SA gabing iyon ay nangulit si Vonie na matulog sa gitna nila.
"Baby, big boy ka na. Kaya dapat sa silid na kayo ng mga kapatid mo matulog,"sabi naman ni Minnie.
"Ayaw ko Mommy, gusto rin nina Adiole at Aziole na dito matulog,"mapilit na ungot ni Vonie.
"O-oo Mommy!"Sabay naman na sabi ng kambal.
Lalong walang nagawa si Minnie ng gumapang ang mga ito papunta sa gitna ng kama.
Naiiling na lang at nasapo ni Minnie ang noo. Iyon naman ang naaktuhan ni Gideon sa paglabas nito ng banyo.
"Anong pinagtatalunan niyong mag-iina diyan?"taka nitong tanong sa kanila.
"Daddy we want here to sleep, sa tabi niyo pong dalawa sana..."ani naman ni Vonie.
Nagtatakbo ito at agad na hinawakan ang kamay ng lalaki. Nasa mukha ng bata ang pag-aasam.
Nang balingan pa ni Gideon ang kambal ay kitang-kita niya ang pag-a
LATE na silang magising parehas kinabukasan. Nang magmulat si Minnie ay wala na ang mga anak nila. Nag-inat na siya, tinapunan niya ng tingin si Gideon na sarap na sarap pa rin sa tulog nito.Hindi na muna niya ito ginising dahil alam niyang sobrang napagod niya ito. Paano ba naman, naka-tatlong round pa sila kanina. Halos inabot na sila ng ala-una ng madaling araw.Magpahanggang sa mga sandaling iyon ay mahapdi pa rin at nanakit ang buong kalamnan niya. Ngunit hindi pwe-pweding 'di pa siya bumangon, dahil may mga anak siyang aasikasuhin.Pinili na muna niyang maligo bago bumaba, nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan ng salubungin siya ng mga anak."Mommy goodmorning, where's daddy? hindi pa ba siya gising narito na kasi si Tito Aizo at Tita Lauren,"sabi ni Vonie.Nang bumaling nga ang pansin niya sa mga taong nakaupo sa sala ay nakita niyang nakikipag-usap ang mga ito sa
MATAPOS i-park ni Minnie ang sinakiyan ay bumaba na rin siya pagkatapos. Kahit halo-halo na ang nasa isipan niya ay matapang pa rin niyang sinalubong ang titig nito."Bakit ka nandito?"mataray niyang salubong kay Shamcey na prenteng nakaupo lamang at sumisim-sim ng tsaa."Andito ako para sa asawa ko,"walang kaabog-abog na wika nitong ikinataranta naman ni Minnie, nagpalinga-linga pa siya dahil kinabahan siya na may makarinig rito."Ano ba! hinaan mo nga ang boses mo---""Inuutusan mo ba ako? Bakit ko naman gagawin iyan, bakit... nahihiya ka bang may makaalam na naki-kabit ka sa asawa ng iba,"nang-uuyam na sabi naman ni Shamcey na makikita ang ngiting nang-aasar sa labi.Habang si Minnie ay pulang-pula na rin."Anyway, hindi ako naparito para sirain ang araw mo.""Pero nasira mo na!"Nagkibit lang naman n
NAG-ALIS muna ng bara sa lalamunan si Gideon, mabilis siyang nag-isip ng sasabihin sa ama ni Minnie."Ano bang pinagsasabi niyo, sinong Gideon Laurzano. Papa, ako ito ang manugang niyo si Aevo!" patuloy niya. Pinanindigan na niya ang pagpapanggap.Pinagmasdan naman siya ni Don Hidalgo. Maya-maya ay tuluyan itong napangiti at tinapik pa siya sa balikat."Alam ko, nagtatanong lang ako. Narinig ko kasi kanina na ilang beses kang tinawag ng babaeng nagpunta rito kanina ng Gideon. Kaya nagtaka ako," sabi naman ni Don Hidalgo."Iyon ho ang ipinangalan ng mga kumupkop sa akin," saad ni Gideon. Tumango-tango naman ito na tila tuluyan nasagot ang tanong nito."S- sige po, papanhik na ako Papa, magpahinga na rin kayo," sabi niya rito."Sige, ijo..." tugon naman nito.Ngitian pa ito ni Gideon, bago ito tuluyan tumalikod. Pero hindi pa siya nakakahak
TULUYAN napalabas ng kotse nito si Gideon. As usual may dala-dala siyang paper bags mula sa mga sikat na pamilihan sa loob ng mall sa Lextum.Pasipol-sipol siya habang papasok sa mahaba at tahimik na hall ng mansyon ng mga Buenavista. Agad na napalapit sa kanya si Kit pagkakita pa lamang sa kanya nito at kinuha na ang mga dala-dala niyang paper bags."Boss nasa loob si Don Vladimir," Pag-iimporma sa kanya nito. Saglit siyang natigilan, "Bakit hindi mo itinawag na narito siya!" Gustong ihampas ng lalaki ang mga hawak-hawak."Pasensiya na boss, biglaan din kasi ang pagdating niya. Siya kasi ang sumundo sa anak niyong si Jenina sa airport," saad naman nito. Hindi na lang umimik si Gideon at ipinagpatuloy na rin ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa recreation room ng mansyon.Pagbukas pa lang ng malaking pinto na yari sa makinis na muwebles ay nahagip na ng mata niya ang nakaupong matanda na si
UNTI-UNTING nabitawan ni Gideon ang basong hawak ng mga sandaling iyon. Natapon ang alak na laman nito at nagkandipira-piraso iyon na kumalat naman sa marmol na sahig.Bumilis ang pagtibok ng puso ni Gideon, habang nakatitig siya sa pares na mata ng lalaki."What the hell! and who's this--- b-bakit niya kopya ang mukha ko!" Hindi makapaniwalang-bulalas ni Gideon. Napatayo siya at nilapitan ito, buong gilalas niyang tinitigan ang lalaki na pinagmamasdan lang siya.Para siyang nakatingin ngayon sa repleksyon ng salamin sa mga sandaling iyon."I would like to meet you Aevo Gimenez, the husband of Ivana Ramirez- Gimenez..." Dahil sa sinabi ni Shamcey ay parang bomba na sumabog iyon sa harapan niya.Halos hindi niya paniwalaan ang narinig mula rito."Hindi ba kapani-paniwala na ako si Aevo, hmmm... sorry to interrupt but can I sit down now nangalay na ako s
WALANG-GANA si Minnie nang bumangon. Tatlong araw na ang lumipas ng huling magpunta roon si Gideon. Kahapon sana ay schedule nito sa kanya, ngunit hindi ito dumating.Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot kaya wala siya sa mood ngayon. Hanggang isang katok mula sa pinto ang naulinigan niya.Nang bumukas iyon ay nakita niyang si Vonie ang pumasok, kasunod nito ang kambal."Mommy! si Daddy nasa baba! kasama niya iyong maganda niyang kaibigan!" malakas nitong balita sa kanya na ikina-kunot noo niya."Ano bang sinasabi mo Von?" tanong niya sa panganay na tumabi sa kanya mula sa kama."Basta Mommy, bihis ka na po. Kasi sabi niyong magandang babae na kasama niya ay gusto ka niyang makausap."Kaya kahit hindi niya alam ang pinagsasabi nito ay sinunod na lamang niya ito."Fine, bantayan mo muna ang mga kapatid mo. Teka nasaan ba si
HINDI naging madali lahat kay Minnie, pagkatapos na makabalik ni Aevo.Sa araw din iyon ay napag-pasiyahan nito na bumalik na sila sa Maynila. Nasa hapag-kainan at kumakain ang lahat sa mansyon ng Hacienda Ramirez nang i-open iyon ni Aevo."Final na ba iyan ijo, I mean akala ko ay mag-iisang buwan pa kayo rito ng mga bata,"ani ni Don Hidalgo na natigilan pa sa pagkain."Im sure of it Pa, besides ay kailangan na rin akong bumalik sa kumpaniya. Ilang taon na rin naman nang huli akong makapag-trabaho," pinal na saad nito."Kung iyan ang desisyon mo naiintindihan ko." Kahit iyon ang sinabi ni Don Hidalgo ay natitiyak ni Minnie na masama ang loob nito.Tinapunan lang niya si Aevo na patuloy pa rin sa pagkain. Nang matapos nga silang kumain ay pinauna niya ito, dahil kailangan pa niyang kausapin ang ama. Aasikasuhin niya rin ang mga anak pagkatapos."Papa, pasensiy
KINABUKASAN maagang nagising si Minnie para maghanda ng almusal para sa Papa niya. Iyon kasi ang huling araw nila sa Hacienda. Matagal na naman silang makakadalaw sa ama, natitiyak niya iyon dahil magiging busy na naman sila sa Maynila."Napakabango naman niyan ija," papuri ni Don Hidalgo na kapapasok lamang sa kitchen. Kahit bukas ang exhaust pan ay naamoy pa rin nito iyon."Thanks Dad, actually para sa iyo talaga ho ito. Kasi, matagal na naman kaming hindi kami makakauwi rito," tugon niya na agad yumakap at bumeso sa ama na tumabi sa kanya."Napaka-sweet mo talaga 'nak. Iyan ang isa sa mami-miss ko kapag bumalik na kayo sa Maynila," malungkot nitong ani.Mapait naman na nangiti si Minnie at tinigil ang paghahalo sa sopas."I'm sorry Papa, mas makakabuti kasi na tuluyan na kaming umuwi ng asawa ko para na rin makapag-moved forward kami sa bago naming bubuuin na buhay," nasabi na lang ni Minnie.Tumango-t
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma