“SAAN ba tayo pupunta Archer?” Nagtatakang tanong ni Zoey at maging siya ay natatakot na ‘rin sa maaaring mangyari sa kanila. Nang dumating siya ay mabilis ‘din silang umalis doon dala lang ang iilang gamit nila dahil ayon na ‘din kay Archer ay maaaring ano mang oras ay naroroon na ang mga lalaking nagtatangka sa buhay nila. “Ate wait lang, intayin mo ako dito.” Hindi inintay ni Archer ang sagot ng ate niya at dali-daling iniwan ito. Tinawag pa ito ni Zoey pero hindi siya nito nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Malapit lang iyon sa kanilang tinutuluyan, hindi alam ni Zoey kung saan nagpunta ang kapatid kaya ng umabot ng limang minuto itong wala ay pumunta na siya sa nilikuan nitong eskinita. Mayroong iilang tao nanaglalakad at hinahanap niya si Archer. Nagsimula na siyang kabahan ng hindi niya makita ang kapatid kaya tinawag na niya ang pangalan nito. “Archer! Archer!” Ngunit walang sumasagot sa kaniya. Pero maya-maya ay nagulat siya ng biglang bumukas ang isang pinto a
“ATE Zoey kumalma ka muna,” seryosong sabi ni Ace na ikinalingon sa kaniya ni Zoey. “Kalma?! Paano ako kakalma kung isang araw malalaman ko na kambal pala ang kapatid ko at ang masakit pa ay niloloko niyo ako! Paano kung may mangyaring masama sa inyong dalawa?! Saan kayo tumutuloy kapag hindi ko kayo kasama?! Masisiraan ako ng bait sa inyo!” Napasabunot pa si Zoey sa kaniyang buhok out of frustration. Naiisip niya ang mga panahon na si Archer lang ang katabi niya o kung si Archer nga ba ‘yun pero paano naman ang isa? “Saan pa ba ate Zoey ed isa bahay ‘din!” biglang sagot ni Archer at naglakad papunta sa kambal niya’t naupo sa tabi nito. “Hindi naman kami lumalayo sa isa’t-isa ate Zoey. Magkakasama pa ‘rin tayong tatlo, yun nga lang magaling kaming magtago ni twin.” Ngising dagdag nito sa huli niyang sinabi. Hindi napigilan ni Zoey ang kaniyang sarili at binigyan niya ng batok si Archer na ikinareklamo nito. “Aray ate Zoey! Nawalan ka nga ng ala-ala nanjan pa ‘rin talaga nakaugalia
“SO, you are Fiona Dawson, right? Aware ka ba sa pinapasukan mong trabaho?” seryosong tanong sa kaniya ng lalaking kaharap niyang nagpakilala bilang Devon na siyang secretary ng kaniyang pinag-aaplayan. “Yes sir, I am very much aware. Based na ‘din sa resume ko I have a lot of experience at kung may ituturo pa po kayo ay walang problema dahil madali naman akong matuto.” Malaking ngiti sa labi na sabi ni Zoey. Hindi na siya ang Zoey ngayon dahil ang dating itim niyang buhok ay kulay brown na wavy na. Ang kaniyang malaking salamin ay wala na ‘rin at ang mata niya ay nilagyan na niya ng contact lenses na kulay brown ‘din. Dahil na ‘rin Dawson ang apilyido na ibinigay sa kaniya ng kambal niya ay inaasahan na ibang lahi siya lalo na sa mata niya. Syempre mawawala ba ang voice changer? Hindi pwede dahil nabanggit ng kambal na kilalang-kilala siya ng kambal niyang si Zayne. “Okay, you're hired. Wala na tayong time kaya ililibot kita ngayon sa buong kumpanya para na ‘rin sa mga gagawin
“S-SIR ikaw po ba ang mag da-drive?” Hindi makapaniwalang tanong ni Zoey ng paupuin siya ni Xavier sa passenger seat. Tinignan naman siya ni Xavier sandali sa malamig na paraan matapos nitong makaupo sa driver seat. Binuksan muna nito ang sasakyan bago pinaandar. “May nakikita ka bang ibang driver?” Gustong mapairap ni Zoey dahil sa sagot sa kaniya ng amo. Naupo nalang siya ng maayos sa kinauupuan niya at isinawalang bahala ang pangbabara sa kaniya ng big boss niya. Ngayon napapatanong na tuloy siya sa sarili niya kung boyfriend niya ba talaga ito, kung oo paano niya natiis ang lalaki? Ang lamig kung makatingin at parang walang pakialam sa paligi! Ni hindi nga manlang binati pabalik ang mga employees nito kanina tapos ngayon binabara pa siya. “Hindi ko gusto na may ibang pinapapasok sa kotse ko kaya hindi ako nag da-driver,” Gulat na napatingin siya sa tabi niya ng bigla itong magsalita matapos ang ilang minutong pagdadrive. “Ikaw palang ang pangalawang nakasakay sa kotse
TAHIMIK ang two-storey house na pinasukan nila Xavier. Kumpleto sila ngayon, nandoon sina Selena, Tiana, Bianca, KM, Cedric at Zayne. Ayon sa mga ito ay na-check na nila ang paligid at wala namang kakaiba doon. Nagtanong pa siya kung hindi ba scam ang tumawag sa kanila pero nandoon na ‘rin naman sila kaya kailangan nilang malaman kung scam ba iyon o hindi. “Zoey! Archer!” Tawag ni Zayne sa paligid ngunit nag eco lang ang boses nila sa paligid. Kumatok na ‘rin sila kanina pero walang sumagot kaya nagtaka sila kung bakit bukas iyon ng buksan nila. “Talasan niyo ang pakiramdam niyo dahil baka patibong ito.” Seryosong sabi ni KM na ikinatango ng mga ito. Sa nakalipas na mga taon ay mas lalo lang minahal ni Tiana at KM ang isa’t-isa. While sina Selena at Cedric naman ay ganoon ‘rin at mag-aapat na taon na sila. Tanging si Zayne at Bianca nalang talaga ang walang girlfriend sa kanila kaso maging si Zoey ay nawawala kaya pati si Xavier ay wala pa sa ngayon. Hindi ‘rin nagbago ang ka
Samantalang si Zoey naman ay nagawa nang ikalma ang sarili niya ng mag decide siya lumabas para sana manlang ay makita ng malapitan ang kambal niya at makausap. Kahit na iba nag itsura niya ngayon ay sapat na sa kaniya na makita ito ng malapitan. Ang kaso hindi niya inaasahan na mayroon siyang mararamdaman na ibang aura. At ang aura ng mga ito ay familiar sa kaniya. Katulad ng mga taong sumugod sa kanila noon sa bundok! Ibig sabihin nalaman na ng mga ito kung saan sila nanunuluyan dati ng kambal! “S-sila Zayne!” agad na sabi niya ng maalala na nasa loob niyon ang kambal niya. Hindi siya nagdalawang isip na bumaba ng kotse. Mukang hindi pa naman lalabas ang mga ito kaya tatapusin niya ng mabilisan ang limang taong nararamdaman niya. Tumingin pa siya sa paligid para masiguro kung walang ibang tao doon at ng makasiguro ay nagpunta siya palapit sa mga ito. “Bakit kayo nandito?!” tanong niya ng makitang agad na nagtago ang mga ito. “Lumabas na kayo dahil alam kong nanjan kayo!” mul
“NO!” Hinihingal na napabangon si Zoey mula sa kaniyang pagkakatulog dahil sa kaniyang napanaginipan. Ang tanong ay kung panaginip nga ba iyon gayong malinaw na malinaw sa kaniya ang boses ni Archer at Ace habang siya ang nagmamaneho ng kotse. Kahit na blurred ang paligid ay malinaw na nakita niyang deredretsyo sa bangin ang sinasakyan nila. Ang takot, ang kaba, ang pakiramdam ay naroroon pa na tila katatapos lang niyon mangyari. “What happened to you Fiona?” Gulat na napatingin siya sa nagsalita at nagulat siya ng makita doon si Xavier. Nasa gilid nito si Devon na tila nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Napailing siya sa mga ito at agad na pinunasan ang luha na hindi niya namalayang tumutulo na pala. “N-natakot lang ako… akala ko mabubunggo na kami…” Totoo naman ang sinasabi niya pero ang pagkakaintindi ni Xavier ay ang muntikan na silang mabunggo ni Zayne ng kunin siya nito. “Devon gave her water,” Agad na sumunod si Devon sa sinabi ni Xavier at tinanggap naman iyon
Samantalang sumakay na si Zoey sa taxi. Pagtingin niya sa kaniyang phone ay ang daming tawag doon mula sa mga kapatid kaya agad niyang tinawagan ang mga ito. “Ate Zoey!” agad na bungad ng dalawa ng sagutin ang tawag niya. “Twins, sorry now lang. Pauwi na si ate, wait niyo ako jan na ako magapapaliwanag.” Pagkasabi ni Zoey niyon ay binaba na niya ang tawag dahil alam niyang hindi siya tatantanan ng dalawa. Simula ng malaman niyang may kambal si Archer ay nagkasama-sama sila sa iisang bubong ay mas nakilala niya ang dalawa. Makulit ang mga ito at madaldal. Mahilig ‘din sila maglaro ng mga kakaibang bagay. Kung minsan nga ay kinagagalitan niya ang mga ito dahil hindi normal na laro ang mga ginagawa nila katulad nalang ng paghahabulan na may kasamang batuhan ng pekeng mini knife. Mabuti nalang talaga at laruan lang ang mga iyon dahil kung hindi baka kung saan saan na iyon tumama sa bahay. Nang ibalik niya ang cellphone sa kaniyang bag ay nakita niya ang panyo ni Xavier na hindi n