All Chapters of Marriage For Convenience (Taglish): Chapter 81 - Chapter 90

104 Chapters

Chapter 81 - Mas gusto ko ang ganito

Hindi pa rin kinikibo ni Steph ang mister simula ng dumating ito sa mansion ng kanyang mga lolo hanggang sa matapos ang kanyang pagbabantay sa inihaw ay umiiwas pa rin siya sa asawa. Nagtungo siya sa kusina at doon naman ay naghain na ng kanilang kakainin sa tanghalian ang hindi niya namamalayang sinundan pala siya ng kanyang mister. “Hanggang kailan mo ako hindi kakausapin?” Nagulat siya nang marinig ang boses ng kanyang mister, hindi siya nagpahalata na nagulat siya dito at hindi rin niya ito nilingon. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang ginagawa. Ayaw ni Steph na umabot pa sa sumbatan ang kanilang pag-uusap, pinipilit na lamang niya na ayos lang ang lahat sa kanila kahit ang totoo ay sobrang nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng kanyang mister. Masakit ito pero kailangan niyang magpakatatag at isawalang bahala na lang ang presensya nito dahil hindi niya ito pwedeng awayin sa lugar na ito dahil ayaw niyang mag-
Read more

Chapter 82 - It's my fault again

 Nakabalik nang muli si Stephanie sa tirahan nilang mag-asawa at wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang mister na umuwi. Isang tanghali, nagising si Steph na abala si Elise sa pagluluto sa kusina. Naglakad siya patungo roon para uminom ng tubig, “would you like me to help you?” Napipilitan niyang tanong sa dalaga, nagulat si Steph ng makita ang umaangat na takip ng kaserola dahil sa pagkulo kaya’t hindi siya nakapag-isip ng matino at hinawakan niya ang takip ngunit hindi pa man matagal ang pagkakahawak niya ay nabitawan niya ang takip sa sahig habang si Elise naman ay malakas na napasigaw. Mabilis namang kumaripas ng takbo si Caspian ng marinig ang sigaw ni Elise, nagulat si Steph ng biglang sumulpot ang kanyang mister at nilagpasan lamang siya upang tingnan ang kalagayan ni Elise. “Anong nangyari sa’yo?” tanong nito ng may pag-alala. “I cut
Read more

Chapter 83 - I love her for who she is

 “Caspian’s POV”“When do you plan to move back to your house?” nagkalakas na rin ako ng loob na itanong ang tanong na matagal ko ng pinipilit itago sa aking sarili. Sobrang naba-bother na ako dahil sa patuloy na pag-stay niya rito, ayokong siya ang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng relasyon namin ni Steph. Gusto kong hayaan na lang na kami ni Steph ang tumapos ng kung anong meron kami ngayon. I don’t want to drag anybody in my problem, alam ko rin na kaya mas pinili niyang sa bahay ko makituloy ay dahil meron siyang pagtingin sa akin noon pa lamang. Sinadya ko talagang patuluyin muna siya dito para palayuin ang loob ni Steph sakin at ngayong nagtagumpay na ako sa plano ko ay kailangan ko na siyang pabalikin sa kanila o manatili sa hotel dahil ayokong masira ang pagtingin ko sa kanya dahil sa mga kasinungalingan niya. Alam kong hindi kasalanan ng misis ko ang nangyaring pagkahiwa
Read more

Chapter 84 - Hindi ko isusuko

 Another week had passed. Nanatili pa rin na nakatira si Elise kasama ng mag-asawa sa iisang bahay at walang makapipigil sa kanyang mga plano, hindi niya balak tumigil hanggang hindi siya nagtatagumpay sa kanyang nais na maagaw si Caspian mula sa misis nito. Inis na inis si Steph sa kilos ng babae sa loob ng kanilang pamamahay na para bang siya ang misis ni Caspian, sa lahat ng gawaing bahay ay mahusay si Elise lalo na sa pagluluto ng kanilang pagkain sa buong maghapon sa araw-araw. Wala namang magawa si Steph at ni hindi rin niya plinanong pigilan ang dalaga sa ginagawa nito dahil alam niyang siya na naman ang magiging mali sa mata ng kanyang asawa. Sawang-sawa ni Steph sa kakatiyaga niyang panuorin ang kalambingan nitong si Elise sa kanyang asawa kaya naman sa labas na lang siya kumakain para makaiwas sa dalawa. Sa mga nakalipas na araw ay hindi pa rin nagkikibuan ang mag-asawa at kung magkasalubong man sila ng harapan ay si S
Read more

Chapter 85 - B-buntis ang asawa ko?

 Ala-una ng madaling araw nang mapagpasiyahan ni Steph na umuwi na sa kanila matapos ang ilang oras niyang pakikipagpaliwanagan sa kanyang isipan. Hindi niya nais magpatalo sa isang babaeng ngayon lamang dumating sa buhay nila kahit pa kapalit nito ang matinding sakit na kanyang iindahin. “It’s fine, magiging okay rin ang lahat, magiging okay rin ako. Pipilitin kong buuin ito kahit ang sakit-sakit na, pipilitin kong lumaban kahit walang pag-asa. Pipilitin ko hangga’t makakaya ko,” paulit-ulit niyang bulong sa kanyang sarili habang binabaybay ang daan pabalik sa kanila. Marahan siyang pumasok sa loob upang wag magising ang mga tao sa loob at dahan-dahang umakyat ng hagdan ngunit napahinto siya sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad nang masaksihan niya si Elise na pumasok sa kwarto ng kanyang asawa saka isinara ang pinto. Nanatili siya sa hagdan at hinintay ang paglabas ng dalaga ngunit
Read more

Chapter 86 - Ang exploration ni Ivan

 “Ma’am, dad. Patawarin niyo po ako pero hindi ko po alam ang nangyari sa kanya, natagpuan ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig at walang malay.” “Paanong wala kang alam? Hindi ba’t sa bahay mo ikaw natulog? Paanong hindi mo man lang nalaman na napahamak ang anak ko?” Tanong ni Mijares sa kanya, piniit naman agad ng donya ang galit ng asawa, “Mijares, walang may gusto ng nangyari kaya hindi natin dapat ipasa ang sisi kay Caspian,” malumanay na sabi ng donya. “I don’t believe na basta mahuhulog ang aking anak sa hagdan pwera na lang kung may sumadya talagang mahulog siya mula roon,” mabigat na paratang ng Don. Hindi maiwasan ni Caspian na mapaisip na baka may kinalaman si Elise sa pagkahulog ng kanyang asawa mula roon. “Wag kang magsalita ng ganyan, baka naman nadulas lang ang anak natin kaya ganyan ang nangyari sa kanya ngayon,&rdqu
Read more

Chapter 87 - Ang masakit na katotohanan

 Hindi umuuwi si Caspian ng bahay at walang ginawa kung hindi magbantay lamang sa kanyang misis na nakaratay at wala pa ring malay limang araw na ang nakakaraan, kapag tapos na ang visiting hours ay lumalabas lamang siya ng ospital at sa kotse niyang nakaparada sa labas nagpapalipas ng oras hanggang sa pwede na uling bumisita sa kanyang misis. Ito ang naging routine niya simula ng maisugod sa ospital ang kanyang asawa kahit pa pagod na siya ay hindi siya sumusuko sa pagbabantay sa kanyang misis. Nang oras na muli ng pagbisita ay nagtungo siyang muli sa loob at doon sa silya naupo kaharap ng kanyang misis, hinawakan niya ang malambot nitong palad. “Wake up, darling. Patawarin mo sana ako dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ka. Pinapangako ko sayo na simula ngayong ay hindi ka na masasaktan pa basta gumising ka lang, please,” nagmamakaawa niyang sabi habang umiiyak. Labis ang kanyang pag-a
Read more

Chapter 88 - Ako na pala ngayon ang rude

 “Steph’s POV”Kinuyom ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim, sobrang sakit ng aking nararamdaman matapos kong malaman na buntis pala ako at namatay ang aking anak dahil sa pagtulak sakin ni Elise sa hagdan. Pinatay niya ang anak ko! Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha sa aking mga pisngi, naninikip ang aking dibdib sa galit at napuno ako ng pagdadalamhati. Kasalanan niya ang lahat ng ito, pinatay niya ang anak ko… Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. “Sweetie, can you tell me what happened to you that day? Why did you fall on the stairs?” I look up at him and stared at him seriously, nabakas ko sa mukha ni Luigi ang pag-alala and I can tell na alam niyang hindi aksidente lamang ang nangyari sa akin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha and I can’t even say a word to him during this time kaya wala siyang nagaw
Read more

Chapter 89 - Pag amin sa kasalanan

 Halos mapunit ang papel sa pagkakahawak ni Steph sa divorce paper na ipinrisinta sa kanya ni Caspian, matagal bago siya maka-react sa eksenang ito ngunit maraming posibilidad ang pumasok sa isipan niya. Binitiwan niya ang papel at pinanuod itong marahang bumagsak sa sahig, muli niyang binaling ang kanyang paningin sa asawa. She stared at him with full of anger at parang diring-diri na nakikita niya ito, “magaling! You are well prepared! Pinili mong hiwalayan ako dahil hindi mo ako kayang protektahan at tanggapin ang katotohanan. Oo nga naman, how can you protect someone you don’t love?! Mahirap talaga yun,” she said shifting her eyes away from him na parang nanunuya. “Kung hindi kita mahal, tingin mo ba magpapatali ako sayo?!” tanong nito pabalik sa kanya. “Stop saying bullshit, Caspian! We both know na we don’t love each other from the very start at napilitan lang
Read more

Chapter 90 - Ang pagkawala ni lolo

“Lolo Pacito! May importanteng bagay po kayong dapat malaman!” Sigaw ni Brenda sa labas ng mansyon ng bahay ng kanyang lolo. Dali-daling lumabas ang kagigising lang na matanda sa labas ng kanyang mansyon at hinarap ang nagpapanic niyang apo. “Oh, Brenda! Anong sinisigaw mo riyan?” tanong nito. Nandudulat sa laki ang mga mata ni Brenda at humihingal pa dahil sa mahabang pananakbo niya matuntun lang agad ang kanyang lolo para makapagsumbong sa kanyang nalaman tungkol sa pinsan niyang paborito ng kanyang lolo. “Lolo, wag po sana kayong mabibigla pero namatayan ng anak si Steph at dahil yun sa kerida ng asawa niya na hinayaan lamang niyang tumira sa loob ng pamamahay nila kahit alam niya!” Diretsahang sumbong ni Brenda sa lolo niya. Napahawak sa kaliwang dibdib ang matanda at halos mawalan ng malay sa gulat, “ano? Nagkaroon ng miscarriage ba
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status