Bukas na ang ending Kimmie's! Maraming salamat sa mga nagbabasa! Magkakaroon tayo ng Extra chapter before tayo tumalon sa story ni Zoey at Xavier. Yes tama po kayo, story ni Zoey at Xavier na po ang kasunod nito kaya kapit lang! P.s. Dito ko pa 'rin po idudugtong! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
NAGISING si Zoey nang makaramdam na siya ng sobrang lamig. Unang sumalubong sa kaniya ay ang nakaharang sa kaniyang harapan na gawa sa isang salamin. Nang hawakan niya ang salamin na nakapalibot sa kaniya ay doon niya lang nakita na hindi lang siya ang naroroon at mayroong ganon. Ang pag-kakaiba lang ay ang nasa paligid niyang mayroong mga tubig sa loob samantalang sa kaniya ay wala. Agad na umakyat ang takot sa kaniya at inilibot ang tingin sa paligid kung mayroon ba siyang buhay na kasama. Kasi natural lang na isipin niya na wala ng buhay ang mga taong nasa loob ng kinalalagyan nila gayong napapalibutan sila ng tubig. Sinubukan niyang tumayo ngunit nanghina siya kaya inalala nalang niya kung anong nangyari. Naiwan siya sa silid na akala nila’y naroroon si Tiana. Mayroong kumalat na usok na nakakapagpatulog kaya nawalan siya ng malay at napunta doon. Doon niya lang narealize na nasa isang laboratory siya. At ang laboratory na iyon ay alam niya kung kanino—kay Madel. Ang pekeng
TAHIMIK na si Zoey sa buong byahe nila. Hindi na niya inalam kung saan sila pupunta basta ang ayon sa babae ay pupuntahan nila kung nasaan si Phil. Si Phil na malaki ang kaniyang galit dahil niloko sila nito. Nang makarating sa patutunguhan ay nakita niya ang isang katamtamang laki ng two storey house. Sa labas palang ay nakapalibot na roon ang mga lalaking armado. “For the mean time our org is here,” sabi ng kasama niyang babae na hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin niya kilala. “Penelope! I lost connection with you are you okay?! Did you save—Zoey…” Sigaw na sabi ni Phil habang pababa mula sa second floor pero ng makita niya ang kasama ng kaniyang kapatid ay kusang napahina ang kaniyang boses. Seryoso lamang na nakatingin si Zoey kay Phil na agad nag-iwas ng tingin. “I’m sorry kuya. We almost got caught that is why I bring her here.” Mahinang sabi ni Penelope. Siya si Penelope Vela. Ang nakababatang kapatid ni Phil Vela at half-sister ni Queen Francine Fuentes. “I-it’s o
“WE already did our part. Now umasa nalang tayo sa kanilang tatlo.” Sabi ni Zekiel at hinawakan sa balikat si Bianca na naiiyak na sa pag-aalala. Agad na lumapit si Selena dito at pinagaan ang loob nito. Habang sa kinalalagyan naman nila Claire at Bea ay ganoon ‘dina ng ginawa ni Bea sa kaibigan para kahit papaano ay gumaan ang loob nito. Hindi talaga tinamaan sa pagsabog ang tatlo. Nagawa nilang makaiwas bago iyon mangyari at ang lahat ng iyon ay parte nanaman ng plano ni Zayne. Ayon dito ay magandang mayroong makakapasok sa loob o magsisilbing pa-in para malaman kung anong mayroon sa loob. Hindi sila sigurado kung nasa loob ba si Zoey o sa ibang lugar dinala kaya minabuti nito na isakripisyo ang sarili para doon. Pero hindi pumayag si Xavier pati si KM kaya hindi nila iniwan ang kaibigan. Kaibigan. Sino nga bang mag-aakala na makakabuo silang tatlo ng pagkakaibigan gayong magkakaiba ang ugali nila? At sino ‘rin bang mag-aakala na magiging magkaibigan sila dahil noong una pala
“ALAM ko na marami pa ‘rin ang hindi makapaniwala dahil sa mga nangyayari. Pero ako talaga ang totoong Madel Winterford, trinaydor ako ng kaibigan ko na si Kayla na siya ‘ring may kasalanan kung bakit nawala ang pamilya ng kapatid ko at asawa ko. Pero ngayon na nandito na ulit ako ay aayusin ko na ang gulong sinimulan niya.” Tahimik ang mga estuyante habang nakikinig kay Madel. Dalawang araw na simula nang mangyari ang gulo at magawa nilang mabihag si Kayla. Ngayon ay nasa isang lugar ito kung saan ay hindi siya basta-basta makakatakas. Mabilis ‘din na kumalat sa buong Gangster World ang tungkol sa nangyari kaya kahit papaano ay hindi na sila mahihirapan magpaliwanag pa. Nasa stage ngayon si Madel kasama ang SSG at si Selena. Nakabalik na ‘din si Bianca at kabilang na silang dalawa ni Selena sa SSG. Sila Zekiel, Hero at Dylan naman ay ang siyang umasikaso kay Madel ayon na ‘din sa utos ni Zoey sa kanila at sila ay naiwan sa eskwela. Pero darating ‘din ang mga magulang nila ngay
“ZOEY!” Sabay-sabay na tawag nila Bianca kay Zoey ng makapasok sila sa kwarto nito. Si Queeny ay nagulat dahil sa pagsigaw ng tatlo kaya sinamaan sila ng tingin ni Zoey. “Kung makasigaw kayo parang ang layo ko ah? Nagulat tuloy si Queeny. Are you okay baby?” mabilis na nagbago ang emosyon nito na kanina ay naiinis sa tatlo tapos ngayon ay nginitian niya si Queeny at tinanong. Lumapit naman ang tatlo sa kaibigan dahil nga nag-aalala lang ito sa kaniya. “Ayos ka lang ba Zoey?” tanong ni Bianca na ikinatingin sa kaniya ni Zoey. “Ano ka ba oo naman! Para kayong ewan alam niyo ‘yun?” iling na sabi niya habang natatawa at muling nilaro si Queeny. Nagkatinginan lang ang tatlo dahil doon at napailing. Alam nila na ayaw lang magsalita ng kanilang kaibigan kaya nagdesisyon sila na hayaan nalang muna ito dahil na ‘rin naroon si Queeny. Maya-maya pa ay dumating na si Quinn para sunduin ang kaniyang anak kaya laking tuwa nila Bianca, Selena at Tiana. Si Zoey naman ay malungkot dahil k
“I guess you are fine now?” Napalingon si Zoey sa nagsalita at nakita niya sa hamba ng kaniyang pinto si Zayne. Napangiti siya dito ngunit hindi sumagot sa kaniyang kuya at inayos nalang ang kaniyang higaan. Napailing naman si Zayne dahil sa naging reaction ng kaniyang kambal. Sinara niya ang pinto at lumapit dito. “You love him now?” Muli ay napatingin si Zoey sa kambal niya habang nakangiti. “I can’t answer that right now,” Napairap si Zayne dahil sa sinabi ng kambal niya at nahiga sa inaayos na higaan ni Zoey. “Kuya naman inaayos ko pa higaan e!” reklamo ni Zoey ngunit hindi siya pinansin ni Zayne kaya hinayaan nalang niya ito. “Bahala ka nga jan kuya!” Ibinaling nalang ni Zoey ang atensyon niya sa pag-aayos ng kaniyang vanity. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kanilang kwarto, iyon ang unang pagkakataon na nakapagsama sila ng dalawa lamang sila dahil na ‘rin kadarating lang nila kahapon at hindi pa doon natulog ang kambal niya kagabi. “Oo nga pala, saan ka natu
“MOMMY you’re so pretty!” Tiling sabi ni Catherine ng pumasok sa silid nila si Claire. “Ikaw ‘din anak ang ganda-ganda mo! Mukang tatlo tayong pare-pareho ng taste sa damit ah?” natatawang sabi ni Claire at pinupunto nito ang dress na suot ni Catherine. Magkaiba ang kulay nito pero iisa ng design, maging kay Zoey ay ganoon ‘din ngunit ang pinagkaiba bukod sa kulay at design ay mayroon pa siyang idinagdag na fur coat na kulay put isa itim niyang gown. “Luckily naisip ko ng magiging ganito tayo kaya pinahanda ko ito,” sabi ni Zoey na ikinatawa ni Catherine at Claire. Magkakasama sila Zoey, Bianca, Tiana, Selena at Catherine sa iisang silid para doon nalang sila mag-aayos. Hindi na sila kumuha pa ng make-up artist dahil nag present ana si Bianca na mag-ayos sa kanila. Mahilig kasi sa make-up si Bianca and she did a good job dahil ang gaganda nila! Sa buhok naman ay sila nalang nag-isip kung anong gusto nilang style. Nagpurihan muna ang mga ito hanggang sa mag-aya na si Claire n
2 YEARS LATER “MAGIGING ayos ‘din ang lahat ate,” Agad na pinahid ni Zoey ang kaniyang luha nang marinig ang sinabi ng kaniyang kapatid at pagtingin niya dito ay nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. “Ikaw talaga Archer! Sabihin mo nga sino ba ang matanda saating dalawa huh?” pagpapapagaan ni Zoey sa atmosphere at inakbayan ang kapatid na siyang sabay nilang tinignan ang pinaglibingan nila sa kanilang inang. “Umiiyak ka nanaman kasi ate, it’s been five days since inang left us.” Pinipigilan lalo ni Zoey ang kaniyang luha dahil sa sinabing iyon ni Archer. Tama, limang araw na mula ng mawala ang matandang kinopkop sila at buong puso na itinuring na isang tunay na mga anak. Siya si Felesita o tinatawag nila na inang. May katandaan na ito at mag-isa nalang sa buhay dahil maaga ‘ring nawala ang kaniyang asawa. Mayroon silang isang anak ngunit kaagad ‘din itong kinuha ng panginoon kaya ng dumating sila ni Archer at Zoey sa buhay nito ay tuwang-tuwa ang matanda. Kamakailan lang a