NAG-ALIS muna ng bara sa lalamunan si Gideon, mabilis siyang nag-isip ng sasabihin sa ama ni Minnie. "Ano bang pinagsasabi niyo, sinong Gideon Laurzano. Papa, ako ito ang manugang niyo si Aevo!" patuloy niya. Pinanindigan na niya ang pagpapanggap. Pinagmasdan naman siya ni Don Hidalgo. Maya-maya ay tuluyan itong napangiti at tinapik pa siya sa balikat. "Alam ko, nagtatanong lang ako. Narinig ko kasi kanina na ilang beses kang tinawag ng babaeng nagpunta rito kanina ng Gideon. Kaya nagtaka ako," sabi naman ni Don Hidalgo. "Iyon ho ang ipinangalan ng mga kumupkop sa akin," saad ni Gideon. Tumango-tango naman ito na tila tuluyan nasagot ang tanong nito. "S- sige po, papanhik na ako Papa, magpahinga na rin kayo," sabi niya rito. "Sige, ijo..." tugon naman nito. Ngitian pa ito ni Gideon, bago ito tuluyan tumalikod. Pero hindi pa siya nakakahak
Magbasa pa