“I guess you are fine now?” Napalingon si Zoey sa nagsalita at nakita niya sa hamba ng kaniyang pinto si Zayne. Napangiti siya dito ngunit hindi sumagot sa kaniyang kuya at inayos nalang ang kaniyang higaan. Napailing naman si Zayne dahil sa naging reaction ng kaniyang kambal. Sinara niya ang pinto at lumapit dito. “You love him now?” Muli ay napatingin si Zoey sa kambal niya habang nakangiti. “I can’t answer that right now,” Napairap si Zayne dahil sa sinabi ng kambal niya at nahiga sa inaayos na higaan ni Zoey. “Kuya naman inaayos ko pa higaan e!” reklamo ni Zoey ngunit hindi siya pinansin ni Zayne kaya hinayaan nalang niya ito. “Bahala ka nga jan kuya!” Ibinaling nalang ni Zoey ang atensyon niya sa pag-aayos ng kaniyang vanity. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kanilang kwarto, iyon ang unang pagkakataon na nakapagsama sila ng dalawa lamang sila dahil na ‘rin kadarating lang nila kahapon at hindi pa doon natulog ang kambal niya kagabi. “Oo nga pala, saan ka natu
“MOMMY you’re so pretty!” Tiling sabi ni Catherine ng pumasok sa silid nila si Claire. “Ikaw ‘din anak ang ganda-ganda mo! Mukang tatlo tayong pare-pareho ng taste sa damit ah?” natatawang sabi ni Claire at pinupunto nito ang dress na suot ni Catherine. Magkaiba ang kulay nito pero iisa ng design, maging kay Zoey ay ganoon ‘din ngunit ang pinagkaiba bukod sa kulay at design ay mayroon pa siyang idinagdag na fur coat na kulay put isa itim niyang gown. “Luckily naisip ko ng magiging ganito tayo kaya pinahanda ko ito,” sabi ni Zoey na ikinatawa ni Catherine at Claire. Magkakasama sila Zoey, Bianca, Tiana, Selena at Catherine sa iisang silid para doon nalang sila mag-aayos. Hindi na sila kumuha pa ng make-up artist dahil nag present ana si Bianca na mag-ayos sa kanila. Mahilig kasi sa make-up si Bianca and she did a good job dahil ang gaganda nila! Sa buhok naman ay sila nalang nag-isip kung anong gusto nilang style. Nagpurihan muna ang mga ito hanggang sa mag-aya na si Claire n
2 YEARS LATER “MAGIGING ayos ‘din ang lahat ate,” Agad na pinahid ni Zoey ang kaniyang luha nang marinig ang sinabi ng kaniyang kapatid at pagtingin niya dito ay nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. “Ikaw talaga Archer! Sabihin mo nga sino ba ang matanda saating dalawa huh?” pagpapapagaan ni Zoey sa atmosphere at inakbayan ang kapatid na siyang sabay nilang tinignan ang pinaglibingan nila sa kanilang inang. “Umiiyak ka nanaman kasi ate, it’s been five days since inang left us.” Pinipigilan lalo ni Zoey ang kaniyang luha dahil sa sinabing iyon ni Archer. Tama, limang araw na mula ng mawala ang matandang kinopkop sila at buong puso na itinuring na isang tunay na mga anak. Siya si Felesita o tinatawag nila na inang. May katandaan na ito at mag-isa nalang sa buhay dahil maaga ‘ring nawala ang kaniyang asawa. Mayroon silang isang anak ngunit kaagad ‘din itong kinuha ng panginoon kaya ng dumating sila ni Archer at Zoey sa buhay nito ay tuwang-tuwa ang matanda. Kamakailan lang a
“ATE bakit hingal na hingal ka?” “Ay kalabaw ka Archer!” Napahawak si Zoey sa kaniyang dibdib dahil sa pagkagulat ng biglang sumulpot ang kapatid niya sa kaniyang likuran. Tinaasan lang siya nito ng kilay dahil sa naging reaction niya kaya napailing siya at agad na sinara ang kanilang mga bintana pagkatapos ay nagpunta sa kanilang maliit na lamesa at uminom ng tubig doon. Pagkainom niya ng tubig ay kahit papaano kumalma na siya at nakita niyang nakaupo sa harap niya si Archer at seryosong nakatingin sa kaniya. “Okay fine. Tumakbo ako kasi may humahabol saakin—” “What?! Sino?! ‘Yun ba ulit na mga lalaki sa bundok?!” agad tayong tanong ni Archer at naipalo pa ang kamay nito sa lamesa habang ang kilay nito ay nakakunot na. “B-bundok?! Hindi ah! Patapusin mo kasi muna ako!” utal na sabi ni Zoey dahil naalala naman tuloy niya ang nangyari bago sila umalis sa bundok. May balak na talaga siyang umalis doon dahil na ‘rin kailangan niyang magtrabaho. Ang kaso isang gabi bigla nala
Noon pa man ay naisip na nila ang mga assassin dahil sila lang naman ang maaaring kalaban nila dahil na ‘rin sa nangyari noon sa Winterford University pero minamanmanan nila ito wala naman kakaibang galaw ang mga ito. Ngayon nandito siyang muli sa Pilipinas para makibalita tungkol sa paghahanap kila Zoey. Ang kaso iba ang nabalitaan niya. May sakit si Claire habang si Zayne ay pilit na lumalayo sa mga ito. Nitong nakaraan lang ay kinausap na niya si Zayne ngunit hindi pa ‘rin ito nakinig sa kaniya kaya ayan umiiyak ito ngayon sa ina niya dahil tulog ito habang mayroong dextrose. Ayon sa doctor stress ‘daw ang dahilan ng pagkakasakit ni Claire. Lahat sila ay alalang-alala kaya pinatawag na nila si Zayne ngunit matigas ito. Kaya ayan, tanggal ang tigas niya dahil ang mommy niya na ang nahihirapan. “M-mommy sorry! Sorry mommy!” Dahil kanina pa umiiyak si Zayne sa ina at paulit-ulit niya ‘rin itong sinasabi ay nagising si Claire. “Z-zayne anak ikaw ba ‘yan?” naiiyak na tanong ni C
MALAKI ang ngiti ni Zoey sa kaniyang boss na babae habang ito ay pinanliliitan siya ng mata. Katulad ng sabi sa kaniya ng may-ari ng hotel na iyon ay ililipat na siya sa Lobby na kung saan ito ang siyang nauunang humarap sa mga guest. Pero kung ang may-ari ng hotel ay mabilis siyang prinomote ang boss naman niya na ito ay ayaw, sa madaling salita inggit ito. “Para mapunta sa sa lobby ay dapat marunong kang makisalamuha sa mga tao.” Seryoso nitong sabi sa kaniya. “Don’t worry alam lahat ng mga ka-trabaho natin kung gaano ako kadaling maka-addapt sa environment na ito.” Straight na sagot niya dito ng walang pag-aalinlangan. Nang dahil doon ay hindi naiwasan ng ibang mga nasa loob ng room na mapatingin sa kanilang dalawa. “Huh masyado kang bilib sa sarili mo Zoey, hindi ka nga nakatapos ng pag-aaral.” Gustong umirap ni Zoey dahil sa sinabi ng babae. Ang totoo ay hindi niya alam kung nakatapos ba siya o nakapag-aral pero marami naman siyang alam kaya iyon na ang isa sa rason na
SI Zoey ay malaki ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa wakas ay nakuha na niya ang kaniyang unang sahod. Iniaabot lang kasi ito sa kanila kaya nagulat nga siya kanina lalo na at ang laki ng nakuha niya! Iba talaga kapag nakapwesto ka sa lobby lalo na sa way ng pag-aapproach nila sa mga guest. Hindi na siya makapag-intay na umuwi at mabilhan ng masarap na ulam ang kapatid. Ilang minuto nalang naman kaya maghihintay nalang siya ng ilang sandali. Sa kabilang parte… si Xavier ay mabilis na bumaba sa kaniyang kotse matapos iparada ang kaniyang sasakyan sa hotel ni headmistress Patricia. Bakit siya naroroon? Para kausapin ito. Sa kanilang lahat ay ito lang ang hindi nila nakakausap simula ng magkaroon sila ng lead sa kaniyang nobya. Ang kaso sa kamalas-malasan ay wala silang mahanap na CCTV kung saan naroroon si Zoey. Ang kanilang ipinagtataka ay lahat ng CCTV doon ay sira at hindi gumagana. Halos ipasara na nila ang mga establishimento na naroroon dahil sa nangyari kung hindi lang sila
PAPALABAS na sana sila Zayne ng kanilang bahay para pumunta kung nasaan si Xavier. Nang malaman ni Zayne na nakita na nito ang kaniyang kambal ay sakto na magkakasama silang pamilya niyon at pinag-uusapan ‘din si Zoey kaya nga hindi sila nagdalawang isip na umalis. Ang kaso pagbukas nila ng main door ay nakasalubong nila ang kanilang tita Patricia. “Patricia!” “Tita Patricia!” Gulat na tawag ng mga ito sa kanila. Mabilis na lumapit si Claire sa kaibigan, maayos na ang lagay nito ngayon dahil na ‘rin sa pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang pamilya. Lalo na si Zayne, Catherine at Zekiel, hindi nila ito iniwan hanggat hindi ito gumagaling. “Nasa hotel mo ‘daw si Zoey?! Nakita siya ni Xavier!” walang alinlangan na sabi ni Claire habang hawak ang magkabilang kamay ng kaibigan na ikinalaki naman ng mata ni Patricia. “N-nakita niyo na siya?” Hindi inaasahan ng mga ito ang sinabi ni Patricia kaya sumandaling pumalibot ang katahimikan sa kanila. Kumpleto sila doon ngayon, naroroon ‘din sina B