin may ginagawa dito sa bahay madali akong kinapitan ng sakit kaya pasensya na po. Sa ngayon maayos na po ako at wala ng makati at lagnat. Yun nga lang namasa siya tapos may natirang pantal na pula sabi nila sa lamig daw yun at hangin e pero okay na naman po ako. Maraming salamat po sa mga nag-alala saakin at sorry po sa mga nainis dahil wala akong update at nasayang lang ang top up niyo. 'Wag po kayong mag-alala pipilitin ko na po magsulat bukas para sa inyo pero baka maiks
“TABI kayo si Vice President dadaan!” Mabilis na naghawian ang iilang estudyante na nakapalibot sa wala ng buhay na katawan ng babaeng kanina lang ay hinahabol pa ni Zoey. Nang makalapit si Zoey ay nakita niya ito na mayroong nakatarak na kutsilyo sa kaniyang leeg. “What happened?” Tanong niya habang nakatingin lamang sa bangkay na katawan ng babae. “Ayon sa mga nakakita pinatay niya ang sarili niya.” Sagot ni Cedric na agad naman ikinatango ni Zoey dahil kitang-kita naman sa ayos ng kamay at katawan nito na ito mismo ang may gawa ang tanong ay bakit at paano? Kanina lang ay nagmamaka-awa ito sa kaniya ngayon wala na siya. Ang ibang mga estudyante ay umalis na doon at pinagpatuloy ang kanilang buhay tila sanay na ang mga ito sa ganoong tagpo pero syempre hindi maiiwasan na maki usosyo sa umpisa at aalis na parang walang nangyari. Naglakad palapit si Zoey sa bangkay nito para sana tignan kung may pala tandaan sa katawan nito ng biglang may pumigil sa kaniya. “Don’t touch her.”
“PRESIDENT Xander!” Masayang bati ni Madel ng pumasok si Xavier sa office nito. Alam niya na may alam na si Madel kaya kailangan niyang mag-ingat. Baka saksakin o barilin nalang siya nito ng biglaan dahil isa siyang kalaban. Ang matagal na binuo niyang pagtitiwala ay tuluyan ng nawala. Sabagay expected na niya iyon dahil walang pernamente sa mundo. “Madem Principal,” bati niya lang dito at naupo sa upuan na nasa harap ng table nito. “Hindi na ako magpapaligiy-ligot pa Xander may ibibigay akong mission sa labas ng school.” Gusto ng kumunot ng noo ni Xander dahil sa sinabi nito pero ng mayroon siyang maalala ay agad iyong nawala. “Fine I accept it. Ano ang mission ko?” ngising sabi niya para maitago ang totoong dahilan ng ngising iyon. Sa huli napagkasunduan nila ang mga dapat niyang gawin. Mayroong pinapaasikaso si Madel sa kaniya wala itong sinabi na kung ano pero ang gusto lang nitong mangyari ay puntahan niya ang adress na ibinigay niya’t mayroon ‘ding susi an binigay s
“Ano ba talaga sa’yo si Tiana boss? Siya na ba ang magiging Reyna namin?” Tanong ng isang lalaking kasamahan niya kaya napablangko lang ang tingin nito dito. “Your speaking nonsense” Sagot nito at uminom ng alak na nasa tabi niya pagkatapos ay tinuro na ang mapa na nasa harapan nila. “Edi okay lang palang ligawan siya boss?” Nakatanggap ng masamang tingin ang lalaking nagsalita dahil doon. “I don’t care. Kahit maging kayo pa.” Gustong matawa ng mga kasamahan niti dahil sa kaniyang sinabi kahit pa na obvious na obvious na ang masamang tingin na ipinikol nito sa kasamahan niya noong una. “Pwede ba tama na ‘yan? Mas mahalaga itong iniuutos saatin.” Iritang sabi pa ng boss nila at nagpatuloy na sa kanilang meeting ang kaso nahinto iyon ng biglang bumukas ang pinto at may sumigaw. “Boss! Nawawala ‘daw si Tiana!” Natigilan ang lalaking tinatawag nitong boss sa pakikipag-usap sa kanilang mga kasamahan ng marinig ang bagay na iyon. Walang pagdadalawang isip na napatayo ang l
HINDI sana maniniwala si Tiana tungkol sa sinabi sa kaniya ni Hope. Bakit nga ba siya maniniwala dito gayong alam niyang isa lamang itong peke at malaki pa ang galit sa kaniya kaya unang pumasok sa isip niya’y niloloko siya nito. Ang kaso narinig niya ang usapan ni Zayne at Xavier sa hindi sinasadyang pagkakataon. Madaling araw iyon ng magising si Tiana dahil nauuhaw siya. Pikit pa ang isang mata niya ng lumabas siya ng kaniyang kwarto pero ng marinig ang kaniyang pangalan ay agad na nabuhayan ang antok niyang katawan. “Hindi pa ‘rin nagpaparamdam si Hope hindi ba? Kailangan natin bantayan si Tiana dahil baka siya ang galawin ng mga ito.” Seryosong sabi ni Zayne at kusang napasilip si Tiana mula sa kinalalagyan ng mga ito sa salas. Nakita niya ang orasan na naroroon at alas dos palang ng umaga. ‘Hindi ba sila natutulog?’ takang tanong nito sa kaniyang isipan at pinagpatuloy ang pakikinig sa mga ito. “Maaring gamitin sa kaniya ang katotohanan na hindi siya anak ni Madel.” “Naisip
“NAWAWALA si Hope?” kuno’t noong tanong ni Zayne ng ibalita iyon sa kaniya ni headmistress Patricia. Nasabi na nila sa kanilang tita ang tungkol sa pagkawala ni Tiana at ang pagka-alam nila KM sa susi na maaaring magamit nila kung saan nakatago si Tiana. Hindi pa sila sigurado pero malakas ang kanilang kutob. “Hindi ko siya makita nitong nakaraang araw. Huling kita ko sa kaniya ay... Yung nakausap niya si Tiana!” tila ngayon lang nalinawan si headmistress Patricia at napatapik pa sa kaniyang noo dahil nakalimutan niya ang impirtanteng bagay na iyon dahil sa sobrang busy. “It’s okay. Pupunta naman kami sa lungga nila para iligtas si Tiana.” Sagot ni KM na ikinalaki ng mata ni headmistress Patricia. “What?! Nasisiraan ka na ba KM?! Malinaw ang sabi ni Xavier na wag munang kikilos hangga’t wala pa siya!” “Then kung hindi niyo ako sasamahan ako ang kikilos.” Seryosong sabi nito at biglang hinila ang susi na hawak ni Zoey. “KM!” gulat na sabi ni Zoey ng inagaw nito sa kaniya ang susi
UNANG dating palang nila Zayne sa University ay tahimik lamang siyang nakamasid sa paligid at nakabantay. At syempre unang-una na ang kambal niya lalo na’t mayroong umaaaligid dito—si Xavier. Noong una ay hindi pa niya alam ang totoong katauhan nito pero dahil nakutuban niya agad si headmistress Patricia ng magtanong siya dito ay doon niya nalaman ang totoo. Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw niya munang may umaaligid na lalaki sa kambal niya pero nakikita niya na seryoso si Xavier. Si Xavier ay katulad niya, susunod na tagapagmana at silang dalawa ay kaagad na nagkakasundo dahil na ‘rin pareho sila ng pag-iisip. Hindi nagtagal ay pinayagan na ‘rin niya ito, although may time na nainis siya dito lalo na’t nalaman niyang nahaliakan na nito ang kambal niya. But still, walang makakapigil sa lalaki at tanggap na niya iyon. Si KM nakilala naman niya noong minsang mahuli niya itong umaligid kay Tiana at Selena. Close na close kasi ang dalawa kaya hindi niya pinalagpas na hulihin ito.
Natahimik ang paligid dahil doon. Bukod sa takot sila kay Madel ay gusto ‘rin nilang malaman ang totoo lalo na’t napamahal na sa kanila ang SSG kahit na kabubuo palang ng mga ito ni Xander. Alam nilang malaki ang potential ng mga ito na gabayan sila’t pamunuan lalo na si President Xander at Vice President Lili. “Now I have bad news and good news for you guys but bago ‘yun gusto ko munang malaman niyo na ang SSG ay walang ginawang mali except sa katotohanang kinakalaban nila ako. I called out them earlier dahil alam kong nandito maging ang kakampi nila mula sa labas… mga basura.” Napakuyom pa ng kamao si Madel dahil sa inis pero kinalma niya ang kaniyang sarili. “Bawal ang bad vibes. So ayun na nga, sa good news muna tayo. Kumpleto na ang experiment na matagal ko ng ginagawa. Sooner or later mailalaganap na ito hindi lang sa GW kundi sa buong mundo. Kung tinatanong niyo kung anong experiment? Walang iba kundi ang pagkontrol sa utak ng isang tao.” “Kontrol?!” “Anong klaseng exp