Mahipit ang pagkakapit ni Garreth sa armrest ng kinauupuan niya sa private plane na lulan siya patungong Amerika. Hindi na nawala ang tensyong kanyang nararamdaman simula nang malantad sa kanya ang tungkol sa mga anak niya. Hindi niya maintindihan kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman, kahit na ilang oras na ang lumipas simula nang mabatid niya iyon.
Ano nga ba ang emosyong namamayani sa kanya?
Maliban sa tensyon na dala ng isang hindi inaasahang pangyayari, inaamin niyang mayroon din siyang kasabikang nadarama. He has kids. An unexpected surprise, completely unaligned to the life plan he had set for himself, that may possibly disrupt his whole way of life.
Hindi lang siya ang iniisip sa magiging epekto ng pagkakaroon niya ng anak sa kasalukuyang buhay niya.
Kumplikado ang nararamdaman ni Ellaine nang ikulong siya ng mga tauhan ni Matteo sa isang silid na halatang matagal nang walang gumagamit dahil sa kalat at alikabok doon. Hindi nila itinali ang kanyang mga kamay at paa at ni-lock lamang ang pinto ng kuwartong iyon upang hindi siya makatakas. Isang hanging light, kama at kutson na halatang matagal nang iniwanan doon, nakatumbang silya, malaking aparador na nakasarado ang isang pinto– iyon lamang ang mga kasangkapang naroroon, hindi kasama ang mga sira-sira na nagkalat sa paligid.“Psychological Torture ba ito?” tanong niya sa sarili. Medyo may pagka-horror movie setting kasi ang dating ng silid na iyon kung saan siya nakakulong kaya medyo kinakabahan siya. Ang mga sira-sirang gamit, ang malamlam na liwanag sa nag-iisang bombilya, ang mga sapot ng gagamba sa suluk-sulok, ang mga anino sa parteng hindi naaabotng liwanag ng ilaw– parang
Tumakbo si Ellaine nang tumakbo, hindi alintana ang mga sangang kanyang natatamaan at humahampas sa kanyang mukha at iba pang parte ng katawan. Sleeveless kasi ang kanyang suot na casual dress kung kaya’t hindi iyon sapat na proteksyon sa lugar na iyon. Ilang minuto lang sa kakahuyang iyon ay puno na siya ng galos. Kahit na nadadapa siya at natitisod sa mga nagkalat na bato sa lubak-lubak na daan. Tanging ang hagibis ng hangin at ang tambol ng kanyang puso ang naririnig ng kanyang tainga.Wala siyang ideya kung saan siya papunta. Ang tanging namamayani sa isip niya ay ang matakasan ang mga dumukot sa kanya.Saka lamang siya natigil sa pagtakbo nang madulas siya sa mga basa at nabubulok na dahon na nakakalat sa lupa. May matarik na bangin pala roon na hindi niya napansin dahil sa mga masukal na palumpon
"Ikaw?" medyo paos ang tinig na iyon na lumabas sa mga labi ni Ellaine.Alam naman niya na muli silang magkikita ng Villain. Ibayong paghahanda sa sarili ang ginawa niya subalit sino bang mag-aakala na sa ganoong klaseng sitwasyon sila magtatagpong muli-- ito na ang limang taong lumipas ay lalo lamang nagdagdag sa aura at kagwapuhan nito, at siya na hindi man bugbog-sarado ay pakiramdam niya ay hindi naman siya gaanong nalalayo roon.Ine-expect pa naman ni Ellaine na presentable at fierce and powerful version niya ang ihaharap dito at hindi ang kasalukuyang kawawa niyang anyo. Mukha tuloy siyang walang kalaban-laban dito.Well, iyon naman talaga ang katotohanan, pero for the sake of her pride, gusto naman niyang magmukhang may ibubuga.
‘How dare this woman…’ Garreth stared straight at a pair of beautiful but defiant eyes. Who would have thought that a cute tiny ragdoll cat will grow up into a tigress?Nagtataka siya kung paano nito nalaman na isang sore topic sa kanya ang tungkol sa kanyang ina. She seemed to know more about him than she lets on.Interesting.A mother’s love– Isa na siguro ito sa mga pinakaromantikong tema ng pag-ibig. Ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay hindi matatawaran nino man. Siguro ay mas maraming ina nga ang handang magsakripisyon ng kanilang sarili para lamang sa kinabukasan ng kanilang anak, kung kaya’t ang konsepto ng isang ina na hindi mahal o walang pake sa kanilang anak
Tumikhim ang doktor na kanina pa naghihintay sa labas ng silid na iyon kasama ang isang nurse.Kapwa napatingin sa pagpasok ng mga ito sina Garreth at Ellaine.Tinanguan sila nito. “It’s time for the patient’s check up.” Pagkadeklara niyon ay hindi na nito hinintay pa ang pahintulot ni Garreth. Agad itong lumapit kay Ellaine at sinuri ang kalagayan nito. May mga itinatanong rin ito tungkol sa mga nararamdaman ni Ellaine, lalo na sa mga parte kung saan siya medyo napuruhan.Habang nangyayari iyon ay nararamdaman naman ni Ellaine ang mabigat na tingin sa kanya ng Villain. Hindi nito itinatago ang mga titig na iyon. Hindi niya mabasa kung anong emosyon ang mayroon sa mga mata nito nang mga oras na iyon dahil hindi rito nakatuon ang atensyon niya, subalit ang kahit ganoon ay ramdam pa rin n
‘She seemed genuine with the kids.’ pasiya ni Garreth base sa parte ng usapan na narinig niya.Hindi nga lang siya sigurado kung hindi iyon isang palabas lamang dahil naroroon siya. Kailangan pa rin niyang makasiguro rito.Kung siya ang papipiliin, mas gusto niya na lumaki ang mga anak sa isang kumpletong pamilya… hindi tulad ng naranasan niya. He was willing to play the part of a good husband just so he could become the best father for them. But first, he needs to find a wife to be their mother. Alam niyang ang pinakaangkop na kandidato para maging mabuting ina ng mga ito ay walang iba kundi ang mismong biological mother nila.Kung magagawa nitong mapanatili ang pagiging mabuting ina ay handa siyang balatuhan nang malaki mula sa kanyang yaman.
Chapter 70: Did Not Work OUt"Ang babaeng ito…' Nagtagis ang mga ngipin ni Garreth nang tila nakalimutan na ni Ellaine ang presensiya niya at nang mahalata niyang wala itong balak na ipakilala siya sa mga bata.Nakuyom niya ang kanina pa pinagpapawisang mga kamao. Pinagmasdan niya uli ang kanyang mga anak na nasa iisang kwarto lang niya. They're so… small.He didn't expect that almost five-year- olds were that small… or fragile-looking. Pakiramdam niya ay kailangan nila ng ibayong proteksyon laban sa kalupitan ng mundo. Napalunok siya.Sumikdi muli ang kaba-- isang emosyong bihira lamang niyang maramdaman, sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang maitaniysa sarili: Kay
Inaatake si Ellaine nang matinding guilt nang sila na lamang ng Villain ang muling natitira sa kuwarto. Napilit niyang pasamahin ang mga bata kay Aubrey upang bumili sila ng pananghalian. Binilinan din iya itong dalhin ang tatlo sa playground ng ospital sa bandang pediatric area para naman kahit papaano ay mabawasan ang stress ng mga ito na dala ng mga nangyari.Pasimpleng sinusulyapan ni Ellaine ang Villain mula sa gilid ng kanyang nga mata upang matantiya ito.The silence was heavy, kaya hindi niya napigilang basagin iyon. "I told you so," ga-lamok na boses niyang bulong sa pag-aakalang hindi iyon maririnig ng Villain."I told you so"-- because she was right that they needed preparation, kahit na ang tunay dahilan kung bakit