TULUYAN nagpahila si Shamcey sa lalaki na hindi man lang inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa kanya.
"Wala pang isang linggo pero sobrang na-miss na kita. Sana nga matapos ko na ang dapat kong tapusin para makapagsama na tayo uli," malambing na saad nito at masuyong hinawakan ang palad niya.
" K-kung itigil na lang natin ito, magpakalayo na lang tayo at muli tayong mag-umpisa ng anak mo. Natitiyak ko maiintindihan ni Jenina, dahil malaki na siya," pangungumbinsi ni Shamcey na hinawakan din ang palad nito.
Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ni Aevo at tuluyan binuhusan ng red wine ang baso na nasa tabi niya at tuloy-tuloy na lumagok doon.
" Do you understand what I'm sayin hon, please..." may pakiusap sa tinig ni Shamcey.
Ngunit isang malakas na pagbagsak ng kamao ang ginawa sa lamesa ni Aevo na ikinatigil pa ng ibang sasabihin ni Shamcey.
"Ikaw!"
TUMAYO na rin si Shamcey makaraan ang isang minuto na nanatili lamang siyang nakaupo sa kama.At tulad ng ginawa ni Aevo ay kailangan na rin niyang umuwi. Dahil hindi niya rin gusto na mapaghinalaan siya ng asawa. Patayo na siya ng marinig niya ang sunod-sunod na doorbell mula sa pinto ng unit.Inaakala niya na si Aevo iyon at naisipan bumalik. Ngunit laking gulat niya ng buksan niya ang pinto ay si Gideon ang tumambad sa kanya mula sa labas."P-paanong nalaman mo ang lugar na ito?" kinabahan niyang tanong.Ngunit hindi nagsalita ito, kung 'di tuloy-tuloy itong naglakad papasok."Sumagot ka bakit ka narito anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong ni Shamcey na sinusundan ng tingin ang pagpasok at ginawang pagmamasid ni Gideon sa loob ng unit na nanatili pa rin magulo dahil sa namagitan sa kanila ni Aevo.Hinigpitan ni Shamcey ang pagkakapul
KUNG hindi pa dumating ang police patrol na nakakita sa kanya ay hindi pa titigil si Gideon sa kasusuntok sa semento."Sir, ihahatid na ho namin kayo," ani ng pulis na lumapit sa kanya. Akma siyang hahawakan nito, ngunit itinaas na lang ni Gideon ang kamay para umiwas."Huwag na kaya ko ang sarili ko," sabi ni Gideon na pinili ng tumayo."Sir, duguan po ang kamay niyo. Idaan na lang namin kayo sa pinakamalapit na pagamutan," wika naman naman ng kasama pa nitong pulis."Hindi na kailangan, kaya ko. Sige na salamat." Saka na naglakad at bumalik sa sasakiyan si Gideon.Pinaharurot na niya ang kotse, ngunit hindi gaanong kabilis. Mahirap na baka masita pa siya ng mga pulis na naagaw niya ng atensyon.Isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Isang lugar na maari niyang puntahan para palipasin ang lahat ng problema niya ngayon.
NAGISING sa pagbukas-sara ng pinto ng kanilang silid si Minnie. Unti-unti ay iminulat niya ang mata at nakita niyang si Aevo ang pumasok. Nagpunta ito sa banyo, maya-maya ay lumabas ito roon at linapitan siya.Nanatili lang naman siyang nakapikit, pero gising na gising ang diwa niya."Are you wake up, can we talk?" tanong ni Aevo sa kanya.Unti-unti ay nagmulat naman si Minnie, nagkasalubong ang kanilang mata nito. Tuluyan na siyang bumangon at napaupo sa kanilang kama."Ano bang gusto mong pag-usapan." Nakaiwas ang tingin na sagot niya. Sa mga oras na iyon ay nanatiling masama ang loob niya sa asawa.Hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya."Gusto kong mapag-usapan natin ang nangyari kanina. First, inihihingi ko ng sorry. Sa totoo lang nabigla ako. Nagpadalos-dalos ako at aminado akong nasaktan kita. P-pero hindi mo naman ako m
UMUWI na nga sina Minnie at Aevo sa dating mansyon nila na nasira lang naman ng sumugod doon si Xiamvylle.Si Aizo ang umasikaso sa pagpapaayos ng mansyon. Mabilis naman natapos ang pagpapa-renovate dahil hindi naman problema ang pera.At katulad ng inaasahan ni Minnie ay pinanitili ni Aizo ang dating estilo nito."Welcome back Daddy!" Sabay-sabay na hayag ng mga anak nila."Kayo talaga ang kukulit niyo, sige na samahan mo na sila Candy para makapag-palit. May darating tayong bisita mamaya, tawagin ko na lang kayo kapag nandito na siya," bilin naman ni Minnie sa yaya ng mga anak na agad naman naman naintindihan ang ipinag-uutos niya.Habang nagbaba naman si Aevo ng mga maleta nila ay napatanong ito kay Minnie."Sino ba ang darating mamaya?""Si Mama Sandy, marami siyang pasalubong sa mga bata at sa atin galing Europe," balita niya sa asawa."Ah, ganoon ba..." ang tila walang-gana na sabi naman nito. Isang boy ng mansyon nila ang lumapit sa kanila at nagb
IYON ang unang araw na pagpasok sa opisina ni Aevo. Kaya maagang nagising si Minnie para maasikaso ang asawa.Nang bumangon siya ay tulog na tulog pa ang lalaki, kaya tumayo na siya. Bumaba muna siya sa kusina at nagluto ng mabilisang scramble egg, fried bacon. Naglagay na rin siya sa toaster ng bread pagkataas niya. Maging ang kape ni Aevo ay tinimpla niya.Natitiyak naman niyang bumangon na ang asawa dahil alam din naman nitong first day ulit nitong pumasok bilang CEO sa kumpaniya ng pamilya nito.Ngunit laking gulat niya na nanatili pa rin itong nakahiga sa kama at tulog na tulog. Nakat-shirt at sweat pants pa ito. Sa ilang gabi na nagtatabi sila nito ay marami na talaga siyang napapansin dito.Dati-rati ay hindi ito sanay na magdamit kapag matutulog. Parating naka-sindi ang aircon na naka-full pa.Pero ngayon, naka-low iyon. Ang idinahilan nito ay baka ubuhin ito."V... gising na mala-late ka na sa pagpasok mo sa opisina," panggigising niya sa a
BUSY pa rin sa ginagawang pagbabasa ni Aevo ng kaharap niyang monitor ng computer sa mga sandaling iyon.Bagama't malayo ang kinaugalian niyang gawain ay tila nasa dugo na niya ang pag-aasikaso sa mga trabaho sa araw na iyon.Sa tatlong oras na kaharap niya ang monitor ay tuluyan na muna niyang inalis ang pansin doon. Sinapo na niya ang noo at hinilot-hilot iyon.Doon naman siya napasukan ni Aizo."Kamusta ka bro, mukhang ginanahan ka sa first day mo huh! sobra mo bang na-miss ang pagta-trabaho dito sa opisina mo," ani naman ni Aizo na nakasandig sa nakabukas na nitong pinto."Yeah, hindi ako napapagod, but my eyes literally tired," sagot nito."Maybe you have to take a break, tara sa baba let's eat!" Aya sa kanya ni Aizo."Mauna ka na, may tatapusin lang ako."Hindi naman nangulit si Aizo at tuluyan umalis na ito.Si Aevo naman ay muling ibinalik ang pansin sa monitor. Ma
UMALIS na papuntang opisina si Aevo ng umagang iyon. Habang si Minnie ay nasa loob lang ng bahay, kinailangan niyang sundin ang utos ng asawa. Dahil pinagbantaan pa siyang sasaktan lalo kapag hindi siya susunod sa gusto nito.Katatapos lang niyang magpatuyo ng buhok at nakaharap siya ngayon sa salamin. Kung saan kitang-kita niya ang sugat sa noo. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang hapdi ng gamutin niya iyon ng bulak na may antseptic."Hindi lahat ng babaeng nakakatagpo ng prince charming nila ay may magandang happily ever after... katulad mo na lang Minnie," tuya niya sa sarili habang nakaismid sa sariling repleksiyon. Inilihis niya ang manggas ng suot niyang long sleeve at nakita niya ang nagmarkang itim na pasa na si Aevo rin naman ang may kagagawan.At sa tuwing makikita niya ang mga iyon ay labis-labis na hinanakit ang nadarama niya.Sobra siyang nasasaktan, dahil ang matamis nilang pagmamahalan ay tuluyan ng naglaho.
Chapter One Hundred Fifty One: ISANG buhay na buhay na tawa ang naghari. Hindi naman makapaniwalang nakatitig si Minnie sa lalaki. May isang bahagi ng sarili niya namiss niya ang masiglang tawa nito. Napakasarap pakinggan iyon sa kanyang pandinig."Bakit ka ba ganiyan huh," sabi niya matapos na magtigil ito sa walang humpay na tawa na umabot lang naman ng isang minuto.Sapo-sapo pa nito ang tiyan pagkatapos."Ikaw kasi, masiyado kang paranoid. Mag-relax ka naman, ako ito si Gideon. Hindi ka mapapahamak kapag ako ang kasama mo," pagpapakalma nito sa kanya.Inirapan na lang ni Minnie ito dahil sa masiyado itong kumpiyansa sa sarili.Tuluyan na siyang naglakad at nagpatuloy sa pamimili ng mga kulang pa sa listahan niya."Hey! lalayasan mo na lang ako. Mag-usap pa tayo, ngayon lang tayo nagkita pero bakit pakiramdam ko ang layo mo pa rin," may pagka-emosyonal ang tinig ni Gideon kaya upang matigil sa ginagawang pagtutul
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma