OON na nga nananghalian si Gideon, dahil sa pagpapanggap niyang gagawin ay nagpaka-ama siya sa mga anak ni Minnie. Hindi niya alam kung anong nakain niya, pero heto at nasisiyahan sa ginagawa niya. Tuluyan isinarado ni Minnie ang pinto ng silid ng mga anak na binilinan lang naman ni Gideon na matulog ng tanghalian. "Maraming salamat pinasaya mo ang mga bata. P-pero s-sana ay hindi mo na lang sinabi iyon kay Vonie na ikaw ay si Aevo,"wika ni Minnie na nag-iwas ng tingin. "Bakit naman, kung magiging kapalit naman niyon ay mapasaya ko sila di'ba?"wika nito. Umiling-iling si Minnie, sa totoo lang ay naguguluhan siya. Naglakad na siya papunta sa may bintana at nanungaw doon. Kita niya ang tuluyan pagdidilim ng kalangitan na tila nagbabadiya ng isang malakas na ulan. "Iniisip ko lang na niloloko natin sila, ayaw kong umasa sila. O-okay lang na ako, h-huwag lang sil
Magbasa pa