“Steph’s POV”
Kinuyom ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim, sobrang sakit ng aking nararamdaman matapos kong malaman na buntis pala ako at namatay ang aking anak dahil sa pagtulak sakin ni Elise sa hagdan. Pinatay niya ang anak ko!
Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha sa aking mga pisngi, naninikip ang aking dibdib sa galit at napuno ako ng pagdadalamhati.
Kasalanan niya ang lahat ng ito, pinatay niya ang anak ko… Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.
“Sweetie, can you tell me what happened to you that day? Why did you fall on the stairs?”
I look up at him and stared at him seriously, nabakas ko sa mukha ni Luigi ang pag-alala and I can tell na alam niyang hindi aksidente lamang ang nangyari sa akin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha and I can’t even say a word to him during this time kaya wala siyang nagaw
Halos mapunit ang papel sa pagkakahawak ni Steph sa divorce paper na ipinrisinta sa kanya ni Caspian, matagal bago siya maka-react sa eksenang ito ngunit maraming posibilidad ang pumasok sa isipan niya. Binitiwan niya ang papel at pinanuod itong marahang bumagsak sa sahig, muli niyang binaling ang kanyang paningin sa asawa.She stared at him with full of anger at parang diring-diri na nakikita niya ito, “magaling! You are well prepared! Pinili mong hiwalayan ako dahil hindi mo ako kayang protektahan at tanggapin ang katotohanan. Oo nga naman, how can you protect someone you don’t love?! Mahirap talaga yun,” she said shifting her eyes away from him na parang nanunuya.“Kung hindi kita mahal, tingin mo ba magpapatali ako sayo?!” tanong nito pabalik sa kanya.“Stop saying bullshit, Caspian! We both know na we don’t love each other from the very start at napilitan lang
“Lolo Pacito! May importanteng bagay po kayong dapat malaman!” Sigaw ni Brenda sa labas ng mansyon ng bahay ng kanyang lolo.Dali-daling lumabas ang kagigising lang na matanda sa labas ng kanyang mansyon at hinarap ang nagpapanic niyang apo.“Oh, Brenda! Anong sinisigaw mo riyan?” tanong nito.Nandudulat sa laki ang mga mata ni Brenda at humihingal pa dahil sa mahabang pananakbo niya matuntun lang agad ang kanyang lolo para makapagsumbong sa kanyang nalaman tungkol sa pinsan niyang paborito ng kanyang lolo.“Lolo, wag po sana kayong mabibigla pero namatayan ng anak si Steph at dahil yun sa kerida ng asawa niya na hinayaan lamang niyang tumira sa loob ng pamamahay nila kahit alam niya!” Diretsahang sumbong ni Brenda sa lolo niya.Napahawak sa kaliwang dibdib ang matanda at halos mawalan ng malay sa gulat, “ano? Nagkaroon ng miscarriage ba
“K—asi kinausap ko si lolo tung-kol sa’yo—”Hindi pa man tapos magpaliwanag si Brenda ay nag-alburuto na agad sa galit ang kanyang pinsan at binigyan siya ng isang malakas na sampal sa pisngi.“Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa inggit mo sa akin ay aabot sa ganitong sitwasyon at IKAW,” idinuro ni Steph ang pinsan, “ikaw ang dahilan ng pagkawala ng ating lolo.”Humagulgol ng iyak sina Steph at Brenda, sinubukan ni Brenda na lapitan ang pinsan at hinaplos ang likod nito. “Nag-aalala lamang ako sa kalagayan mo and I tried to explain it to him ang sitwasyon mo but you know what, he didn’t get mad at you instead he told me to take care and guide you,” nagsisisi niyang pag-amin sa pinsan.Lalong tumindi ang pag-iyak ni Steph dahil sa kanyang nalaman, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang maling desisyon sa pagpapakasal
Limang araw ang lumipas mula ng mailibing ng matiwasay ang lolo nila Steph, nagbalik na sila sa kani-kanilang buhay.Napagpasiyahan na ni Steph na ipagpatuloy ang pagtulong sa kaniyang mga pinsan sa proyekto nila sa kumpanya ngunit hindi pa rin niya binitawan ang nais ng kanyang puso at yun ay ang pagmomodelo!Sariwa pa at masakit ang sugat na dulot sa kanya ng nakaraan ngunit kailangan niyang mabuhay at magpatuloy kaya nagmadali siyang simulan ang pagtulong para hindi tuluyang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya. At sa pagtutulungan nila sa loob ng dalawang linggo ay muling umangat ang kanilang negosyo matapos magpa-fund raising ang mga magpipinsan.Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin si Caspian sa pag-aabang sa kanya para makausap siya ngunit hindi niya nilalabas ang lalaki.Isang hapon ay kinatok ang kwarto ni Steph ng kanyang ina, “Steph! Anak! Nasa baba ang mister mo!” Nar
Kinahapunan ng araw din na umalis si Steph ay siya namang dating muli ni Caspian para hanapin ang kanyang misis.Pinindot niya ang doorbell, makalipas ang limang minuto ay pinagbuksan siya agad ng gate at bumungad sa kanyang harapan ang galit na si Don Mijares.“Ma-magandang hapon po, Pa,” kinakabahang bati niya.“H’wag mo akong tawaging papa! Wala kang karapatang tawagin akong ganun matapos mong saktan ang unica hija ko!” Bulyaw nito sa kanya.“H—hindi ko po sinasadyang saktan siya…” Pagdadahilan niya, umakyat ang init ng dugo ng Don sa kanyang ulo at binigyan ng isang malakas na suntok ito sa mukha na ikinasandal niya sa tabi ng kanyang kotse ngunit hindi siya lumaban, muli siyang sinapak ng Don ng isa pa.“Honey! Anong ginagawa mo?!” Tili ni Belinda nang masaksihan niya ang pananakit na ginagawa ng kanyang asaw
Makalipas ang anim na buwan ay nakapagtapos na ang mga trainees na hawak nila Caspian.Nag-angat ng ulo si Caspian sa loob ng kanyang opisina nang marinig niya ang katok na nagmumula sa pintuan."Anong kailangan mo?" walang ganang tanong ni Caspian nang bumungad sa kanya ang pinsan ng kanyang asawa na si Mike.Mike showed the magazines that he carry at ipinatong sa ibabaw ng desk ng kernel, "take it. Baka namimiss mo na siya," sabi nito.Tikom ang bibig ni Caspian at nagsawalang kibo na para bang walang pakialam sa sinasabi ni Mike but deep inside his heart ay sabik na sabik siyang tingnan ang mga larawan ng kanyang misis sa bawat pahina ng magasin ngunit pinipigil lamang niya ang kanyang sarili."Kung wala namang halaga ang pagpunta mo sa opisina ko, makakaalis ka na," malamig niyang sabi.Napamangha si Mike sa nakitang ekspresyon ng mukha nito
Bumalik ng wala sa sarili si Ivan, pulang-pula ang mga mata, lugmok at malungkot ang awra na parang ayaw man lang bumati ng kahit sinong madaanan.Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan sa gate, “bok, anong meron sa inyo ni Beatriz?” usyoso ni Jerome.Tahimik lamang si Ivan at walang kibo, nilagpasan niya ang kanyang mga kaibigan at nagpatuloy sa paglakad.“Anong problema nun?” tanong ni Jerome sa kaniyang mga kaibigan. Nagkibit balikat lang si Brent sa kanya, nagtinginan sila sa isa’t-isa na parang nagkakaintindihan ng usap ng nila. Ilang sandali pa ay hinabol nila ang kaibigan at umakbay si Lawrence ng maabutan si Ivan.“Bok, anong problema natin? Bakit parang malungkot ka?” tanong nito, nilingon lamang siya nito at hindi kinibo.Sinenyasan ni Lawrence ang dalawa na wala pa rin siyang nakukuhang response mula rito.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban