KUNG hindi pa dumating ang police patrol na nakakita sa kanya ay hindi pa titigil si Gideon sa kasusuntok sa semento. "Sir, ihahatid na ho namin kayo," ani ng pulis na lumapit sa kanya. Akma siyang hahawakan nito, ngunit itinaas na lang ni Gideon ang kamay para umiwas. "Huwag na kaya ko ang sarili ko," sabi ni Gideon na pinili ng tumayo. "Sir, duguan po ang kamay niyo. Idaan na lang namin kayo sa pinakamalapit na pagamutan," wika naman naman ng kasama pa nitong pulis. "Hindi na kailangan, kaya ko. Sige na salamat." Saka na naglakad at bumalik sa sasakiyan si Gideon. Pinaharurot na niya ang kotse, ngunit hindi gaanong kabilis. Mahirap na baka masita pa siya ng mga pulis na naagaw niya ng atensyon. Isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Isang lugar na maari niyang puntahan para palipasin ang lahat ng problema niya ngayon.
Read more