Kumplikado ang nararamdaman ni Ellaine nang ikulong siya ng mga tauhan ni Matteo sa isang silid na halatang matagal nang walang gumagamit dahil sa kalat at alikabok doon. Hindi nila itinali ang kanyang mga kamay at paa at ni-lock lamang ang pinto ng kuwartong iyon upang hindi siya makatakas. Isang hanging light, kama at kutson na halatang matagal nang iniwanan doon, nakatumbang silya, malaking aparador na nakasarado ang isang pinto– iyon lamang ang mga kasangkapang naroroon, hindi kasama ang mga sira-sira na nagkalat sa paligid.“Psychological Torture ba ito?” tanong niya sa sarili. Medyo may pagka-horror movie setting kasi ang dating ng silid na iyon kung saan siya nakakulong kaya medyo kinakabahan siya. Ang mga sira-sirang gamit, ang malamlam na liwanag sa nag-iisang bombilya, ang mga sapot ng gagamba sa suluk-sulok, ang mga anino sa parteng hindi naaabotng liwanag ng ilaw– parang
Read more