Ala-una ng madaling araw nang mapagpasiyahan ni Steph na umuwi na sa kanila matapos ang ilang oras niyang pakikipagpaliwanagan sa kanyang isipan. Hindi niya nais magpatalo sa isang babaeng ngayon lamang dumating sa buhay nila kahit pa kapalit nito ang matinding sakit na kanyang iindahin.
“It’s fine, magiging okay rin ang lahat, magiging okay rin ako. Pipilitin kong buuin ito kahit ang sakit-sakit na, pipilitin kong lumaban kahit walang pag-asa. Pipilitin ko hangga’t makakaya ko,” paulit-ulit niyang bulong sa kanyang sarili habang binabaybay ang daan pabalik sa kanila.
Marahan siyang pumasok sa loob upang wag magising ang mga tao sa loob at dahan-dahang umakyat ng hagdan ngunit napahinto siya sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad nang masaksihan niya si Elise na pumasok sa kwarto ng kanyang asawa saka isinara ang pinto.
Nanatili siya sa hagdan at hinintay ang paglabas ng dalaga ngunit
“Ma’am, dad. Patawarin niyo po ako pero hindi ko po alam ang nangyari sa kanya, natagpuan ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig at walang malay.”“Paanong wala kang alam? Hindi ba’t sa bahay mo ikaw natulog? Paanong hindi mo man lang nalaman na napahamak ang anak ko?” Tanong ni Mijares sa kanya, piniit naman agad ng donya ang galit ng asawa, “Mijares, walang may gusto ng nangyari kaya hindi natin dapat ipasa ang sisi kay Caspian,” malumanay na sabi ng donya.“I don’t believe na basta mahuhulog ang aking anak sa hagdan pwera na lang kung may sumadya talagang mahulog siya mula roon,” mabigat na paratang ng Don. Hindi maiwasan ni Caspian na mapaisip na baka may kinalaman si Elise sa pagkahulog ng kanyang asawa mula roon.“Wag kang magsalita ng ganyan, baka naman nadulas lang ang anak natin kaya ganyan ang nangyari sa kanya ngayon,&rdqu
Hindi umuuwi si Caspian ng bahay at walang ginawa kung hindi magbantay lamang sa kanyang misis na nakaratay at wala pa ring malay limang araw na ang nakakaraan, kapag tapos na ang visiting hours ay lumalabas lamang siya ng ospital at sa kotse niyang nakaparada sa labas nagpapalipas ng oras hanggang sa pwede na uling bumisita sa kanyang misis. Ito ang naging routine niya simula ng maisugod sa ospital ang kanyang asawa kahit pa pagod na siya ay hindi siya sumusuko sa pagbabantay sa kanyang misis.Nang oras na muli ng pagbisita ay nagtungo siyang muli sa loob at doon sa silya naupo kaharap ng kanyang misis, hinawakan niya ang malambot nitong palad.“Wake up, darling. Patawarin mo sana ako dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ka. Pinapangako ko sayo na simula ngayong ay hindi ka na masasaktan pa basta gumising ka lang, please,” nagmamakaawa niyang sabi habang umiiyak.Labis ang kanyang pag-a
“Steph’s POV”Kinuyom ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim, sobrang sakit ng aking nararamdaman matapos kong malaman na buntis pala ako at namatay ang aking anak dahil sa pagtulak sakin ni Elise sa hagdan. Pinatay niya ang anak ko!Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha sa aking mga pisngi, naninikip ang aking dibdib sa galit at napuno ako ng pagdadalamhati.Kasalanan niya ang lahat ng ito, pinatay niya ang anak ko… Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.“Sweetie, can you tell me what happened to you that day? Why did you fall on the stairs?”I look up at him and stared at him seriously, nabakas ko sa mukha ni Luigi ang pag-alala and I can tell na alam niyang hindi aksidente lamang ang nangyari sa akin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha and I can’t even say a word to him during this time kaya wala siyang nagaw
Halos mapunit ang papel sa pagkakahawak ni Steph sa divorce paper na ipinrisinta sa kanya ni Caspian, matagal bago siya maka-react sa eksenang ito ngunit maraming posibilidad ang pumasok sa isipan niya. Binitiwan niya ang papel at pinanuod itong marahang bumagsak sa sahig, muli niyang binaling ang kanyang paningin sa asawa.She stared at him with full of anger at parang diring-diri na nakikita niya ito, “magaling! You are well prepared! Pinili mong hiwalayan ako dahil hindi mo ako kayang protektahan at tanggapin ang katotohanan. Oo nga naman, how can you protect someone you don’t love?! Mahirap talaga yun,” she said shifting her eyes away from him na parang nanunuya.“Kung hindi kita mahal, tingin mo ba magpapatali ako sayo?!” tanong nito pabalik sa kanya.“Stop saying bullshit, Caspian! We both know na we don’t love each other from the very start at napilitan lang
“Lolo Pacito! May importanteng bagay po kayong dapat malaman!” Sigaw ni Brenda sa labas ng mansyon ng bahay ng kanyang lolo.Dali-daling lumabas ang kagigising lang na matanda sa labas ng kanyang mansyon at hinarap ang nagpapanic niyang apo.“Oh, Brenda! Anong sinisigaw mo riyan?” tanong nito.Nandudulat sa laki ang mga mata ni Brenda at humihingal pa dahil sa mahabang pananakbo niya matuntun lang agad ang kanyang lolo para makapagsumbong sa kanyang nalaman tungkol sa pinsan niyang paborito ng kanyang lolo.“Lolo, wag po sana kayong mabibigla pero namatayan ng anak si Steph at dahil yun sa kerida ng asawa niya na hinayaan lamang niyang tumira sa loob ng pamamahay nila kahit alam niya!” Diretsahang sumbong ni Brenda sa lolo niya.Napahawak sa kaliwang dibdib ang matanda at halos mawalan ng malay sa gulat, “ano? Nagkaroon ng miscarriage ba
“K—asi kinausap ko si lolo tung-kol sa’yo—”Hindi pa man tapos magpaliwanag si Brenda ay nag-alburuto na agad sa galit ang kanyang pinsan at binigyan siya ng isang malakas na sampal sa pisngi.“Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa inggit mo sa akin ay aabot sa ganitong sitwasyon at IKAW,” idinuro ni Steph ang pinsan, “ikaw ang dahilan ng pagkawala ng ating lolo.”Humagulgol ng iyak sina Steph at Brenda, sinubukan ni Brenda na lapitan ang pinsan at hinaplos ang likod nito. “Nag-aalala lamang ako sa kalagayan mo and I tried to explain it to him ang sitwasyon mo but you know what, he didn’t get mad at you instead he told me to take care and guide you,” nagsisisi niyang pag-amin sa pinsan.Lalong tumindi ang pag-iyak ni Steph dahil sa kanyang nalaman, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang maling desisyon sa pagpapakasal
Limang araw ang lumipas mula ng mailibing ng matiwasay ang lolo nila Steph, nagbalik na sila sa kani-kanilang buhay.Napagpasiyahan na ni Steph na ipagpatuloy ang pagtulong sa kaniyang mga pinsan sa proyekto nila sa kumpanya ngunit hindi pa rin niya binitawan ang nais ng kanyang puso at yun ay ang pagmomodelo!Sariwa pa at masakit ang sugat na dulot sa kanya ng nakaraan ngunit kailangan niyang mabuhay at magpatuloy kaya nagmadali siyang simulan ang pagtulong para hindi tuluyang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya. At sa pagtutulungan nila sa loob ng dalawang linggo ay muling umangat ang kanilang negosyo matapos magpa-fund raising ang mga magpipinsan.Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin si Caspian sa pag-aabang sa kanya para makausap siya ngunit hindi niya nilalabas ang lalaki.Isang hapon ay kinatok ang kwarto ni Steph ng kanyang ina, “Steph! Anak! Nasa baba ang mister mo!” Nar
Kinahapunan ng araw din na umalis si Steph ay siya namang dating muli ni Caspian para hanapin ang kanyang misis.Pinindot niya ang doorbell, makalipas ang limang minuto ay pinagbuksan siya agad ng gate at bumungad sa kanyang harapan ang galit na si Don Mijares.“Ma-magandang hapon po, Pa,” kinakabahang bati niya.“H’wag mo akong tawaging papa! Wala kang karapatang tawagin akong ganun matapos mong saktan ang unica hija ko!” Bulyaw nito sa kanya.“H—hindi ko po sinasadyang saktan siya…” Pagdadahilan niya, umakyat ang init ng dugo ng Don sa kanyang ulo at binigyan ng isang malakas na suntok ito sa mukha na ikinasandal niya sa tabi ng kanyang kotse ngunit hindi siya lumaban, muli siyang sinapak ng Don ng isa pa.“Honey! Anong ginagawa mo?!” Tili ni Belinda nang masaksihan niya ang pananakit na ginagawa ng kanyang asaw