Hi Kimmie's! Maraming maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa TWINS ADVENTURE at ngayon ay nasa ending na tayo! Kung napapansin niyo na tila nagsisimula palang ang gulo at pabitin natural po iyon dahil patalon na tayo sa story ng mga anak ni Zekiel at Claire. Tapos na ang story nila kaya ang mga anak naman nila but still mas makikita pa 'rin natin silang dalawa dahil na 'rin sila ang magulang ng mga ito. Now sorry po at medyo mahaba ang chapter na ito dahil na 'rin pinagkasya ko nalang siya para three parts lang. So, tulad ng sabi ko magkakaroon po tayo ng Extra chapters kaya bukas po ulit! After ng extra chapters doon na tayo tatalon sa story ni Zoey at Xavier! Sa mga nag-babasa at naka-abot hanggang dito nagpapasalamat po ako! Sobra-sobrang pasasalamat po at taos puso po akong grateful sa inyong lahat! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
“ALAM ko na marami pa ‘rin ang hindi makapaniwala dahil sa mga nangyayari. Pero ako talaga ang totoong Madel Winterford, trinaydor ako ng kaibigan ko na si Kayla na siya ‘ring may kasalanan kung bakit nawala ang pamilya ng kapatid ko at asawa ko. Pero ngayon na nandito na ulit ako ay aayusin ko na ang gulong sinimulan niya.” Tahimik ang mga estuyante habang nakikinig kay Madel. Dalawang araw na simula nang mangyari ang gulo at magawa nilang mabihag si Kayla. Ngayon ay nasa isang lugar ito kung saan ay hindi siya basta-basta makakatakas. Mabilis ‘din na kumalat sa buong Gangster World ang tungkol sa nangyari kaya kahit papaano ay hindi na sila mahihirapan magpaliwanag pa. Nasa stage ngayon si Madel kasama ang SSG at si Selena. Nakabalik na ‘din si Bianca at kabilang na silang dalawa ni Selena sa SSG. Sila Zekiel, Hero at Dylan naman ay ang siyang umasikaso kay Madel ayon na ‘din sa utos ni Zoey sa kanila at sila ay naiwan sa eskwela. Pero darating ‘din ang mga magulang nila ngay
“ZOEY!” Sabay-sabay na tawag nila Bianca kay Zoey ng makapasok sila sa kwarto nito. Si Queeny ay nagulat dahil sa pagsigaw ng tatlo kaya sinamaan sila ng tingin ni Zoey. “Kung makasigaw kayo parang ang layo ko ah? Nagulat tuloy si Queeny. Are you okay baby?” mabilis na nagbago ang emosyon nito na kanina ay naiinis sa tatlo tapos ngayon ay nginitian niya si Queeny at tinanong. Lumapit naman ang tatlo sa kaibigan dahil nga nag-aalala lang ito sa kaniya. “Ayos ka lang ba Zoey?” tanong ni Bianca na ikinatingin sa kaniya ni Zoey. “Ano ka ba oo naman! Para kayong ewan alam niyo ‘yun?” iling na sabi niya habang natatawa at muling nilaro si Queeny. Nagkatinginan lang ang tatlo dahil doon at napailing. Alam nila na ayaw lang magsalita ng kanilang kaibigan kaya nagdesisyon sila na hayaan nalang muna ito dahil na ‘rin naroon si Queeny. Maya-maya pa ay dumating na si Quinn para sunduin ang kaniyang anak kaya laking tuwa nila Bianca, Selena at Tiana. Si Zoey naman ay malungkot dahil k
“I guess you are fine now?” Napalingon si Zoey sa nagsalita at nakita niya sa hamba ng kaniyang pinto si Zayne. Napangiti siya dito ngunit hindi sumagot sa kaniyang kuya at inayos nalang ang kaniyang higaan. Napailing naman si Zayne dahil sa naging reaction ng kaniyang kambal. Sinara niya ang pinto at lumapit dito. “You love him now?” Muli ay napatingin si Zoey sa kambal niya habang nakangiti. “I can’t answer that right now,” Napairap si Zayne dahil sa sinabi ng kambal niya at nahiga sa inaayos na higaan ni Zoey. “Kuya naman inaayos ko pa higaan e!” reklamo ni Zoey ngunit hindi siya pinansin ni Zayne kaya hinayaan nalang niya ito. “Bahala ka nga jan kuya!” Ibinaling nalang ni Zoey ang atensyon niya sa pag-aayos ng kaniyang vanity. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kanilang kwarto, iyon ang unang pagkakataon na nakapagsama sila ng dalawa lamang sila dahil na ‘rin kadarating lang nila kahapon at hindi pa doon natulog ang kambal niya kagabi. “Oo nga pala, saan ka natu
“MOMMY you’re so pretty!” Tiling sabi ni Catherine ng pumasok sa silid nila si Claire. “Ikaw ‘din anak ang ganda-ganda mo! Mukang tatlo tayong pare-pareho ng taste sa damit ah?” natatawang sabi ni Claire at pinupunto nito ang dress na suot ni Catherine. Magkaiba ang kulay nito pero iisa ng design, maging kay Zoey ay ganoon ‘din ngunit ang pinagkaiba bukod sa kulay at design ay mayroon pa siyang idinagdag na fur coat na kulay put isa itim niyang gown. “Luckily naisip ko ng magiging ganito tayo kaya pinahanda ko ito,” sabi ni Zoey na ikinatawa ni Catherine at Claire. Magkakasama sila Zoey, Bianca, Tiana, Selena at Catherine sa iisang silid para doon nalang sila mag-aayos. Hindi na sila kumuha pa ng make-up artist dahil nag present ana si Bianca na mag-ayos sa kanila. Mahilig kasi sa make-up si Bianca and she did a good job dahil ang gaganda nila! Sa buhok naman ay sila nalang nag-isip kung anong gusto nilang style. Nagpurihan muna ang mga ito hanggang sa mag-aya na si Claire n
2 YEARS LATER “MAGIGING ayos ‘din ang lahat ate,” Agad na pinahid ni Zoey ang kaniyang luha nang marinig ang sinabi ng kaniyang kapatid at pagtingin niya dito ay nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. “Ikaw talaga Archer! Sabihin mo nga sino ba ang matanda saating dalawa huh?” pagpapapagaan ni Zoey sa atmosphere at inakbayan ang kapatid na siyang sabay nilang tinignan ang pinaglibingan nila sa kanilang inang. “Umiiyak ka nanaman kasi ate, it’s been five days since inang left us.” Pinipigilan lalo ni Zoey ang kaniyang luha dahil sa sinabing iyon ni Archer. Tama, limang araw na mula ng mawala ang matandang kinopkop sila at buong puso na itinuring na isang tunay na mga anak. Siya si Felesita o tinatawag nila na inang. May katandaan na ito at mag-isa nalang sa buhay dahil maaga ‘ring nawala ang kaniyang asawa. Mayroon silang isang anak ngunit kaagad ‘din itong kinuha ng panginoon kaya ng dumating sila ni Archer at Zoey sa buhay nito ay tuwang-tuwa ang matanda. Kamakailan lang a
“ATE bakit hingal na hingal ka?” “Ay kalabaw ka Archer!” Napahawak si Zoey sa kaniyang dibdib dahil sa pagkagulat ng biglang sumulpot ang kapatid niya sa kaniyang likuran. Tinaasan lang siya nito ng kilay dahil sa naging reaction niya kaya napailing siya at agad na sinara ang kanilang mga bintana pagkatapos ay nagpunta sa kanilang maliit na lamesa at uminom ng tubig doon. Pagkainom niya ng tubig ay kahit papaano kumalma na siya at nakita niyang nakaupo sa harap niya si Archer at seryosong nakatingin sa kaniya. “Okay fine. Tumakbo ako kasi may humahabol saakin—” “What?! Sino?! ‘Yun ba ulit na mga lalaki sa bundok?!” agad tayong tanong ni Archer at naipalo pa ang kamay nito sa lamesa habang ang kilay nito ay nakakunot na. “B-bundok?! Hindi ah! Patapusin mo kasi muna ako!” utal na sabi ni Zoey dahil naalala naman tuloy niya ang nangyari bago sila umalis sa bundok. May balak na talaga siyang umalis doon dahil na ‘rin kailangan niyang magtrabaho. Ang kaso isang gabi bigla nala
Noon pa man ay naisip na nila ang mga assassin dahil sila lang naman ang maaaring kalaban nila dahil na ‘rin sa nangyari noon sa Winterford University pero minamanmanan nila ito wala naman kakaibang galaw ang mga ito. Ngayon nandito siyang muli sa Pilipinas para makibalita tungkol sa paghahanap kila Zoey. Ang kaso iba ang nabalitaan niya. May sakit si Claire habang si Zayne ay pilit na lumalayo sa mga ito. Nitong nakaraan lang ay kinausap na niya si Zayne ngunit hindi pa ‘rin ito nakinig sa kaniya kaya ayan umiiyak ito ngayon sa ina niya dahil tulog ito habang mayroong dextrose. Ayon sa doctor stress ‘daw ang dahilan ng pagkakasakit ni Claire. Lahat sila ay alalang-alala kaya pinatawag na nila si Zayne ngunit matigas ito. Kaya ayan, tanggal ang tigas niya dahil ang mommy niya na ang nahihirapan. “M-mommy sorry! Sorry mommy!” Dahil kanina pa umiiyak si Zayne sa ina at paulit-ulit niya ‘rin itong sinasabi ay nagising si Claire. “Z-zayne anak ikaw ba ‘yan?” naiiyak na tanong ni C
MALAKI ang ngiti ni Zoey sa kaniyang boss na babae habang ito ay pinanliliitan siya ng mata. Katulad ng sabi sa kaniya ng may-ari ng hotel na iyon ay ililipat na siya sa Lobby na kung saan ito ang siyang nauunang humarap sa mga guest. Pero kung ang may-ari ng hotel ay mabilis siyang prinomote ang boss naman niya na ito ay ayaw, sa madaling salita inggit ito. “Para mapunta sa sa lobby ay dapat marunong kang makisalamuha sa mga tao.” Seryoso nitong sabi sa kaniya. “Don’t worry alam lahat ng mga ka-trabaho natin kung gaano ako kadaling maka-addapt sa environment na ito.” Straight na sagot niya dito ng walang pag-aalinlangan. Nang dahil doon ay hindi naiwasan ng ibang mga nasa loob ng room na mapatingin sa kanilang dalawa. “Huh masyado kang bilib sa sarili mo Zoey, hindi ka nga nakatapos ng pag-aaral.” Gustong umirap ni Zoey dahil sa sinabi ng babae. Ang totoo ay hindi niya alam kung nakatapos ba siya o nakapag-aral pero marami naman siyang alam kaya iyon na ang isa sa rason na