"Ikaw?" medyo paos ang tinig na iyon na lumabas sa mga labi ni Ellaine.
Alam naman niya na muli silang magkikita ng Villain. Ibayong paghahanda sa sarili ang ginawa niya subalit sino bang mag-aakala na sa ganoong klaseng sitwasyon sila magtatagpong muli-- ito na ang limang taong lumipas ay lalo lamang nagdagdag sa aura at kagwapuhan nito, at siya na hindi man bugbog-sarado ay pakiramdam niya ay hindi naman siya gaanong nalalayo roon.
Ine-expect pa naman ni Ellaine na presentable at fierce and powerful version niya ang ihaharap dito at hindi ang kasalukuyang kawawa niyang anyo. Mukha tuloy siyang walang kalaban-laban dito.
Well, iyon naman talaga ang katotohanan, pero for the sake of her pride, gusto naman niyang magmukhang may ibubuga.
‘How dare this woman…’ Garreth stared straight at a pair of beautiful but defiant eyes. Who would have thought that a cute tiny ragdoll cat will grow up into a tigress?Nagtataka siya kung paano nito nalaman na isang sore topic sa kanya ang tungkol sa kanyang ina. She seemed to know more about him than she lets on.Interesting.A mother’s love– Isa na siguro ito sa mga pinakaromantikong tema ng pag-ibig. Ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay hindi matatawaran nino man. Siguro ay mas maraming ina nga ang handang magsakripisyon ng kanilang sarili para lamang sa kinabukasan ng kanilang anak, kung kaya’t ang konsepto ng isang ina na hindi mahal o walang pake sa kanilang anak
Tumikhim ang doktor na kanina pa naghihintay sa labas ng silid na iyon kasama ang isang nurse.Kapwa napatingin sa pagpasok ng mga ito sina Garreth at Ellaine.Tinanguan sila nito. “It’s time for the patient’s check up.” Pagkadeklara niyon ay hindi na nito hinintay pa ang pahintulot ni Garreth. Agad itong lumapit kay Ellaine at sinuri ang kalagayan nito. May mga itinatanong rin ito tungkol sa mga nararamdaman ni Ellaine, lalo na sa mga parte kung saan siya medyo napuruhan.Habang nangyayari iyon ay nararamdaman naman ni Ellaine ang mabigat na tingin sa kanya ng Villain. Hindi nito itinatago ang mga titig na iyon. Hindi niya mabasa kung anong emosyon ang mayroon sa mga mata nito nang mga oras na iyon dahil hindi rito nakatuon ang atensyon niya, subalit ang kahit ganoon ay ramdam pa rin n
‘She seemed genuine with the kids.’ pasiya ni Garreth base sa parte ng usapan na narinig niya.Hindi nga lang siya sigurado kung hindi iyon isang palabas lamang dahil naroroon siya. Kailangan pa rin niyang makasiguro rito.Kung siya ang papipiliin, mas gusto niya na lumaki ang mga anak sa isang kumpletong pamilya… hindi tulad ng naranasan niya. He was willing to play the part of a good husband just so he could become the best father for them. But first, he needs to find a wife to be their mother. Alam niyang ang pinakaangkop na kandidato para maging mabuting ina ng mga ito ay walang iba kundi ang mismong biological mother nila.Kung magagawa nitong mapanatili ang pagiging mabuting ina ay handa siyang balatuhan nang malaki mula sa kanyang yaman.
Chapter 70: Did Not Work OUt"Ang babaeng ito…' Nagtagis ang mga ngipin ni Garreth nang tila nakalimutan na ni Ellaine ang presensiya niya at nang mahalata niyang wala itong balak na ipakilala siya sa mga bata.Nakuyom niya ang kanina pa pinagpapawisang mga kamao. Pinagmasdan niya uli ang kanyang mga anak na nasa iisang kwarto lang niya. They're so… small.He didn't expect that almost five-year- olds were that small… or fragile-looking. Pakiramdam niya ay kailangan nila ng ibayong proteksyon laban sa kalupitan ng mundo. Napalunok siya.Sumikdi muli ang kaba-- isang emosyong bihira lamang niyang maramdaman, sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang maitaniysa sarili: Kay
Inaatake si Ellaine nang matinding guilt nang sila na lamang ng Villain ang muling natitira sa kuwarto. Napilit niyang pasamahin ang mga bata kay Aubrey upang bumili sila ng pananghalian. Binilinan din iya itong dalhin ang tatlo sa playground ng ospital sa bandang pediatric area para naman kahit papaano ay mabawasan ang stress ng mga ito na dala ng mga nangyari.Pasimpleng sinusulyapan ni Ellaine ang Villain mula sa gilid ng kanyang nga mata upang matantiya ito.The silence was heavy, kaya hindi niya napigilang basagin iyon. "I told you so," ga-lamok na boses niyang bulong sa pag-aakalang hindi iyon maririnig ng Villain."I told you so"-- because she was right that they needed preparation, kahit na ang tunay dahilan kung bakit
Chapter 72: A StartThe kids have their own booster seat, and was eating some of the remaining snacks that Aubrey has bought for them, and she's there as well, kaya kampante lang sila sa buong biyahe. Si Aubrey ang nagmamaneho, habang si Garreth ang nasa passenger seat. Napansin niyang may sumusunod na itim na kotse sa kanila. She was told it was Garreth's bodyguards when she mentioned it.Inaamin niya, napanatag siya nang malaman iyon. That's a lesson learned for her. Sa susunod ay yung full time bodyguard na ang hahanapin niya. Nakakadala ang ma-kidnap. It's not an experience she wanted to go through more than once.Nang makarating sa kanilang apartment, pakiramdam ni Ellaine ay kaytagal niyang nawala kahit na mahigit beinte-kuwatro oras lamang iyon.
Hindi pa man oras ng hapunan ay nag-ring na ang doorbell. Naptingin si Ellaine sa direksyon ng front door. Hindi naman sa nag-o-overthink siya pero parang may ideya siya kung sino iyon.Anjie ran to the door to answer it. Sandali itong natigilan at napalingon kay Ellaine. Nang makitang nakatingin siya ay hindi nito agad binuksan ang pinto. “Sino iyan?” tanong nito sa Filipino na minsan lang nitong gamitin. The phrase was one of the more common ones na alam nito dahil ilang beses nang napagsabihan ito ni Ellaine tungkol sa pagbubukas ng pinto sa kung kanino lang.Yes, they live in apartment with a tight security, pero gusto pa rin niyang matutunan ng mga anak ang pagiging maingat. Nagpapasalamat siya at matagal na niyang ginawa iyon. Lalo pa ngayon na may posibilidad na may mga kayang taon rin ang magbalak ng masama
Maingat na karga ni Garreth sina Raze at Anjie, ni Ellaine si Cas, na nakatulog na sa biyahe. Napagod ang tatlo dahil sa dami ng ginawa nila buong araw. Sabado kasi kinabukasan kaya pinagbigyan ni Ellaine ang mga bata na magliwaliw dahil sa hindi niya nailabas o nasamahang gumala ang mga ito nang hindi pa gumagaling ang sprain niya sa paa. Hindi pa komportable ang mga ito kay Garreth noong mga unang linggo kaya na-stuck ang tatlo sa apartment tuwing weekends nang ilang linggo at tanging ang isa’t isa lamang ang kalaro.Kaya rin para itong mga nakawala sa koral nang muli silang makapasyal sa labas. Worth it naman malapad ang kanilang mga ngiti at puno ng kasiyahan ang kislap ng kanilang mga mata.Dahan-dahang inihiga ni Garreth sina Anjie at Raze sa kani-kanilang mga customized bed– robot kay Raze, princess bed kay A